Sunday, February 28, 2016

I'M NOT MOVING

"Admin sana mai-post niyo

To my 1st True Love,

Jan. 13, habang naghihintay ako ng klase ko ng 6pm, naisip kong magpalipas oras sa freedom park. nakita ko ikaw naglalakad palayo, kahit hindi ko nakita ang mukha mo, alam kong ikaw yun, sa kilos, katawan at buhok palang. Nagflashback tuloy sakin ang start at ending natin.

Wayback 1st Sem 2014, 3rd year ako nun, na-appoint akong President sa isang feu cultural group. Then freshman ka Psychology student, sumali ka nun at nakapasa ka sa audition. At first, hindi ko talaga makaudap masyado ang mga trainees nun (ni hindi ko nga alam na member ka na pala). Pagrerehearse lang talaga ginagawa ko nun sa inyong trainees. After kong magturo, alis agad ako nun dahil busy ako nun sa pag-aaral sa course ko Internal Auditing (Accounting matters na feeling ko mga hindi ko kayang ipasa! Hahaha).

And then, dumating ang January 2015 at may major concert ang group natin sa March. Medyo nagkachat tayo nun at nakwento mo na broken-hearted ka sa isang lalaking may girlfriend, etc. Ayun napakwento na din naman ako(kahit NGSB ako). At ayun humaba ng humaba ang kwentuhan natin bawat gabi na napunta na sa politics, relegion, etc. Hahaha! Then, hindi natin napansin na March na pala at concert na. Edi ayun matagumpay naman ang naging concert sa chapel. Week after the concert, naglakas loob akong sabihin sa'yo na gusto kita (achievement ko na yun kasi torpe talaga ako, NGSB eh). Ayun then you said it back na gusto mo rin ako. So, shit! Sabi ko sa sarili ko ako na pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Haha! (Di ko na sasabihin yung iba pang mga nangyari, satin nalang yun). Then you became my motivation kasi may Comprehensive exam kami ng April 2015 para makapagtuloy kami ng 4th year internal auditing, noon lang ako ginanahang mag-aral ng sobra sa accounting. Haha! 'coz you know you're my greatest motivation.
smile emoticon

(The next chapter will be the start of the end)
after ng comprehensive exam, dumeretso ako ng Bacolod para magturo ng musical instruments related to our cultural group for 2 weeks (pangatlong taon ko na nun nagtuturo doon every summer). Tapos sa kalagitnaan ng pagtuturo ko lumabas ang compre exam result at ayun bumagsak ako.
frown emoticon
sobrang gibang giba ang pangarap ko, hindi ko magawang makausap noon ng maayos na parang pati sa'yo ba nawalan ako ng gana. Sino ba naman ang hindi mawawasak? kung kelan 3rd year ka na. And then one night, nagkachat tayo noon at napag-usapan ang status natin (kasi nga hindi na kita kinakausap ng ilang araw straight), ako naman si GAGO hindi makausap ng matino (epekto ng compre result), ayun na nga nag-away tayo, AT HINDI KITA IPINAGLABAN. Huling sinabi mo sakin nung gabing yun ""Mahal kita ******, pero hindi ko deserve yung ginagawa mo sakin. Sana ako yung maging lesson mo sa kasunod na babaeng mamahalin mo."" P*tang ina napaka-gago ko talaga nun na hindi ko maipaliwanag sa'yo ang dahilan, na hindi kita ipinaglaban sa depression ko sa compre result. lalong gumuho ang mundo ko nun. Iyak ako ng iyak noon. Alam mo yung pakiramdam na, BUMAGSAK YUNG TULAY SA PANGARAP MONG PROFESSION KASABAY NG PAGKAWALA NG PANGARAP MONG MAKASAMA SA HABANG BUHAY? Double-blade diba? Tapos nag-iisa lang ako sa bacolod at walang mapaglabasan ng magkahalkng galit at lungkot. Ni ayaw ko ng bumalik ng Manila noon.

