"Nagpabili ako sa friend ko ng libro sa Book Market.
Di kasi ako makakaonline eh. Kailangan na talaga nung libro.
Fortunately, nakahanap yung friend ko.
She texted, ""bukas ah! 11AM, php 250, commerce siya, lalaki, sa amv tree""
Napaisip ako na sana St. Raymund's nalang. Or AB/Com Pav. AB kasi ako e.
Para less effort.
Pero sige. Nakakahiya naman. choosy ko pa, di naman ako yung nakipagdeal.
edi ayun.
10:50 palang nasa amv tree na ako, nagpapalipas ng oras, kumakain.
11:05, i texted him. ""HI, good morning!
smile emoticon
Ako po yung bibili ng ******, yung sa amv tree po? Dito na po ako. Feel free to meet up with me na po. Text nalang po kayo. Thanks!""
11:15, he replied. ""Hello! Kakalabas ko lang po, papunta na po ako diyan. AB right?
smile emoticon
""
I texted, ""yes po ok po see you!""
11:30, wala pa siya. may group of commerce boys na parating. sinubukan kong tumingin at maghanap, baka kasi nandun si kuyang bibilan ko at hawak nya yung libro.
e wala.
at ang kamalas malasan ko pa, nakita ko ex ko.
malungkot siya, pero kausap niya mga kasama niya.
alam kong malungkot siya. pano namang hindi e kuya ko siya nung elementary palang kami.
alam na alam ko kung anong htsura, galaw, at mga salita nya.
boyfriend ko siya nung 2nd yr high school ako, at 3rd yr hs naman siya. at nung first sem, nakipagbreak siya sakin.
at sadly, hindi ito isang ""it's not you, it's me"" na break up.
ito ay isang diretsong, ""dahil sayo kaya ako nakikipagbreak"" break up.
iniwan niya ako kasi masyado raw akong mature para saknya.
iniwan niya ako kasi masyado raw akong demanding.
iniwan niya ako kasi masyado raw malayo major ko samajor niya.
iniwan niya ako kasi masyado raw akong clingy, nakakasakal.
iniwan niya ako kasi, ako ako.
naramdaman ko yung galit nung time na yon.
kahit malungkot siya at nasasaktan ako, wala na akong pakialam.
naalala ko kung gano siya kaselfish sa akin.
kaya lumayo ako. bago pa kami magkakita.
naglakad ako, dun nalang ako sa health service.
i texted yung bibilhan ko, ""hi kuya! health service nalang po, sorry po! d2 na po ako.""
11:40patient akong tao.
pero nung nakita ko ex ko, gsto ko na tlaga umalis.
so i called yung bibilan ko.
sinagot nya, at nagsalita ako agad not minding and not listening to him.
""Kuya, asan ka na po ba? antagal ko na po kasi nag iintay dito oh!""
""Anjan na po, sorry po ate"" nagmamadali yung boses niya.
nagmamadali, pero narecognize ko parin.
bakit ba ang liit ng mundo?
bakit ba hindi ko sinabi sa kaibigan kong may ex ako sa commerce?!
mas lalo akong nainis. binaba ko na yung tawag.
di ko alam kung anong gagawin ko.
aalis na dapat ako eh
kaso patawid na siya.
nagkaeye to eye contact kami.
bumalik lahat.
lahat lahat.
yung piko nung bata kami, yung cat nung hs, yung sabay na pagkuha ng ustet.. lahat.
sama mo na yung pagmamahal ko.
naiiyak ako.
nilapitan niya ko, i treated him like a stranger.
nilabas ko yung bayad ko, inabot ko, and then binigay nya sakin libro.
he was speechless.
he was staring at me.
malamang dahil umiiyak ako.
at gusto ko siyang yakapin. pero di ko magawa.
dahil wala na akong karapatan.
wala akong karapatan kase masyado siyang maraming ayaw sa totoong ako.
naglakad nalang ako papalayo, not looking back.
hanggang makarating ako sa ab pav.
umiiyak lang ako.
hanggang sa kailangan ko ng pumasok sa klase.
hindi ko alam kung mahal ko pa siya.
siguro.
hindi naman agad nawawala yun e.
pero he's done with me.
kaya iiyak nalang ako.
and hope na i can move on.
sa tamang panahon, sa tamang paraan.
thanks for making me stronger, al."
- ABCA
FACULTY OF ARTS AND LETTERS
Thursday, August 6, 2015
CHEESEBURGER STORY
"Mas masaya basahin siguro 'to sa boses ni Tita Charo.
CHEESEBURGER STORY
Dear UST Files,
Ako po si Yung Berserk. Ako po ay isang babae mahilig sa hiphop at RNB. Kakagraduate ko lang po ng UST nitong Abril lamang. Gusto ko po sana i-bahagi sa inyo isa sa mga hindi malilimutan na pagkakataon sa aking apat na taon na pamamalagi sa aking mahal na unibersidad.
