3 taon na ang nakakalipas pero hindi ko parin makalimutan ang bawat minutong huli tayong nakapag usap. Nag away tayo dahil lang sa pumunta ka sa isang party kahit hindi kita pinayagang pumunta. Feeling ko betrayed na betrayed ako kahit napaka liit na bagay lang nung nagawa mo.
Nasaktan talaga ako kasi hindi mo na nga ako sinunod, nag sinungaling ka pa. Nakipag break ako sayo nu'n dahil sa sobrang galit ko. Iyak ka ng iyak. Habol ka ng habol sakin ng araw na yun pero hindi kita pinansin.
Tumatakbo ako sa kalye kahit naka greenlight para hindi mo ako mahabol... pero napatigil nalang ako nang marinig kong mag sigawan ang mga tao sa likod ko.
Pag lingon ko... kumpulan ng tao ang nadatnan ko. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Kinakabahan ako. Natatakot ako... Pinaniniwala ang sariling hindi ikaw yun. Hindi ikaw yung natatanaw kong duguan na nakahiga sa kalye na pinag titinginan nila.
Tumakbo ako pabalik.
Hindi ako makaiyak sa nakita ko. Hindi ko alam. Nanginginig ako. Nanghihina. Hindi ako makapaniwala. Panaginip lang 'to.
Ilang segundo akong nawala sa ulirat. Hanggang sa matauhan ako na wala ka na.
Napaka tragic ng nangyari at hanggang ngayon, sarili ko parin ang sinisisi ko sa pagka wala mo. Kung pinatawad sana kita agad, kung hindi sana kita iniwan, hindi mo rin sana ako iniwan ng tuluyan.
Sayang Jim. Hindi mo naabutan ang balita na magiging daddy ka na. Sobrang saya mo siguro nun mahal. Ikaw pa? Pangarap mong magka baby diba?
Pero alam ko namang nasa tabi ka lang namin palagi ni Jim. Ramdam ko yun. Oo, Jim din mahal. Ipinangalan ko siya sayo para kahit wala kana, habang buhay ko paring babanggitin ang pangalan mo.
😔
Stella
2007
Other
FEU NRMF
Wednesday, April 13, 2016
The struggle and the success.
Isa din ako noon sa tipikal na estudyante kagaya ng marami sa inyo na umaasa sa pagpapa aral ng magulang. Umaasa sa baon. Pero ako, inaasa ko lahat sa kanila. May kaya ang pamilya namin. Kumakain ng higit tatlong beses isang araw. Kahit kailan, hindi naging problema ang pera. Lahat ng luho ko noon nasusunod. Konting tampo lang sa magulang ko, hindi nila ako natitiis. Masasabi kong, masaya at higit pa sa maginhawa ang buhay ko noon. Pero nag bago yun nang dumating ang araw na halos masira ang pagkatao ko.
Nagkasakit si Papa. Cancer of the lungs. Napilitan siyang tumigil sa trabaho bilang seaman. Naospital siya. Sa laki ng gastos sa ospital, halos lahat ng ari arian namin ay nabenta. Si mama problemadong problemado sa pera na kasalukuyang may sakit din na highblood at diabetes ng panahon na yun. Hindi nag tagal, pumanaw din si papa. Depress na depress ang mama ko hindi lang dahil nawala si papa kundi dahil narin sa dami ng pag aaring nabenta.
Yung buhay kong maginhawa noon, nawala. Natuto akong kumain ng gulay, ng isda na noon inaayawan kong kainin. Natuto akong mag tipid. Natuto akong pigilan ang sarili kong bumili ng mga bagay na gusto ko. Naranasan kong matulog ng walang kuryente. Naranasan ko ng magutom.
Wala pang isang taon na nawala si papa, sumunod narin si mama. Basta isang umaga nalang ang dumating na hindi na siya nagising.
Bilang panganay, napunta sakin lahat ng obligasyon at responsibilidad. Buti nalang nga ay may naiwang isang bahay na paupahan na napagkukunan namin ng pang gastos. May nakababata akong kapatid na dalawang taong mas bata sa akin. Grumaduate ako ng highschool na walang nag sabit sakin ng medalya. Wala kaming malapit na kamag anak at kung meron man, hindi ko na sila kilala.
Noong mag co-college na ako, hindi ko alam kung saan kukuha ng pera. Sinubukan kong mag apply. Sinubukan kong mag lakad ng napaka layo dahil sakto lang ang pamasahe. Gutom. Pagod. Hirap na hirap. Pero umuwi akong masaya dahil natanggap ako bilang crew ng isang fast food chain.
To make the long story short, nakapag aral ako sa FEU bilang scholar habang nag tatrabahong crew. Ni minsan hindi ko naisip noon na magiging ganun ang trabaho ko. Dating customer, naging taga linis at utusan nalang. Pero dahil dun, napagtapos ko ng highschool ang kapatid ko at natustusan ko ang kolehiyo ko. Hindi ko ikinakahiyang naging ganun ako. Ilang taon ang lumipas, mag ko-kolehiyo na ang kapatid ko kaya kinakailangan ng mas malaking pera. Sinubukan kong makipag sapalarang mag apply sa call center. Natanggap ako.
