Wednesday, June 2, 2021

CORNETTO

Way back 2018, kumakain ako ng kwek kwek non sa labas ng eskwelahan tapos nakita ko siya sa isang tabi umiiyak. Gusto ko syang lapitan pero baka hindi lang ako pansinin. Kaya yung sukli ko sa street foods binili ko ng Cornetto sa 7/11.

Tinapik ko siya kasi di ko alam paano siya ia-approach saka ko inabot yung Cornetto nung lumingon sya sakin.
Non-verbatim tagal na kase eh. Pero parang ganito naging usapan namin.
"Tanggapin mo na, yung kapatid ko kasi tumatahan kapag binibigyan ko ng ice cream."
"Wala akong pambayad nito."
"Libre yan, basta ngumiti kalang."
At epektib naman, ngumiti nga siya.
"Bakit Cornetto binigay mo?"
"Cornetto kasi paborito ng kapatid ko."
"Ginawa mo naman akong kapatid eh."
Tsaka sabay kami tumawa.
Dhil doon in-add namin yung isat-isa sa facebook tsaka dun nagsimula yung pagkakaibigan namin.
Sobrang madaldal sya, sobrang komportable namin sa isat-isa kahit kakakilala palang namin. Sabay kami tuwing uwian tsaka pupunta sa 7/11 para bumili ng Cornetto. All time favorite eh.
Pero isang buwan makalipas, lilipat na pala sila. Yun pala dahilan bakit siya umiiyak nung araw nayun. Ayaw niyang umalis sa lungsod na kinalakihan niya pero natuloy pa rin sila.
Ilang buwan din kaming nag c-chat hanggang sa naging busy siya kaya dumalang nalang yung komunikasyon namin hanggang sa wala na talaga.
Pero sabi ko sa sarili ko nung may namumuo na akong feelings sa kanya na hihintayin ko siya, hindi ako mage-entertain ng ibang babae dahil hihintayin ko siya.
Minsan inii-stalk ko siya kung may boyfriend naba siya pero madalang lang siya mag-post, kung may post man tungkol lang sa academics or random videos.
2019, 2020, 2021.
Habang naghahatid ako ng modules ng kapatid ko may natanaw akong pamilyar na babae, tinitigan ko siya hanggang sa lumingon na siya.
At siya nga!
Bumalik na siya. Tinanaw niya rin ako pero hindi niya ako masyadong mamukhaan kase naka-facemask at face shield ako. Nilapitan ko siya at doon ko inalis ang face mask at face shield ko at doon niya rin ako nakilala.
Hindi ko alam pero sobrang saya ko nung makita ko siya, hindi ko napigilan kaya nayakap ko siya. Sinita pa ako nung kasama niya kase nga social distancing daw pero hindi na namin siya pinansin. Basta yinakap ko siya ng mahigpit, sa tagal kong hindi siya nakita, na-miss ko siya ng sobra.
Inaya niya ko sa may malapit na 7/11 at nilibre niya ko ng Cornetto. Siya na ang nanlibre ngayon. Aww that’s my girl. 🥺
Tinanong ko siya kung bakit siya bumalik dito pero tumawa lang siya.
Tinago ko yung takip ng Cornetto na may pick-up line na libre niya sa akin baka magamit ko pa yun eh haha! Sabi ko sa kanya after namin grumaduate this year liligawan ko na siya.
Leonard
2021
Unknown

THE CHEATER

The memory of J is still vivid. Kung paano ako nahulog sa kanya, kung paano ako napapangiti sa mga banat niya. Kung paano niya nagawang palitan ng puwang sa puso ko yung taong minahal ko sa loob ng apat na taon in just a minute.

