Thursday, August 6, 2015

Guy@Rm1403

11/24/2013 12:54:33

"Hi everyone.

Gusto ko lang mag-share ng kwentong lovelife ko dito sa UST Files. It's one of the best and weirdest thing that happened to me. Weird kasi... Uhm. mamaya niyo na lang alamin kung bakit weird.
2nd year college na ako nun and I'm from College of Nursing. Graduate na ako ngayon at doctor na.
smile emoticon
Siya naman galing College of Rehabilitation Sciences, same building lang kami. At dun sa Med. Cafe ko siya unang nakita, parang canteen ng buong Medicine Building.

One time, tumatakbo ako papuntang Med. Cafe kasi hinahabol ko yung ibang groupmates ko kasi dadating na yung professor namin at kami ang unang reporter, sila, nandun pa sa Med. Cafe at kumakain kaya asar na ako at pagod kasi puyat din ako nung gabi dahil nga sa report na yan. Ang bigat pa nung mga dala kong folder kasi ako ang may dala ng lahat ng reports ng buong grupo at yung ipapasang hard copy sa prof. namin. Sa sobrang pagmamadali ko, nadulas ako sa floor bago ako makapasok ng Med. Cafe dahil laging floor waxed yung sahig, sobrang madulas siya.Medyo madaming nakakita, mga taga-Col. Rehab. Sciences, Nursing at yung ibang Med students. Sobrang nakakahiya! Yumuko na lang ako habang pinupulot yung mga mga nalaglag na report hanggang sa may tumutulong na pala sa'kin. At tama kayo siya nga yun. Pero di tulad ng mga sinasabi nila na love at first sight. Hindi uso yun. Walang lumipad na sparks or whatever. Basta nag-thank you lang ako kasi namumula pa din ako sa sobrang hiya. Dumating na din yung mga ka-grupo ko at tinulungan ako. Bago ako umalis ay nag-thank you ulit ako sa kanya at nag-bow as a sign of respect.
Late na kami at nandun na yung prof. namin, to make the story short, ang nagalit siya at binigyan kami ng minus points. Ang saya di ba?

Kaya badtrip akong umuwi nung gabi yun sa condo unit ko sa may Dapitan. Wala akong napapansin sa paligid ko hanggang sa nasa elevator ako bigla na lang, "Uy bakit nakasimangot ka?" tapos pagtingin ko, siya yun, yung taga-CRS na tumulong sa'kin kanina. Nginitian ko lang siya tapos sabi ko stress lang sa school at sa mga reports. Nginitian lang din niya ako. dun siguro nagsimula na mapansin ko siya, I mean, physically, well-built siya, halatang pumupunta sa gym, naka-salamin siya pero maganda yung ilong niya tapos maputi, mukha siyang half-chinese. Bumaba kami on the same floor tapos magkatabi lang pala unit namin. 1403 ako at 1404 siya. Destiny? Hindi din ako naniniwala diyan. Hindi uso sa'kin ang mga fairy tales na yan. Bagong lipat lang pala sila kaya ngayon ko lang napansin, kasi 2 years na akong nakatira dun sa condo unit ko that time.

Since then, parang araw-araw ko na siyang nakikita, hindi lang sa UST kundi pati sa may lobby at study halls ng tinitirhan naming condo building. Nagngingitian at binabati naman namin ang isa't isa.
Siguro after 1 month na ganun. Niyaya niya ako kung pwede daw kaming kumain minsan sa labas, dinner o kaya minsan breakfast at lunch. Nang-iinvite naman siya in a friendly manner at hindi kami lumalabas na kami lang dalawa. Kadalasan, kasama namin yung iba niyang kaibigan o kaya kaibigan ko. Minsan nag-jojogging din kami tuwing gabi sa UST. Parang naging buddy ko siya nung mga time na yun. Naglalaro din kami minsan ng play station sa unit niya(kasi hindi pa naman uso nun yung PS3). Sobrang saya niya kasama. Di ko napapansin, lagi na palang siya yung hinahanap ko. Umuuwi kasi siya every Friday at bumabalik ng Sunday ng gabi. But since may Saturday classes ako, halos di na ako nakakauwi sa'min, medyo malayo din kasi, sa Laguna pa. Kaya minsan pag wala ako magawa, kahit alam kong wala siya sa unit niya. Kumakatok o nag-do-door bell ako. Muka akong tanga no? hahaha. Siguro ganun kapag namimiss mo yung isang tao. Minsan naman iintayin ko ung tawag niya kapag weekend and Friday nights. Tapos isa-save ko yung mga messages niya tapos babasahin ko lang sa gabi. First time kong makaramdam ng ganito, hanggang sa hindi ko alam MAHAL ko na pala siya. Sa kanya lang ako sumaya ng ganun. Kaya I decided nung bumalik siya bago mag-Paskuhan, sasabihin ko na sa kanya na mahal ko talaga siya.

