Thursday, August 6, 2015

screen name

screen name
2009
Faculty of Medicine & Surgery

"Growing up, my mom has this one mantra for me: WAG KANG MAG BOYFRIEND, WAG KANG LUMAPIT SA LALAKI. HINDI KA MAGANDA, PEPERAHAN KA LANG NUN AT LOLOKOHIN. Medyo well off kasi ang family namin. Pinag-all girls school pa niya ako to make sure that I don't. I'm not sure why since happily married naman sila ng dad ko. Anyway, that's not the case (kinda). I have never liked anyone in a romantic way, or at least I think I have. My life has pretty much been "meh", until I entered Med and met this student in my subsection. First day of med school nun at linapitan niya ako "Diba taga *insert undergrad here* ka?" Being the shy loner that I am, I simply nodded without saying a word. "Ako din eh! Lagi kitang nakikita dati. Sabay tayo mag lunch ha." Yun ang first time na may kasabay akong kumain on the first day. Nung nag lunch kami, pinag usapan namin yung mga naging prof namin nung undergrad, mga mahihirap na subjects noon, basta tungkol sa undergrad program namin. Simula nun, siya na ang kasabay kong mag lunch araw-araw. Nung tumagal, bumibisita na siya sa condo ko para sabay din kaming mag dinner. May isang araw na nagkasakit ako at naisipang di muna pumasok for a day. Tumawag siya sakin at sinabi ko sa kanyang may trangkaso ako. Maya-maya, nagulat nalang ako at bumisita siya sakin na may dalang gamot at soup. Binigay din niya ako ng copy ng notes niya para makacope ako kaagad. Sobrang natuwa ako nun kasi yun yung first time na naramdaman kong may nagmamalasakit sakin other than my parents. Nung sembreak, parang hindi ako mapakali na ewan. Parang sobrang excited na akong mag pasukan di ko alam kung bakit. Doon ko narealize na namimiss ko pala siya. Nakakausap ko naman siya through social networking and through phone at nakaka-face time ko din siya pero iba parin yung feeling pag kasama ko siya, pag nararamdaman ko presence niya. Nung pasukan na, sobrang excited ako para makita siya at makausap ulit. Niyakap ko siya kaagad nung nakita ko siya. Pagkayakap ko sa kanya, iba naramdaman ko. Kinilig ako..I think. Di ko pa kasi nararamdaman yang 'kilig' na yan before. Pero siguro masasabi ko na kinikilig talaga ako nung time na yun. Simula nun, parang gusto ko na laging nakadikit sa kanya, nahahawakan kamay niya, kahit magkakiskisan lang elbows namin tuwang tuwa na ako. Minsan kahit sobrang nonsensical na ng mga pinagsasabi ko para lang mapatagal usapan namin. Di lang yun, sobrang laking game changer niya sakin. Siya ang dahilan kung bakit di na ako mahiyain, di na ako takot mag interact sa ibang tao. Nagkaroon ako ng mga friends dahil sa kanya. Pero hindi pa ako sure kung nahuhulog na ba ako sa kanya kasi baguhan ako sa mga bagay na ganito. Please help me
frown emoticon
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, or kung kailangan ko ba talagang ipaalam sa kanya na may feelings ako para sa kanya. And most of all, hindi ko alam kung paano ko to sasabihin sa mom ko. I usually tell my mom everything. Sobrang close naming mag-ina. Sabi niya, bawal daw ako mag boyfriend...pero wala naman siyang sinabi na bawal akong magkaroon ng girlfriend."

SurprisedGuy

SurprisedGuy
2012
College of Nursing

"Valentine's Day, at approximately 8:30pm, I was sleeping then suddenly my brother woke me up, he asked me if I ordered pizza from yellow cab. I said no and asked him why, he told me there's a delivery named for me. So I went to the lobby to talk to the delivery guy. He said that the delivery is for me and my phone number is written in the receipt. I told him that I can't pay for the pizza because I have no idea that there will be a delivery for me. Then he told me it was already paid. So I was like ""what the hell"". I asked him who sent me the pizza so I can thank him/her, he called the manager of Yellow Cab Lacson branch. After calling, he said that the sender requested the manager not to tell who she is, the manager can only say that the sender is a FEMALE!

To that girl who sent me this box of pizza, although what you did creeped the hell out of me lol, I want to say thank you very much I wish I can thank you personally but I have no idea who you are haha I'm gonna try and investigate who you are so I can personally show my appreciation and maybe treat you with some pizza lol. Thanks for the good dinner"

PUSONG TOMASINO

PUSONG TOMASINO
2013
College of Fine Arts and Design

"Dahil isang linggo kaming walang tulog (tipong 2 hours lang sa week na yun ang tulog namin), at dahil sa sobrang kabangagan namin, eto ang nangyari.

Galing kami sa cafe UK nag kaibigan ko na tawagin nating SCY.

