Monday, February 29, 2016

Ang alamat ng salawal

Isang araw, may isang pulubi na ilang araw nang hindi kumakain. Siya ay gutom na gutom na to the point na mamamatay na sya kapag hindi pa sya kumain. May nakita syang malapit na gourmet restaurant. Agad agad nyang kinausap ang isang waiter:

""Sir, parang awa nyo na po gutom na gutom na po ako. Pahingi po ng pagkain ito po may 50 pesos ako.""

Sabi ng waiter ""naku. wala po ako maibibigay sainyo. papatayin po ako ng boss ko kapag naglabas ako ng pagkain ng walang paalam. pero wait lang po may tira akong sandwich, ito po kainin nyo. meron po carinderia sa tabi ng resto na to kasya po ang 50 pesos nyo pambili ng pagkain.""

Kinain ng pulubi ang kapiranggot na sandwich pero sabi ng pulubi,

""Di ko na po talaga kaya. pahingi na lang po ng pagkain na kahit ano nandyan sa tray na yan kahit yung steak lang""

""sir pasensya na po. di kasi ako pwede magbigay ng pagkain na galing dito. mayayari ako sa boss ko waiter lang ako dito. meron pong carinderia sa tabi nitong resto na to aabot ka pa "". sagot ng waiter

""""tanginang waiter to ang damot. lipat na nga lang ako sa carinderia sa tabi"""" sabi ng pulubi sa sarili

pumunta ang pulubi sa katabing carinderia

nagtanong sya kung may tuyo, kamatis at itlog na maalat.

sabi ng tindera

""nako sir wala po kaming itlog na maalat eh""

bumalik si pulubi sa gourmet resto at nakita nya ulit yung waiter

""sir sige na pahingi ng pagkain. gutom na talaga ako.""

sabi ng waiter

""sir pasensya na talaga di ko po talaga kayo matutulungan. wala na kong sandwich at hindi ako pwedeng maglabas ng pagkain dahil hindi ako may ari ng mga pagkain na ito. magagalit boss ko at masisisante ako""

nagmakaawa ulit ang pulubi ngunit hindi sya napagbigyan ng waiter. lumabas ang pulubi at nagpunta sa isa pang carinderia na kaharap naman ng resto.

naka bili ang pulubi ng tuyo, kamatis at itlog na maalat. ngunit sa sobrang bilis ng kanyang pagkain, natae sya sa salawal nya.

biglang naglabas ng cellphone ang pulubi at nagpost sa facebook ng picture ng kanyang salawal at ng waiter at inilahad ang kanyang kwento.

sumikat si pulubi sa social media

nainterview ang pulubi at doon nya sinabing ""dapat magbayad ang waiter na iyon dahil natae ako sa salawal ko""

the end.

yes ganyan katanga pakinggan yung issue lately.

bash? hate? i've seen/heard it all.

""sana sayo mangyari yan""
- sorry to say, hindi mangyayari sakin yun ever because i will be a responsible parent. magaanak ako pag financially stable na ko. 9 months ko paghahandaan yung pagbubuntis namin ng magiging asawa ko at kung sakali mang kapusin, pupunta ako sa ospital na kaya lang ng budget ko.

""maganda siguro buhay mo at di mo naranasan maghirap""
-yes maganda ang naging buhay ko and i thank my parents for that. kasi kung di sila nagsipag at inisip future ng mga magiging anak nila nung mga panahong mahirap pa lang sila, malamang nararanasan ko na yang sinasabi nyong hirap. yan ang advantage pag ang parents mo inisip yung magiging future mo at naging responsable sa pagiging magulang.

""buhay ang nasayang""
- yes. condolence sa parents. pero sila din may kasalanan eh. kung sinunod na nila agad yung advice ng doktor imbis na nagmarunong sya na ""eh doc di na talaga kaya ng misis ko eh"", edi sana umabot pa sila sa east ave with their baby. (dun din naman ang punta nila sa huli). nagpabalik balik pa kasi sila. dun naubos yung oras nila. yan kasi, magaling pa sya sa doctor eh.

""hippocratic oath""
- kung ang mga doctor lang ang tatanungin, they will save lives. but how? kung wala ka namang equipments? wala kang gamot? ano? SKILLS and KNOWLEDGE lang ang meron sa mga doctor. hindi sila nagtatae at mag ma-magic na lang ng gamot at equipments. gusto nyo pati gamot eh sasagutin din ng doctor? ganito, gawa kayo sariling ospital nyo. gawin nyong libre lahat; medicine, ward, prof fee, everything! and let's see how long it will stay.