Pagbalik ko ng manila, nagkoroon ng 2nd take ng Comprehensive exam and nakapasa ako. Haha (but still hindi pa rin ako masaya dahil wala ka na)

Sa 2 months na mutual na pagmamahalan natin (and 1 1/2 years na magkakilala), madami akong natutunan. At heto ngayon ko lang sasabihin sayo, SORRY FOR EVERYTHING. But for that 2 months of love, you gave me forever and my eveything. Hanggang ngayon kasi araw2 pa rin kitang naiisip at hindi ko pa rin kayang magmahal ng iba (siguro natatakot akong masaktan ulit yung mamahalin ko). kahit hindi na tayo nagkakausap, kahit may iba ka ng mahal, kahit may iba ng humahawak sa mga kamay mo araw2 at nagsasabi sa'yo ng I love you, YOU WILL ALWAYS BE MY PAST, PRESENT, AND FUTURE DREAM GIRL.

PS. Gagraduate na nga pala ako ng IA at magtetake ng Qualifying exam to pursue 5th year BS Accountancy. Pagdasal mo ako ha?
smile emoticon
Kahit nawala na sa akin ang GIRL OF MY DREAM, atleast nakabalik naman ako sa tulay ng aking pangarap na propesyon. 8 months na di pa rin ako makamove on. Haha"

Artist
2012
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila

It's being wise

Sabi ng mga lalake; "Basta mayaman sagot agad ang babae. Kapg mahirap basted agad."

Hindi lang ito tungkol sa pera. Nag iisip din naman ang karamihan saamin lalo na kaming mga babaeng lumaki sa marangya o "average" type of family.

Sino ba namang babae ang gugustuhing pumili ng miserableng buhay? Magkaroon ng asawang isang kahig isang tuka? Gutom na mga anak? Kapag nagka sakit ay mababaon sa utang? Magtitiis sa de-lata at per kilong NFA? Buhay na hindi nakasanayan.

Kami yung mga babaeng nag iisip na "Hindi ka kayang palamunin ng pag ibig."

Sana intindihin niyo rin kami na gumagamit rin kami ng utak at hindi puro pag ibig lang ang pinapairal. Para narin naming nilunod ang sarili namin sa putikan sa pag patol sa lalaking alam naming walang pangarap sa buhay, hindi pina-prioritize ang edukasyon, puro nalang "Bahala na" at Walang ibang ginawa kundi tumambay, mag DOTA at mag bisyo. U know what I mean?

Hindi ko nilalahat ang mga lalaking lumaki sa hirap. Iba ang lalaking mahirap na may pangarap sa buhay, binibigyang importansya ang edukasyon upang maka ahon sa kahirapan kumpara sa mga lalaking nabanggit ko sa itaas.

Some women
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

Am I the Only One?

"Ako lang ba? Ako lang ba rito yung babaeng naiinggit sa mga babaeng malaman? Ako lang ba yung babaeng kahit anong lamon, vitamins at ano ano pang healthy foods ang kinakain eh hindi man lang tumaba taba? Ako lang yung naf'frustrate na bakit ganon ang payat payat ko pa rin, lahat naman ng pedeng paraan ginawa na? (hindi naman ako anorexia, may booty naman ako at hindi dalawa ang likod ko) Ako lang ba yung babaeng kinaiinisan ang sariling katawan because of being too skinny?

Tandang tanda ko pa na sinabi ng ex kong hayup,

Siya: Magbreak na tayo, hindi na kita mahal, Nawala na ang pagmamahal ko sayo,
Ako: (nashock at umiiyak na) Ha? Diba sabi mo mahal mo ako?
Siya: Oo, noon. But you're skinny as fuck. Ang payat payat mo nahihiya na ako baka isipin ng ibang tao wala kayong nilalamon sa bahay.
Ako: Eh mahal alam mo namang kahit anong gawin ko di ako tumaba taba.. sabi mo naiintindihan mo na ganto ako, wag mo naman ako iwan oh. Please.
Siya: (umiling) May bago na akong girlfriend si *tut*, siya sexy at malaman. Masarap yakapin di tulad mo! Tantanan mo na ako ah.
Ako: ......

