Thursday, December 3, 2020

UTANG

So yun gusto ko lang humingi ng advise sa inyo madlang pips. Hindi naman to gaano ka big deal siguro sa iba but for me big deal to. Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa HAHAHAHHA eto na nga.

Yung byenan ko kasi may utang sakin na money. Nagkaroon kami ng mis understanding dati nung byenan ko tsaka yung isa niyan pang anak na babae so nagbukod na kami ng anak niya. May isang anak na rin kami. Gusto ko na kasi siya singilin dun sa pera na inutang niya sakin kasi need ko na talaga.
Masama bang singilin ko siya ng utang niya sakin? Alam niyo ayoko talaga siya singilin pero kasi for me, gusto ko siya matuto like lagi siya nangungutang samin ng anak niya tapos thank you na lang ganun? Baka sabihin ng iba diyan na. Eh ano naman? Nanay naman siya ng kalive in mo keme ganun.
Pero kasi guys I have history kasi sa kanya, hindi ko naman ugaling mamintang pero siya talaga suspetsiya ko na kumukuha lagi ng pera ko sa wallet ko dati nung hindi pa kami nagsasama ng anak niya. Everytime na makikitulog ako dati sa kanila pagkagising ko kinabukasan kulang na pera ko akala ko nung una namimissplace ko lang siya or nagagastos pero nasundan ulit, every rest day ko kasi sa work dati dun ako nakikitulog sa kanila.
Tapos nun one time, gusto ko na talaga malaman kung nawawalan ako or namimiss place ko lang yung pera ko. Dalawa kasi wallet ko nun yung isang wallet ko nilagyan ko ng 7k tig iisang libong buo siya, tapos nilagay ko lang sa bag ko. Tapos yung isang wallet ko yun yung tinago ko and nilagay ko sa ilalim ng unan. At yun pagkagising ko, nashock ako 6k na lang laman ng wallet ko na nasa bag ko tinago. Kami lang naman naiiwan dun lagi sa bahay kasi lahat ng kasama sa bahay e may pasok sa school at work, tinanong ko din nun yung anak niya na kalive in ko na ngayon na kung siya ang kumukuha pero hindi naman daw, naniniwala naman ako kasi kapag papasok na siya sa work gising ako, kasi ako ang gumigising sa kanya😅 at pagkaalis niya na lang ako ulit matutulog.
Tapos ngayon I'm trying na singilin siya sa utang niya pero parang ako pa ang masama at nangungulit tsaka hindi makaintindi? Hindi naman sa nanunumbat ako pero kasi parang sobra na siya? Like nung nanganak ako, siya nga ang nag aasikaso sakin nun sa Hospital, pero pagkalabas ko naningil siya ng 1k sa anak niya.
Tapos nung bininyagan yung anak ko siya ang nag luto, nag volunteer pa siya nun. Tas magrereklamo siya na wala daw siyang kinita nung araw na yun kasi siya ang nag asikaso sa binyag ng anak ko. By the way , nagtitinda kasi siya ng lutong ulam kaya ganun.
Basta everytime na may gagawin siya para samin maniningil siya at manunumbat. We didn't ask for it though. Nag vovolunteer siya, pero bakit naman ganun? Ayokong sabihin to pero mukha siyang pera. Sorry for the word pero yeah ganun siya.
Magalit na kayo sakin pero hindi niyo kasi nararanasan. Hanggang sa nagbukod nga kami gusto niya shoulder pa rin siya ng kalive in ko pagdating sa financial, may trabaho naman asawa niya at pati siya may side line. At isang anak na lang niya ang ang nag aaral.
So yun guys sorry kung napahaba, i super badly need your advice. I know admin secure naman pagkatao ko. Thankyou sa pagbabasa😊 Have a great day!
Nana
2018
HUMSS
AMA Computer Colleges

FAMILY ISSUE

Hi po.I just want to share my problem. I badly need advice. Pls hide my identity. Thankyou.

