Thursday, August 6, 2015

Getting wet

UST files was introduced to me by my friend. Naadik ako dito grabe. Everyday ako bumibisita sa page na ito.

So ito ikukuwento yung napala ko kanina. Nagjejeep kasi ako tas sa pila may gwapong taga ust and feu. Dahil doon busog na ako kahit di ako nagbreakfast hahaha landi.

Tas yun nagsakayan na sa jeep, tas umupo na ako tapos tumabi naman yung poging taga feu tas yung poging taga ust medyo malayo. Paghumaharurot yung jeep nagkakadikit kami nung poging taga feu, as in dikit talaga hahhah sparks na itooo. Tas yun ako enjoy na enjoy di ko namalayan na magiiba ng ruta yung jeep at kelangan ko ng bumaba. Eh umuulan pala di ko nahanda payong ko, pero sabi sa akin ng malandi kong utak, ""makipayong ka nalang sa poging taga ust baba rin naman yan eh"". Yun nga d ako nagpayong tas hinihintay ko yung poging taga ust, kaso d bumaba </3. In the end nabasa ako sa ulan.

Hirap talaga pag kalandian ang pinairal ehh.

ilovedogs
2014, AMV COLLEGE OF ACCOUNTANCY

Good Kids

Enrollment for school year 2014-2015, hindi makasama yung parents ko kasi may trabaho sila kaya ako nalang pumunta sa Seminary Gym para makaenroll, cash.
Maaga ako pumunta dun and di pa daw pwede ang Commerce.

May time allotment kasi.

Naglibot muna ako sa P.Noval para kumain ng breakfast sa Mini Stop. Dalawa wallet ko nun, isa para sa regular baon ko and isa para sa pang enroll. Ayaw ko kasing mawala yung pang enroll ko, burara pa naman ako sa gamit at makalimutin.

Nung pumunta na ako sa Seminary Gym para makaenroll. *insert bad word here* wala yung wallet ko with the money na pang enroll! Nilagay ko lang yun sa back pocket ng pantalon ko. Super panic ako nun!!

Pumunta ako sa Mini Stop para hanapin kung sakaling naiwan ko lang dun. Wala. Tatawagan ko na sana parents ko. Nung pagalabas ko ng Mini Stop, may 6 bata na medjo madungis and mukhang alalang alala.

Sumigaw yung isang bata "Yan ata siya oh!"
Hawak hawak nila yung picture ko sa wallet ko.
Nilapitan nila ako tapos tinanong kung akin yung wallet kasi malaki daw yung pera sa loob.

Sobrang pasasalamat ko and I admit akala ko ninakaw nila or something pero binilang ko yung pera and saktong sakto lahat ng laman, di nila ginalaw. Sabi ng kaibigan ko na nasa Coffee Indulgence nun na nahulog daw sa back pocket ko and pinulot ng mga bata. Natakot daw siyang baka saktan siya kaya di niya sinita.

Hay nako, kaibigan kuno noh? Haha. Tapos syempre bibigyan ko sana ng pera yung mga bata. Pero pagkain nalang hinigi nila, kaya binilhan ko sila ng Siomai Rice kasi yun lang afford ko pero tuwang tuwa na sila dun.

Nagkwentuhan kami, hirap na hirap na daw mga magulang nila para paaralin sila. Ultimo pagkain di nila matustusan. Utoy, Angielyn, Angelica, Joel, and Rina mga pangalan nila. Magkakaibigan sila na nagtutulongan magbenta ng sampaguitta sa P.Noval.

Kaibigan din nila si Gerald na sumikat dahil sa math skills niya
smile emoticon

God bless them.

Goodnight

The moment I heard them play, I knew they were going to be the next big thing. Masaya ako pero at the same time natakot rin ako, so tinanong ko siya.

"Kapag sumikat kayo, will you still love me?"

Childish, pero I wanted comforting words from him kahit alam kong the future is uncertain.

"I will always love you."

Tuwing may gig sila, and nilalapitan siya ng girls, nagseselos ako. Pero what he does the moment he sees my face frown is priceless. Hihilahin niya ako towards him, and ipapakilala niya ako sa mga girls na yun, hindi bilang girlfriend.

