Thursday, August 6, 2015

SPARK BA TO?

"Hi im Marco, 18 now. i have a confession.(sana mapost admin) Don't know what to do. Lalaki ako pero tangina nung mangyari yun bigla akong naconfuse sa sarili ko. This how it happened.. last school year yun first year ako.and hindi ako sanay sa manila. One night papunta ako ng bandang Vicente Cruz sa may Espanya, mga around 9:30 siguro yun. Naginvite kasi ng inuman yung kaklase ko sa piyu at teammate ko din sa basketball kasi birthday nya, so yun party at invited buong class namin. Galing akong taft. Since hindi ko alam ang way na diretso dun kasi hindi naman ako nagagawi dun, nagdecide ako na dumaan ng recto at doon sumakay ng jeep papuntang espanya. Eh ang nasakyan ko palang jeep ay hanggang morayta lang, so need kong bumaba ng morayta at sumakay ulit ng isa pang jeep pa espanya. Nung pagsakay ko ulit ng jeep, hindi masyadong puno. Sumakay ako sa bandang gitna. Sabi ko sa driver na pakibaba ako sa may bandang UST. Dun kasi kami magkikita ng iba kong kaklase. Pero hindi ko pa alam kung saan ang ust that time kasi freshmen palang ako at gabi yon. Sa bandang unahan ko, may nakaupong isang lalaki. Pag upo ko tumingin sya sakin at ngumiti. So tumingin din ako sa kanya. Sa pagkakapansin ko, galing gym si kuya kasi naka gym attire sya. Maganda ang katawan nya at mukhang mataas. Astig. Mukhang may kaya din sa buhay. At aminado ako na gwapo si kuya. Although gwapo din ako at astig ako kung pumorma. Nahalata siguro ni kuya na hindi ko alam dun so yun si kuya nalang yung nagbigay ng concern at nagturo sakin kung saan banda ang ust at kung saan ang babaan. Pero tangina ang lapit lang pala! Ang bait ni kuya sakin. The way he speak and the way he act. Yung tipong gusto nya pa ako ihatid kung saan ang punta ko. Nung magkatabi kami alam ko na pilit nyang sinasagi yung braso nya sa braso ko. At yung hita namin magkadikit na. Nung una prang wala lng sakin kasi pareho naman kaming lalaki pero nung tumagal ewan ko ba bat parang nakaramdam na ako ng kuryente. Kaya iniwas ko nalang kasi parang nahiya na ako. And awkward din kasi. Nung bababa na ako at nagsabi ng para, tumingin sakin si kuya. Alam mo yung tingin na parang nalungkot sya bigla. Nakita ko sa mukha nya yung lungkot. So yun nagpasalamat ako kay kuya at bumaba na ako. Tumango lang sya at nagsabi ng ingat sabay tapik sa balikat ko. Nung pagbaba ko umalis na yung jeep. Nakita ko si kuya na malungkot na nakatingin pa din sa akin kahit malayo na ang distansya namin. Yung parang tingin ng panghihinayang. Kaya ako parang nalungkot din. Nung papunta na ako sa mga kaklase ko di pa din mawala sa isip ko si kuya na nakasabay ko sa jeep. Hanggang dun sa birthday hanggang sa inuman. Nagtataka nga yung teammate ko bat daw ako malungkot that night. Nanghinayang ako kasi hindi man lang kami nagkakilala. Ewan ko ba kung anung nangyari sakin that night at hindi ko sya makalimutan. Umasa pa nga ko nun na sana andun din sya sa bday party na pupuntahan ko or we have friends in common aleast makita ko ulit sya. Sana nagkakilala man lng kami ng maayos. I feel crazy that night and i feel lonely. And you know what? Everytime na sasakay ako ng jeep sa bandang morayta and ust im hoping na makasabay ko ulit sya. Kahit sa basketball practice nmin lagi ko syang naaalala. Mga 2weeks din cguro ako nun di nkamove on.

Until now kht matagal na nangyari yun di ko pa din makalimutan yun. Im still hoping na makilala kita at makita kita ulit. Or makasabay ulit kita sa jeep. If ever happen na magkaron ako ng relasyon sa kapwa ko lalaki, gusto ko ikaw yun. Kasi sayo ko lang nafeel yung ganon. Hindi ko alam kung nagbabasa ka dito pero sana mabasa mo tong confession ko at maalala mo yun."

Bolerong Confuse
2014
FEU Institute of Technology (FIT)
FEU Manila

No comments:

Post a Comment