Friday, February 26, 2021

TO THE MAN WHO'S UNDER THE SAME MOON BUT FAR AWAY FROM ME

"How can I move on, when I’m still in love with you?"

I wanna send that lyrics to you. But I’m afraid. And I know that your answer will be, "I’m sorry."
You already told me the things that I wanted to know. You're still into her. You like her. You really do. And I understand that, she's been your crush for a long time.
I just want you to know, that I’m always here. Even if I didn't reply to your last message. Just tell me if you need someone to talk to. Just tell me your chikas. I missed your voice. But I guess, I won't hear it again. And for me, you'll always be the cutest cyclist. Pag-isipan mo na rin ang gusto mo ha. If mag-te-teacher ka ba or mag-pa-pari. Ipagpatuloy mo lang ’yung pag-se-serve mo kay God. I'm always hoping, that one day, we'll see each other on the road.
I'm sorry if my stalking skills creeped you out. You told me to stop stalking you, and I will. Tho it's hard, because you share good memes. But, love, I'm trying. In fact, I wanna deactivate my account.
Maybe now, I'm still here. Kung kailan lumalim ’yung akin, bigla kang umahon. Hindi ka man lang nag-abot ng kamay para tulungan ako. Moving on takes time. I'm not blaming you or what.
Take care always!!! At least, we're under the same moon.
T
2021
SECRET
UNKNOWN

TANGA

Kwento ko lang nangyari sa'min ng Boyfriend ko before. Gan'to kasi, nakikipag break na siya sa'kin pero hindi pa ako pumapayag and I want us to talk properly about it. I wanted to know what's the problem so ang ginawa ko, pumunta ako sa Ayala mall. Nag cutting classes ako that time, e kahit na may long quiz kami. Kita mo naman nagagawa ng pag ibig sa ibang mga teenagers, HAHAHHA! So, ayon nga pumunta ako and then hinintay ko siya mga isang oras ata. Pagdating niya, ramdam ko iyong pagka badtrip niya kasi may laro pa daw siya ng nga kaibigan niya 'non.

Ang masakit lang talaga non is that, we didn't get to talked about it kasi kaagad siyang umalis nung nagkita kami. Sinundan ko siya papunta sa exit ng Mall hanggang sa unahan sa ilalim ng bridge kung saan siya sasakay ng jeep. Kahit na anong tawag ko sa kaniya, hindi niya ako pinapansin. He even left me behind nung ni-check ng guard eong bag ko. Mukha akong aso non na sunod ng sunod sa kaniya. Lol!
At dahil Cebu City siya tas ako ay sa Mandaue nag aaral, hindi ako sumakay dun sa jeep. Malayo na, 'no tas uuwi pa ako.
I always called him habang nakasakay na siya sa jeep. Umiiyak na ako 'non tas pinagtitinginan ng ibang mga taong dumadaan. Yumuyuko nalang ako habang hinihintay siyang bumababa para kausapin ako pero di niya talaga ginawa until umandar na paalis yong Jeep.
And to tell you what, that would be the very first and last time na gagawin ko iyon. Ang mag habol. Hindi ako medyo tanga 'non kundi ay napaka tanga talaga.
My perspective about love was to give everything you've got while that person is still with you. Na ibigay lahat habang andyan pa siya at habang kayo pa para wala kang pagsisisihan sa huli. And yes, wala akong pinagsisihan sa mga Ibinigay ko sa kaniya pero pinagsisihan ko iyong mga Ginawa ko para sa kaniya. And that's what I've realized. I never love him as my Lover and as who he is, I loved him just because of how I materialized a lover would and should be. Na minahal ko lang ata siya sa isipan ko dahil siya yung kinikilala kong boyfriend at kung paano umakto iyong mga nagmamahalan. I've been infatuated so many times that I cannot tell the difference between Love and Infatuation.
The reason why I've shared this to you kasi, gusto ko lang sabihin sa inyo na we don't know the difference between "Love" and "Infatuation", so we have to decide carefully what to give and what's not to give. What to do and what's not to do with our partners in relationships.
Ps. Kung mababasa man 'to ng ex ko tas alam mo kung sino ka, Salamat nga pla sa mga binigay mo sa'kin. I just wanted you to know that maybe I love the idea of us but I never Love the truth about us. Nevertheless, I'm still thankful coz through you, I've learned another important lesson.
Aiz
2019
Unknown
CNHS

KAWKAW PA MORE

So ayun nga, nagbstart yung relationship namin ng jowa ko... ay wala pala akong jowa! At hindi pala love story yung ishashare ko sainyo HAHAHA!!!