Pinapag-aral ko ang kapatid ko habang pinagsasabay kong mag trabaho at mag aral. Inggit na inggit ako noon sa mga kaklase ko na walang problema kagaya ng dinadala ko. Dalawang oras lang noon ang tulog ko araw araw. Madalas nahihilo at sumasakit ang ulo pero hindi dapat indahin. Kailangang mag trabaho.
Ngayon, graduate na ako at ilang taon nalang ay makakatapos narin ang kapatid ko na scholar din sa UST. Hindi narin ako isang simpleng call center agent kundi isa na akong Manager sa call center na pinag tatrabahuhan ko noon.
Naging mahirap ang buhay para sakin pero hindi ko inisip na sumuko. Hindi ko kailanman inisip na imposible kaya nagawa ko. Sa mga estudyante ngayon, sana maging inspirasyon ang kwento ko para hindi nyo balewalain ang paghihirap ng magulang niyo. Mahirap. Sobrang hirap.
Allen
200x
Institute of Accountants, Business and Finance (IABF)
FEU Manila

It was a Monday, 3PM.
It was a Monday, 3PM.
In my 18 years in this planet, NEVER EVER kong ginustong magbigay ng piso sa mga pulubi. Yung mga maglalagay ng sobre sa lap mo habang nasa jeep ka, o yung mga kakalabit sayo habang naglalakad ka. Para kasi sa'kin, mas ginagawa mo silang tamad. Mas gusto kong bigyan yung mga nagbebenta ng sampaguita, o mga nangangalakal, at least sila may effort.
Pero this beggar, in Ayala, really hurt me, sagad sa buto yung tama sakin.
Dala dala ko yung gym bag ko with my clothes and a bottle of water, tapos backpack cuz I'd be going UP na after. Nasa Ayala Ave ako nun, then I was going upstairs to the MRT station tapos may matandang lalaki na binoblock yung half ng space sa hagdanan.
*Ano ba naman to, nanghihingi na nga lang, nakaharang pa.*
Dahil nagmamadali si ateng nasa likuran ko, nabangga ako, then nahulog ko yung hindi ko malilimutang Summit mineral bottle ko dun sa lampin ni Manong Beggar.
Napansin ko yung mata ni Manong Beggar. Yung isang eyeball niya, bulag na. Tapos yung isa naman, parang may cataract or something sa mata. Mga 40% na lang siguro yung eyesight ni manong.
Tapos kinapa ni manong yung nasa lampin niya. Kukunin ko na sana yung bote, kaso bigla siyang umiyak! Parang bata!
Nagulat ako, pati yung mga taong nasa paligid namin. Tuwang tuwa si manong dahil sa tubig. Akala niya bingyan ko siya ng tubig, pero hindi. I was about to get it but I couldn't. Hindi magawa ng puso ko na kunin yung bottle.
"Tubig! Tubig! Salamat po! Salamat po!" Paiyak na sinabi ni Manong. Hindi siya humahagulgul.
Sobra sobra yung pagkatuwa ni Manong. Ako din hindi makapaniwala sa reaction ni Manong. Para siguro sa mga may kaya, yung mga nakakakain katulad ko ng tatlong beses sa isang araw, wala lang yung tubig. Ito yung mga bagay na tinatake ko for granted. Hindi ko alam, sobra sobra yung halaga nito sa iba. Umiyak yung isang babae sa likuran ko. Tapos nagbigay siya ng bente kay Manong.
Umakyat ako. Pumunta sa Julie's bakeshop. I bought a bread and then bumalik ako tapos binigay ko kay Manong. To be honest, Manong doesn't smell. Hindi siya mabango, pero hindi rin siya mabaho. I asked him "Napano po yung mata niyo?"
Catarcact nga daw, nagpacheck up siya sa PGH. Pero may mga requirements ata, or parang ID or something na kailangan and wala siyang maipresent so hindi siya maoperahan. Mga 3:30 PM na. Kailangan ko nang umalis. I asked Manong if may asawa siya or anak. He said yung mga anak niya may sarili na ring pamilya tapos nasa Middle East and yung isa nasa Australia daw. Patay na rin daw yung asawa niya.
Kumulo talaga yung dugo ko to see manong, who worked as a jeepney driver for 35 years (yung route na Cubao-PhilCoa daw yung dinadrive niya) then to be dumped by his own children! P*tang ina talaga! Mas marami pa ata akong naibigay kay manong kesa sa mga naibigay sa kanya ng anak niya. I asked for his children's names and searched them on FB.
4PM. I really need to go. I asked Manong if nasa Ayala pa rin siya next week, he said, he still doesn't know. Minsan daw kasi hinuhuli sila, minsan daw pinapaalis. Ayokong iwan si Manong that time, pero kailangan ko na talagang umalis. Sinabi ko kay Manong babalik ako next week. Hinawakan niya yung kamay ko, habang lumuluha siya. Lumuluha na rin ako tapos sinabi niya sakin "Anak, salamat. Maswerte mga magulang mo."