Ihing ihi na kami. ung tipong puputok na pantog namin. pero inuna namin pumunta ng Joyce's para makabili ng materials at dirediretso na umuwi.

nang makarating na kami sa joyce, ako bibili ng tracing paper, si scy naman tracing at G-tech.
Dito na nagsimula ang kabangagan.

ATCHI: ilang tracing yan?
AKO: 10 po.
ATCHI: *sinabi ang presyo*
AKO: *dinampot ang pencil case ng di ko namamalayan, kinalkal ang pencil case at nilabas ang magic tape at iyon ang pinangbayad* Eto po oh.

sa sobrang kabangagan ko, ayun, medyo nagbuff pa na pinangbabayad ko ay MAGIC TAPE. punyaterang MAGIC TAPE.

si SCY naman,

SCY: ate, Gtech din po.
ATCHI: anong point?
SCY: ah. point black po.

POINT BLACK. daw. POINT BLACK.

ayun . BANGAG. LUTANG. WALA SA SARILI.
kaya guys. tulog tulog din ha? :)) kung ayaw niyo magbayad ng magic tape at bumili ng point black na tech pen. "

Kim

Kim
2007
College of Commerce and Business Administration

"Bigla akong nagising nung narinig ko yung bell…Ayun tapos na yung last subject naming, ayun nagmadali akong bumaba para magyosi, medyo tipsy ako(yup, bad girl ako, pumapasok ako ng nakainom pa) and then paglabas ko ng St. Raymund’s Bldg… ayun nabangga ko siya, isang engg student.. medyo masakit yung pagkabangga ko sa kanya.. kaya ayun nagkatinginan kami tapos nagsorry ako sa kanya…. Nakatingin parin sakin (siyempre maganda ako e!) tapos nagsorry rin siya, tapos nakita ko nalang inaasar siya ng mga kasama niya….ng nagyoyosi ako sa dapitan nakita ko siya galing Asturias, magisa lang tapos inapproach ako… nakangiti pa siya nun, sabi niya “Ate, yung panyo mo nahulog”… nagulat ako kasi di ko pala namalayan na nahulog ko yung panyo kanina… “Ako pala si Elti, masakit pala yung pagkabangga mo sakin kanina, ok ka lang ba? Sorry di ako nakailag…”, tinigil ko yung pagyoyosi ko, “Ok lang naman, salamat sa pagbalik ng panyo ko ah”.. alam kong inaantay niyang magpakilala ako pero hindi ko ginawa…kinabuksan nakita ko nanaman siya dun sa yosi spot ko kasama ung mga kaibigan ko, nag hi ulit sakin pero d ko pinansin, tapos nakita ko yung kaibigan ko may pinapakita sa phone, ayun binigay ata ung number ko, ayun kinukulit nako sa text, tapos nag-aya na siyang kumain, naalala ko pa unang libre niya ko sa siomai-an dun sa lacson, madalas na kami nagkikita.. naging close siya sakin… hindi naman siya gwapo, pero may appeal, sobrang bait niya….alam niyang may bisyo ako pero di parin niya ko dinedeadma…. Ramdam ko na may gusto siya sakin, ako naman unti unting nahuhulog rin sa kanya… naging close kami for 3 months, then ayun nagtapat siya sakin… “Kim, alam mo bang ayaw na ayaw ko sa mga babaeng may bisyo, hindi ko alam pero ikaw yung nagustuhan ko..”, “Nag-hang yung utak ko, di ko lam pano magrereact, kung maiinis, maiinsulto, pero sigurado ako, kinilig ako, si Elti yung tipong maangas tignan na cute pero sobrang bait at ang linis ng puso, tapos wala pang bisyo...ayun naging kami… Naalala ko pa yung sinabi niya pa sakin, “Kim, kung magyoyosi ka, bigyan mo rin ako, three times ng niyoyosi mo, ako magyoyosi para sayo”, may asthma si Elti, wala siyang balak gawing bisyo ang pagyoyosi, ginawa niya yun para umiwas ako, naawa ako nung minsan nagyosi ako tapos 3 yosi yung ginamit niya, ayun kinabukasan sinumpong ng asthma… Nagbago buhay ko sa kanya, totally, nawala yung pagyoyosi at paginom ko… feeling ko naging bagong nilalang ako dahil sa kanya, mas naging close ako kay God, active kasi si Elti sa church…madalas akong sumama sa Praise and Worship nila sa church nila….. both 4th year na kami ng nalaman namin na may cancer siya sa liver… stage 2…nalungkot ako… as in nadepress talaga..si Elti naman, nakangiti parin, masyado siyang positive sa buhay, ang sabi pa niya sakin, “Malakas ako!, mabubuhay pako ng 80 years Kim, wag ka ng sad diyan! :)”… nagkunwari akong okay ako pero kasi sumasama ako sa family niya pag nag chechemo siya, parang hirap na hirap siya, pero pag nakaharap na sa tao nakangiti lagi…. Dumating ang panahon na nagtapos na siya ng BSCE, ako naman nagwowork na… lagi parin kaming sweet tulad ng dati.. may mga pangarap na kami sa isa’t isa, pero nung April 25,2012… nagtext yung mom ni Elti, ayun nasa ICU daw, sobrang sakit daw ng tiyan… Pinuntahan namin siya… iba na yung feeling ko… nakahiga na siya dun sa ICU, marami raw komplikasyon sa katawan niya.. di ko alam pano ako magrereact…. May 2,2012, hindi ko alam na ito na pala huling beses na makakausap ko si Elti, natatandaan ko pa yung huli niyang sinabi sakin, “Kim, ok lang kung may maghanap ka ng iba, hindi ako magagalit, basta mas pogi sakin at mas mabait ah!:D”, nainis ako nung una kasi parang nagpapaalam na siya, pero ayun kinabukasan,May 3,2012, natanggap ko yung text, “wala na si Elti”… Iyak ako ng iyak sa office ng mabasa ko yung text, tinawagan ko pa yung kapatid ni Elti para malaman kung totoo nga…..