""hindi kahirapan ang issue dito""
- wala ka na nga pera, nag anak ka pa. di mo na inisip ang future ng magiging anak mo. yan ang hirap sa mga peenoise. ""bahala na"" mentality.
-bahala na kung mapagaaral ko anak ko sa magandang eskwelahan matagal pa naman yun eh
-bahala na kung may pambili ako ng gatas, sesweldo naman ako next month eh
-bahala na kung magkasakit anak ko. mag iipon na lang ako
-bahala na kung may emergency ulit na mangyari, mag popost na lang ako ulit sa facebook pag di napagbigyan.

""kaya lang naman nyan pinagtatanggol ang UST kasi taga UST yan. kahit anong paliwanag gawin mo mali yung doktor""
- congrats isa ka sa daang-libong pilipinong sarado ang utak sa mga argumento. 100% certified filipino.
like emoticon

comments will be appreciated. keep it coming.

oh syempre joke lang yung naglabas ng cellphone si pulubi. baka mamaya may mag comment ng ""susyal si pulubi may phone"" lol

2010020***
2010
Engineering

Sunday, February 28, 2016

Professors

"A failed class represents a failed teacher."

We all know that not all professors are doing their job to educate their students properly.

Merong mga prof na "Oh, sige. Basahin nyo mula page ganito to ganyan tapos quiz next meeting." Walang turo-turo yan. Yan yung mga laging absent or late o sadyang tamad na professors. Wow! Edi sana nag enroll nalang kami ng home study or did not enroll ourselves in a University at all kung mag sasariling sikap lang din naman kami para matuto. Hi-nire ka ng University para mag turo hindi para mag chill at mag utos. Alam naming we are college students, we are old enough and you don't need to spoon-feed us pero may mga bagay na kailangang idini-discuss niyo na hindi namin maiintindihan through reading lang.

May mga prof na basta turo dire-diretso ratatatata sa board syempre hindi naman lahat ng students mabilis ang analyzation. Meron talagang mga slow or hindi talaga naintindihan yung way ng pagkakaturo. Tapos mag tatanong yung student, yung prof naman ipapahiya pa. "How many times do I need to explain this for you to be able to absorb the lesson? Huh?" O kaya may gestures na di kanais nais porket may nag tatanong o may nag papaulit. Kaya yung iba natatakot nalang magtanong. Sir, Ma'am, your job is to help your students to understand your subject hindi yung basta masabi lang na itinuro mo, dapat alam mong naabsorb ng bawat isa. Saludo ako sa mga prof na "Oh raise your hand if you have question so I can clarify or I can discuss it again."

Merong mga prof na may favoritism. Yun lang madalas ang tinatawag. Yun lang ang binibigyan ng chance. Pag bigayan ng grades yun lang din ang pumasa. Where the hell is the equality?

Merong mga prof na insecure. They never let their students to beat their knowledge. Ayaw ng nalalamangan kaya lalong pahihirapan. Nang te-terrorize. Naninigaw. Namamahiya. You don't deserve to be a professor ma'am/sir you might be intelligent for having that position pero hindi ka para sa pagtuturo.

Lastly, failing students. We understand if those are irresponsible students like those who are always late or absent in the class. Pero yung mga students na alam mong ginagawa naman ang lahat sa malinis na way para pumasa ay yun pa ang ibinabagsak kesa dun sa pala absent at mga nangongopya. Siguro hindi sapat yung knowledge ng student in short bobo (sorry for the term) kaya kahit nag aaral fail parin but if you are really a good teacher you won't let that to happen. Kung alam mong nahihirapan yung student mo sana mas lalo mong binibigyan ng pansin to teach them well from the word itself "TEACHer," You have to help them and it's your job to get rid of their ignorance.

Now, you will fail those students kasi hindi pumasa sa standards mo. Sana tinanong mo muna ang sarili mo kung bakit nagkaganon ang estudyante o mga estudyante mo. Totoo nga yung "School is not about education anymore. It's all about passing the semester."

These are all based from my experience and it's really unfair.

PS: Ipinaglalaban ko ang mga responsableng students.

- Fatima Margarita De Leon

Student rant
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

SLEEP PARALYSIS

"Grabe talaga, panalong panalo yung nagyari saken last night. Mala out of this world ang experience ko, something unusual, specifically it’s something paranormal.
Naalala ko yung kinu-kwento samin ng classmate ko habang nagaantay kami para sa next subject, hindi ko yun masyadong napagtuunan ng pansin, kase nga inaantok ako ng sobra, at saka wala din akong pake, pero rinig ko yung mga highlights ng kwento niya.