(non-verbatim)

Siya: Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Para san? (nandito kami sa condo unit ko)
Ako: Uhm.. wala.. ah meron pala. (parang ayoko ng sabihin)
Siya: Ang gulo mo, bakit nga? (Nainis na ata)
Ako: Mahal kita.
Tapos natigilan ako pati siya parang nanlaki yung mata.
Siya: Anong sabi mo?
Ako: Mahal kita. Noon pa, mahal na pala kita. Ewan naguguluhan ako.
Siya: Sigurado ka ba diyan? Kasi ako noon pa, alam ko nang mahal kita.

Parang nagliwanag yung buong mukha ko nung narinig ko sa kanya yun. Tapos niyakap ko lang siya, niyakap niya din ako. Parang ang sarap lang ng feeling. Sobrang sarap.

Ako: Tama ba 'to? PAREHO TAYONG LALAKI?
Siya: Di ko din alam. Basta alam ko mahal kita. End of the story. Okay?

Hinalikan niya ako.

Dun na nagsimula yung pagkakaroon namin ng something, at least ngayon alam ko na na mahal niya din ako. Hindi yung nanghuhula ako dati. Simula nun, lagi na siyang nasa condo ko o ako nasa condo niya. Pinapagluto namin yung isa't isa. May spare key din kami ng room ng isa't isa kaya minsan di ko alam, pumapasok pala siya ng room ko sa madaling araw para lang ipagluto ako ng breakfast. Tapos padadalhan niya ako ng flowers. Sobrang iba ng feeling kasi nasanay ako na ako yung gumagawa nun para sa mga ex ko. Mas lalo ko siyang minahal. Para siya yung naging inspiration ko, kahit sobrang subsob at pagod na ako sa pag-aaral bigla siyang dadating tapos hahawakan niya lang yung kamay ko at yayakapin ako parang wala na lahat ng pagod ko. Di ko alam na sa gaya niya ako makakatagpo ng saya. Yung gusto ng pumutok ng puso ko sa sobrang pagmamahal. Minsan nga dumating siya na basang basa sa ulan tapos naka-uniform pa siya nun. Siyempre pinapasok ko muna sa condo ko. Binigyan ko ng damit ko kasi mas maliit lang naman ako ng konti sa kanya. Tinanong ko kung bakit siya nagpa-ulan tapos sabi niya lang "Wala kasi akong payong e tapos may gustong gusto akong bilhin e malapit na magsarado kaya pinilit ko na lang kahit alam kong mababasa ako." Nakangiti pa ang gago.

"Anu ba yan?" tanong ko.

Tapos pinakita niya sakin yung isang case na nilabas niya galing plastic tapos may laman na dalawang silver necklace.

"Eto sayo" binigay niya yung isang necklace sakin "tapos eto naman sakin, wag mo iwawala yan ha?" Tapos kiniss niya ako sa lips. Yung smack lang. Siguro isa yun sa pinakamasayang moment ng relationship namin. Kahit sobrang simple lang, makikita mo sa mata niya yung pagmamahal.
smile emoticon

Naging kami hanggang sa maka-graduate ako ng Nursing at Med. 8 years na kami nun by that time.

