"Apat na paskuhan. Apat na taon ng pananatili sa Unibersidad ng Santo Tomas. I gotta admit, it wasn't the sweetest years but it truly was a learning experience for me. Hindi ko man nahanap ang girlfriend ko among the thousands of pretty girls walking around the campus everyday, napakaworth it naman na maganda ang nakikita ko araw araw, besides the campus itself. Hindi man ako nakatikim ng championship sa UAAP Men's Basketball, nadiskubre kong die hard fan ako and forever akong magiging fan ng UST Growling Tigers at fan ni Coach Pido. Yung mga oras ng panonood ko sa MOA arena at Araneta, lahat yun nasulit dahil sa never-say die attitude ng team. Kay Jeric Fortuna at Jeric Teng, salamat at hindi kayo sumuko para sa USTe. Sa mga taong nakaibigan ko sa ibang course tulad ng AB, Commerce, CFAD, Pharmacy, Biology, Eng'g at CTHM, salamat at naging kaibigan ko kayong tunay. Sa instutusyong humubog sakin, sa mga propesor ko, sa mga nakatawanan ko sa paligig ng AMV, sa mga vendor ng fishball at isaw sa dapitan, kay kuya siomai ng p. noval, sa lopez canteen, sa mangtoots, sa dimsum treats, sa Starbucks dapits, sa Mineski Dapitan at sa mga nakalaro kong mga competitive na college studs from UST, salamat at lagi nyo akong tinatalo dahil ang bano ko pa rin mag carry sa LOL at DOTA 2, sa babaeng nagpatibok ulit ng puso ko sa CFAD, salamat at hindi mo ko binasted, atleast naging honest ka na mas may nauna sakin. Sa mga sumasayaw na dance troupe along Plaza Mayor and Quadri Square, salamat at nakakatuwa kayong panoorin from a distance. Sa mga nakainuman ko sa Tapsi tuwing Friday, salamat at inuuwi nyo ako everytime di ko na kayang tumayo sa sobrang lasing. Sa mga gabi ng paglalakad sa lovers lane, sa mga oras na nagcut ka during class para kumain sa carpark, yung mga babae na nadaan sa plaza mayor na mapapatingin ka talaga.
SA LAHAT NG THOMASIAN, salamat at naging parte kayo ng buhay ko.
Isa po akong leukemia patient. Stage 3 na po ang leukemia ko. 50/50 lang po ang chance ko. I love UST, and I'll love it till I die. Pagdasal nyo po ako na sana, umabot ako this last paskuhan. May fireworks man o wala, masaya pa rin basta kasama ang mga kaibigan. At sana makagraduate din.
Kung kayo sumusuko na sa mga projects nyo, quizzes nyo, profs nyo, plates nyo, thesis nyo, dissertations nyo, events nyo, classmates nyo, at buhay nyo, sana tandaan nyo rin ang mga katulad kong ""on the brink."" Salamat sa inyong pagbabasa.
PS Hindi ko pa ilalagay ang totoong college ko kasi gusto ko pong imaintain ang aking confidentiality. Kaya kung ano po ang nabasa ninyong college sa baba hindi po iyon ang totoo kong college. Thank you.
smile emoticon
"
Kanser ng Dapitan
FACULTY OF PHARMACY 2010
No comments:
Post a Comment