End of the week ng september nung biglang mag-appear yung name niya sa screen ng phone ko. Gulat pa ako nun kasi it's been two years since we had our last conversation. It is already 1 am. Akala ko simpleng kamustahan lang ang magaganap pero unexpected things happened. Hindi ko aakalain na doon na pala magsisimulang magbago ang lahat.
Sobrang bilis ng mga pangyayari for the both of us. The next month we already decided to be a couple. I dont know what really into J. Kung bakit sa kaunting oras na nagkausap kami nakalimutan ko na yung taong matagal ko ng pinaglalaban. Yung taong minahal ko ng mahabang panahon.
I just found myself smiling when we talk, found my days feel completed when I saw him on my phone screen silently sleeping, found myself happy when he updates me for everything he do. And then found myself slowly falling out of love to the man I loved for almost 5 years.
Oo, naging kami ni J habang may boyfriend pa ako. I am into a long distance relationship. Three years na kaming ldr nung boyfriend ko nun. Sa three years na yun God knows how I fought for all of the things na pwedeng ikakasira ng relasyon namin.
But suddenly J came into my life and everything changed.
Pinili kong kalimutan yung lalaking apat na taon kong karelasyon. Pinili kong kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya. Pinili kong baliwalain lahat ng mga pinangarap naming dalawa. Pinili kong itaboy sya just to be with J.
For me kasi mas nangingibabaw yung mga nababasa ko na,
"Kung pipili ka man sa dalawa, chose the second one. Kasi kung mahal mo talaga yung una wala ng magiging pangalawa."
I stand for it. I chose J over him.
But funny how karma strikes that fast to me. Kung gaano kabilis yung pangyagaring naging kami ni J, ganun din kabilis na natapos kami.
I cheated on my ex-boyfriend and decided to broke up with him because I chose J. Then suddenly I found out that I am being cheated by J.
Pinagpalit ko yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako sa taong hindi ko man lang alam kung minahal ba talaga ako.
Pinagpalit ko yung taong handang hintayin ako sa haba ng panahon sa taong hindi sigurado kung kaya akong hintayin.
Pinagpalit ko yung taong handang suportahan ako sa lahat ng bagay na gusto ko sa taong hindi ko alam kung may pakialam ba sa akin.
Pinagpalit ko yung taong nirerespeto ako sa taong hindi ako nirespeto.
Pinagpalit ko yung taong kahit kailan hindi ako sinaktan sa taong sinaktan ako ng sobra.
I know, sobrang laki ng pagkakamali ko. Nagsisisi ako, oo, pero hindi ko rin kasi maikakaila sa sarili ko na I am thankful because I met J. Na naging parte siya ng buhay ko. Na once upon a time naging akin si J. Iba pa rin talaga ang pakiramdam dahil personal na kasama ko siya.
It is just a short time but in that short time I know to myself na sobrang laki ng naging bahagi ni J sa buhay ko. Because of J, mas nakilala ko yung sarili ko. May mga bagay akong natutunan na kaya ko palang gawin na akala ko dati hindi ko kaya.
Its been a month since J and I broke up. But I am still in the process of healing. And when my ex-boyfriend found out about sa paghihiwalay namin ni J, gusto niya ulit makipagbalikan sa akin.
Handa pa rin syang tanggapin ako sa kabila ng lahat ng sakit na naidulot ko. All this time minahal at mahal niya pa rin ako. Pero hindi ko na nakikita yung sarili ko na mahalin siya tulad ng dati.
Kung kaya ko lang na ibalik lahat ng pagmamahal ko sa kanya gaya ng dati ginawa ko na. Kaso hindi ko kayang diktahan yung puso ko. Yung dating pagmamahal ko sa ex-boyfriend, lahat yun na kay J na.
For A,
I'm sorry for all the heart breaks that i’ve caused. Sorry for betraying you. Sorry kung natukso ako. Alam mo kung gaano kita minahal din dati. Alam mo kung paano kita pinahalagahan. It didn’t change the fact that I loved you. And i don’t want to regret anymore. For now, i will pray for your happiness and i hope you’ll get the love that you deserve.
For J,
Hey. Kumusta ka? Everyday I used to remind myself to be happy kasi yun yung gusto mo diba? I am trying but at the end of the day I ended up crying. Lagi kong binibisita account mo, kahit limited lang mga nakikita ko doon because we’re not friends anymore. I am still into you bb. I miss you so much. I hope you’re doing good. Mag-iingat ka palagi. I love you!
Askmee
2016
BSBA
Unknown