Bago pumasok sa aking klase ng isang hapon, ako'y dumaan sa carpark para bumili ng pagkain dahil aabutin ang aking klase hanggang gabi. Better to be safe than gutom naman. Nung una ay dapat bibili ako sa KFC pero nung nakita ko ang haba ng pila (anong bago), pinili ko na lamang pumunta ng Mcdo. And like any good Thomasian ay pumila ako ng maayos.
Habang nakapila ay pumipili ako ng aking pwede kainin pagdating sa klase. Nuggets? Chicken Sandwich? Hindi. Mas ayos ata kapag kinain ko ay cheeseburger. OO, CHEESEBURGER. Pero ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang cheeseburger na may pickles. OO, CHEESEBURGER WITHOUT PICKLES. Kaya sinabi ko sa babae sa counter na walang pickles sana ang aking cheeseburger. Um-oo naman siya. Nagawa na ang aking meal na for take-out at pumunta na ako sa aking klase.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nadarama dahil sa wakas, makakain ko na din ang aking inaasam na cheeseburger. Habang nakangiti, dahan-dahan at iniingatan na tanggalin ang wrapper ng aking cheeseburger. Ako ay kumagat at napansin na walang pickles...
PERO WALANG CHEESE. Putangina. WALANG CHEESE."
Yung Berserk
FACULTY OF ARTS AND LETTERS 2009

GL
11/29/2013
22:28:44
"May kailangan akong hanaping libro sa central lib at ipaphotocopy noong 1st year ako (1st sem). Pagpasok ko sa elevator, may nursing na sumunod sa akin. Nakakaawa siyang tingnan kasi ang liit liit niya tapos ang lalaki ng mga librong hawak niya.
Nakita ko ulit siya noong 2nd sem sa humanities. Nag-aaral siya, tapos matutulog, tapos bubuksan ulit yung book niya tapos magbabasa ulit. Hindi naman talaga ako dapat magtatagal sa lib nun, pero napaupo na lang ako sa likod niya at doon na lang nagreview sa halip na umuwi. Nung napansin kong nililigpit na niya yung mga gamit niya, nag-ayos na rin ako. I don't know why but something about this girl had fascinated me, kaya sinundan ko. Mukha akong tanga kasi hindi ko alam ang ginagawa ko, hindi ko naman siya pwedeng lapitan tapos sabihan ng ""Hi ako yung nakasabay mo sa elevator last sem."" at hindi rin makapal ang mukha ko para kalabitin siya at sabihing ""Hi I'm ____."" Typical torpe.
The next day, nagbakasakali akong makita siya ulit, so bumalik ako ng lib, sa Humanities ulit. At tama nga ako, nandun nga siya. Natutulog/nagbabasa nung malalaking libro niya, sa parehong desk. Doon niya siguro paboritong mag-aral. Tumambay ulit ako doon, hinintay ko siyang umuwi. Napansin kong umuuwi siya ng saktong 6PM.
To cut the long story short, napadalas ako sa lib kakapanood sa kanya. Napansin ko rin yung schedule ng paglilibrary niya. Mon-Fri (except Tuesdays) 2-3PM to 6PM, doon sa favorite niyang desk sa humanities (o di naman kaya kahit alin sa mga katabing desks nun). Ang creepy ko, alam ko.
Kaso, nung 2nd year na ako, buong taong hindi ko na siya nakita. Nalungkot ako, kasi naging inspirasyon ko pa naman siya sa pag-aaral (specifically sa lib lol).
3rd year 2nd sem, tinawagan ako ng kaklase ko habang nagrereview ako sa dorm, kakausapin daw ako nung friend niya kasi may itatanong. Tapos binigay niya yung phone sa friend niya (na girl), tapos sabi, ""Kuya, alam mo yung *hums*?"" Natigilan ako noon kasi naweirduhan ako sa tanong, pero alam ko yung song na kinakanta niya, one of my favorite chinese songs kasi. Sinabi ko sa kanya yung title, tapos nagthank you siya. Hindi niya daw kasi alam yung title nung kanta, narinig lang daw niya pero hindi niya mahanap sa internet yung pyesa kasi hindi nga niya alam yung isesearch niya (tumutugtog din pala siya ng piano). Lucky girl, meron akong original music sheets nung song, so I offered na ipahiram sa kanya para ipaphotocopy na lang niya. The next day, nagkita kami ng girl para iabot ko sa kanya yung sheets.
Siya yung iniistalk ko sa central lib 2 years ago.
Eventually, naging friends kami. We kept in touch. Ngayon, she's a registered nurse na in this huge hospital in Manila at ako naman first day ko na sa work next week.
Hanggang ngayon hindi niya alam yung tungkol sa engg student na laging nakabuntot sa kanya sa lib 5 years ago. Ayaw kong sabihin sa kanya kasi ayaw kong magmukhang stalker.