Nasa MRT na ako, naluluha pa rin. Kunwari inaantok ako para hindi ako magmukang baliw sa MRT na umiiyak mag-isa. Pero still, hindi makapaniwala sa nangyari sakin.
That night, sinearch ko yung mga pangalan na binigay ni Manong sakin. May isa sa nagpop up, nasa Middle East. Professional na siya. May asawa, may mga anak. Nag-PM ako and sinabi yung situation ng tatay nila. I found out that wala talagang paki yung mga anak niya sakanya. Kasi daw "manginginom, lasinggero, babaero" yung tatay nila dati. Umakyat sa 200 degrees Celsius yung dugo ko. Lalo na nung sinabi nila na contact-in ko nalang yung DSWD para sa tatay nila.
I was like "KOYA TOTOO BA TATAY MO PO YUNG PINAPAGUSAPAN NATIN. SANA KUNG YUNG LUMANG SAPATOS NA PWEDENG IDONATE SA CHARITY PWEDS PA.
AT ANG LAKAS MO MAGUPLOAD NG PICS SA FB NAKAPUBLIC PA. MGA ANAK MO MAY SARILING KOTSE, TATAY MO WALANG PAGKAIN."
Though of course, I said it in a nice way. Then he gave me the number of their youngest half-brother, (anak ni Manong sa pangalawang babae, so "babaero nga siguro si manong"). Siguro ganun na lang talaga yung galit ng mga anak niya sakanya.
I texted manong's younges son. Nasa Palawan Nagtratrabaho sa isang mining company. He was willing to help. Tapos nagsorry siya kasi wala daw siyang pamasahe para hanapin yung tatay nila sa Maynila. Yung huli daw nila na alam ay nakikituloy sa isa nilang relative, pero last month ata ay pinaalis na si manong doon.
Mag-memeet up kami in 3 weeks. To help manong go home.
The next week na pumunta ako sa Ayala ave. Nandoon si manong! Tapos sinabi ko sakanya na pupunta si JJ (name ng bunso niya). Tuwang tuwa siya, niyakap niya ako. Sobrang busy ko non, dahil hell week ko so I have to go to UP early. Sabi ko kay Manong konting hintay nalang. Umiiyak si Manong. Naiiyak na rin ako.
Nainspire ako actually kay Manong. Na kahit iniwanan ng mga kapamilya niya habang sila may magandang buhay overseas, pumupush pa rin. Push lang! kumbaga. Yung mga problema ko dati na traffic sa Katipunan, o kaya puno yung Starbucks, hindi naman nawala, pero hindi ko na pinroblema. Yung mga acads problem ko, mga friends problem ko, wala na, lampaso sa problema ni manong. Dati gusto ko nang sumuko sa life, mag give up, I realized that sobrang dami pang tao yung mas may mabigat na problema.
Shit! Excited na ako! 2 weeks na lang makikita na ni Manong yung bunso niya. Then mga 5PM nun, nalate ako. Wala si manong sa Ayala. May mga pulis sa baba. Or traffic enforcer. Tinanong ko kung nasaan yung manong doon sa hagdanan banda. Pinagpasa-pasahan nila ako, just as any government employee would do, then yung isang mamang pulis sinabi, "baka yun yung namatay nung isang araw".
Baka. Namatay. Nung. Isang. Araw.
Putang. Ina. at Ama.
"Kuya yung may sakit po sa mata?"
"Yung bulag? Oo, siya nga ata, tignan mo yung picture."
"Kuya ung may lampin na itim sa harapan niya?"
"Oo. Yung bulag nga? Tignan mo nga kasi yung picture!"
Tinignan ko yung picture na hawak ni mamang pulis. Umiyak ako. Si Manong, nakatakip ng kumot. Tapos yung lampin niya na itim nakabalot sa mukha niya. Nakayakap siya dun sa Summit mineral bottle na nahulog ko. Halos humagulgol ako sa iyak. Wala akong pake kung tawanan ako ng mga mamang pulis. Sabagay, may clan wars sila sa CoC kaya hindi nila ako maasikaso ng maayos.
"Sige, thank you po kuya."
NagMRT ako. Umiiyak ulit. Hindi dahil sa tuwa, ngunit sa lungkot.
Tinext ko yung anak ni manong. Nasa isang public hospital daw yung body ni manong. Naiiyak nanaman ako habang sinusulat to. Pasensya na kayo, kailangan ko lang talang ilabas 'to. Ang sakit sa dibdib.
Naggpalit na ako ng mineral water pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on kay manong.
To you manong, alam kong hindi mo na mababasa 'to. Pero kung totoo ang afterlife, at may FB doon, alam kong ipapakita sayo yung post na 'to ni God, or ni Steve Jobs, or ni Isaac Newton.