Last night, ang dami kong ginawa, nagda-download ng files, habang binabasa ko yung powerpoint report, tas may konting review review nadin pero siyempre, mawawala ba naman ang Facebook and twitter tabs ko, na siyang dahilan ng pagtagal ko sa harap ng computer.
Mga bandang 2:30 am ramdam ko na yung sakit ng mata ko at sobrang antok, kaya agad agad na’kong nag off ng lights para matulog, pero this time walang electricafan nor aircon kase mejo malamig at yung position ng higa ko iba, nakaharap ako sa pinto,tinatamad na din akong umayos. So heto na, in the middle my sleep, mejo nagbukas yung mata ko ng konti, I am slightly facing the wall at my left pero kita parin ng peripheral vision ko yung pintuan sa bandang right, alam kong may isinabit akong mga gamit sa pintuan na yun, pero that time alam kong hindi gamit ang nakikita ko, kundi tao. Nakatayo lang siya, hindi gumagalaw..yung mukha niya may darkness na nagpapalabo. Then after a second, dun lang nag sink in saken na hindi yun tao, sino ba naman ang babaeng papasok sa kwarto ko ng traje de boda diba.? So doon na’ko nagsimulang nanlamig. Gusto kong tumingin sakanya pero hindi ko maigalaw yung ulo ko, sumunod dun, hindi ko na din maigalaw ang katawan ko, lumalabas na ang pawis katawan ko that time, at gusto kong umiyak at sumigaw para maka hingi ng tulong. Pero diko magawa, mahirap.
So nung alam kong wala na’kong magawa, I turned my eyes close again, I calmed and I kept convincing my self na gamit lang yung nakita ko. Pero hindi niya padin ako tinantanan, I again open my eyes, pero this time, wala na siya pintuan at naaninag ko na yung mga gamit ko, ngunit pagtingin ko sa paanan ko, PUTA! Nakaupo na siya sa kama ko, hindi ko talaga kinaya yung segundo na yun ng buhay ko, gusto kong sumigaw, pinipilit kong bumangon para tumakbo pero hindi ko talga magawa, para bang sinusunog ako sa kulungan feeling. Nakita ko yung figure ng katawan at suot niya at yung mukha niya wala kang makikita. Alam kong kapag pipinilit kong gumalaw mas lumalala lang, mas hindi ako nakakagalaw, nauubos lang yumg lakas ko. Kaya tinangka ko nalang wag man laban at sumabay sa flow ng pangyayari, bahala na.

For the third time I opened my eyes, and nagagalaw ko na yung mga daliri ko, alam kong wala na siya...nakakagalaw na’ko. Gusto ko ng tumakbo pababa, pero kinakain ako ng takot, baka pagbukas ko ng pinto nakatayo na naman siya dun at patayin ako pero the only choice I had was to be brave, kaya I opened the light and ran downstairs, sa sala kung saan natutulog ang mga kasama ko. What a huge relief, nakahinga na’ko ng maluwag.

Akala ko totoo yun, akala ko nakalabas na’ko, akala ko okay na...... pero pagbukas ko ng mata ko, nasa loob padin ako ng kwarto, the same padin yung postion ng katawan ko at naroon pa din siya sa pinto nakatayo.... Hindi ko na alam yung gagawin ko, naulit uli yung pangyayari, katulad na katulad ng nauna,
Hindi ko na alam yung gagawin.
Siguro nga this is it, oras ko na. Tinaggap ko na ........................ng biglang may putok ng baril akong narinig mula sa labas, at dun na’ko nagising at bumababa para tumabi sa mga kasama ko.

Tanghali na’ko nagsing that time, at nasa sala na’ko, naalala ko yung kinukwento ng classmate ko saamin yung about sa stress at kulang sa tulog, dun mo daw naeexperince yung akala mo gisng kana pero hindi pa pala na nanaginip ka lang, nababangungut ka lang pala. May tawag siya dun’e at naeexperice niya daw yun. Kinuwento ko to sa matandang kasama ko dito sa bahay, ang sabi niya hindi daw multo yung nakita ko sa panaginip ko, DEMONYO daw yung base sa description na binigay ko sakanya. Nakalimutan ko din kaseng nagpray that night’e"

Di ko keri Teh
2015
Institute of Nursing (IN)
FEU Manila

Papa

"Sana ma post po to _ I want to share lang.

