Thursday, August 6, 2015

Ronald Weasley

Ronald Weasley
2003
College of Architecture

"My One and only.
HI UST FILES. sana di pa ako too old para mag post dito. At sana ma-ipost nyo ito, baka sakaling mabasa nya. Maraming salamat.

To my Hermione Granger,

Natatandaan mo pa ba noong una tayong nagkita noong 3rd year High School? pumasok ka sa cr ng boys na hingal na hingal, nagtago ka kasi sabi mo hinahabol ka ng classmate mo na babae, at cr lang ng boys ang naisip mo pagtaguan kasi sino nga namang babae ang papasok doon? Haha buti nalang ako lang ang tao noong time na yun, pero shit lang kasi noong time na pumasok ka umiihi pa ako . Humingi ka ng sorry sakin ng paulit ulit kasi nga nakakahiya yung ginawa mo, pero natatawa ako kasi habang humihingi ka ng sorry tumatawa ka, dahil nga nakita mo akong umiihi . Noong mga time na yun sabi ko sa sarili ko sobrang iba ka mga girls na nakilala ko, iba ka ngumiti at tumawa, nakakainlove haha. Sempre dahil ako nga tong si nagka-crush sayo sabi ko ""sige para naman dika sorry ng sorry jan kahit di sincere, libre mo nalang ako"" pumayag ka at nag kausap tayo ng ilang minuto, nagkapalagayan ng loob, at nahingi ko ang number mo. Natapos ang 3rd yr. na sobrang close natin, instant bestfriend nga ang tawag mo sakin. Hanggang sa nag 4th yr. tayo at napag usapan nating dalawa ang kukunin nating course at papasukang school. That time ang plano ko ay mag CE, pero nung narinig ko yung plano mo, parang ayaw ko mahiwalay sayo kaya naman nag-Arki ako, tulad ng kursong gusto mo kunin.

Parehas tayong pumasa dito sa UST, at di nman ako nag kamali sa pinili ko dahil na-eenjoy ko naman ang course natin. Ikaw ang inspirasyong ko sa pag-aaral, motivation para araw-araw pumasok at tapusin lahat ng plates on time Everyday sabay tayo kumain, hinihintay kita umuwi kahit na mas maaga ang uwian ko sayo. Magkausap tayo sa cellphone everynight, Lahat ng secrets mo alam ko, pero ikaw dimo alam lahat ng sikereto ko. Di mo alam na yung tinuturing mong bestfriend mo inlove na sayo. Naasar ako noong may nanligaw sayo na Engineering, sino nga nman di makakapansin sa ganda mo? kaya di kita kinakausap nung araw na yun, nahalata mo ata na nag seselos ako kaya sabi mo ako lang naman ang lalaki sa buhay mo kaya wag ako mag selos, aaminin ko kinilig ako :""> kasi ang sarap sa feeling na marinig ko yung mga salitang yun galing sayo. Habang tumagal ang stay natin sa UST marami ang nakakapansin sayo, naasar ako sa fact na napaka lapitin mo ng boys, dumadami ang mga nagkakagusto sayo, nakaka insecure kasi yung iba mas may ""pogi points"" kesa sakin, natatakot ako na baka dumating yung time na may magustuhan ka rin sa kanila.

Nung inaya kita kumain noon gusto ko na sana mag tapat sayo, kaso pinangunahan nanaman ako ng takot na baka layuan mo ako or mailang ka sakin, kaya imbis na umamin ako, tinanung ko kung may natitipuhan ka naba sa mga manliligaw mo sabi mo WALA AH. nakahinga ako ng maluwag nun, kasi for the 2nd time na assure ko nanaman na wala ka pang type sa mga yun kaya may pag-asa pa ako Sobra kong assuming kasi nag aassume ako na baka nga ako lang ang hinihintay mo kaya wala ka pang nagiging boyfriend. Dahil dun nagkalakas ako ng loob na umamin sayo pag 3rd yr. na tayo

Dumating ang 3rd yr. college, naging sobrang busy na tayo ang daming plates na ginagawa, sobrang hectic ng sched pero may time parin tayo para mag kita. Napag planuhan ko na umamamin sayo noong last day before tayo mag sembreak. Naka upo lang tayo sa Lovers lane, nagdra-drawing ka ng bigla ko nalang hawakan yung kamay mo at hinalikan ko, umamin ako sayo na simula 4th yr HS gusto na kita , lahat ng nararamdaman ko sayo inamin ko na, pagkatapos ko mag salita nakita kita na umiiyak at bigla mo akong niyakap. Sobrang saya ko that time kasi yung matagal ko ng tinatago sa bestfriend/taong mahal ko nasabi ko na, YES NASABI KO NA!!. Di moko pinaalis sa yakap mo at humihingi ka ng sorry habang umiiyak. Tinanung kita kung bakit at para saan ang sorry mo? sabi mo di mo matatangap yung pagmamahal ko para sayo, biglang gumuho yung mundo ko nung narinig ko yun, pero mas gumuho yung mundo ko sunod mong sinabi ""diko matatanggap yung pagmamahal mo kasi di naman lalaki ang gusto ko"" di agad nag sink in sa utak ko yun, sobrang nabigala ako nun hanggang sa humarap ka sakin at hinawakan mo yung pisngi ko, sabi mo ""Lesbian ako *****, diko maamin sayo o khit kanino kasi baka iwanan nyo ako, or layuan. Mahal din naman kita pero hanggang kaibigan lang. DAHIL BABAE ANG GUSTO KO""