CONGRATS

Isa ako sa malakas ang paninindigan noon na,

"Hindi ka dapat pumapatol sa ex ng kaibigan mo, kumbaga sisterly code."
Pero ayon nga masyadong mapaglaro ang tadhana kase yung salitang binitiwan ko kinain ko rin.
Years ago, nagka-boyfriend yung isa sa mga college best friend ko, si Pat. Nag-aaral pa kami ng college noon. First year kami and my bestfriend has a really strict parents lalo na't panganay siya kaya bawal talaga ang boyfriend.
But despite of that tinuloy nila ni Ken yung relasyon nila and I witness how they loved each other. Ang ideal nga eh as in ako yung mediator nila noon kapag hindi sila okay. Pat and Ken used to ask for my advice kapag may small fights sila.
Pero noong patapos na kaming mag-second year nalaman ng magulang ni Pat yung relasyon nila ni Ken. At walang ano-ano pinauwi agad nila si Pat sa province.
Nawalan kami ng kahit anong communication kay Pat. Dahil doon naging close ko na rin si Ken dahil nga third wheel nila ako noon and I treated him as my friend na rin.
I helped Ken at all means na ma-contact si Pat pero wala hindi talaga namin ma-contact, kahit sa mga kapatid wala kaming mapiga.
To make the story short I helped ken to move on when he decided to forget about Pat. As a friend lang talaga noong una, wala akong ibang agenda. Gusto ko lang talaga tulungan si Ken maka-move on nung time na wala na talaga kaming maisip na way para magkaroon pa ng communication kay Pat.
Na-encourage akong tulungan siyang makalimot dahil sa napapabayaan na kase ni ken yung studies niya actually napabayaan talaga.
Years passed mas lalong naging close kami. Noong nag-4th year kami we're lucky na nakapasa kami parehas sa isang company to perform our OJT. Doon na nag simula ang lahat ng tuksuhan. Akala ng mga superior namin magjowa kami pero hindi.
And to be honest I really tried na hindi ma-inlove kay Ken kase nga ex ng kaibigan ko (actually hindi nga ex eh kase wala namang break up na naganap) pero wala eh nainlove ako. Pero never ako gumawa ng move to tell ken na I'm inlove with him.
Actually ang sama ko nga that time dahil nagjowa pa ako ng iba para mawala ang focus ko kay Ken. Pero noong nagkajowa ako doon nag-start umamin si Ken na gusto niya ako. Hindi niya raw alam kung kelan at paano nangyare pero ang alam niya lang daw is mahal na niya ako.
To make the story short again, syempre mahal ko nga siya so hiniwalayan ko yung boyfriend ko nun at sinagot si Ken.
Naging masaya kami ni Ken, kahit marami akong naririnig na mga salita na,
"Lah plastic jinowa jowa ng kaibigan niya."
"Solutera, mang-aagaw” and other mean words.
Pero dedma mahal ko eh and I know na I tried my best na pigilan pero wala eh mahal din niya ako kaya bakit pa ako iiwas diba?
Naka-graduate kami ni Ken ng college and parehas na absorb sa company kung saan kami nag-OJT. Ang saya ng first two years namin not until bumalik si Pat.
Nag-chat siya sa akin at kinuwento lahat ng nangyari. Kaka-graduate niya lang that year kase na delay siya nung trinasfer siya sa province. Ang saya ko noon kase na-miss ko rin naman siya pero nalungkot ako kase after niya ikuwento hinanap niya si Ken.