Ang sakit. Bakit ganun? Sa SIZES nalang ba talaga ang basehan ng mga lalaki ngayon??? Paano naman kaming mga payatot?"

Miss Skinny
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

Miss Universe sa Kabaklaan

"Bye. Ingat ka na lang. Chat ka lage.
Yan lang naman yung sinabi ko ng huling mag-usap tayo bago ka umalis through cp.

Pero sa totoo lang. Aalis kana ng bansa hindi mo pa din alam na mahal kita higit kaninuman. Pag nabasa mo makokornihan ka lalo na kase galing sakin haha. Pero sobrang sakit lang kasi aalis kana sobrang layo muna. Hindi ko alam kung magsisisi bako na hindi ako umamin pero ngayon sasabihin kona. Mahal kita sobra! Wag mong sasabihin na matalino ka kase cum laude ka kasi hindi mo alam na mahal kita simula ng makilala kita.

Sa wakas nasabi ko din! Ngayon makakahinga nako ng maluwag. Sa pag-alis mo kakalimutan ko na rin tong feelings ko sayo.
Oo traydor ako kasi pagkaharap kita ako yung kaibigan mo na sobrang mapanghusga at mapag-asar sayo pero ganun ako magpapansin eh.

PS
Hindi ako iiyak umalis kana!
Napaibig mo kong bakla ka. Baka pagbalik mo mas malaki pa dede mo sakin. Joke!
Tigilan mo na ung pills nayan sinasabi ko sayo mas maganda pa din ako sayo.

I know reader ka dito kaya wag muna banggitin sakin pagnabasa mo or mga bff girlash wag nyo ko tag. "

Miss Colombia (Umasang magpapalik-loob kaso nabigo)
2011
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

Dahil Tinitigan Ko...

"Katatapos lang noon ng first class ko kaya diretso na kami ng friend ko sa Tech Food Court para maglunch. Umupo kami sa vacant table na malapit sa water fountain chuchu...
So habang kumakain, di sinasadyang nagtitigan kami ng lalaking nakagray na sweater (nakagray jacket something something naman ako) na papalapit sa water fountain para kumuha ng tubig. Di naman sa assuming ako pero napansin kong nagsmile siya ng kunti (wala pong sparks, swear!). So ayun nga binalewala ko lang at balik kwentuhan na naman kami ng mga kaibigan ko.
Then si Mr. Gray kanina bumalik na naman sa water fountain at nagtitigan na naman kami. (Swear! Di ko intensyon yun sadyang napapatitig lang talaga ako sa mga tao sa paligid ko). So ayun nga, nevermind ulit.

Then sa pangatlong balik ata niya yun. Nagtitigan na naman ulit kami but this time, nagsmile na siya sa akin with matching wiggling eyebrows pa. Syempre dahil ayaw ko namang maging assuming lumingon ako sa likod pero wala naman tao kaya paglinungon ko ulit sa kanya naggesture ata siya or move his lips with eye to eye contact saying na ako ang tinutukoy niya. Sa sobrang hiya, pamumula ng mukha at shock ko napayuko ako sa mesa para itago yung mukha ko sa sobrang pagpipigil tawa at halong takot. HAHAHA... Grabee naman kasi si Mr. Gray, di ko kasi akalain na gagawin niya yun tsaka medyo creepy at weird yung tingin niya kaya imbis na kiligin ako, natakot pa tuloy.
Tapos nung pagtingala ko may pabrush brush his nose pa siya with a victory smile. HAHAHA.
At dahil doon halos liparin ko na ang daan palabas habang nakayuko para di niya mapansin na dumaan kami sa table nila. Ahahaha... Tinatawag pa ako ng kaibigan ko di ko lang pinansin.

Ps. Medyo cute ka pa naman kuya, weird at creepy nga lang."

Ms. Gray
2014
Institute of Education (IE)
FEU Manila