Siya, hindi na siya naka-graduate muna ng PT, kasi na-diagnosed siya ng cancer bago pa kami mag-3rd year anniversary. Isa yun sa pinakamasakit na balita sa buhay ko. Gumuho yung pangarap naming dalawa. Pero sabi ko sa sarili ko, magpapakatatag ako. Kelangan niyang mabuhay, kelangan pa namin magkaroon ng pamilya kahit adoption lang. Magpapakasal pa kami sa ibang bansa. Gabi-gabi pag tulog na siya. Umiiyak lang ako sa sobrang sakit. Di ko nga alam kung pano ko kinaya makatapos ng Med at Nursing habang binabalik-balikan ko siya sa hospital. Alam na ng family namin yung tungkol sa'min at hindi sila tumutol.
Pero kahit anong pilit naming dalawa na lumaban sa sakit niya, namatay din siya two years ago lang, year 2011.

Tandang tanda ko pa yung mga huli niyang sinabi sa'kin:
"Please. Kung mawala man ako ngayon, mag-move on ka. Ayokong masira ka dahil lang sa'kin. Magmahal ka ulit. Okay? Pwede bang i-promise mo yun?"

Tumango lang ako at sinabi kong "Promise" habang hawak ko yung kamay niya at yung isa kong kamay yung necklace na binigay niya. Parang pag binitiwan ko siya, bigla na lang siyang maglalaho at ayoko nun! Gusto ko habang buhay ko lang siyang hawak. Pero alam ko at kailangan kong tanggapin na hindi siya na sa'kin habang buhay. Nakatulog na siya pero di ko pa din binibitawan yung kamay niya.

Nung nagising ako kinabukasan, wala na siya sa tabi ko. At dun, nagsimula na akong umiyak at magwala sa room niya. Binato ko lahat ng pwedeng ibato, yung dextrose, mga vase at upuan. Kasi alam ko sa moment na yun, wala na talaga siya. Nawala na yung taong sobra kong minahal, yung taong nagparamdam sa'kin ng salitang mahal. Siguro everything has an end nga talaga.
Kapag binabalikan ko yung puntod niya halos araw-araw hanggang ngayon at nagdadala ako ng mga fresh na bulaklak, dalawa lang yung mga nasasabi kong bagay, una "I love you" at ikalawa "Sorry, kasi sa lahat ng pinangako mo, yung huli pa yung hindi ko natupad kasi hanggang ngayon ikaw pa din yung mahal ko.""

--Guy@Rm1403
COLLEGE OF NURSING, 2002

Kanser ng Dapitan

"Apat na paskuhan. Apat na taon ng pananatili sa Unibersidad ng Santo Tomas. I gotta admit, it wasn't the sweetest years but it truly was a learning experience for me. Hindi ko man nahanap ang girlfriend ko among the thousands of pretty girls walking around the campus everyday, napakaworth it naman na maganda ang nakikita ko araw araw, besides the campus itself. Hindi man ako nakatikim ng championship sa UAAP Men's Basketball, nadiskubre kong die hard fan ako and forever akong magiging fan ng UST Growling Tigers at fan ni Coach Pido. Yung mga oras ng panonood ko sa MOA arena at Araneta, lahat yun nasulit dahil sa never-say die attitude ng team. Kay Jeric Fortuna at Jeric Teng, salamat at hindi kayo sumuko para sa USTe. Sa mga taong nakaibigan ko sa ibang course tulad ng AB, Commerce, CFAD, Pharmacy, Biology, Eng'g at CTHM, salamat at naging kaibigan ko kayong tunay. Sa instutusyong humubog sakin, sa mga propesor ko, sa mga nakatawanan ko sa paligig ng AMV, sa mga vendor ng fishball at isaw sa dapitan, kay kuya siomai ng p. noval, sa lopez canteen, sa mangtoots, sa dimsum treats, sa Starbucks dapits, sa Mineski Dapitan at sa mga nakalaro kong mga competitive na college studs from UST, salamat at lagi nyo akong tinatalo dahil ang bano ko pa rin mag carry sa LOL at DOTA 2, sa babaeng nagpatibok ulit ng puso ko sa CFAD, salamat at hindi mo ko binasted, atleast naging honest ka na mas may nauna sakin. Sa mga sumasayaw na dance troupe along Plaza Mayor and Quadri Square, salamat at nakakatuwa kayong panoorin from a distance. Sa mga nakainuman ko sa Tapsi tuwing Friday, salamat at inuuwi nyo ako everytime di ko na kayang tumayo sa sobrang lasing. Sa mga gabi ng paglalakad sa lovers lane, sa mga oras na nagcut ka during class para kumain sa carpark, yung mga babae na nadaan sa plaza mayor na mapapatingin ka talaga.