Paano ko sasabihin na jowa ko na? Yun ang pinoproblema ko nun. Nag-set siya ng date na magkikita kami at sabi niya sama ko raw si Ken. Nabanggit ko kase sa kanya na ka-work ko si Ken pero hindi ko masabi na boyfriend ko na.
Nakiusap siya na isama ko raw si Ken kase magpapaliwanag and magso-sorry siya.
The day came, dahil sa guilt ko pinapunta ko si Ken pero hindi ako sumama pinauna ko lang siya. Sinabi ko na doon nalang kami magkikita sa meeting place. Hindi ko sinabi sa si Pat ang makikita niya pagdating niya doon. It's up to him naman kung anong gagawin niya kapag nagkita sila. I trust him.
Nagkita sila that day at hindi na nakapag-update si Ken sa akin the whole day. With that, nagka-idea na ako sa pwedeng mangyari. Kinabukasan kinausap niya ako bakit hindi hindi ko sinabi na si Pat ang kikitain. Hindi raw siya handa. Halata naman sa kanya na nagulat siya dahil ang tamlay niya at kitang-kita na ang lalim ng iniisip niya.
Lumipas ang isang linggo hindi parin alam ni Pat na kami ni Ken dahil walang nagsasabi sa kanya.
Hindi ko alam pero noong mga panahon na yun, ine-expect ko na darating yung araw na kakausapin ako ni Ken. Kilalang-kilala ko siya eh. Kitang-kita ko na kung sinong mahal niya. At alam kong lugi ako kahit mas matagal niya akong nakasama sa hirap man o sa ginhawa.
Simula nung nagkausap sila ni Pat ramdam ko na may nagbago. Obviously. After ilang days umamin si Ken na ilang beses pa silang nagkita ulit ni Pat.
I am crying the whole time na nag-usap kami. I expected it to happen simula bumalik ang taong mahal niya pero masakit pa rin. Ken is crying while telling me the story and how sorry he is for me kase alam niya daw na mali ang nagawa niya. Alam ko na patutunguhan ng usapan namin. Mahal ko siya kaya ako na unang bumitaw.
Yes. Nakipag hiwalay ako kay Ken. Masakit para sa akin, pero mas masakit makita na nahihirapan siya kung paano siya bibitaw sa akin.
I witness how they loved each other. I've been a fan to their love team. Mas matagal kong nakasama si Ken pero sa paningin ko noon ay match made in heaven sila. They are just too good to each other.
Mahirap pakawalan yung taong mahal na mahal mo pero mas mahirap na makita mong di totoong masaya yung mahal mo sa piling mo. Naging masaya rin naman ako noong mga panahon wala si Pat. I am even the happiest dahil naging kakampi ko si Ken. But maybe we are just really destined to remain as good friends.
Years passed again and ikakasal na sila ngayong July. I don't know if Pat knows about the relationship i have with Ken. I didn’t talk to them that much because i choose to distance myself. Nag-resign rin kase ako agad sa work.
Parehas ko silang mahal. And as much as i wanted to attend to their wedding, i just can’t. I know i am still in pain. Maybe I am strong to let go the person I loved but not that numb to witness how the man I love will tie the knot with my best friend.
Tin
2017
Unknown

