Monday, February 29, 2016

Ang alamat ng salawal

Isang araw, may isang pulubi na ilang araw nang hindi kumakain. Siya ay gutom na gutom na to the point na mamamatay na sya kapag hindi pa sya kumain. May nakita syang malapit na gourmet restaurant. Agad agad nyang kinausap ang isang waiter:

""Sir, parang awa nyo na po gutom na gutom na po ako. Pahingi po ng pagkain ito po may 50 pesos ako.""

Sabi ng waiter ""naku. wala po ako maibibigay sainyo. papatayin po ako ng boss ko kapag naglabas ako ng pagkain ng walang paalam. pero wait lang po may tira akong sandwich, ito po kainin nyo. meron po carinderia sa tabi ng resto na to kasya po ang 50 pesos nyo pambili ng pagkain.""

Kinain ng pulubi ang kapiranggot na sandwich pero sabi ng pulubi,

""Di ko na po talaga kaya. pahingi na lang po ng pagkain na kahit ano nandyan sa tray na yan kahit yung steak lang""

""sir pasensya na po. di kasi ako pwede magbigay ng pagkain na galing dito. mayayari ako sa boss ko waiter lang ako dito. meron pong carinderia sa tabi nitong resto na to aabot ka pa "". sagot ng waiter

""""tanginang waiter to ang damot. lipat na nga lang ako sa carinderia sa tabi"""" sabi ng pulubi sa sarili

pumunta ang pulubi sa katabing carinderia

nagtanong sya kung may tuyo, kamatis at itlog na maalat.

sabi ng tindera

""nako sir wala po kaming itlog na maalat eh""

bumalik si pulubi sa gourmet resto at nakita nya ulit yung waiter

""sir sige na pahingi ng pagkain. gutom na talaga ako.""

sabi ng waiter

""sir pasensya na talaga di ko po talaga kayo matutulungan. wala na kong sandwich at hindi ako pwedeng maglabas ng pagkain dahil hindi ako may ari ng mga pagkain na ito. magagalit boss ko at masisisante ako""

nagmakaawa ulit ang pulubi ngunit hindi sya napagbigyan ng waiter. lumabas ang pulubi at nagpunta sa isa pang carinderia na kaharap naman ng resto.

naka bili ang pulubi ng tuyo, kamatis at itlog na maalat. ngunit sa sobrang bilis ng kanyang pagkain, natae sya sa salawal nya.

biglang naglabas ng cellphone ang pulubi at nagpost sa facebook ng picture ng kanyang salawal at ng waiter at inilahad ang kanyang kwento.

sumikat si pulubi sa social media

nainterview ang pulubi at doon nya sinabing ""dapat magbayad ang waiter na iyon dahil natae ako sa salawal ko""

the end.

yes ganyan katanga pakinggan yung issue lately.

bash? hate? i've seen/heard it all.

""sana sayo mangyari yan""
- sorry to say, hindi mangyayari sakin yun ever because i will be a responsible parent. magaanak ako pag financially stable na ko. 9 months ko paghahandaan yung pagbubuntis namin ng magiging asawa ko at kung sakali mang kapusin, pupunta ako sa ospital na kaya lang ng budget ko.

""maganda siguro buhay mo at di mo naranasan maghirap""
-yes maganda ang naging buhay ko and i thank my parents for that. kasi kung di sila nagsipag at inisip future ng mga magiging anak nila nung mga panahong mahirap pa lang sila, malamang nararanasan ko na yang sinasabi nyong hirap. yan ang advantage pag ang parents mo inisip yung magiging future mo at naging responsable sa pagiging magulang.

""buhay ang nasayang""
- yes. condolence sa parents. pero sila din may kasalanan eh. kung sinunod na nila agad yung advice ng doktor imbis na nagmarunong sya na ""eh doc di na talaga kaya ng misis ko eh"", edi sana umabot pa sila sa east ave with their baby. (dun din naman ang punta nila sa huli). nagpabalik balik pa kasi sila. dun naubos yung oras nila. yan kasi, magaling pa sya sa doctor eh.

""hippocratic oath""
- kung ang mga doctor lang ang tatanungin, they will save lives. but how? kung wala ka namang equipments? wala kang gamot? ano? SKILLS and KNOWLEDGE lang ang meron sa mga doctor. hindi sila nagtatae at mag ma-magic na lang ng gamot at equipments. gusto nyo pati gamot eh sasagutin din ng doctor? ganito, gawa kayo sariling ospital nyo. gawin nyong libre lahat; medicine, ward, prof fee, everything! and let's see how long it will stay.

""hindi kahirapan ang issue dito""
- wala ka na nga pera, nag anak ka pa. di mo na inisip ang future ng magiging anak mo. yan ang hirap sa mga peenoise. ""bahala na"" mentality.
-bahala na kung mapagaaral ko anak ko sa magandang eskwelahan matagal pa naman yun eh
-bahala na kung may pambili ako ng gatas, sesweldo naman ako next month eh
-bahala na kung magkasakit anak ko. mag iipon na lang ako
-bahala na kung may emergency ulit na mangyari, mag popost na lang ako ulit sa facebook pag di napagbigyan.

""kaya lang naman nyan pinagtatanggol ang UST kasi taga UST yan. kahit anong paliwanag gawin mo mali yung doktor""
- congrats isa ka sa daang-libong pilipinong sarado ang utak sa mga argumento. 100% certified filipino.
like emoticon

comments will be appreciated. keep it coming.

oh syempre joke lang yung naglabas ng cellphone si pulubi. baka mamaya may mag comment ng ""susyal si pulubi may phone"" lol

2010020***
2010
Engineering

2 comments:

  1. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAH

    ReplyDelete