Thursday, August 6, 2015

A warning for everyone

I will never ever forget this day where I almost died from the hands of an assh*le taxi driver.

A normal and tiring day from school. I usually ride taxi tuwing pang gabi ang uwi ko. From FEU to Sta. Mesa sa condo na inuupahan ko. 9pm kasi ang dismissal ng class namin noon every Mondays and Thursdays. Wala namang traffic na kasi gabi na. Malapit lang din naman and it will only cost maximum na yung 170 pesos hanggang sta mesa. Mahirap nadin kasing maghanap ng FX na usually sinasakyan ko pauwi. Ayaw ko namang sumakay sa jeep though that is supposedly the best choice para makauwi agad. Pero mas pinili kong mag taxi palagi tuwing gabi kesa mag jeep natatakot kasi ako. Alam ko kasing ganung oras usually nambibiktima ang masasamang loob. Gate 2 tapat ng Sogo hotel sa recto ako nag hintay ng taxi. Wala pang 3 mins. naka para agad ako.

Habang nasa taxi ako nag e-fb fb pa ako with matching sounds so naka earphones ako. Dahil sa kaka fb ko, I am not aware kung san banda naba ako. Napansin ko nalang kasi parang ang tagal ng byahe. Pag tingin ko sa bintana parang ang layo layo ko na. Then tinanong ko yung driver kung nasan na kami ang sabi niya idinaan niya daw sa shortcut. Umangal na ako, "anong shortcut eh mas matagal pa tong byahe sa shortcut na sinasabi mo kesa sa normal na daan?" Then he answered me, "relax ka lang!"

Kinakabahan na ko. Hinahanap ko yung plate number sa gilid ng bintana pero burado at napaka labo. Hinahanap ko yung ID ng driver sa harapan pero walang naka lagay. Nung itetext ko na yung mama ko kasi talagang masama na kutob ko. Sobrang unfamiliar na nung place. Habang tumatagal kumokonti yung mga nakakasabay na kotse.Tangina naiiyak na ko nung point na yun. Sumisigaw na ko. IBABA MO NAKO MANONG PARANG AWA MO NA!! Pero yung driver tinitignan lang ako sa front mirror at di umiimik. Paulit ulit akong nag mamakaawa sa driver na pababain na ko. Tinry kong buksan yung pinto pero puta naka lock sa loob. Ayaw bumukas. Sobrang nag papanic na ko sa loob ng taxi kinakalampag ko na yung bintana para makakuha ng atensyon sa ibang mga sasakyan pero wala.

Naisip kong humingi na ng tulong. At nung itetext ko na yung mama ko bigla nalang may sumakay na dalawang lalake sa tabi ko. Parehong nasa edad 26-30. Pinagitnaan nila ako. Sinuntok ako nung isang lalake sa kanan ko ng tatlong beses sa mukha. Namanhid na yung pakiramdam ko sa unang dalawang suntok palang at nanlabo na ung paningin ko. At yung lalake sa kaliwa ko kinakalkal yung bag ko. Sinubukan kong pang manlaban pero sinuntok niya ulit ako sa mukha ng pang apat na beses at dun ako nawalan ng malay. Hindi ko na alam ang nangyare matapos nun. Nagising nalang ako na naka tigil na ang sasakyan. Wala na yung dalawang lalake pati gamit ko, cellphone at bag at ang tanging naaaninag ko ay yung driver na tinatanggal ang suot ko pang ibaba.
Nakahiga nalang ako noon. Wala na akong magawa. Para na akong lantang gulay. Nawawalan na ako ng pag asa na makakaalis pa ako sa sitwasyon ko. Sinubukan kong magdasal sa isip ko at humingi ako ng tulong sa Diyos dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nanghihina narin ako at hindi maigalaw ang katawan ko. Sabi ko "Lord, tulungan nyo po ako."

Hanggang sa bigla nalang akong nagkaroon ng lakas. Naidilat ko ang mga mata ko. Nakakita ako ng tyempo na manlaban ulit. Sinipa ko sa mukha yung driver at napa sandal siya sa pinto. Sinipa ko siya ng sinipa sa ulo at buti na lang naka sapatos pa ako habang binubuksan ko yung pinto gamit ang dalawang kamay ko. Sa puntong to, nabuksan ang pinto.

Gumapang ako palabas at kumaripas ng takbo. Tumakbo lang ako ng tumakbo nun kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na ang salawal ko pero nandoon parin ang palda ko na hinihila niya noon pero hindi niya matanggal. Iyak ako ng iyak! Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong dahil wala na akong makita ni isang tao sa lugar na yun dahil gabi na. Hanggang sa nakakita ako ng brgy hall. Tinatanong ako ng mga tanod kung anong nangyare sakin pero hindi ako makapag salita dahil sa takot. Gusto kong ikwento lahat pero walang lumalabas ni tunog sa bibig ko. Binigyan nila ako ng tubig at ng mahimasmasan ako saka ko lang nasabi ang lahat.

Binalikan namin ang pinangyarihan pero wala na doon ang taxi. Ni hindi ko nakuha ang plate number at pangalan ng driver. Wala ni isang paraan kung pano siya mahuhuli. Hiningan nalang ako ng mga pulis ng sketch ng itsura ng tatlong lalaki at hinatid nalang ako ng mga pulis pauwi sa bahay namin sa Cavite. At nasa Antipolo na pala ako noon.

Ilang linggo narin ang lumipas pero hanggang ngayon wala paring nahuhuli ni isa. Wala paring hustisya sa nangyari sakin. Hanggang ngayon binabangungot parin ako ng mga pangyayari. Araw araw dinadalaw parin ako ng mga multo nila sa isip ko. Pinatigil muna ako sa pag aaral dahil hindi ko pa kayang maging normal ulit. Nandoon parin yung trauma at yung takot sa dibdib ko kaya sumasailalim ako ngayon sa isang Psychological therapy. Despite ng nangyaring trahedya sa akin, nagpapasalamat parin ako sa Dyos dahil alam kong nung oras na tinawag ko ang pangalan niya, alam kong siya ang gumawa ng paraan para mailigtas ako. God is good, really good.

Nagawa kong ibahagi ang kwento ko kahit mahirap para sakin alalahanin ulit. Umiiyak ako habang tinatype ko ito. Gusto kong magsilbing gabay ang karanasan ko sa mga kapwa ko estudyante na mag ingat sa araw araw. Wala ng safe na lugar, safe na araw at safe na tao sa panahon ngayon kaya hawak mo ang sariling kaligtasan mo. Mag iingat kayo palagi.

Former blockmates, wag niyo na sana akong i-tag dito. Salamat.

Sha
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

No comments:

Post a Comment