Rest in peace, manong. Siguro nga totoo, na hindi kailangang matagal mong makasama ang isang tao, para mahalin mo siya. Minahal ko si manong, as a friend, a father, a lolo, kahit ilang araw pa lang kaming nagkakilala. Maraming maraming salamat manong, binuksan mo yung isip ko sa mas malawak na perspektibo. Habang buhay ko tong dadalhin sa buhay ko.
Maraming salamat manong, 'wag kang mag-alala tutulungan ko yung mga magulang ko. Pangako 'yun, para sa'yo.
Summit, 2013, Engineering

Pokpok palayok
"SPG at mahaba haba po ito.
Dear Admin, please post this po, alam ko mahaba ito pero gusto ko lang po sana magshare. Sana mapost po please po please po. Thanks.
""Pokpok"" minsan pamalo madalas babae.
Hi Ako nga pala si Theresa (not my real name). Former student ako ng FEU na dapat ay ga-graduate na ako pero may trahedyang nangyari sa family ko, na naging dahilan bakit di ako nakapagtapos.
Dalawa lang kaming magkapatid ako ang panganay. Fresh na fresh pa from my memory ang nangyari samin. 2am nun nung nagising ako, narinig ko si mama at papa nag-aaway at ang dahilan ay yung kapatid ni mama. Nahuli kasi ni mama si papa na nakikipagsex sa kapatid niya. Hindi ko maisip papaano nagawa ni tita yun samin. Tapos bigla akong nakarinig ng putok ng baril, hindi ko alam kung guni guni ko lang pero parang totoo. Bumaba ako para tignan at yun nga nakita ko ang mama ko nakahandusay, duguan hawak ang baril, halos wala ng buhay, kinitil ang sarili. Si papa pinilit buhatin si mama at sinakay agad sa sasakyan, hindi ako sumama sa hospital dahil hindi ko pwedeng iwanan si Ana dahil pitong taong gulang pa lang siya (kapatid ko, di niya totoong name). Hindi ko napigilang umiyak at nanginginig ako sa takot, yung dugo ni mama pinilit kong linisin. Si Ana nagising sinisigaw ang pangalan ko at umiiyak. May monster daw at kinukuha daw si mama takot na takot si Ana, pinilit kong hindi umiyak sa harap ni Ana, sabi ko panaginip lang yun at pilit ko siyang pinatahan, Hindi ko masabi sa kapatid ko ang nangyari dahil hindi pa niya maiintindihan.
Biglang tumawag si papa at wala na nga si mama, Bigla akong umiiyak na, pakiramdam ko guguho ang mundo at lalamunin ako ng buhay, galit na galit ako kay papa kasalanan niya lahat, nung mga panahong yun hiniling ko siya na lang sana ang kinuha.
Pagkalipas ng ilang linggo, si papa laging umuuwi ng lasing minsan nga sinasaktan niya kami ni Ana. Lagi pa siya nakikipagsugalan ni hindi siya nagpakita sa libing ni mama, hanggang sa lagi na siyang natatalo to the point na naubos na lahat ng ari-arian namin. Naisanla niya ang sasakyan namin, ang alahas ni mama ang bahay pati kami ni Ana sinanla niya. Isang araw bigla na lang may kumakatok sa bahay at pinapalayas na kami dahil hindi na daw kami may ari nun tapos kinukuha na kami ni Ana ng kaibigan ni papa na pinagsanlaan niya samin. Bakas sa muka ng kapatid ko ang takot at di niya maintindihan ang nangyayari, lagi niya hinahanap si mama dahil hindi pa niya alam na wala na siya. Pano mo ba sasabihin sa pitong taong gulang na bata na nagpakamatay ang kanyang ina? Naaawa ako kay Ana.
Sumama kami ni Ana kay tito Alex dahil wala na kaming ibang mapuntahan, si papa di ko alam nasan na. Hindi na kami nakakapasok ni Ana sa school dahil sa dami ng problema at wala na rin pang matrikula. Si tito Alex nung una mabait pero nung tumagal nagbago siya. Isang gabi pumasok siya sa kwarto namin ni Ana habang natutulog kami, naramdaman kong pumatong siya sakin at pilit niya kong hinuhubaran. Lumaban ako kahit sobrang lakas niya, pero salamat sa Diyos at nasipa ko ang ari niya at agad akong tumayo, ginising ko si Ana kahit antok na antok pa siya, siya, pinilit ko siyang pinatayo, lumabas agad kami ng kwarto, nakahabol si tito pero kinuha ko kaagad ang kutsilyo at tinutok sakanya. Di na siya nakapalag. Nakaalis na kami ni Ana ng bahay sa sobrang takot di na namin nakuha ang gamit namin at di na kami makabalik. Di ko alam san kami pupunta, wala kaming kamag-anak na malalapitan. Tinawagan ko lahat ng kaibigan ko humingi ako ng tulong ni isa sa kanila walang tumulong si papa di ko na macontact. Nung gabing yun sa simbahan kami natulog ni Ana. Kinabukasan naghanap ako ng trabaho at nakakita ako agad. Namasukan ako bilang katulong, si Ana sinama ko pero di kami tumagal dahil nananakit ang amo namin, isang gabi tumakas kami. Wala namang tumanggap sakin kahit bilang waitress dahil wala akong papeles na maipakita, tinataboy kami kahit sa carinderia lang dahil ilang araw na din kami di makaligo ni Ana at wala na daw bakante. Hindi ko na alam gagawin ko ng mga panahon na iyun, si Ana araw araw ng nagkakasakit sa pamamalimos namin at pagtulog sa kalsada. Hindi ko na rin alam kung nasan si papa at mga kaibigan ko iniwan na ako. Nung isang gabi na umulan, basang basa kami ni Ana at dahil dun nagkasakit siya ni wala ako pambili ng gamot kaya, kinaumagahan naisip kong iwanan si Ana sa ampunan, duon may mag-aalaga sakanya at makakapag-aral siya at baka sakaling may mag-ampon sakanya na mamahalin siya, na makaramdam siya ng tunay na pamilya. Hindi ko makalimutan nung iyak siya ng iyak ayaw niyang maiwan. Ang sakit sa kalooban ko na iiwanan ko siya pero alam kong makakabuti sakanya yun. Pinaliwanag ko kay Ana ang nangyari, kahit alam kong di niya maiintindihan. Niyakap ko siya ng mahigpit at sabi kong babalikan ko siya. Hinabol ako ni Ana pero pinigilan siya ng mga madre.