FLAGS REVIEWER

This is the first time na mags-share ako ng story so advance sorry po sa mga errors ko.

Last year pareho kami ng crush kong sumali sa program sa school. Siya yung representative namin sa Guessing The Flag, basta about sa flags and ako sa quiz bee. Yung program is ginaganap friday ng hapon.
Itong crush ko napaka-torpe as in sobrang torpe yung tipong papalapit pa lang ako umiiwas na siya. Lahat kami sa room ako lang yung hindi niya pinapansin palibhasa alam niyang crush ko siya. Halos lahat naman sa room may alam na crush ko siya, vocal ako eh.
Never niya akong pinapansin pag magkasalubong kami. Tumititig lang siya sa akin. Pero ayos lang gusto ko parin siya.
Not until the program begin. Sabay-sabay kami ng mga kaklase kong bumaba patungong gym, nasa 3rd floor kasi kami. Hindi sya sumabay sa amin bumaba kasi nauna siya pero nabigla ako ng may tumabi sa akin sa paglalakad. Tiningnan ko yung left side ko and I was shock kasi siya pala yun. Akala ko nauna na siya mukang hinihintay ata niya ako kasi nagtago sya sa corridor ng comfort room.
"Representative ka ng section natin for quiz bee diba?"
"Y-yes bakit?" ayy marsss? nautal ako marss, powttekk!
"Good luck."
After niyang sinabi yun tumakbo na siya pababa ako naman shockness parin mars.
After ng quiz bee and sa flag na part bumalik na kami sa room, hindi kami nanalo kaya sa room nalang kami tumambay lahat.
Lumabas ako sa room kasi mainit pero na-schock na naman ako ng makita ko si Ken sa hagdan kumakain so ako naman si walang hiya tinitigan ko siya habang kumakain. Nahahalata kong naco-conscious siya sa titig ko kaya huminto na siya sa pagkain at binalik niya sa bag yung lunch box niya.
Aalis na sana siya nang kinuha ko sa bag niya yung flags reviewer niya na nilagay niya sa may tubigan na bulsa ng bag. Parang wala naman sa kanya na kinuha ko yun kasi umalis siya sa tapat ko at bumalik sa loob ng room.
So yung flags reviewer niya is tinignan ko pero dahil wala akong interest tinutupi-tupi ko nalang para gawing eroplano.
Pinalipad-lipad ko yung papel sakto namang lumabas siya at kinuha niya yung flags reviewer niya na ginawa ko kong eroplano. Lumapit ako sa kanya para agawin yung papel pero tinataas niya. Sinusubakan ko namang abutin pero matangkad siya kaya d ko maabot.
Nang inilagay niya sa likod ang dalawang kamay niya para itago yung papel hindi naman sadya napayakap ako sa kanya mars, as in nayakap ko siya for the first time!
Natulala siya, hindi siya nakagalaw kaya nakuha ko yung eroplano ko i mean reviewer niya at itinakbo ko. In the end naghabulan kami sa buong floor.
By the way Ken,
Hindi mo naman sinabi na malambot pala bewang mo, hinahanap-hanap ko tuloy. Thanks sa reviewer mo nayakap kita. Doon pa lang parang panalo na ako.
Zariyah
2019
Unknown

KASAL

Hello everyone! May gusto lang ako i-share sa inyo. Isa sa nakakahiyang pangyayari sa buhay ko.