Kasal sa huwes ang mama at papa ko. 7 kami magkakapatid. Pangalawang panganay ako.
Wala Ng minor samin. Kaka 18 lang Ng bunso namin. Iniwan kami papa ko, 10y/o palang ako. Nakikitira kami sa mga kamag anak ni mama noon.
Walang sustentong binigay si papa. Basta nalang kami iniwan. Ayaw samin Ng mga kamag anak ni mama dahil siguro sobrang Dami namin. Ang hirap dahil Wala kaming sariling bahay. Nakagraduate nman kami Ng high school kahit mahirap. Nagka contact kami Kay papa pero halos 3x Lang siguro nagbigay tapus nagtago na ulit. Tinatago Rin sya Ng mga kamag anak nya samin.
Nakapagwork ako, sales lady,minsan crew. pero Wala parin kami sariling bahay. Puro upa.
Nakapag asawa nkaming 4 sa nagkakapatid. May work ako pero dahil nga sa pandemic nawalan ako Ng work. Di nako makatulong. ung iba Kong kapatid nakaasa lang po sa asawa Nila at may mga anak din.Wala kaming pambayad Ng upa. Mga 5yrs ago, nalaman namin na kinasal ulit si papa pero tinatago parin sya Ng pamilya nya. Pinabayaan namin dahil ayaw ni mama Ng gulo. Ngayon, nagka contact ulit kami kay papa. Alam na kung san sya nakatira. Nagbibigay sya sa panganay namin minsan kahit magkano. Pero hinaharang parin kami ng kapatid nya. Pero nagkasundo po kami Nila mama na ipakulong sya, since nagpakasal po sya ulit sa simbahan Ng legal at may 2 na silang anak. Dalawa po ang birth certificate nya kaya ngyari yun. 2yrs lang yata tanda sakin Ng asawa nya at balita namin, pati pamilya Ng asawa nya suportado nya. sobra sobrang insulto na samin yun. pinag aral din nya yung asawa nya hanggang college. Kung kami nga Hindi nya napag aral kahit elem man lang.
Anu po ba pwdeng ikaso sa kanya? Gusto po namin magbigay ng ultimatum na kung hindi po nya kami bibigyan ng perang pambili ng maliit na lupa at pampatayo bg maliit na bahay, ay ipapakulong na po namin sya.
Pls Sana po matulungan nyo ko.May nagsabi rin kasi na pag magfile kami ng kaso, magcocounter file po sya.Sana po matulungan nyo kami. Thanks po.
Ps. Bago pa sya nakapag asawa, pinaaral nya mga nauna nyang gf hanggang college. Hindi po makatarungan para sa iba Kong kapatid na di nakapag aral.
Pps. Wag nyo po kaming ibash na kesyo matatanda na kami. Karapatan po namin yun at responsibilidad nya samin yun. Nag aapply din kami ng trabaho pero hindi laging pabor samin ang sitwasyon. Wala kaming source of income ngayon. As in kami pong lahat magkakapatid. Sobrang hirap po ng dinanas namin mula dati at gusto kong ibigay kay mama ang para sa karapatan nya bilang legal wife. Matanda na rin po sya.
Pls Sana po matulungan nyo ko.May nagsabi rin kasi na pag magfile kami ng kaso, magcocounter file po sya.Sana po matulungan nyo kami. Thanks po.
Ate nyong Stressed, malapit Nang ma Depress 😥
2020
Unknown
Others

