We met through online back then at 2018 when i was Grade 12. It was my 17th birthday. Kakauwi lang namin from Tagaytay Trip. Since naligo sa ulan, hinintay ko pa matuyo ang buhok ko bago matulog. We got connected. Wala talaga akong balak seryosohin, kasi nga nagpapaantok lang naman ako. We stayed hanggang madaling araw. Sabi ko ikaw na mag end so natulog na ako. Kinabukasan, still connected. Ayun, tuloy tuloy na. We exchange numbers, ikaw nagloload sakin everyweek. Yung pera na ginagamit mo, mga pusta na napapanalo mo sa basketball. Wala e, malakas kang player sabi mo.
After 3 months, nag reveal na tayo. We celebrated 2019 together, yet thru online. January, we started talking in our real accounts. Days, months passed. Oo, nahulog ako kahit di pa tayo nagkikita ng personal. I like the way how you make me smile. At sabi mo ikaw din. Lagi nating pinaplano magkita but never natutuloy. We always planned where and how will our date be. You promised na bibigyan mo ako ng isang jersey mo, white sand from the beach and many more. Basta lahat ng mga plano natin gustong gusto ko na matupad. I was so excited! And because of that, my love for you went deeper and deeper.
September 22, 2019, we planned to finally see each other. Sobrang excited ako. Umaga pa lang, nakaready na ang damit at gamit ko. Chinat kita noon but hindi ka online. I assumed baka tulog ka pa. Tanghali na. Hindi ka pa rin nag-oonline. May iba na akong kutob yet naghanda pa rin ako para umalis. Hapon na, still di ka pa rin nag-oonline. Nasa bayan na rin ako incase na kung magchat siya, ready na ako. He's from Manila and i'm from Laguna. Oo excited ako. Hinintay ko siya. Hanggang hapon. Naniniwala akong baka natraffic lang siya. I waited more. Naghintay ako hanggang gabi. Kasama ko na rin ang kaibigan ko. Sinamahan niya ako. 8 pm. Umuwi na ako. Hindi siya nagpakita sa akin. Hindi ako umiyak sa harap ng kaibigan ko. Pagkauwi ko nagpahinga na ako agad. And my tears stared pouring down. Humingi ka ng sorry, at tinanggap ko yon. Kinalimutan ko na lang ang nangyari.
December 13, 2019, I caught you cheating with other girls when i opened your second account. I knew that month after my 18th, nagloloko ka na pala. 2 months mo na pala akong niloloko. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Masakit sa pakiramdam. Sobra. Hindi ko naisip na magagawa mo sa'kin 'yon. I broke up with you that time. After 5 days ng panunuyo mo sa'kin, tsaka lang kita kinausap ulit. Marupok ako. I still chose to forgave you. So tuloy ang buhay, videocall, phonecall and chats. Oh, we were in a secret relationship by the way. Only my friends knew.
Tuloy ang buhay. Bihira tayo magtalo. Naging masaya ulit tayo. But still, yung tiwala ko, medyo may lamat na. We were once happy and sweet. Sana all nga mga friends ko eh. Walang videocall at phonecall na hindi ako iiyak. I badly wanna hug you tight. I planned na kung hindi ka makakapunta, ako ang pupunta sa'yo. But as we stayed for more time, i felt something strange. As the time goes by, we're not used to be happy and sweet anymore. Problems encountered. Ako man, may kasalanan din. I admit. Parehas tayong nagkakamali. Lagi na tayong nagkakaaway. You always say 'babawi ako'. I waited but it never happened. There are times, i went to sleep with a heavy and sad heart. Ikaw, hindi ko alam kung inuna mo ang laro or talagang iniiwasan mo ako. But still, hindi ako sumuko. I endured everything. Because i love you.
Since this online class starts, everything messed up. You reminded me 3 days before online class starts. You said ayaw mo magpaistorbo. I agreed. Since i'm also in modular learning. I told him to atleast just update me. But, he refused. He strongly refused. I wonder. Kahit update bawal? Bawal kumustahin? I was hurt. I saw him sharing non-stop on facebook. I opened his account and saw multiple exchange chats from other people. Hello? I'm the girlfriend. How and why come he can't talk with me? Sobra akong nasaktan. Alam kong may iba na. Alam kong nagsasawa na siya. I started to believe that i am not enough. Hindi ako sapat. I endured everything. Napapagod na rin ako kakaintindi. Pagod na pagod na. Although i knew he did his part on our relationship. After 2 weeks ng pag-iisip, i decided to break up with him. He refused, pero di niya ako sinuyo hahahaha.
After 2 weeks, I opened his account again, and there I saw. Nakahanap ka na agad ng pamalit sa'kin. Ganun na pala ako kabilis palitan. I always crying at night. Hirap na hirap ako. Gusto kong sumabog na lang dahil sobrang sakit ng nararamadaman ko. Walang gabi na hindi ako iiyak. But i guess, ito talaga ang tadhana para ating dalawa.
Hey if you're reading this. Maraming salamat sayo. Sa lahat lahat ng ginawa mo para sa akin. Sa bawat panalangin ko, kasama ka pati ang pamilya mo. Walang gabi na hindi ka kasama sa panalangin ko. I still wish for your genuine happiness. It's been 3 months, and I'm moving on. You were still in my prayers. Always. I already forgave you. I always tell to God to protect you from pain and sadness. Kahit hindi na ako. Sana makapaglaro ka na sa UAAP. That's your dream, right? Sana, sana matupad mo yung pangarap mo kasama ng taong mahal mo ngayon. I loved you so much, palangga. Hanggang dito na lang. Thank you sa pagtitiis at pagmamahal mo sa akin. Salamat din, sa mga naitulong mo sa akin. Salamat sa halos dalawang taon. Ikaw, ikaw ang una kong palangga na maituturing.
Your Palangga
2nd Year
BSED
CCollegeC
No comments:
Post a Comment