SA LAHAT NG THOMASIAN, salamat at naging parte kayo ng buhay ko.

Isa po akong leukemia patient. Stage 3 na po ang leukemia ko. 50/50 lang po ang chance ko. I love UST, and I'll love it till I die. Pagdasal nyo po ako na sana, umabot ako this last paskuhan. May fireworks man o wala, masaya pa rin basta kasama ang mga kaibigan. At sana makagraduate din.

Kung kayo sumusuko na sa mga projects nyo, quizzes nyo, profs nyo, plates nyo, thesis nyo, dissertations nyo, events nyo, classmates nyo, at buhay nyo, sana tandaan nyo rin ang mga katulad kong ""on the brink."" Salamat sa inyong pagbabasa.

PS Hindi ko pa ilalagay ang totoong college ko kasi gusto ko pong imaintain ang aking confidentiality. Kaya kung ano po ang nabasa ninyong college sa baba hindi po iyon ang totoo kong college. Thank you.
smile emoticon
"

Kanser ng Dapitan
FACULTY OF PHARMACY 2010

MD in the making

Sa mga nag-course bashing and stuff, respect lang.

I'm a 1st yr med student. I wont say it's the hardest or most difficult course ever. I respect every program in every school..

I have a sister from CTHM.. 2nd year sya non, 1st year UST bio naman ako.. She wakes up at 5am para lang bumili ng kung ano2 sa market tapos para lang magayos ng sarili para maging presentable sya. Tapos ung mga dala2 nyang groceries and food, etc dala2 nya yun from our dorm to UST ng naka-high heels sya tapos nakamakeup pa.. Tapos her dismissal is at 7pm. Yung class nila is from 7am-7pm. wow lang. Samantalang kami, 7am-3pm lang, sometimes 4pm. Tapos partida, may break time pa kami, eh sila wala..

Tapos may friend din ako from beato, ung tipong di na sila natutulog dahil sa mga kung ano2 na dinadrawing nila. Samantalang ako, stick people lang kaya ko, tapos sila, may 3D ek ek pa..

Saka eto pala, grabe lang mga taga-AMV. Ang sipag nila magaral. Everyday kasi ako dati sa library.. Tapos every section sa library, punong puno ng mga taga-accountancy. Tapos puro kung ano2 ung mga pinagsususulat at pinagpipipindut nila sa calcu nila. One time, sinilip ko ung mga ginagawa nung katabi ko kasi nagCR sya. Nakaka-wtf. Ung algebra ko nga nung 1st year bahagya ko na lang maipasa tapos sila kung ano2ng pasikot2 ginagawa sa math. Wow lang.

Ayun, spread love, not legs, peace to everyone..
Shoutout kay Ate Pharma na cute na nakasabay ko sa FX kanina na tulog na tulog sa shoulder ko pero okay lang cute naman sya, actually karamihan sa mga taga-Pharma talaga. Pang miss universe ung level nila grabe. Lalo na ung crush ko dati na finriendzone ako, kaso graduate na sya. Hanggang ngayon crush ko pa din sya kahit basted ako haha. Bait nya kasi ehh.

Ayun haha, sorry ang gulo ng post ko napunta na sa sawing lovelife ko. Gusto ko pa sana mag enumerate dito ng mga courses ng friends ko.. Kaso practicals na namin sa anatomy hahaha.

MD in the making
FACULTY OF MEDICINE AND SURGERY
2009

I, too, chose UST.