Iyak ako n iyak noon halos hanggang gabi umiiyak ako, bakit sa lahat pa ng tao ikaw pa ang magiging lesbian? bakit yung taong mahal ko pa? bakit yung taong gusto kong makasama? bakit ikaw? bakit ikaw pa? Sobra kitang mahal. Mahal na mahal kita. Buong sembreak ikaw lang ang iniisp ko. Tinatawagan moko pero haggang sa tawag nag sorry ka, diko makayanan lahat ng nararamdaman ko kaya pinuntahan kita nun sa bahay nyo, lumuhod ako sayo, umiyak ako sayo, nakikiusap ako na kung pwede bigyan mo ako ng chance, na kung pwede i-try mo buksan yung puso mo para sa lalaki, para sakin. Pero ang sabi mo bigyan muna natin ng space ang isa't isa, na baka minahal kita kasi lagi tayong mag kasama, pero P**ANG INA, di kita minahal dahil maganda ka, dahil lagi tayong magkasama, MINAHAL KITA KASI MAHAL KITA. YUN LANG MAHAL KITA. Binigay ko sayo yung space na hinihingi mo, habang ilang araw tayong di nag kikita lalo ko lang napapatunayan na totoo tong nararamdaman ko sayo.

Ilang araw, buwan at taon ang nagdaan na di ka masyado nag paparamdam sakin, pero kahit ang tagal na since that day na humingi ka ng space di parin nawawala yung pag mamahal ko sayo, kahit na ilang beses ko itago o sabihin sa sarili ko na ""tama na, wala ka ng pag-asa"" diko maiwasan na someday pag bibigyan mo yung hiling ko na bigyan ako ng chance, ng pagkakataon na mahalin ka at mahalin mo rin ako. Huling paskuhan na natin noon sa UST, wala akong balak mag punta nun pero nakatanggap ako sayo ng text na ""Bestfriend i miss you, punta ka Paskuhan ah, kita tayo"" nabuhayan ako ng loob noon. Nauna ako makarating sa UST nun, akala ko di ka na sisipot kasi sobrang tagal mo, pero nagulat ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod at kinagat ako. Ikaw pala yun sobrang laki ng ngiti mo, at sobrang saya ko rin naman, Niyakap kita at niyakap mo rin ako pabalik. Nung mga oras na yun akala ko okay na, na handa kna mag bigay ng chance sakin, na i-ttry mo buksan yung puso mo, pero for the nth time nagkamali nanaman ako, pinakilala mo sya sakin, isang babae from AB na lower year satin, GIRLFRIEND MO. Pinilit ko ngumiti that time kasi nakahanap ka ng taong mamahalin mo at mahal ka (sana nga mahal ka talaga), pero deep inside sobrang sakit na ng nararamdaman ko, na yung chance na hinihintay ko galing sayo wala na talagang pag-asa. Umiyak nanaman ako ng hindi ko na matandaan kung ilang araw. Pinipilit ko nanaman ulit yung sarili ko na WALA NA TALAGA. Eversince nun pinili ko na lumayo sayo, kasi baka makalimot nga ako (which is alam ko naman diko kaya)

Graduation day natin nun ng lumapit ka sakin at niyakap ako saying thank you and goodluck sa next chapter ng buhay natin bilang mga Architect,sinabi mo wala na kayo ni AB girl and nangako ka rin sakin na kung sakaling maging babae ka man hahanapin mo ako at papakasalan natawa nalang ako sa sinabi mo nayon, pero diko expected ang sunod mong ginawa hinalikan mo ko sa lips for i dont know ilang seconds, after that nagkangitian tayo at umalis kana.

5 years since that day ito parin ako, mahal ka parin, nakakatawang isipin na dahil ba sa halik mo kung bakit di mawala yung nararamdaman ko sayo wala narin tayong pag uusap since ng umalis ka ng bansa, pero sabi ng kuya mo BABAE KA NA DAW? haha bumalik kana dito at tuparin mo yung pangako mo sakin. Papakasalan mo pa ako di ba? Ready na ako, actually matagal na kong ready for that day to happen, sana ready ka na rin. I love you Jane, I always love you.