"Si ____ nga pala. My one and only."

He never called me his girlfriend. For him, I was so much more. I was his one and only.

Corny, pero being in my situation that time, alam kong kikiligin rin kayo.

After graduation, I was set to fly to Canada while his band signed a contract. Though a million miles apart, we always make it a point to video call everyday. I was a witness to their rise to stardom. I was extremely happy for them up until everyday video calls became a once-a-week thing. Sometimes those once-a-week video calls doesn't even last for more than an hour. I understood he was busy, but we were so far away from each other and I missed him so much.

I began to grow cold towards him, and he noticed. Everytime he would ask what was wrong, I would say nothing.

A year passed, and we rarely talk to each other anymore. In a month we talked once or twice, but we were always cut short because of his hectic schedule.

We started drifting apart.

Nagkaron ako ng ibang ka-relasyon. He was a guy from work. He found out about us, and wala kaming naging closure.

Tinanggap ko na lang. Our relationship was doomed from the start.

After 4 years, bumalik ako sa Pilipinas para magbakasyon. Sobrang sikat na nila, especially him. Nagkaron din siya ng breaks with acting. Good for him, I thought.

I searched for them thru the internet, and listened to some of their songs. Napansin kong parang sequential yung songs nila. Parang sinulat for someone. Pinakinggan kong mabuti yung lyrics, at dun ako nagsimulang mapa-luha.

Every song written and every album made, was dedicated to me.

The ups-and-downs of our relationships, the moment he found out I cheated, it was all there.

I wish I knew better then. Pero siguro nga it all happened for a reason. He deserved so much better. Now, I can only be happy for him.

Conservatory of Music

Salamat Ramon Bautista

"Humingi ng favor yung blockmate ko. Sabi niya sakin, kung pwede ko daw ba siyang tulungan mag-wrap ng regalo niya para sa nanay niya, di daw kasi siya marunong. So kinabukasan sa school, inabutan niya ko ng regalong na ang gulo gulo ng pagkabalot. Dahan dahan ko inalis yung tape para maayos ko. Sabi ko pa ""ano ba yan para kang bata magbalot nakakahiya ka"". Hanggang sa narealize kong yung regalo pala niya sa nanay niya ay yung librong Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo ni Ramon Bautista. :)) Tinanong ko naman ""o bakit mo to bibigay sa nanay mo?"" and then narealize kong malapit na nga pala ko magbirthday, at para sakin yung librong yun. (Lagi kasi ako nanonood ng TFTFZ non haha) Tawa ako ng tawa kasi di ko naman talaga akalain. Friends lang talaga kasi kami nun kaya di ko inisip na bibigyan niya akong regalo. Hehe. Pagbukas ko sa first page, may autograph ni Ramon Bautista saying:

""Mahal ka niya.
heart emoticon
Ramon""

Galing dumamoves. Di nararapat sa friendzone. Hahaha. And like all UST File love stories, mag 2 years na kami. Yehey hahahahahaha ‪#‎bawalbitter‬ ‪#‎mayforever‬"

Ninong Namin sa Kasal si Ramon
2011
Faculty of Arts and Letters

MASAKIT PAG PINASOK

"Naintriga kayo sa title no? Ganun talaga dahil masakit talaga... pag hinayaan mo na manyari ang hindi dapat ginawa at hindi dapat sinimulan. Bilang panimula, sorry girls pero may girlfriend ako. Aaminin ko, gwapo ako at may mga nagkakagusto sakin (nalalaman ko sa mga kaklase ko na crush na pala ako ni ganito). Yung girlfriend ko naman, taga-UST, Science course, pero sa tingin ng iba, hindi daw siya kagandahan. Ayaw sa kanya ng mga babaeng nagkakagusto sakin. Pero para sa akin, siya na yung pinakagusto kong mahalin na dadalhin ko sa altar.