I was grade 5 ng umalis si papa para pumunta ng kuwait at doon magtrabaho. Suportado niya ako palagi. Nung nasa Philippines pa siya, kapag day off nya lagi niya kong pinuputulan ng kuko kasi daw pangit magpahaba ng kuko madumi daw. Kapag umuuwi siya galing trabaho lagi siyang may dalang grapes, orange at burger machine dahil alam niyang favorite namin yon. At dahil bunso ako, spoiled ako sa kanya. Sobrang saya ng pamilya namin noon. Kahit di kami mayaman, mas nadadama namin ang pagmamahalan
smile emoticon

2010, inayos na ni papa yung papers nya papuntang kuwait. It's not his first time na mag work sa ibang bansa kasi dati nasa california siya driver ng delivery truck. Dahil bata pa ko noon, umiiyak ako ayoko siyang paalisin halos maglumpasay ako non dahil ayaw na ayaw ko siyang umalis. Pero ano bang magagawa ko? Wala diba kasi kailangan niyang mag work para samin.
Hinatid namin ni mama si papa sa airport. Hanggang don iyak ako ng iyak kasi sobrang mamimiss ko siya
frown emoticon

Pagkarating niya ng kuwait, tumawag sya agad samin. Araw araw siyang tumatawag samin para mangamusta.

After 1 year, nag iba ang ihip ng hangin. Bigla nalang di tumatawag si papa wala man lang text o sulat. Di siya nag paramdam. Tinatawagan namin siya pero di niya sinasagot. Di namin alam kung ano na ba nangyari sa kanya sobrang nag aalala na kami.

One day sinubukan namin ulit na tawagan si papa napakalaking gulat namin ni mama na ang sumagot sa cellphone ay isang babae at may narinig kaming iyak ng bata pero pinatay agad yung phone so tinawagan namin ulit. Yung second call, si papa na ang sumagot. Syempre tinanong namin kung sino ung babae na sumagot and what the! Ang sagot niya ""ah wala ringtone lang yon"". Di naman kami tanga para pagkamalang ringtone yon at may iyak pa ng baby. Nag away sila mama at papa sa cellphone. Ayoko makinig non tinatakpan ko yung tenga ko na sana wala na kong naririnig.

May mga tumatawag samin na hindi namin kilala at sinasabing may ibang pamilya na si papa doon pero di kami naniniwala dahil di pa namin naririnig side ni papa. Pero may isang babae na tumawag samin at sabi niya ""Hello, asawa po ito ni jes dumating na ba yung packages na pinadala namin dyan?"". Sobrang nanlaki ang tenga ko sa narinig ko dahil may dumating talaga na package samin nakapangalan kay papa. Dun ko narealize na oo nga may ibang pamilya na siya doon.

Sobrang sakit nung nalaman namin yon. Halos di kami makapagsalita sa bawat naririnig namin. Almost 4 years di tumawag, di nagbigay ng sustento at wala lahat. Grumaduate ako ng high school di ko man lang narinig sa kanya ung kahit CONGRATS man lang na salita. Kaya itinatak ko sa utak ko na magtatapos ako ng pag aaral at papatunayan ko sa kanya na kahit wala man siya kaya ko at kaya namin.

First year college na ko ngayon. Tuwing nag sisimba kami, always kong dinadasal kay God na sana one day dumating siya, sana ok lang siya. Oo iinamin ko sa sarili ko na nagtanim ako ng galit sa kanya. Sino ba naman kasing magugustuhan ang mga nangyaring yon? Sino ba gustong masira ang pamliya? Wala naman siguro.

December 2015. Ang saya namin nila mama naglolokohan kami nagkakatuwaan parang wala problemang iniisip _ After that natulog na ko. Nagulat ako ginising ako ng ate ko sabi niya ""tinggnan mo yung cellphone mo nagtext ung nasa kabilang bahay natin"". Eh ako naman tinignan ko may nagtext sakin ""ate nandito papa mo"". Nung nabasa ko yung text message di ko alam kung totoo o naalimpungatan lang ako eh. Tinadtad ako ng pinsan ko sa kabilang bahay inulit ulit na nandun daw si papa. 11pm onwards na non kaya gustuhin ko man pumuntan dun hindi pwede. Inisip ko nalang na matulog dahil may pasok pa ko pero hindi talaga ko makatulog dahil pumapasok sa isip ko ung text message _

Pumasok na ako sa school. Di ko mapinta yung pagmumukha ko dahil hindi ko alam kung magiging masaya ba ko o hindi. Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko kapag nakita ko siya pag uwi ko sa bahay. Halos hindi ako makapag focus sa school dahil yun ang nasa isip ko.