P.S Im looking forward na magkita ulit tayo sa cr ng boys, Just like how we met."

Representative of the good guys

Representative of the good guys
2013
College of Commerce and Business Administration

Good guys STILL do exist.

To all the girls out there here's a short message for you.

Girls often read books and watch Romantic movies where the girl and guy will have a happy ending at the end of the film. But our life's not directed by some sort of director or written by movie writers. It us who write and do things that happens to us. Fate and destiny is just a plus point.

It is just quite weird that I find Romantic movies interesting, I've seen a lot, and I'll admit I cried while I was watching Titanic and A walk to remember. But I watched those movies alone. I find it a little bit embarrassing to watch it on our salas and shed a tear at some scenes that are just melancholic.

Us boys, have our soft side too. We are not just making it obvious. Because in our country or in our society, boys are not that emotional. But we are too. I remember when my first crush and the first girl I courted rejected me. I have to be tough at school. But when I got home I cried really hard and cried the pain away. She made me feel that she likes me too, but at the end of the day. She doesn't.

Us boys, also need time to be with our guy friends or bros. We do sports together. Play basketball, volleyball, football or any other sport together. If you girls do talk about your feelings almost all the time, we do talk about our feelings too, we talk about it rarely and sometimes we talk about it with beer. If you girls do shopping with your girlies, us boys, do that too. But we do it very seldom. Do not get mad at us when we can't answer your text or call especially when we said that we'll hang out with our friends. IT DOESN'T mean that we're mad or we are flirting with some other girls. Trust us, we don't. We know that we already have girlfriends and we love them so much. Don't get paranoid. If we can't answer your calls and texts we are just busy or we didn't hear the phone rang.

Please don't get mad at us when we can't reply to your ""good morning"" ""good night"" or whatever time of the day texts. We are just busy doing stuffs like our home works and studying cases. But it DOESN'T mean that we don't love you or what. We do. We really do.

If some of you are saying that ""gusto niyo lang naman sex eh"". No we don't. Some of us still do respect you girls. We understand if you don't want to do it.

We also know that some or maybe majority of you are fickle minded. You make decisions, then you change your mind instantly. We are doing our best to understand you.

We also do romantic stuffs like what you see on TV. We are trying our best to make you feel special. We hope that you'll accept us for what we are. And accept the things that we can and cannot do.

Lastly, if you're saying that all boys are the same. There are still a lot of guys here, like me. We are just waiting for the right girl and the right time to love. Take note. Nice guys that will love you and will make you feel special still do exists.

Sincerely,
Your future boyfriend

2009-006*88

2009-006*88
2009
College of Nursing

"Sana mapost po ito, mejo namimiss na namin yung mga ganitong (gantihan) moments kaya napa reminisce lang ako.

Ang kwentong ito ay hango sa mga tunay na pangyayari..

Second year kami nang maganap itong kinukwento ko, Abnormal OB yung class namin nun.

Mejo hapon na nung mga oras na yun at nakaramdam ako ng urge na umutot. (yung utot ko Silent but Deadly, yung matindi talaga na utot.. swear) Buti nalang nasa may dulo ako nung class kaya nakaupo ako sa may likuran, safe na yun kasi the least possible na mangyayari is kami lang sa likod ang makakaamoy ng mahalimuyak na bangong iyon.

Naisipan kong asarin yung isa kong kaklase na nasa dulo nakaupo, sinabihan ko yung katabi ko na iusog niya paharap yung upuan niya (para di siya madamay). at ayun na nga ang nangyari, nagpakawala ako ng mahabang mainit init na tahimik na utot at pinaypay ko patungo sa direksyon ng kaklase kong iyon, at sa tamang hinala niyo, buong buo niyang na langhap ang amoy ng aking matinding utot.

Ngunit hindi natatapos ang kwento diyan...

Dahil nagpakawala na ako ng sama ng loob, naisipan ko nang makinig sa klase, wala sa isip ko na balak pala gumanti ng aking kaklase..

pag lingon ko sa kaklase ko napansin ko na kakaiba ang pustura ng pagkakaupo niya ngunit hindi ko na ito pinansin, pinagpatuloy ko nalang ang aking pakikinig sa lektura. Maya maya'y may iniabot ang aking kaklase na babae sabi binibigay daw nung kaklase ko sa dulo, pagkatingin ko, ito ang yung Tic-Tac na tig 5 pesos (yung mini size ata yun)

Sabay sabi niya ""Amuyin mo pre, iba na amoy nung tic-tac bago na.."" (or something like that) at dahil wala sa isip ko na gagantihan niya ako inamoy ko naman at sinabing ""Wala namang bago ah, amoy mint parin.."" Mejo natatawa na yung katabi kong babae na pinagpasahan nito..