Magpapasko na. December 2014. Eto na yung plot twist. May kaklase ako. Maganda. Morena. Matalino. Yun yung mga qualities na nakikita sa kanya. Hindi ko nalang namalayan, nakakusap ko na sya dahil sa mga mutual friends namin. Minsan kumain kami sa food court magkasama. Nababanggit ko naman na may girlfriend ako sa kanya at ako naman si gago, ineentertain ko parin pag naguusap kami. So ayun nung nasa foodcourt kami ng FIT (8th floor) kinalabit nya ko nung bumibili kami sa Scrumpy. Sabi nya ""*name ko* pwede ba tayo magdate?"" Nagulat ako dahil simpleng kaibigan lang talaga na kasabay ko maglunch ang turing ko sa kanya. Pero dahil tinutukso din nya ko dahil di daw ako game sa mga party, concerts, inuman (di kasi ako palainom), nasabi ko nalang ""Sige pero may girlfriend ako eh."" ""Hindi naman natin sasabihin sa kanya eh"" sabi nya.

Pumayag ako. Nagkita kami sa 4pm sa MOA. So ayun libot-libot, hanggang sa gumabi na mga 7pm. May fireworks sa bay area kaya dun kami tumambay. Nung fireworks na, niyakap nya ko sa likod. Something na memorable sakin dahil ganun din ako yakapin ng girlfriend ko pag nilalambing nya ko. ""Pwede bang ganito nalang everyday?"" sabi nya. Sabi ko ""Wag dahil may gf ako."" Umalis, tumakbo, nagmamadali akong pumunta ng CR. Hindi ko matanggap na yung kaibigan kong yun, may pagtingin na sakin. Ayoko magpanggap pero nagustuhan ko yung yakap na yun. Nagtext sya sakin ng ilang beses. Nagsosorry. Nagmamakaawa na bumalik ako dun sa bay area dahil takot sya ng umuuwi pag gabi. Umandar nanaman pagkagago ko. Bumalik ako. ""Ihahatid nalang kita sa sakayan."" sabi ko.

Nung nasa sakayan na, hinawakan nya ko ng mahigpit sa braso. ""Bakit ba hindi pwede? Wala naman makakaalam kundi mo sasabihin eh."" yung nakakagagong sinabi nya. ""Alam mo na sagot ko dyan."" sabi ko. Nakasakay na sya tapos ako naiwan sa sakayan ng FX. Di ko nalang namalayan may luha na sa mga mata ko. Hindi ko masikmura na may nagawa akong kagaguhan sa GF ko. Tinawagan ko GF ko nung medyo 9pm na. Nagstay ako sa bay-area.

Me: ""Mahal may kasalanan ako sayo.""
GF: ""Ano yun? Gusto mo ba ng ice cream? May dala kami ni mama galing The Fort eh. Wag mo na isipin yun. Di naman malala diba?""
Me: ""Nagtaksil ako. Malala. Kaklase ko.""
GF: ""Punta ka samin! Pag-usapan natin yan! Sabihin mo lahat! Gago ka!""

Pumunta ako sa kanila. Umiyak ako. Sinabi ko lahat, pangalan, oras at saan kami nagkita, pati yung pagyakap at paghatid. Muntik na ko hiwalayan ng GF ko pero naisip din nya na hindi kami tatagal ng ganito kung hindi naging sobra yung pagiging honest ko sa kanya. Pinatawad nya ko after 1 week. Sakto sa monthsary namin.

Balita dun sa haliparot? Ayun. Kaklase ko parin sya sa isang subject. Sumusulyap-sulyap siya sakin pag may klase pero hindi na nya ko gustong lapitan. Pareho din na ayaw ko din sya lapitan ni makita nga ayaw din. Pag may group work, di ako nakikigrupo sa kanya kahit inassign na ng prof, lumilipat parin ako kahit nagagalit sakin yung prof.

Kaya sa mga lalake dyan na pinagsasabay-sabay yung mga babae, pero may GF na talaga, magisip-isip na kayo kung ano magiging kapalaran nyo pag tinuloy nyo pa yan. Swerte lang ako dahil nabiyayaan ako ng GF na ganito kalambing at nagpapatawad. Pero yung sa inyo, ganun din kaya?"

Baskin Robbins
2012
FEU Institute of Technology (FIT)
FEU Manila