Sobrang sakit sa dibdib pero pinangako ko sa sarili kong babalikan ko si Ana. Tuliro ako at di alam ang gagawin, ang nuong masayang buhay bigla naging impyerno, hindi ko maintindihan bakit kailangang magkaganun.
Pinuntahan ko yung club na nakita ko at naisip kong mamasukan. Alam kong malaki ang pera duon, mabilis para makuha ko si Ana. Kahit alam kong madudumihan ang dignidad ko, handa kong gawin para kay Ana.
Sinubukan kong pakiusapan ang manager na bakla na kung pwede ay sasayaw lang ako na nakapanty at bra at mageentertain ng customer, hindi ako makikipagsex, nung una ayaw niyang pumayag pero naawa siya sakin dahil bata pa ako. Yun nga lang dahil sa nakiusap ako himbis na 1K ang kikitain ko kada gabi, 700 na lang. Sa katagalan, kung sino sino ng lalaki ang humahawak sakin, 500 kada hawak nila sa suso ko, sa legs ko, sa ibaba ko at 2k naman kada laspag sakin pero hindi pa rin ako pumayag na makipagsex sa kanila, natatakot akong magkasakit at mamatay, paano ko mababawi si Ana kapag nawala ako sa mundo.
Isang gabi may isang lalaki na bata bata ang itsura parang mga 26 o 27 na nag yayaya sakin lumabas pero hindi ako pumayag, hindi naman daw niya ako gagalawin, gusto niya lang ng makakausap pero hindi ako naniwala. Naisip ko na parepareho lang ang mga lalaki. Binigay niya calling card niya just in case magbago daw ang isip ko. Hindi ko alam pero kahit wala akong tiwala sakanya parang may kakaiba sakanya na nagpapagaan ng kalooban ko, hindi ko na pinansin.
Araw araw pinupuntahan ko ang bahay ampunan ni Ana, sinisilip ko siya at nakikita kong malungkot siya ni hindi siya nakikipaglaro sa mga bata. Nasabi pa sakin ng mga madre na hindi siya nakikipagusap kahit na kanino. Hindi ko mapigilang maawa sa kapatid ko at magalit sa sarili ko. Hinayaan ko siya dun kahit alam kong mahirap sakanya pero para sakanya ang ginawa ko. Hindi ako nagpapakita kay Ana dahil alam kong magpipilit siyang iuwi ko siya. Kelangan ko muna magipon para mabuhay ko siya kapag kinuha ko siya.
Bastos na bastos na ako sa sarili ko, gabi gabi sumasayaw ako, nagpapakababoy para sa pera, pera na pambawi sa kapatid ko.