So eto na nga, totoo na talaga to. Share ko lang sainyo yung kagagahang ginawa ko hindi pa naman matagal ang nakakalipas...
Weekend to at nagmall kami nina mama at papa. Somewhere na medyo malapit lang naman saamin. Lunch time na kami nakadating so kumain kami agad sa isang eat-all-you-can restaurant. Edi besh todo kain ang lola mo! Konti lang din kasi kinain ko nung almusal kaya bumanat talaga ako ng bongga. Siguro mga 2 hours kami kumain dun. After kumain, nag libot-libot muna kami sa mall kasi para magpatagtag dahil nga sa dami ng kinain namin. Habang nagiikot kami, aba may nagpaparinig sa tiyan ko! Edi medyo nagpanic na ako kasi alam ko na yung feeling na yon. Di pa naman ako marunong jumebs sa cr ng mga mall lalo na pag walang bidet! Edi eto na!!! Di ko na mapigilan. Eh yung papa ko pa naman every after kakain, laging nagjejebs. Tapos biglang sabi niya, na najejebs daw siya at humingi ng tissue kay mama. Edi ako niyaya ko din mag cr si mama. Tapos nakalimutan kong humingi ng tissue kay papa! Dala niya lahat, buti nalang may natirang ilang piraso sa bag ni mama. Edi yun nalang ang dinala ko. Pumwesto ako sa pinakadulong cubicle kasi para pag nangalisaw hindi masyado kakalat. Edi yun na, nakaupo na ako sa trono ko. Dahan dahan lang ang pagbulwak kasi mangangamoy at magiingay hahahaha. Nung tapos na ako, flinush ko muna yung mga jackpot sa bowl. Tapos bigla kong naisip yung sinabi saakin ni papa dati. Tinanong ko kasi siya, pa pano ka naghuhugas pagka nagbabawas ka sa mall? Sabi niya yung tubig daw sa bowl kinukuha niya tapos yun ang pinanghuhugas niya. Sabi ko, "eh para saan yung tissue?" Sabi niya, pag tapos na daw yun kasi diba basa yung pwet mo pagkahugas mo dun sa tubig ng bowl. Sabi ko, ahhh kaya pala konti lang nababawas sa tissue pag gumagamit ka. Edi sis, nasa ganung point ako ngayon ng buhay ko ano!! Edi sabi ko ah sige, mag kakawkaw nalang ako ng tubig dito sa bowl. Nung una, nangdidiri pa ako kasi iniisip ko kung tama ba tong gagawin ko. Eh since mahal ko si papa at naniniwala ako sa mga sinasabi niya, ginawa ko. Hahahahaha, oo kumuha ako ng tubig sa bowl tapos yun ang pinanghugas ko sa pwet ko! Hahahahaha!! Di ko alam kung matatawa ba ako o mandidiri nung time na yun eh, basta sabi ko kailangan kong makapaghugas. Kalaunan, naging successful naman na at nakalabas na ako sa lungga. Yung tissue na bigay ni mama pinangpunas ko lang ng kamay. Hahahaha!!
Ff, pagkauwi namin, naaalala ko pa rin yung ginawa ko. So tinanong ko si papa,
"Pa di ba sabi mo pag najejebs ka sa mall, yung ipanghuhugas yung tubig sa bowl?"
Aba laking gulat ko nung tumingin sakin si papa ng nandidiri at biglang tumawa. Sabay sabi,
"Hindi aba! Baliw ka ba nakakadiri yun. Ang dumi dumi ng bowl eh, tapos may kung anong kemikal yun na mayroon don."
Nagulantang ako sis. Sabi ko, "aba diba sabi mo nung nakaraan yun ang gagamitin????" Sabi niya, "Bakit ginawa mo ba? Sabi ko, "oo kanina!!! Naalala ko kasi yung sinabi mo kaya triny ko kanina."
Tumawa ng malakas si papa sabay sabi, "nakakadiri ka! Naniwala ka naman! Syempre joke lang yun, eto talaga hindi nagiisip. Maghugas ka don ng kamay ng isang oras ng mawala yang germs sa kamay mo! Isama mo na rin yung pwet mo! Kadiri kang bata ka! ...""
So ayun guys, lesson learned. Di lahat ng sinasabi ng tatay niyo totoo. At wag niyo kong gagayahin, wag kayong mag kakawkaw ng tubig sa bowl para ipanghugas.
Meng
SHS
STEM
UST