INUTIL

Hi admin i would like to thank in advanced if mapopost yung story ko. This might be a long story but will try my best to summarize it .
Hi! Tawagin nyo nalang ako sa pangalan na marie. College undergrad ako. Way back 2014 alam ko sa sarili ko na gusto ko maging nurse in the near future. But bfore that i took 2 courses already which I got failed multiple times kasi ayoko talaga and hindi ko linyahan ang mga numero. So going back to my story, 2018 im almost graduating but then i admit nagkamali ako ng sobra. Naging happy go lucky student ako during my lower yrs in college . Hindi kasi talaga ako nag ffocus sa mga minor subjects ko like PE and mga math etc. Nag focus ako sa major ko. So parang nawalan ako ng gana sabayan pa na nagkron kmi ng family problem that time.
Dahil sa pangyayaring yon nagkron kmi ng misunderstanding ni mama dahil hindi ako nkagraduate. Pero i prove myself to her. Naging call center agent ako for 1yr. Masaya ako na nakikita ko na kahit papano don man lang bawi na ko. Kahit 1k nalang matira sakin basta meron sila okay na ko . Ibbudget ko yon hanggang maka survive ako every pay out. Until last 2 weeks lang nagtalo nanaman kmi. Meron kasi syang kapatid na nasa australia and I suggest my mom if we could reach out with them. Kakaalis lang ng tita q last year. Plano na ibenta ng mom and dad ko ung bahay namin kasi sabi ng papa ko pag nandon na ko atleast dalawa na kmi makakatulong ng tita q sa buong pamilya. Tapos nung tinawagan nila ung tita ko malabo daw kasi kailangn may sponsorship. Kailangan daw mag asawa ako ng foreigner. I felt bad dinugtungan pa ni mama na mag asawa ka nalang ng puti.D ko napigilang masigawan sya dahil meron akong bf actually. Three years na kmi and ung bf ko ldr kmi pero plinaplano na nya magpakasal kmi kapag open na flight saknila btw, indian sya. So ayun, sabi ni mama "bakit ano ba mapapala mo sa indian mo?kaya ka ba buhayin nyan? Ang bobo mo , ikaw yung pinka bobo sa lahat. Simula ngayon wala na kong anak, mararanasan mo din yan kapag naging nanay ka na."
Ayan nalang ung mga narinig ko skanya . Naluha nalang ako sabi ko bakit ako ? Ako lagi ung mali. Naiintndhan ko naman ung puno't dulo ng galit nya. Kasi hanggng ngyon sinusumbat nya sakin yung gastos nya simula nung nag aaral pa ko sa nursing . Naiintndhan ko ung gastos. Kaya nung nag work na ko lahat mg pera ko nasaknila na para wala na masabi. Kahit magkanda utang utang ako na di ko na din sinabi saknila kasi gusto ko masaya lang.
To my mom, di ako magpapakahipokrita pero masama talaga ung loob ko. D nalang ako nagsasalita at nagkkulong nalang ako sa kwarto . Magiging nanay ako oo pero di siguro ung hahantong na halos isumpa ko ung anak ko dahil lang sa galit ako nung araw na un.
PS. Kaka resign ko lang sa work ko and gusto ko muna ng peace of mind kaya nagpapahinga muna ako parang depressed ako di ko pa feel mag work.
Atemongbobs
2018
OLFU
Others

Tuesday, November 3, 2020

PEYS MASK

      Nangyari to February 15 this year. Nagtratrabaho ako sa isang BPO Company sa Pasay pero taga Cavite talaga ako. Bali umuuwi lang ako sa bahay kapag weekends. Nakasanayan ko na sa PITX sumakay pag pauwi kase kahit matagal ang byahe at least hindi na ako magpapalipat lipat ng sasakyan kaya makakapahinga ako kahit papano. 

      Normally hindi ako natutulog sa byahe dahil hindi naman ako antukin pero that day sobrang antok na antok ako dahil sa pagod. Nag valentines celebration kase ang company namin kaya napakadaming activities. Tapos dikit pa ng dikit sakin yung bakla kong katrabaho na may gusto sakin kaya para maka iwas panay sali ako sa events hahahaha. Pero syempre kaya din ako sumasali eh gusto ko magpapansin kay crush at ipakita na magaling at competitive ako. Di naman nasayang ang effort ko dahil after the celebration, kumain kami sa labas. 

      Fast forward, Halos kauupo ko pa lang sa bus nakatulog na agad ako. Naalimpungatan lang ako noong may maupo na sa tabi ko. Kahit sobrang labo pa ng paningin ko lumingon ako sa kanya. Pagtingin ko sa kanya napatingin din siya sakin. Nagulat ako kase ngiting ngiti siya, labas na labas pa ang ngipin at gilagid niya tapos medyo naka nga-nga din. Parang yung sa mga commercial ng toothpaste. Infairness kay ate ang linis at pantay pantay ngipin nya. At dahil may pagka friendly ako na tao, ngumiti din ako sa kanya na may matching pagtango at kindat pa. Kaso pagtitig ko p*ta hindi pala siya nakangiti sakin. Naka face mask pala siya na may design na bibig na nakangiti. Yung nabibili sa mga bangketa. Kaya pala sobrang puti nung ngipin printed pala. Shit, sobrang hiyang hiya ako. Pakiramdam ko nagmukha akong abnormal hahahahahaha. 

      Si ate naman hindi napigilan ang tawa. Tinanggal nya yung face mask nya tapos nginitian nya ako. Ginaya pa nya yung style nung nasa face mask then sabi nya "oh ayan kuya tunay na yan ngayon" tapos humagalpak nanaman siya ng tawa. Napaka malas naman bully pa yung babae kaya lalo akong napahiya. Buti na lang lumapit yung konduktor kaya tumigil siya sa pagtawa. Kaso talagang tinamaan ako ng kamalasan kase pareho kami ng lugar na bababaan. Nasa tabing bintana pa ako nakaupo kaya di ako makalipat ng pwesto.