Sa sobrang desperada ko, pumayag na akong sumama sa isang matanda na nagoffer ng 20K para sa 1 gabi. dinala niya ko sa motel na mukang luma at walang katao tao. Nung huhubaran na niya ako dun ko narealize na hindi ko pala kaya, umayaw na ako at sabi ko ibabalik ko na lang yung 20K pero di siya pumayag, binugbog niya ako at pinilit pabukain, pinilit hubaran. Pinigilan ko siya at ilang beses niya din akong binugbog. Dinala pa niya ako sa banyo, iniuntog sa pader at nilulunod sa inidoro. Sabi pa niya wag na daw ako magpakipot dahil sanay naman na daw ako maging puta. Masyado siyang malakas, hindi ako nakalaban hanggang sa nakuha niya gusto niya rinape niya ako. Nagbibihis siya nung sabi ko magccr lang ako. Iyak ako ng iyak at takot na takot di ko alam gagawin ko kahit galit ako sa Diyos pinilit kong magdasal at humingi ng tulong. Nakita ko sa cr ng motel na may vase, kahit hinang hina ako, kinuha ko yun at binasag sa ulo niya at sinipa ko ari niya tulad ng ginawa ko kay tito Alex. Nakita ko siyang nasaktan kaya nakatakbo ako agad ni hindi ko na napansing hubo't hubad pala ako at hindi ko alam kung hinahabol niya ako nun sa sobrang gusto ko makatakas. Hinang hina na ako, naisip ko nun na magpakamatay na lang pero hindi pwede, kelangan ko lumaban para kay Ana.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, nagising na lang ako na nasa hospital na ako, at nakita ko yung professor ko nakabantay. Tinanong ko siya anong nangyari pano niya ko nahanap. Ang sabi niya hindi daw siya ang nakahanap sakin, yung anak niya. Nakita daw ako ng anak niyang tumatakbo at takot na takot ang itsura, habang papunta sila sa sasakyan nila hanggang sa nawalan na nga daw ako ng malay, nagulat na lang daw sila ng makita nila ang mga pasa ko sa muka at katawan. Nung nakita ko yung anak niya, naalala ko siya. Siya yung lalaki sa club na niyayaya niya akong lumabas. Hindi niya daw alam na estudyante ako ng mama niya, nalaman na lang niya nung nakita nila ako.
Kinwento ko ang buong nangyari sa professor ko, mula sa nangyari kay mama hanggang kay Ana hanggang sa pagiging pokpok ko hanggang sa motel. Hindi nagdalawang isip si Maam na tulungan ako, Sila ang nagbayad sa hospital bill, tinulungan niya kong matubos yung bahay tapos si Ana sa awa ng Diyos nabawi ko na rin.
Niyakap ko ng mahigpit yung kapatid ko habang nagiiyakan kami, guilty na guilty ako na iniwan ko siya pero sa awa ng Diyos nakuha ko siya uli. Muling nagbalik ang paniniwala ko sa pag-asa at sa Diyos. Unti unti ng naayos ang buhay namin ni Ana. Sobrang bait talaga at maawain ang Diyos, pag-aaralin daw kaming dalawa ni Ana ni Maam, tumanggi ako dahil sobra na ang nagawa niya samin pero hayaan ko na daw siyang tulungan kami, kung labag pa daw sa kalooban ko, bayaran ko na lang daw kapag umasenso na ako pero sinabi niyang hindi ko siya kelangang bayaran, sapat na daw ang pasasalamat. Byuda na si maam at nag-iisang lalaki lang ang anak niya kaya magaan daw loob niya sakin.
Si Bill, anak ng professor ko, (di niya totong name) tinulungan ako na magkapart time job, siya na rin ang tumulong samin ni Ana malimutan ang mapait na nagyari samin dahil psychiatrist si Bill kaya siya ang umaalalay samin. Sinabi pa niya nung panahon na nasa club siya, hindi niya talaga plano pumunta duon, pinilit lang siya ng barkada niya at nung nakita niya daw ako, may naramdaman daw siyang kakaiba kaya niyaya niya akong lumabas hindi para gamitin kundi para lang kausapin. Duming dumi ang tingin ko sa sarili ko, araw araw akong umiiyak at araw araw kong nakikita ang mapait na nangyari sakin. Pakiramdam ko wala ng tatanggap sakin dahil marumi akong babae pero ipinaramdam sakin ni Bill at ni Maam G na karapat dapat akong mahalin na hindi ako madumi, tinulungan nila akong makabangon ng walang hinihiling na kapalit.
Maam G, tatanawin ko pong malaking utang na loob sayo to Maam at sa anak niyo po, papalitan ko po lahat ng tinulong niyo saming magkapatid. Salamat po talaga at salamat din sa Diyos dahil dinala niya kayo saming magkapatid. Salamat talaga Maam
Nagpapasalamat ako sa Diyos, akala ko di na kami makakabawi pero tinulungan niya kami, hindi niya pala kami pinabayaan. Yung akala kong sa ilalim na lang kami ng gulong, hindi pala. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako pero unti unti akong nabubuhayan muli, sa tulong na din ng mga taong hindi ko naman ka anu-ano.
Si papa di pa din umuuwi. Nananawagan na din ako sa mga pulis at radyo para mahanap siya. Pa, ano man nagawa mo samin pinatawad ka na namin bumalik ka na sana papa. Miss ka na po namin papa sana nasa mabuti ka papa ikaw na lang pamilya namin umuwi ka na kailangan ka namin ni Ana.
Minsan kong hinusgahan ang mga pokpok pero nalaman kong hindi pala lahat ng mga babaeng ito ginusto ang ginagawa nila hindi dahil sa easy money ito minsan wala ng choice. Hindi ako proud na naging pokpok ako dahil sa panahong nangailangan ako walang tumulong ang mga kaibigan ko hinayaan ako nung hirap na hirap ako kaya pinilit kong sikmurain ang pagiging puta. Minsan ito na lang ang tanging paraan kasi hindi nabibigyan ang mga babaeng ito at babaeng naging pokpok na magkaroon ng maayos na trabaho, may mga taong mahilig sa discrimination. Tao lang din kami na nagkamali pero madalas napilitan lang sa ginagawa. Hindi lahat ng babaeng naging pokpok ginusto ito. Yung mga estudyanteng nagiging pokpok, wag niyo agad husgahan dahil di niyo alam pinagdadaanan nila. Bago kayo manghusga, tanungin niyo muna sarili niyo kung wala pa kayo nagagawang kasalanan mabigat man o mababaw. Tsaka ka manghusga kung perfect ka, papalakpakan pa kita.