Wednesday, February 10, 2021

SAIL THE SEVEN SEAS, OUR CAPTAIN

"Ayaw mo nun? Kapag nandito ka na, may mag aalaga sa'yo?"

"Pag gusto mo ng pagkain, ako bahala sa'yo. Tas sa mga atra atraso."
"Chill ka lang ako bahala sa'yo."
"Magkikita pa tayo dito kaya kailangan mo talaga ipasa yan. Hmp. Countin on u."
PUSANG GALA! SINONG DI KIKILIGIN DYAN HA? Nakakaloka naman kasi diba. Akalain mo yon. Sa time na walang naniniwala sa akin, kahit ako mismo non wala ng tiwala sa sarili ko, biglang may tao na maniniwala sa'yo? Sabi ko pa sakanya non, sana maging cadet rin ako tulad mo.. Alam niyo sagot niya? "You will be I promise."
Grabe. Grabe lang talaga yung kilig ko na umaabot ng kabilang isla. Oh pero chill lang ako itago nalang muna natin siya sa pangalang Capt. Susme mars. Binuhay niya yung katawang lupa ko. Di ko maipaliwang pero kapag nagnonotif sakin na nagmessage siya, parang aatakihin ako sa sobrang kaba at excitement. Tapos kapag magkachat na kami, yung ngisi ko di ko talaga matanggal. Sumasakit tuloy yung panga ko.
Sa totoo lang, di ko talaga inexpect na ganito mafefeel ko for him kasi nga we were schoolmates since Junior High School for 3 years kasi a year ahead siya sa akin. Pero that time, wala talaga akong pakelam sakanya kasi hello may jowa siya dati tapos madami rin akong mga classmates na nagkakagusto sa kanya tapos ewan ko basta di siya attractive sa paningin ko dati tapos ngayon bakla sobrang makita ko palang pangalan niya, nagiging x100 na agad energy ko.
Oh fast forward, mutuals kami sa lahat ng social media accounts namin. Tapos wala pa rin akong pakelam sakanya niyan kasi masyado tayong maganda not until nakita ko na nag aaral pala siya sa dream school ko sh*ta. So syempre dream school ko na yon, tapos ngayon mag eentrance exam na ako doon so minabuti ko nalang din na magtanong tanong sakanya.
Hindi ko naman din inexpect na katagalan magkakagusto ako sakanya aba. Putek sino ba namang hindi? Grabe yung mindset niya. Tapos sobra talagang inaalalayan niya ako ganern. Isipin niyo ha. Nag aaral siya sa isang premiere maritime institution tapos bawal yang mga gadgets na yan pero nagchachat kami lagi? Tamang take life pa nga.
Pero ayun nga. Alam ko naman na dapat magfocus talaga ako sa pag aaral at exams ko. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakafeel ng ganito. Hindi ko alam kung love ba tong nafefeel ko para sakanya pero wala akong ibang gusto kundi yung makita siyang masaya, peaceful at safe. Kasali na nga siya sa prayers ko araw araw eh. Gusto ko kasi na mas ingatan pa siya ni Lord doon kasi nga may idea naman ako on how difficult yung life sa loob.
Basta wala akong hinihinging kapalit sakanya. Hindi niya kailangang suklian yung feelings ko para sakanya kasi ewan ko ba pero contented na ako sa ganito lang na okay kami as friends. Sobrang thankful lang rin ako sakanya kasi ang ganda ng epekto niya sa akin. He motivates me and inspires me to become the better version of myself. He supports my dreams as he chase his and I think that's the best part.
Kaya our Captain, sail the seven seas! I am always praying for your success. Always know that you have me okay? Wait mo na din ako nang matuloy na tong lovestory natin charot 1/2 HAHAHAHAHA
P.S LANDI RESPONSIBLY AND PATAWANIN KO LANG SYA NG PATAWANIN HANGGANG MAFALL. DI KO SURE KUNG EFFECTIVE YUNG MAPATAWA SYA , PERO BABALITAAN KO NALANG KAYO HAHAHA
YOUR CHIEF
20**
STEM
UNKNOWN