I was the Valedictorian of our class and everyone expected me to go to UP, Ateneo, or even La Salle. But I took the other route and went to Espanya for college, a decision which gained attention from my high school classmates, teachers, and peers.They asked me so many whys with foreheads creased, like it's the worst decision ever. Smiling, I asked them back with "Why not?" Because seriously, why the heck not? My parents supported me, and most importantly, I believed then that my decision was right.

Until now, I know deep in my heart that I made the right choice.

There's something about UST that made me fall in love the first time I entered its gate, something that I didn't feel with the other schools. I knew then that it's going to be my home, that I wouldn't mind braving the floods or snatchers around because as I said, it's my home. When I'm inside the campus, it feels like I'm in another constellation, and in there, I meet wonderful people and experience breathtaking moments every single day. I don't need to be anyone else but myself. I don't have to be super rich, or super genius, or super sosyal to be socially accepted. I gained friends even in my weirdest state. In UST, I found true people. No one would mind if you eat in a carinderia or bring packed lunch because you want to save money. No one would judge you if you wear shoes bought in Marikina or in Divisoria. You just have to be you.

It's unfair for others to consider or think of UST as a "back-up" when they fail the top 3 universities. I know, people have prejudices and UST is sometimes a victim of that. But you know what, choosing a school is not merely based on what surveys tell you. Very often, it's based on what your heart tells you. I could go on and blab why my university is the best, but I'd be taking too much of your golden time since life in UST is too great to be summarized in just a few words.

Cheesy, I know, but I love UST because it's UST. Nothing can ever compare.

Proud Tomasina
2010
Faculty of Arts and Letters

letter to mom

"hi ma, konting push na lang magpapakamatay na ko...

Alam kong walang nangyayari sa buhay ko ngayon, di ako nakapasok sa med and yun gutso mo but not me. Sa ngayon di ko alam san pupunta, lost na lost ako pero ang dami mong pinapagawa sakin na kumuha ng ganitong courses, apply dito apply dun, pero sa ginagawa mo mas nalilito ako. May plano ako para sa buhay ko, pero ayaw mo naman, gusto mong gawin ko ay yung gusto mo.

lagi kang tumatawag, pero puro degrading words lang, bumababa lang tingin ko sa sarili ko. Feel ko napaka-walang kwenta tao ko, feel ko wala akong kayang gawin. Naiinitindihan ko na gusto mo gumanda buhay ko, buhay natin, pero na dedepress na ko ma, di ko na kaya, 21 pa lang ako pero sumusuko na ko. Pag pinauwi mo ko, mas walang mangyayari sa buhay ko.

Dami mong binitiwan na masasakit na salita, di ako robot ma, di lang ikaw may emotions, ako din. Ang sakit na kinahiya mo ko dahil sa course ko (you said so yourself), di ka masaya na graduate na ko, ayaw mo ngang tingnan yung grad photo ko eh, kala ko mag salu-salo tayo after graduation, magisa lang pala akong kakain ng fastfood sa kotse.

Eto ako, sa depression sa weight ko na 51kg, naging 45 kg. Dumadalas na din pag iyak ko at pagisip na magpakamatay, gustong gusto ko saktan sarili ko, naiintindihan ko na mannerisms ng mga baliw, feel ko nababaliw na ko. Gusto kong parusahan sarili ko.

Lagi kang galit bakit masyadong importante friends ko, yun ay dahil sila nagbibigay lakas sakin, ngayong busy na sila at magisa ako ngayon, natatakot ako ng sobra sobra...

Sana mabasa mo to, pero alam kong hindi, labs ko pa rin naman kayo at thankful ako sa lahat ng mga binigay mo, dahil sa unconditional love nagagawa mo to, pero sana mainitindihan mo din ako, iba talaga generation niyo dati sa ngayon, survival of the fittest na ngayon at ang daming norms and standards ang society na ang hirap gampanan kaya mas nakaka-pressure. I just have this feeling na if I go beyond this norms and standards mas ikakahiya mo ko, dahil ngayon pa lang kinakakahiya mo na ko.

if there's someone out there who wants to help me fight this depression, please do, I just need a friend..."

little miss gehenna
2010
College of Science