Yung mga kaibigan kong hindi na nga ako tinulungan pero nagkalat pa sa school ng kung anu-ano tungkol sakin, pinapatawad ko kayo. Wala na akong pakialam kahit ano pa isipin ninyo hindi niyo alam ang pinagdaanan at pinagdadaanan naming magkapatid. Patawarin na lang kayo ng Diyos.
Kung sino pa di mo kaanu-ano sila pa pala tutulong sayo.
Si Bill, nagpaalam manligaw sakin. Natakot ako dahil sa nangyari sakin at sa napakapait kong karanasan. Natakot din ako sa professor ko dahil baka isipin niyang inaabuso ko ang kabaitan niya na baka di niya ako gusto para sa anak niya pero tinanggap nila akong pareho. Pinaramdam nilang karapat dapat akong mahalin at tinanggap nila ako ng buong buo. Kaya ito, malapit ako sakanila at boto si maam G sakin. Salamat maam at bill sa pagtanggap niyo samin ni Ana.
Ang baku bakong daan na nadaanan ko unti unting nagiging matuwid, yung akala kong walang pag-asa meron pala.
Sa buhay, hindi paraan ang pagpapakamatay, dahil sa nangyari samin mas naging malapit ako sa Diyos at ano man problema ang inyong pinagdadaanan wag kayo mawalan ng pag-asa, may awa ang Diyos.
Isa na lang pinagdadasal ko kay Lord, ang mahanap ko si papa.
P.S please lang kung may nakakakilala sakin wag niyo na akong itatag. Salamat.
- Theresa"
Theresa
2014

Isaw at Kwek kwek
"Tawagin niyo akong maluho, lustay pera, and walang pagpapahalaga sa gamit pero ganito ako;
I changed expensive phones every 3 months or sooner pag feel kong nagsasawa na ako. I treat expensive restaurants as a mere ''carenderia''. Never akong tumikim ng streetfoods or meals na bababa ng 300 ang presyo. 5k ang baon ko araw-araw and wala akong mapag-gastusan masyado kaya andami ko ng ipon. (I'm not bragging my life tho, I'm just saying these things para madama niyo yung kwento ko.) Until I met this girl. She's so decent and simple and she caught my world off-guard.
Kinausap kita sa isa kong major subject kasi nahihirapan na ako ng sobra-sobra and wala ding may balak lumapit sakin kasi DAW sobrang suplado ko raw tingnan (which is totally opposite) and nahihiya daw sila sa sobrang gara ko tingnan. You never hesitated to heed my desperate call. You helped me a lot on that moment. Gladly, I passed the quiz. Nung nagbabasa ka na ulit ng notes mo, pasimple kong hiniram kasi may nasulyapan akong schedule graph dun and tiningnan ko yung oras ng last class mo. Hinintay kita and nagulat ka. I thanked you so much that night and niyaya kitang kumain sa isang resto kong kinakainan but you hesitated and I insisted. Kinulit kita na 'di ako uuwi hangang 'di ko nababalik yung kagandahang-loob na pinakita mo sakin. Sa huli, pumayag ka PERO sabi mo sa may kanto lang tayo ng bahay niyo para malapit. I said okay. I was expecting fast-foods or decent resto pero ang nakita ko lang is a grill and fishball stand. Sabi mo, dun nalang tayo kumain kasi daw mura. Almost masuka ako at the sight of sanitation ng pinaglulutuan. Tinawanan mo ako at hinila mo kamay ko para kumuha ng isaw(?) at kwek-kwek. Halos 'di ko masikmura yun pero nung natikman ko na, halos gusto ko ng bilhin lahat ng paninda dun. Tinawanan mo na naman ako. Dun nagsimula ang kwento natin.
Months passed, naging close tayo. Sobra, to the extent na halos may commitment na tayo. Tinanong kita kung pwede bang manligaw. Nagdalawang isip ka kasi sabi mo, ano nalang sasabihin sayo ng nanay mo kung pipili ako ng babaeng simple lang. Sinabi ko sayo na kumalma ka lang and maging positive hangang sa ma meet mo ang parent ko.
