"WARNING SEXUAL ABUSE"
I just want to share my story, please dont judge me.
'Di ko alam kung 6 or 7 years old ako nun, ang natatandaan ko lang ay ung gabing ginalaw ako ng pinsan ko. As a little girl, I dont know what going on. Wala akong mapagsabihan kase wala si mama, tapos laging lasing si papa. 'Di ko masabi sa mga tita ko kase nagaaway away sila nung mga panahong yun. Kinausap ko ung pinsan ko na gumalaw sakin, sabi nya normal lang yun, so I trust him. But it doesn't happen once, nangyari ulit un, pero sa ibang pinsan ko naman. Mas matanda sila saken ng mga limang taon. Sa paglaki ko,sa pagmulat ko sa mga bagay bagay, dun ko lang nalaman na mali pala yun. Na sexual abuse pala yun na rape pala un. Gusto kong magsabi kay mama, pero iniisip ko na baka lumaki lang ung issue tapos husgahan ako ng mga tao. Na bakit di ko sinabi nung bata pa lang ako. Bat di ako nagsumbong agad nung nangyari yun. Magkakagulo lang ang mga relatives ko, kaya sinarili ko na lang.
Everytime na nakikita ko sila lagi akong kinakabahan. Lagi akong nagkukulong lang sa bahay. Natatakot ako pagnakikita sila. Natatakot ako paginiisip sila. Natatakot ako na baka pag lasing sila ipagmayabang nila na may nagalaw na sila, tapos magugulat na lang ako isang araw hinuhusgahan na ko ng mga tao. Tapos iniisip ko pa lang ung mga tingin nila sakin, natatakot na ko. Di ko alam ang gagawin. Gusto ko na lang manahimik pero gusto ko lang itong ishare sa inyo. Sa mga babaeng nakaranas rin nito, gusto ko lang sabihin na tuloy ang buhay. You may not be virgin physically, but you're virgin in yourself. Sana kahit papaano may karamay kayo, may napagsasabihan kayo na kaibigan nyo, at may makakaintindi sa inyo.
Sa mga lalaki dyan, please respect girls, matino ka man o isa ka man sa nakapang-abuso, di mo magugustuhan kapag sa anak mo na yun nangyari. Please sa mga magulang dyan, protektahan nyo mga anak nyo, lagi nyo silang kamustahin. Sa mga anak nyong babae, turuan nyo po sila na ipagtanggol ang sarili nila kase di sa lahat ng oras masasamahan mo sila at mapoportektahan mo sila. Sa mga anak nyong lalaki, turuan nyo sila na irespeto ang mga mga babae, na bigyan ng distansya ang mga babae, na protektahan ang mga babae.
I don't want any of you go through what I did. Imbis na husgahan nyo sila, hug and understand them, kase yun ang kailangan nila.
Gal
Unkown
Engr.
FEU
No comments:
Post a Comment