Pauwi na ko, hindi ko alam kung tutuloy ba ko sa bahay o hindi eh. Pero mas pinili kong tumuloy para mapakinggan yung paliwanag niya.
Halos nasa gate na ko pero yung paa ko ayaw mag step in kinakabahan ako. Pumasok na ko, nakita ko siya nasa sala. Halos hindi ko na siya mamukhaan dahil tumanda siya. Napaka oa ng pangyayaring to dahil di ko napigilang sumampa sa kanya at umiyak na parang bata. Grabe yung iyak grabe din yung yakap ko sa kanya. Sobrang namiss ko yung papa ko kahit ganun yung ginawa niya samin. Sino ba ayaw mabuo ang pamilya sa darating na pasko at bagong taon? Wlaa naman diba?

Pinaliwanag niya lahat ng dapat ipaliwanag samin. Pero di ko pinapakinggan kasi nakatinggin lang ako sa kanya namiss ko talaga siya ng sobra ngayon ko nalang ulit nadama yung aruga ng isang ama.
Pero, may alinlangan parin kami. Napaka awkward kumilos sa bahay para kaming nag iiwasan. Siguro hindi parin ako sanay na nandyan na siya dahil mas nasanay ako na wala siya _

Di ko man maipakita yung pagiging anak ko ngayon, siguro balang araw masasanay na ulit ako na mayroon na ulit akong papa. Bigyan mo lang ako ng konting panahon pa, hayaan mo munang mag sink sa utak ko na bumalik kana. "

Younger
2015
Other
FEU Tech (FIT)

MAY FOREVER PO SA 'LINK'

"I have so many bad experiences sa LINK because of those stupid guys who keep sending their dirty tits and d*cks and calling you babe or whatsoever there... Isa nalang talaga buburahin ko na yung APP na iyon sa cp ko.. But then,

I met an Australian guy on Link.Well, good thing he isn't like those horny guys so ... ayun
smile emoticon

He lives in Brisbane, he is 18 . He is tall ,like 6''3 ( tapos ako 5'' lang huhu ) , his hair is curly like harry styles, he has masculine body, he is rich and handsome and very sweet and kind.
He started messaging me first at that time na actually binabalewala ko lang and nirereplayan ko lang for nothing since matino naman sya...until we had a good talk and exchanged facebook accounts.. so ayun, dito na kami nagsimulang mag-usap everyday ..
ang oras ng Australia ay ahead ng 2 hours in our country... I study in the morning till 6pm, then I have to work till 11:00 pm ( which is 1am na sa Australia) so kahit late na late na, he's still up there talking with me and always cheering me up and stuffs, always calls me on skype ( videocalls yes) and when he do,, he always play his electric guitar and acoustic guitar to me and sing songs sometimes...His English accent is nakaka nosebleed !! Buti nalang English teacher ako, so i can keep up with how he speaks ( He even say i have British accent a bit..-- yay!)
Ayon so we just kept in touch with each other for like 20 hours everyday LITERAL..5am na natutulog ang lalaking ito hahaah
grin emoticon
( it's my fault huhu)... ang effort xD ( The conversations are so sweet, ipopost ko nalang pictures soon
grin emoticon
)...

To make the story short, he fell inlove with me, ( we call each other ""BISH"" -- which is bitch hahaha
grin emoticon
)
we like each other .. Too bad kasi ang layo ng distance..
But he really wants to push and see if how we will work- if we can work as a couple of good friends or whatsoever.., so this April, he will be going to the Philippines to see me ( Haba ng hair ) , and we will be having a summer vacation together ( just the two of us, yeah) in Boracay for two weeks, nakakatawa panga kasi tinatanong niya if enough na daw ba ang 5,000 $ pagpunta sa Pinas -- Hello? 250,000 pesos
grin emoticon
.
So we will be spending that holy 250,000 pesos for two weeks in Boracay . He booked the most expensive hotel , and we plan to do all activities na pwedeng gawin doon like jet skiing,horseback riding,paragliding,snorkelling,diving, cruise and etc. ..
Everything is all set...

"" I see you in my future.. and If i will be asking you to be mine, I want to do it personally, you and me."" - he said .. (walang forever )

So there, I'm just waiting for April to come. Up until now, we are getting in touch with each other, and we eventually became closer and sweeter as the time goes by... ( we're having video call now while im writing this..)
Mom likes her too
grin emoticon
and her mum also knows me and she likes me too
grin emoticon

P.S: He will be competing in a DOTA tournament this April in Manila.. Anyone who knows this event?
I wanna support him
colonthree emoticon

LOL player here though haha!
grin emoticon
"

Bish
2014
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila