"Hi! So alam kong medyo mahaba tong story na to, wala ishashare ko lang
smile emoticon
Una sa lahat, bisexual ako. Lumaki akong independent, ganun kasi ako napalaki. Only child kasi ako, and busy ang magulang ko. Nabuhay ako na basta kumpleto ako ng materyal na bagay, masaya na ako. Kahit mawala na ang lahat, kaya kong magisa. Pero, mali pala ako.
May naging crush akong bisexual din, crush na crush na crush ko siya. Hindi ko alam kung bakit, nung una di ko naman siya pansin. Pero, may something sa mata niya eh. May kakaiba. Parang una pa lang, alam kong magiging parte siya ng buhay ko.
Alam niyo ba na sobra akong papansin sa kanya? HAHAHAHA! Syempre, umaasa tayo diba? Ayun, so papansin ganyan. Pero tinigilan ko din kasi naturn off ako kasi parang ang sungit niya. Hays.
Tapos nito lang, naging madalas na kaming magkausap. Video call, tapos nagkakatawagan sa cp yung dati ako yung tumatawag sa kanya napalitan ng siya na yung tumatawag sa akin. Nung una, di ako naniniwala na nangyayari to. Tapos, nasundan na yun ng gabi gabi na paguusap. Magsisimula ng 10 or 11, matutulog kami ng 4 am.
Masaya kami, sobra. Alam mo yung kahit anong pagusapan niyo pwede? Lagi pa kaming nagdedebate. Hahahaha. Wala kasing ayaw magpatalo samin. Mas naging masaya kami nung nagkikita na kami, feu ako, feu din siya. Minsan sa isang linggo, apat na beses kaming nagkikita minsan nga naging lima pa. Yung kahit walang pasok, pumapasok ako or siya para magkita kami. Hindi kasi namin matiis yung isa't isa. Ang dami kong nalaman sa kanya, lahat ng naging sikreto niya unti unti kong nalaman. Lahat yun tinanggap ko, lahat ng flaws niya. Wala eh, mahal ko.
smile emoticon
Kaso, may nangyari. Hindi kami nagkaunawaan eh, tapos bigla siyang naguluhan. Wala namang ready sa aming dalawa. Pero nasaktan ako ng sobra. Ang daming naging issues, nadamay pa yung ibang tao. Lalo na hindi na kami nagkikita ng matagal. Naging malabo na ng sobra. Tapos nagdecide siya na magusap kami. Magsosolian na din kami ng gamit.
This ends everything. Yan ang nasa isip ko, closure na to.
Sinabi niya sakin na yun nga di pa siya ready, na natatakot siya, na parang hindi niya priority ang lovelife. Thank God, naging honest siya. Ako din naman sinabi ko na, hindi ako ready. I will never be ready pagdating sa kanya. Lalo na ngayon? Ang bata pa namin andami pang pwedeng mangyari. Pero, gusto ko kasi siya na yung huling tatayaan ko. Siya na yung huling taong mamahalin ko.
Nung naguusap kami, sobrang saglit lang. Alam ko dapat maguusap kami ng about sa amin. Kung ano yung nangyari, pero iba yung nangyari. Naging asaran, tuksuhan, saka puro tawa lang. Naging masaya kami, na kahit na alam kong medyo pigil siya sa mga ginagawa niya. Kita sa mata niya na masaya kaming dalawa.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit. At niyakap niya din ako pabalik. Dun niya sinasabi halos paulit ulit na namimiss niya ako. At ganun din ako sa kanya.
Nung pauwi na kami, nagsolian na kami ng gamit. Tapos, habang naglalakad kami. Bigla akong pinulikat, kaya naisip namin na magpahinga muna.
Dun ko narealize na kahit gaano katipid yung mga sinasabi niya, yung actions niya iba yung pinapakita niya. Alam ko na mapride siyang tao, pigil lahat ng sinasabi niya ewan ko din kung bakit.
Nung nakaupo na kami, wala kaming ginawa kundi magkulitan saka magusap. Kitang kita ko sa mata niya na masaya siya eh. Sobra siyang naging masaya. Doon parang lumalambot na siya, ramdam ko eh. Niyakap niya na ulit ako, sobrang nagiging touchy na ulit siya sakin. At paulit ulit niyang sinasabi na namiss niya ako. Miss na miss ko din siya. Sa kanya ako naging sobrang masaya at alam kong siya din. Inamin niya din yun, na sakin siya naging masaya kumpara sa mga naging ex at kaMU niya.
Pero sana wag ka ng matakot, oo nagkamali ako. Pero handa akong magbago para sayo. Gusto kong maging magkaibigan nga muna tayo, atleast mas makikilala natin ang isa't isa.
Gusto kong maging matured para sayo. GUSTO KONG MAGING BOYFRIEND NA ALMOST PERFECT FOR YOU. Kasi deserve mo yun eh, deserve mo lahat lahat. At someday, kung possible talaga, gagawin ko lahat para sa sayo.
Kung nababasa mo to baboy! Gusto ko lang malaman mo na, maghihintay ako sayo. Alam mo tama sila, masyado tayong nagtataguan ng feelings. Bagay daw tayo, parehas kasi tayong magulo. Hahahahaha. Parehas tayong takot. Pero, hindi na ako matatakot ngayon. Ayokong dahil sa takot ko, meron akong pagsisihan pagdating ng panahon ko. Gusto kita, at hihintayin kita hanggang sa maging ready ka. Andito lang ako palagi, katulad nga ng sinabi mo. Maging ""friends"" muna tayo. Set your priorities, susuportahan kita.
Wag ka magalala, kahit alam mo na hindi ako pasensyosong tao, pero para sayo MAGHIHINTAY AKO.
Di natin alam? Kahit gaano man katagal to, I am actually waiting for my forever na pala?
smile emoticon
""I will wait for you, because honestly I don't want anyone else, baeboy.""
☺
Pakyuuuuuu! "
Maghihintay
2015
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila
No comments:
Post a Comment