Sabi ng kaklase ko dun sa dulo ""Buksan mo kasi tsaka mo amuyin.."" (or something like that)

At ginawa ko nga ang kanyang sinabi pagkabukas ko tinapat ko ang ilong ko sa lalagyan at inamoy ang kahon ng Tic-tac, Matinding amoy ang sumalubong sa akin at tumambay sa loob ng akin ilong, ikinulong pala ng kaklase ko ang utot niya sa loob ng kahon ng tic-tac, kaya pala siya nakaupo ng ganung pustura ay para isakto ang utot niya sa loob ng kahon, sa tindi ng amoy pati yung babae kong katabi ay nakalanghap ng kaunting amoy.

Haaayyy napakabilis gumalaw ng karma..

kaya tip sa mga gagawa ng kalokohan: abangan niyo yung ganti nung kabilang tao.

Aral kayong lahat ng mabuti, Goodluck sa studies and Godbless!"

Zipper Ni Maam

ZipperNiMaam
2011
College of Nursing

"meron kaming prof na siguro 50+ yrs old na at habang naglelecture kmi ng isang major subject, nasa harapan ko si maam tinitignan ko si maam syempre,.. tpos nahulog yung ballpen ko edi pinulot ko pag angat ng ulo ko ""the TERROR!!!!RELEASE THE KRAKEN!!!"" bigla kong napansin na nagha-hi na yung 'HELLO KITTY"" na panty ni maam.tinuro ko sa seatmate ko at bigla syang nagred sa pagpigil ng tawa, halos takpan ko na yung bibig nya ng kamay ko kaso napapaluha na tlga sya. tpos nakita kmi ni maam galit na galit ""what are you laughing at?!!! go on SHARE it to the class, im sure GUSTONG-GUSTO rin marinig ng mga kaklase nyu yang pinagtatawanan nyu!"" lalo na tlga naming pinipigil ang tawa namin, sabi namin ""maam ano po kasi..."" sabi nya ""WHAT?! e share nyu or palalabasin ko kayo? inaabangan namin kayo o, im sure sobrang importante nyan, ANO! SHARE IT NOW!!!"" .......... ""MAAM YUNG PANTY NYU PO NA HELLO KITTY nag HEHELLO"" ... tinitigan ko yung mga ulo ng classmates ko sabay sabay yumuko patungo sa kinaruruunan ni hello kitty at biglAng tawanan tlga ang lahat, si maam tumalikod bgla at parang pinipilit isara ang zipper..... kaso it's not her day ... plok! sabi ng nalaglag na zipper ni maam sa sahig. halos gumapang na ako sa kakatawa, ....
then buong period pinahanap lang kami ng zipper ng kulungan ni hello kitty.and nung nahanap sabi ni maam, patay malisya.""ORAL QUIZZ TOMORRow.study well it is the hardest thing you'll face in ust""...........

siguro etotorment nya kami ! why hello kitty??!!!!!!

ang answer on oral quiz either
1.zipper
2.hello kitty

hindi po kmi manyak kami ang biktima sa bangis ni hello kitty! kaya forever scarred n kami for life, tuwing nakakakita ako ng hello kitty na paninda sa dapitan, wala na tawanan session nAnaman

lesson learned: wag iaangat ang ulo bsta basta tuwing nahuhulog ang ballpen
at sa mga teacher wag "Im sure the class wants to hear what you're laughing at." tsk tsk"

The Lost Soul

TheLostSoul
2010
Faculty of Pharmacy

"""That Selfish Bastard""

Isang tawag lang, kahit isang text. Di mo man lang binigay sa'kin.

I think i have found my soulmate. The one who does not have the qualities of the prince charming I dreamed as a child. He is perfectly imperfect. He reflected the flaws I have been trying to hide. He accepted for who I am. He is gone.

I was told that love, relationships, people, et cetera are complicated. Indeed they are. However, dito sa taong 'to, kahit isang segundo there was no tension. We were like kids in love ika-nga. We fight petty fights. We exchange sweet nothings. We judge people who walk by and just laugh at random stuff. Everything's perfect.

That's why it is so hard to move on. Nagpipilit akong umalala ng masasamang pangyayari pero wala talaga. I also tried casual stuff. Wala talaga.

I haven't cried ever since he committed suicide. Hindi pa nagsisink in sakin. It's almost a year. I'm still waiting for him. I don't know how I'll get through this. I keep asking myself, ""Was I not enough for him to hold on?"". He had a very complicated life indeed, pero how selfish can you be to leave me in this cold cold world? Or maybe I am the one who's selfish for thinking he hasn't gone through enough to justify him taking his own life. Hindi ko alam. Mababaliw na'ko.

I'm still hoping that the night his sister called me to say he's already dead is still a dream. Akala ko ba if you're gonna try to kill yourself, you'll tell me so I can join? "