After 8 months of courting you, you finally said yes with the best smile I've ever saw. I introduced you to my mom that day after. Mom looked at you with the most suplada look a terror mom can give. You hid in my back and was so terrified. After my mom looked at your reaction, Mom laughed so much and smiled so gracefully and told you she was just messing around. She gave you the warmest welcome and told me she likes you. You had a girly talk with her and she even took you on a lady-shopping date. You never hesitated 'cause you were so shy back then. Mom almost bought you a car but you hesitated and I giggled so much at your cute reaction. After that, everytime I'm going to take you on a date, I always make reservations at expensive restaurants pero sa may isawan sa kanto niyo lagi ang bagsak natin and after that night, tinuruan moko magtipid. Binibigay ko sayo wallet ko and ikaw namamahala ng gastusin ko. You were so eager to teach me on how to spend smaller bills. 3 months later, nafeel ko yung pagbabago ko sa sarili ko. 300 nalang nagagastos ko sa isang araw, kasama na jan snacks natin after ng klase mo. I felt so changed and contented living a simple life from that day on.
2 years passed, I decided to meet your parents, and you were so happy that I told you that. After the day of our 2nd anniversary, pumunta tayo sa bahay niyo. Nagpakilala ako sa parents mo. Di ako nagpakita ng pagkamayaman ko. Nag-tricy lang tayo nun. Your father gave me a challenging look and your mom smiled at me. Sinabihan ako ng tatay mo na gusto niyang ma meet ang parents ko. Sabi ko, nanay na lang ang meron ako and sinabi ko kung anong rason at bakit. Nagayos ang pamilya ng date at lumabas tayo, kasama ang pamilya mo at mama ko sa isang magarang resto. Your dad and mom were grateful to meet my mom. My mom was so delighted to meet your parents 'cause they were so decent and neat. Our parents talked and laughed together while I was looking from a distance, craving for kwek-kwek and isaw.
Many challenges and tests from your dad was I able to pass, yung paggamit lang talaga ng pera ang hindi but after na makuha ko ang tiwala ng mga parents mo, nagdecide sila na patirahin ako sainyo and tuwang-tuwa ang nanay ko nung malaman niya yun. Almost bilihan niya kami ng isang magarbong bahay sa tabi ng village niyo but your parents said no. Then my mom said na kunin yung pera na ipapabaon sa amin. Kinuha ng tatay mo ng 'di nagdadalawang isip.
After several months, nagtaka na ako kung bakit wala man lang pagbabago sa bahay na yun. Nag-antay ako ng tamang moment para tanungin yung tatay mo about sa perang kinuha niya sa nanay ko until such time na dumating yung oras na yun. Out of nowhere, naitanong ko kung asan nga ba yung malaking pera na kinukuha niya sa nanay ko every month and ang sabi niya, ''alam ko iho na nagtataka ka kung asan yung pera pero ganito talaga kung bakit walang pagbabago dito sa bahay na 'to. Kada buwan na magpapadala ang nanay mo, ipinapakita ko sayo kung pano ko kunin PERO IBINABALIK KO sa sunod na araw'' sabay ngiti. Halos maiyak ako nun sa sobrang hiya ko sainyo. Nagsorry ako ng sobra at pinilit ko na kunin yung pera ko para man lang makabawi. Pinilit ko ng pinilit ang tatay mo na kunin yung pera at sa huli, kinuha rin nila. Sabi pa nga ng tatay mo, ''Hindi sa pera at katayuan nakikita ang pagpapahalaga sa isang tao. Sapat na ang oras at dedikasyon, anak.'' Nginitian ako ng tatay mo, naiyak na talaga ako sa tuwa kasi alam kong hudyat na yun na nakuha ko na ang abiso ng tatay mo para pakasalan kita.
Inaya kita sa isang magandang resto pero as usual, sa isawan ang bagsak natin. Nagpropose ako sayo mismo sa harap ng isawan. You said yes and tuwang tuwa yung taga-ihaw at nilibre tayo ng tag-isang barbecue haha!
A year after ng graduation mo, hinayaan kitang magplano kung san mo gustong ikasal at ngayong paparating ng June, ikakasal na tayo sa France. Nakita ko ulit yung tawa mo nung una mokong nakita na kumain ng isaw at kwek-kwek.
Pag naguusap tayo bago tayo matulog, lagi mong sinasabi na 'di ka makapaniwalang nagkalovestory ka nang pang Jan Di at Jun pyo. Lagi mong sinasabi na langit ako at 'di hamak na lupa ka lang, na ginto ako at tanso ka lang pero ang tunay talaga, langit ka at lupa ako, ginto ka at tanso lang ako. Sinasabi mo na napakaswerte mo sakin pero 'di mo marealize na MAS maswerte ako sayo and habang tinatype ko 'to, yakap-yakap mo ako habang naglalaway ka pa hahaha! Alam kong mababasa mo 'to mamaya kasi avid reader ka dito.
Laban na 'to, tatanda na akong magkasama tayo. Sobrang binago mo ang paniniwala ko na kayang gawin lahat ng pera.
25 na ako ngayon at kaya kong patunayan na may forever, hindi sa pera pero sa oras na kaya mong gastusin sa taong mahal mo. Ito ang munti naming kwento.
smile emoticon
P.S.:Nakatira parin ako sakanila at naiinis parin talaga ako sa pusa na kumain ng ulam namin kagabi. "
Jun Pyo
2009
IAS

Subscribe to:
Posts (Atom)