So nag-abay ako sa kasal. Maayos naman yung kasal nabusog naman ako sa reception. Gusto ko na umuwi non kase sobrang init talaga plus naka long dress pa kami. Busy sila sa program hanggang sa dun na sa part na sasaluhin na ng mga single na babae yung bulaklak ng bride.
Ang mga abay tinawag na. Dahil 18 na ako wala na akong kawala. Nakapwesto na kami sa gitna. Sinigawan pa nga ako ng ninang ko na huwag ko raw sasaluhin. Eh wala naman talaga ako balak saluhin, ayoko nga sumali eh.
Nung pinasalo na nakatayo lang ako sa likod. Nagtaka ako kase yung nakasalo pinaupo na. Nagtaka ako kase karaniwan kung sino una makasalo siya na makakakuha ng bulaklak.
Pero ang game pala sino ang huling babae na di makakasalo sa kanya yung bulaklak at susuotan ng garter.
Nakiagaw na talaga ako noong nalaman ko yung mechanics ng larong yun kase ayoko masuotan ng garter sa legs. Kaso hindi ako makaagaw. Tinutulak ako or tumatalon sila.
Hanggang sa dalawa nalang kaming natitira. Kabado ako sobra tapos nung hinagis na sabay pa namin nasalo akala ko ligtas na ako. Edi inulit ang paghagis.
Feeling ko dinaya talaga ako nung photographer eh. Nakita ko talaga na binulungan yung bride na sa malayo ihagis para masalo nung kasama ko na natitira.
Edi ang ending ako yung nanalo kuno at binigyan nung bulaklak ng bride. Takte panalo ba yun? Pakiramdam ko natalo ako.
Kabado talaga ako that time. Lalo na nung pinapipili na ng lalaki na magsusuot ng garter. Huhuhu. At yung nanalong lalaki ay kapatid nung groom. Hiyawan ng tao ang basehan, syempre kapatid yun eh, kaya mas marami nakisigaw sa kanya.
Ang dami pang pasakalye bago isuot yung garter. Hiyang hiya na talaga ako. Ang dami pa naman teachers kase mga kumadre nung mama nung groom puro mga guro.
Ang dami taong nanunuod. Naiiyak na ako. Pinasayaw muna sa harapan ko. Jusko ang tagal talaga hindi ko alam saan ako titingin makaiwas lang ng tingin sa nagsasayaw sa harap ko. Jusko ilang na ilang talaga ako. Hanggang sa pinasuot na sa akin yung garter buti nalang talaga at hanggang tuhod lang. Pero ang awkward pa rin.
Akala ko tapos na at makakaalis na ako. Hindi pa pala, pinatayo kami nung photographer tapos pinagtalikod kami nung bride. Sinasabotahe talaga ako ng mga yun eh.
Kaharap ng bride yung groom at kaharap ko naman yung nagsuot sa akin ng garter tapos magkahawak kamay silang dalawa nung groom. Bale kulong kami sa loob nila. Sabi ba naman nung photographer sa amin. Kung ano gagawin nung groom sa bride nya ganon din ang gagawin sa akin.
Kabado talaga ako. Hindi talaga ako mapakali kase ang daming tao nakakahiya.
Akala ko simple lang ang gagawin. Magtititigan ganon or magsusubuan ng cake ganon. Pero OMG hinalikan nung groom yung bride sa noo!
Naghihiyawan na sila. Kaya hinalikan din ako nung lalaki sa noo. Tapos sunod hinalikan ng groom sa pisngi yung bride. Edi matik, wala akong kawala, nahalikan din pisngi ko.
Akala ko hanggang doon lang kase mas kinabahan ako kase may naririnig ako na sa lips daw halikan nung groom.
Itong groom naman loko loko at hinalikan nga!
GRABE ANG ILING NA GINAWA KO. AYOKO TALAGA. NAKA-RESERVE NA TO SA MAGIGING JOWA KO EH.
Siguro mukha na akong mature para sa kanila dahil isa ako sa mga abay pero feeling ko ang bata ko pa para sa ganun.
BUTI NALANG NAGSABI RIN YUNG LALAKI NA HUWAG SA LIPS.
Pero hindi sila paawat. Ang ginawa nung groom sa leeg hinalikan. Buti nalang noong ginaya nung lalaki na i-kiss sa leeg hindi nakadampi sa leeg ko dahil sa buhok ko.
Kabado pa rin ako nun kase lagot ako sa nanay at tatay ko kapag nalaman na may nakahalik sa akin. Hindi ko alam pano sasabihin. Eh baka lalo naman magagalit kapag sa iba pa nalaman. Kaya nag-iisip na ako nun paano sabihin.
Feeling ko pagod na pagod ako after nun. Isama mo pa yung mga audience na irit ng irit at mga kilig na kilig. Mga traydor!
Pag-uwi ko sa bahay agad kong nakwento sa mama at papa ko. Naluluha luha pa ako pero tinawanan lang nila ako. Akala ko naman magagalit, pero parang aware yata sila na ganun talaga ang mga ganap sa reception.
Pero ang mas nakakagulat sa lahat dahil kinagabihan nag-friend request yung lalaking naka-tatlong halik sa akin. Like what ???
Inday
2021
Unknown