CONSISTENCY & UNDERSTANDING

“Nothing feels better when your man knows his consistency.”

Gusto ko lang i-share dito kung paano ko na a'appreciate ng sobra yung ginawa ng bf ko. Today is the 3rd day na sobrang busy ng jowa ko dahil sa ikakasal na yung pinsan nya bukas. Since Wednesday night ay wala na sya dito sa city sa kadahilanang umuwi muna sya sa south part ng lugar namin. And just today (Friday), he really took his time to visit me in our house knowing na hindi maganda yung weather ngayon dito.
Technically, hindi kami masyadong nagkaka'usap lalo na sa chat kasi nga busy sya kasama ang family at relatives nya. And syempre, ako as his girlfriend, hindi ko made'deny na I really missed him already. Clingy kasi talaga akong tao. And though I badly want his attention and time, hindi ako nag de'demand kasi I know my place. At never ko din syang kinukulit na mag update sakin. Enough na yung mag update sya once tapos after how many hourssss of waiting e saka pa masusundan ng update. Kahit may times na gusto kong mainis but I can't kasi hindi naman ako ganun ka selfish especially that he is spending time with his family lalo na't busy sila dahil bukas na yung kasal ng pinsan niya.
So ayun, back to the main point of the story. Just awhile ago, he visited me here in our house. Bago sya pumunta dito e bigla nalang syang nagsabi sakin sa chat kanina na, "Dadaan ako saglit dyan sa inyo 😊". Alam nyo yung feeling na kahit di mo na sinasabi sa partner mo na namimiss mo na siya e alam na nya kung anong tumatakbo sa inner self mo? Sobrang nakaka happy lang sa pakiramdam na somehow, worth it din yung paghihintay mo sa time at attention nya without begging for it. It's about waiting and understanding your partner na in times of their busy scheds, you are still able to make your patience longer because you know that by the end of the day, how you‘ve waited will surely be worth it. And of course, hindi ko kinalimutan na mag thank you sakanya sa pagbisita sakin kahit sobrang busy nya and told him na I appreciate his efforts of making time for me kahit saglit lang. Kasi in that way, magiging happy din sya.
So ayun, gusto ko lang malaman nyo na in every relationship, there will be times na maiinip ka talaga or maiinis pa nga kasi di pa nag u-update yung partner nyo pero if you know how to widen your understanding especially alam mong busy sila, always learn to trust their consistency. Na kahit busy din sila e consistent pa din sila sa pag bawi sa inyo at humahanap din sila ng paraan or tsempo para makapaglaan din sila ng time at attention sa inyo. It takes two to tango afterall. Kung gusto talaga mag work out yung relationship, always maintain the consistency and understanding. Though madami pang iba na need sa isang relasyon but when it comes to time and attention, for me consistency and understanding are the two main keys para walang away at arguments. And never forget to thank them and appreciate their small efforts kasi sa ganyang paraan, sobrang napapasaya nyo na din sila. 😊
Yun lang po. Salamat sa pagbabasa. Keep safe and God bless! 🤎
Ms. ☺️
2020
Unknown
Unknown