Di ako makamove on…Ang lalakeng nakapagpabago ng buhay ko, wala na…Ni hindi man lang nagpaalam sakin ng maayos, nakakainis siya, may pasabi sabi pa siyang 80years pang mabubuhay eh wala pang 2 years, nawala na siya…..Hanggang ngayon, nagpaparamdam parin siya sakin, sa panaginip,… “Elti, kung nasan ka man, alam mong mahal na mahal kita, ikaw nakapagpabago ng buhay ko, nagpapasalamat ako kay God dahil sa 3 years nating pagsasama, naging fruitful ang buhay ko… salamat.”

Guys, mahalin niyo mga taong nagpapahalaga sa inyo.. hindi man natin sila makakasama habang buhay, ang matatamis na alaala naman ninyo sa isa’t isa ay mananatili magpakailanman…

"

Girl buntis

Girl buntis
2000
Faculty of Arts and Letters

"TRUE LOVE.

Nagkaroon ako ng boyfriend nung 2nd year college ako. At nagbreak kami february nung 4th year na ako . Thirteen months after graduation ko nagkausap kami at nagdecide na magkita.

Nagusap kami normal na usap at dumating yung topic na pinakainiiwasan ko. Sabi niya ""bakit ang dali mo akong binitawan nung nagbreak tayo?"" Sabi ko ""buntis na ako nung nagbreak tayo at ayokong idahilan yun para lang manatili ka sakin"" tas nagulat siya at medyo nagwala. Sabi niya ""ASAN NA"" ""ANO PANGALAN"" ""TATAY AKO?"" Sagot ko ""malamang."" Tas sumama siya pauwi sakin at may pinakita akong baby na three months old. Umiyak siya, as in umiyak at binuhat ang bata. Makalipas ang mga dalawang oras na hawak niya yung bata nagusap ulit kami. Bakit hindi ko daw sinabi bakit tinago ko, PURO BAKIT. Tas sabi ko ""bakit ka ba ng bakit? Hindi ko anak yun, sa pinsan ko yun. Jinojoke lang kita."" Sani niya ""seryoso ka ba? Hindi ko anak yun?"" Tas sabi ko ""hindi nga"". UMIYAK ULIT!! At nakarinig ako ng mga salita na ako naman ang napaiyak.

""Akala ko anak ko yun, akala ko tatay na ako pero hindi pala. Pero ok lang. Pinaasa mo lang naman ako parang nung nagbreak tayo. Masaya na sana ako kasi ikaw yung nanay nung anak ko sana kaso hindi pala. Umiyak pa ako sa tuwa kanina kasi may anak pala ako at ikaw ang nanay. Natuwa ako kasi sobrang mahal pa kita, naramdaman ko kung pano magkaanak at kita ko sa mga mata mo na natuwa ka sa reaction ko kasi naluha ka rin. Ang saya, ang sarap. Sana pala totoo nalang. KUNG MAGKAKAANAK MAN AKO SANA IKAW NANAY. Pwede ba yun? Kasi mahal kita, kasi ikaw parin laman ng puso ko. Nakita ko bigla future ko nang makahawak ng anak. ***, pwede ba yun?""

NAIYAK AKO. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na naiyak nang makahawak ng baby knowing na anak niya yun. Ganun kaspecial sa kanya magkaanak, ganun niya ako kamahal at aaminin kong mahal ko parin siya.

Nagkatotoo lahat, pagkagraduate niya nagpakasal kami at bumuo ng pamilya. Tatlo na pala ang anak namin, sina Thomas, Simone and Diane. Ganun kasarap magmahal ng tomasino. Akala ko bad joke ang pagsabi na may anak na siya kaso hindi pala. It led us to another fruitful beginning. "