Wednesday, February 10, 2021

NAKAKAWALANG GANA NA DIN MINSAN

Hi. I just want to vent out my feelings and thoughts. So eto na nga, hindi naman sa sobrang bigat ng pakiramdam kasi maraming luha na akong nabuhos at ilang weeks din akong emotionally unstable because of the mere fact that I lost my job due to this fckng pandemic. Tapos breadwinner pa ako sa pamilya. Sobrang sakit that time that I had to endure the pain of losing a job. Kasi pano na yung needs namin? Pano na yung mga babayarin? Sobrang hirap lang talaga but then again, life must go on right?

So ayun, after weeks of crying and feeling so down, finally nakapag cope up din ako. Thank God pa din kasi may nanay ako na laging nandyan para sakin, may friends, my boyfriend and most especially si God. Edi tuloy ang laban mga bes. Apply dito, apply doon. Tawag dito for interview, tawag doon. Punta dito ng interview, punta doon. Pero alam mo yung nakaka-inis? Yung sasabihan ka ng employer na tatawagan ka nalang nila for final interview pero at the end of the day, nganga ka na pala. Yung hintay ka ng hintay tapos wala naman palang mapapala. I mean, sobrang unfair nyong mga employers noh? Okay lang naman kung di pasado yung tao pero at least man lang, ipaalam nyo. Di yung pa-aasahin nyo sa wala tapos iiwan na parang tuta. Ang suswerte nyo nga't may mga pera pa kayong ginagastos samantalang yung mga kagaya namin na pursigido mag apply at makapag trabaho, pinapaasa niyo lang. Asan na pagiging professionalism niyo? Para kayong walang konsensya e.
Minsan naiisip ko, baka hindi talaga sila tumatanggap ng mga bagong empleyado. Baka formality nalang nila yang pag hi-hiring kunware para mameet nila yung ni required sa DOLE na dapat mag hiring sila kasi madaming nawalan ng trabaho at kailangan ng trabaho. Pero hanggang dun lang yun. Kunware i-interviewhin ka pero wala talaga silang balak mag hire kasi nga baka di nila kailangan ng tao pero need nilang mag comply sa sinabi ng DOLE. Wala lang, napapa-isip lang din ako. Tapos, idagdag mo pa yung mas naka focus sila sa standards at qualifications na kailangan nila sa isang tao pero pag hindi yun nameet ng applicant, wala deadma kana. Paano naman yung mga may skills at may determinasyon na mag trabaho talaga? Yung mga taong dedicated talaga sa pag tatrabaho pero hindi nabigyan ng chance makapag trabaho kasi hindi pasok sa standards at qualifications na hinahanap nila. Pinas nga naman oh. Kaya ang daming unemployed e kasi sinasantabi yung kakayahan ng isang tao. Mabuti pa sa ibang bansa, de bale na kung anong natapos mo basta't may kakayahan ka at may dedikasyon ka sa pag tatrabaho, matic tanggap kana, may malaking sahod kapa. Sana ol diba? Wala e, only in the Philippines e. 🤷‍♀️
Pawang katotohanan lamang. Salamat sa pagbabasa.
Red
2021
Unknown
Unknown

No comments:

Post a Comment