P. S. Nagtulugtulugan na lang ako sa byahe dahil natanggal ang antok ko. Tuwing napapalingon kase ako tawa pa din siya ng tawa. 



KuyaMongNadaliNgKillerSmile

2017

CED

Others

BALANG ARAW

 "Diba ganun naman? Hindi kayo nagkakatuluyan ng taong gusto mo."

- Fidel (100 Tula Para Kay Stella)

      I can still clearly remember everything like it was just yesterday. The year was 2009, 1st day high. Sobrang exited ako na pumasok. Well sino ba naman ang hindi? Madami ang nagcoconsider na high school ang pinaka masaya at pinaka memorable na parte ng buhay ng tao. 

       Pagpasok ko ng classroom, wala pang masyadong mga studyante tapos puro mga babae pa ang nasa loob kaya medyo awkward kase ako lang ang lalaki. Pero dahil namana ko ang ugali ng tatay ko na masyadong feeling close, nakipag kilala ako sa kanila and everything went well naman.  Maya maya pa dumami na kami sa room hanggang sa dumating ang adviser namin. 

       Umupo ako sa tabing bintana para presko sa pakiramdam dahil hindi naman ako maabot ng electric fan na parang anumang oras mahuhulog na sa sahig. Panandalian akong napasilip sa bintana noong sandaling yon ng may makita akong isang napakagandang babae na naglalakad papalapit. Mahangin sa labas noon kaya nag fl-fly away ang mahaba na medyo kulot nyang buhok na kulay burgundy (yung gaya nung sa pangkulay ng buhok na tig 25php sa palengke) pero mukhang natural ang kulay ng sa kanya. Naka shoulder bag siya na kulay pink tapos napakaputi ng uniform nya, daig pa ang sa commercial ng ariel at tide. Akala ko sa pelikula lang nangyayari to pero nung mga sandali na yon, sh*t naging slow motion talaga ang paligid. With matching dry leaves falling from the trees pa kaya napaka surreal. Tapos napatingin siya sakin at ngumiti. Napakaganda ng ngiti nya kaya napatulala ako habang abot tenga ang ngiti. Right at that very moment, I knew that I like her. 

        Pagpasok niya ng room agad siyang nagpakilala. Rose pala ang pangalan nya, bagay na bagay sa kanya dahil kasing ganda nya ang isang namumukadkad na rosas. Tapos humanap na siya ng mauupuan. Tyempo naman na bakante ang upuan sa tabi ko dahil yung kaibigan ko nung elementary na kaklase ko din ngayon ay late kaya ipinagtabi ko sana siya ng upuan. Pero bahala na siya, lalaki naman yun kaya pwede siya maupo dun sa mga upuan sa likod na walang sandalan at sulatan. Napatingin siya sa kinauupuan ko, siguradong sigurado na ako na tatabi siya sakin ng biglang mag alok ng upuan yung isa kong kaklaseng babae sa likuran ko. Akala nyo sakin sya tatabi ano? Akala ko din eh. But then the rest as they say is history. 

        Despite my relatively young age during those times at dahil na din nasa puberty stage na ako, naaalala ko na lagi akong sinasabihan ni lolo na kapag may nagustuhan na akong babae, kaibiganin ko daw muna. Napaka gandang foundation daw kase ng friendship sa isang relasyon. 

Kaya naman yun ang naging pilosopiya ko pagdating sa pag-ibig. 

         So kinaibigan ko si Rose. Lagi ko siya kinakausap/kinukwentuhan. Nung una halatang nahihiya siya kase syempre lalaki ako pero hindi nagtagal naging close na kami. Lagi magkatabi sa klase, sabay kumain sa canteen, nagtutulungan pag di alam ang sagod sa tanong ng teacher namin, sabay umuwi, tapos pag gabi na lagi kami magka txt. Kapag may lakad ang tropa, hindi sumasama ang isa samin pag di kasama ang isa. Habang tumatagal, lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Ako naman na isang gag*, walang kamalay malay na dahil sa sobrang pagiging close namin bestfriend na pala ang turing nya sakin. Nagulat na lang ako isang araw sinabi nya sakin na magmula ngayon ako na ang bestfriend nya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Sabi nga sa kanta ng Eraserheads, "ang lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw. " 

        Dahil naging bestfriend ko siya, unti unti akong nawalan ng chance na makapag tapat sa kanya. Natorpe at natakot din ako na baka hanggang kaibigan lang ang tingin nya sakin. Ayaw kong sumugal dahil kapag natalo ako, hindi na nga naging kami, baka mawala pa siya ng tuluyan sa akin. Mas pinili ko na maging parte siya ng buhay ko, kahit hindi sa paraan na pinapangarap ko. 

