Wednesday, February 10, 2021

SAIL THE SEVEN SEAS, OUR CAPTAIN

"Ayaw mo nun? Kapag nandito ka na, may mag aalaga sa'yo?"

"Pag gusto mo ng pagkain, ako bahala sa'yo. Tas sa mga atra atraso."
"Chill ka lang ako bahala sa'yo."
"Magkikita pa tayo dito kaya kailangan mo talaga ipasa yan. Hmp. Countin on u."
PUSANG GALA! SINONG DI KIKILIGIN DYAN HA? Nakakaloka naman kasi diba. Akalain mo yon. Sa time na walang naniniwala sa akin, kahit ako mismo non wala ng tiwala sa sarili ko, biglang may tao na maniniwala sa'yo? Sabi ko pa sakanya non, sana maging cadet rin ako tulad mo.. Alam niyo sagot niya? "You will be I promise."
Grabe. Grabe lang talaga yung kilig ko na umaabot ng kabilang isla. Oh pero chill lang ako itago nalang muna natin siya sa pangalang Capt. Susme mars. Binuhay niya yung katawang lupa ko. Di ko maipaliwang pero kapag nagnonotif sakin na nagmessage siya, parang aatakihin ako sa sobrang kaba at excitement. Tapos kapag magkachat na kami, yung ngisi ko di ko talaga matanggal. Sumasakit tuloy yung panga ko.
Sa totoo lang, di ko talaga inexpect na ganito mafefeel ko for him kasi nga we were schoolmates since Junior High School for 3 years kasi a year ahead siya sa akin. Pero that time, wala talaga akong pakelam sakanya kasi hello may jowa siya dati tapos madami rin akong mga classmates na nagkakagusto sa kanya tapos ewan ko basta di siya attractive sa paningin ko dati tapos ngayon bakla sobrang makita ko palang pangalan niya, nagiging x100 na agad energy ko.
Oh fast forward, mutuals kami sa lahat ng social media accounts namin. Tapos wala pa rin akong pakelam sakanya niyan kasi masyado tayong maganda not until nakita ko na nag aaral pala siya sa dream school ko sh*ta. So syempre dream school ko na yon, tapos ngayon mag eentrance exam na ako doon so minabuti ko nalang din na magtanong tanong sakanya.
Hindi ko naman din inexpect na katagalan magkakagusto ako sakanya aba. Putek sino ba namang hindi? Grabe yung mindset niya. Tapos sobra talagang inaalalayan niya ako ganern. Isipin niyo ha. Nag aaral siya sa isang premiere maritime institution tapos bawal yang mga gadgets na yan pero nagchachat kami lagi? Tamang take life pa nga.
Pero ayun nga. Alam ko naman na dapat magfocus talaga ako sa pag aaral at exams ko. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakafeel ng ganito. Hindi ko alam kung love ba tong nafefeel ko para sakanya pero wala akong ibang gusto kundi yung makita siyang masaya, peaceful at safe. Kasali na nga siya sa prayers ko araw araw eh. Gusto ko kasi na mas ingatan pa siya ni Lord doon kasi nga may idea naman ako on how difficult yung life sa loob.
Basta wala akong hinihinging kapalit sakanya. Hindi niya kailangang suklian yung feelings ko para sakanya kasi ewan ko ba pero contented na ako sa ganito lang na okay kami as friends. Sobrang thankful lang rin ako sakanya kasi ang ganda ng epekto niya sa akin. He motivates me and inspires me to become the better version of myself. He supports my dreams as he chase his and I think that's the best part.
Kaya our Captain, sail the seven seas! I am always praying for your success. Always know that you have me okay? Wait mo na din ako nang matuloy na tong lovestory natin charot 1/2 HAHAHAHAHA
P.S LANDI RESPONSIBLY AND PATAWANIN KO LANG SYA NG PATAWANIN HANGGANG MAFALL. DI KO SURE KUNG EFFECTIVE YUNG MAPATAWA SYA , PERO BABALITAAN KO NALANG KAYO HAHAHA
YOUR CHIEF
20**
STEM
UNKNOWN

No comments:

Post a Comment