Thursday, October 29, 2020

INIWAN DAHIL MAHIRAP LAMANG

  Hi po! Itago niyo na lang po ako sa pangalang Lyn, isang mahirap na babae na napagkakamalang mayaman. I have a boyfriend and may kaya siya. May sariling lupa at may magandang bahay, samantalang ako nakikitira lang ako sa bahay ng step father ko na barong barong lamang. Gawa ang bahay namin sa kahoy at flywood at mga trapal bilang pandingding dito.

To make the story short, gusto ng jowa ko na ipakilala ko siya kaso I have doubts and what ifs on my mind kasi natatakot ako na baka iwan niya ako kapag nalaman niyang malayo ang agwat ng lifestyle namin sa isat isa. Lagi niya na akong kinukulit at pinaghihinalaan na may iba sa tuwing sinasabihan ko siya na ayaw ko muna kasi di pa ako handa pero palagi siyang nagagalit. Until one time, grabe na ang galit niya sa akin dahil sa kakareject ko na ipakilala ko siya sa magulang ko. Kaya no choice ako kundi pumayag kaysa naman mag away pa kami.
Bago ako pumayag I told him na mahirap lang kami and di maganda bahay namin tulad ng sa kanila pero he answered me that "its okay, I will accept everything that you may show to me" kaya medyo naging panatag ang loob ko. But after na ipinakilala ko siya sa magulang ko bigla siyang naging cold saken and lagi na lang akong humihingi ng atensiyon niya. I told him na may problema kami but imbes na ayusin mas pinili niyang tapusin. Sobrang sakit nun.
He told me na hindi na daw ako masaya sa kaniya pero tinanong ko yun sa kaniya. I asked him kung happy na ba siya sa akin but hindi siya sumagot pero nakatitig siya sa akin. Until I asked him kung dahil ba sa lifestyle namin? Kung kinakahiya niya ba ako? he looked away after I asked him. Dun pa lang alam ko na ang dahilan.
Kaya girls maraming scam na lalake diyan. Hindi naman sa linalahat ko, kasi yung ex ko sabi niya sa akin na tatanggapin niya ako kahit anong sitwasyon ko sa buhay but see what happened. INIWAN NIYA PA RIN AKO. Kaya girls ingat po sa scammers. Ingatan niyo po ang puso niyo kasi our hearts are fragile especially to be someone that we truly loved.
Dun sa ex ko, Godbless sayo. Wala akong hinanakit sayo kasi I know na may dahilan si God kung bakit niya hinayaang mangyari yun. I still wants the best for you pati na rin sa susunod na maging gf mo sana makahanap ka ng kapareho ng lifestyle mo. Di kasi ako yung babaeng kayang ipagmalaki eh.
atemonginiwan
2020-2021
BNHS
Others

WALANG IBA PERO DI NA IKAW

Its been almost a year since that night pero hindi ko alam kung okay na ba talaga ko o nasanay na lang talaga ko sa sakit, immune lang ganon. We met May 2019, thru dating app. Sabi nila, walang tumatagal sa mga nagkakakilala sa dating app lalo na pag ldr. Pero why not give it a try, diba? We're taking the same program, engineering, kaya talagang nagkakasundo kami sa lahat ng bagay bagay. Timing pa na pareho kami ng university, magkaiba nga lang ng branch.

Masaya kami, hindi araw araw na nagkikita pero okay lang. Sapat na samin yung vc at chat the whole day. Kahit oras na ng review dapat magkatawagan pa rin kami hahaha ganon ata ako kahibang noon. He met my family, okay naman sila sa kanya. I met his too. Legal na both sides, okay naman din. Boto sa isa't isa. 


After 5 months, nagiging mainitin na yung ulo nya. Ang bilis na nyang napipikon sakin, kahit wala naman talaga kong ginagawa para i-provoke sya or whatsoever. Pero sabi ko sa sarili ko, "okay lang baka pagod lang to, baka stress na". Kaya lang habang tumatagal, narerealize ko, bakit ganito na sya? Bakit nagiging cold na.


November 2019, galing ako sa 3-day straight duty sa site. Habang nasa byahe, bigla syang nagchat sakin, na need na nga daw naming itigil kung ano mang meron kami. Akala ko nung una, playtime lang kagaya nang mga nakikita ko sa yt na puro pranks. Kaso hindi e, putangina hahahaha walang consideration, partida sa wala akong tulog, wala pa ko sa bahay, dis-oras pa ng gabi. 


Hindi pa nakakaisang linggo, may bago na sya. Okay lang naman sana kung sinabi nya nang maayos. Hindi yung tipong iiwanan nya ko nang hindi man lang nagbigay ng kahit na anong dahilan. 


Salamat sa pagbibigay sakin ng dahilan na hindi makatulog gabi gabi para pagisipang mabuti kung saan ako nagkulang. 



PS. Kaibigan nya yung bago nya. Wag kayong maniwala sa "best friend ko lang yon". Trust your gut.

labs



2015

Department of Civil Engineering

Home of Engineers

SORRY

So ayun I have jowa 9months na kame happy and contented ganon natutuwa ako dahil ako first gf nya ako first sa lahat hehe sobrang happy ko den kase never nya pa akong niloko like ng mga ex ko lol,,, Kaso sad lang kasw never nya kong pinakilala sa parents nya but oki lang naiintindihan ko naman sya pero sa side ko legal kame. Same kameng school same na g11 magkaiba lang kame ng strand. Lage namen pinaguusapan is future at pangarap namen para walang masabe yung parents namen.

So ayun minsan lang kame nagkikita lage lang chat vc away bati ganon normal lang pero that day na hindi ko makalimutan is may nangyare samen mygod first time namen pareho nagulat nalang ako nung parang may mainit na pumasok sa loob kinakahaban ako sakto naman di pa ko nagkakaron, tinesting ko sya sinabe ko sa kanya na delay nako 2months I just want to know his reaction. Weird nya nung sinabe ko di sya mapakali nababasa kona kung ano want nya pero dedma ko lang pero fast few days lage sya nag aask kung kamusta daw ba ako ano daw nagbago saken ganon pero ayun tinuloy ko pareb diko sinasabe sa kanya yung totoo hanggang sa pinag aawayan na namen yan parang pinapahiwatig nya na ipalaglag yung bata (kahit alam ko sa sarili kong wala) sinabe ko sa kanya na kung hindi nya kayang panindigan ako nalang kaya ko naman kase may magulang naman akong susuporta saken so ayun pumayag sya agad agad sabe nya na hindi nya sasabihin sa magulang nya na bakabuntis sya balak nya lang talaga itago (saket) di na ako nag salita kase i know his answer alam kong seryoso den sya. Sa first time namen mag make love ganon pala resulta.
Break na kame ngayon alam kong kasalanan ko pero why? gusto ko lang naman malaman kung kaya naba nya akong pinakilala sa magulang nya pero hindi pala ako ren yung talo sa huli ang saket lang sorry kung niloko kita about don pero gusto kolang talaga malaman kung kaya moba ako ipaglaban.
1 year ago I have blessing diko alam na totoo palang buntis ako shocks pati ako nagulat dahil alam ko biro biro ko lang pero wala ei andito na tinanggap ko lang talaga di na ako nanghingi ng kahit ano sa ex ko nag sumikap pinagsabay ko yung pag aaral ko para mabuhay ko mag isa yung baby ko.
Ang gulo ng story ko, sorry.
M.O.
Others
Others
Unknown