       Nakakatawa lang kase buong high school life ko hindi ako nagka girlfriend dahil kay Rose. Kahit may mga nagkakagusto sakin, hindi ko pinapansin. Sa buong apat na taon na yon kase umaasa ako na baka isang araw magising siya sa katotohanan na mahal nya pala ako, na ako ang tamang lalaki para sa kanya. Kase ako naman talaga yon. Pero wala. Hindi nangyari yon. Grumaduate kami ng walang kami. Ni hindi ko nagawang makapagtapat sa kanya.

        Nung mag college na ako nagkaroon naman ako ng girlfriend. But this time, hindi ko siya kaibigan nung simula. Alam nyo yon? Parang right from the start to be in a relationship na yung goal namin. Kaya ayun, we didn't age well together. Tumagal kami ng ilang taon pero on and off kase relasyon namin. Nagkabalikan kami nung nag tatrabaho na kami pero eventually naghiway din. Doon ko napagtanto na tama nga talaga yung sinasabi sakin ng lolo ko before.

       Then college graduation came, nagkaroon kami ng mini reunion ng batch namin noong highschool. Nagkita ulit kami ni Rose for the 1st time after 4 years. Sa manila na kase siya nag aral. Nagkakwentuhan kami tapos noong medyo nakainom na nagka real talk-an. Sinabi nya sakin na gusto nya din pala ako, na hinihintay nya ako na mag tapat sa kanya. Na kahit may boyfriend siya nung mga panahon na yon, kung nag confess lang sana ako hihiwalayan nya yon para sa akin. Kaya daw nya ako binestfriend eh para mas lalo siyang mapalapit sakin,  hoping that I will like her back. At kagaya ko, dahil magkaibigan kami natatakot siya na sabihin sakin ang lahat dahil ayaw nya na mawala ang lahat na meron kami. It is just bittersweet to know that all this time yung taong pinapangarap ko ako din pala ang pangarap. 

       Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat. Mga bagay na napakatagal ko ng gustong sabihin sa kanya. Mga salitang dapat matagal ko ng sinabi sa kanya. Tinanong ko siya kung baka pupwede pa. At ito ang eksaktong kataga na sinambit nya sa akin, mga salitang kahit kailan ay hinding hindi ko malilimutan. 

"Alam mo ba kaugaling kaugali mo yung bf ko. Actually sinabi ko noon sa sarili ko na kung hindi ka magiging akin, gusto ko ang magiging bf ko ay yung taong katulad mo. Para pakiramdam ko, tayo pa din ang nagkatuluyan. Kaya nung nakilala ko siya hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon. Sobrang mahal na mahal namin ang isa't isa. Sorry, pero hindi na pupwede"

Wala na akong ibang nasabi kundi "kapag kinasal na kayo ako ang kunin mo na best man ah?" at nagtawanan kami habang umaagos ang luha sa mga mata. 

       Hanggang ngayon, sila pa din nung bf nya. Dapat sana ako yung bf nya eh. Pero I am genuinely happy for her. I really do. Up until now we are still best friends and she will forever have a special place in my heart.

       Honestly, hindi ko alam kung dapat ko pa bang panghawakan yung paniniwala ko na importante ang friendship pagdating sa relationship matapos ang nangyari samin. Kase hindi naman maitatanggi ang benefit ng pagiging magkaibigan na dahil kilala nyo na ang isat isa, mas magiging matibay ang pagsasama ninyo. You know what to expect and how to handle those expectations. Mas pure ang pagmamahal na maibibigay natin. Oh Baka siguro dapat ko na baguhin ang perspective ko? Baka siguro hindi talaga ideal na maging magkaibigan kayo ng taong gusto mo dahil magkakaroon ng takot na baka masira, masayang ang lahat ng pinagsamahan ninyo. Na kahit gusto nyo naman ang isa't isa, mas mangingibabaw ang idea na kaibigan mo siya. It's been years already pero hanggang ngayon di ko pa din masagot yang mga katanungan na yan. 

       Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay: na sana balang araw makatuluyan ko ang taong gusto ko.

Fidel in real life

2017

College of Education

Others