Kakasagot pa naman niya sa akin kanikanina lang, mahirap na."
GL
FACULTY OF ENGINEERING
2008

Lover's Lane Girl
nakasalubong ko sa UST ang boyfriend ko na nakangiti at
may ka holding hands na babae sa kasingit singitan ng
botanical garden kahit ang sabi nya
sakin may group meeting lang daw sila.
ayaw ko gumawa ng skandalo kaya
huminto ako sa harapan nila
at binigyan sila ng malumanay na titig,
titig ng isang taong pinagtaksilan,
nakaramdam ang babae, yumuko sa hiya si lalake,
sinubukan kong maglakad pa
at daanan lang sila.
ang sakit.
pumunta ako sa Lover's Lane
iniisip kung anong mali ang nagawa ko
baka kasi puntahan nya ako doon
sinigurado ko namang naging mabagal ang lakad ko
pero walang dumating sa tabi ko.
umiyak ako nun.. may mga taga highschool pa na
naglalaro sa paligid ko,
may isa ding babaeng naka upo sa bench
(nasa lapag ako sa tabi ng isang bato na upuan)
at lahat sila may kanya kanyang ginagawa
di ako napapansin
o ayaw ako pansinin?
utang na loob, kung makakita naman kayo ng lugmok
na tao sa lover's lane o kahit saan man sa UST
sana kausapin nyo
di nila kayo nanakawan, o pag sisinungalingan
kailangan lang naman nila ng makakasama
sa saglitang oras na mag isa sila.
pero di ito para sa lahat,
di naman kasi lahat ng tao comportable
sa mga ganitong emotion o usapan
lalo na pag di mo kilala.
pero gusto ko lang ikwento ang naranasan ko,
malay nyo,
sa pakikipag usap lang sa naghihingalong taong iyon
natulungan nyo syang makapag isip isip na
di nalang magpakamatay.

SORRY AH
11/28/2013 19:03:05
I'm not actually from UST. I'm from PUP(Manila). Dream school ko po talaga ang UST since nung bata pa ako, pero kapos sa pera eh, wala ako talagang pang-tuition para sa exclusive school na ito. Nakakapanghinayang pumasa pa man din ako sa entrance exam. Pero promise, pag nag-take ako ng Law. UST ang pipiliin kong school
smile emoticon
Pero actually, ito ang tunay na story, there's a guy who's from your school na 1 year na akong nililigawan. Lahat ng effort ng manliligaw na hinahanap ko, naipakita na nya, halos kilala ko na sya at ganun din sya sa akin. Halos kilala ka na ng parents ko at ganun din ako. Andyan yung lagi kaming sabay umuwi, yung tipong magpi-pnr din sya kasi dun ako sumasakay. Lahat na yata ng pampakilig na effort at feelings naipakita at nasabi na nya sa akin. Halos perfect na eh, sasagutin na kita eh nang bigla mo na lang akong iniwan sa ere ng dahil sa inamin ko sayo.
""Di na ako virgin...""
Gusto ko munang malaman kung ano ang sasabihin mo or reaction mo pag sinabi ko sa iyo yun. Then tsaka ko sasabihin sayo kung bakit. Alam ko namang mabibigla ka eh pero mas gusto ko pa rin na may malamang reaction from you. Pero ang reply mo,
""Ayaw ko na sayo. Malandi ka pala. Bakit ngayon mo lang sinabi? Edi sana hindi na lang ikaw ang niligawan ko, may mas deserving pa sayo. Sinayang mo lahat! Wag mo na ako itetext o ichachat kahit kelan! MALANDI KA! BITCH! Wala ng papatol sayo kasi ganyan ka!""
Nanlumo ako sa sinabi mo. Pero ngayon, ito ang dahilan, DI NA AKO VIRGIN KASI NA-RAPE AKO. Yes, na-rape ako nung 4th year high school ako
frown emoticon
Sorry hindi ko kagad sinabi dahil nahihiya ako at isang malaking trauma sa akin ang nangyari noon. At gustong-gusto ko nang kalimutan lahat ng may kinalaman sa nakaraan ko sa pagkaka-rape.
Hindi ako malandi. Hindi ako bitch. Simple lang ako at madalas ilag sa mga boys. Pero iba ka eh, you captured my heart. Alam mo yun. Ang sakit lang na bumaba kagad pagtingin mo sa akin. Once na mabasa mo ito, wag ka sana magparamdam ulit dahil naaawa ka. Ayoko nun. Sana kung ano ang nararamdaman mo sa akin dati, sana yun yung bumalik. Pero hindi ako aasa.
Sorry for not having the audacity to tell you that. Fear swallowed me. I'm really sorry. Thank you for everything, for that sweet nothings, for that massive euphoria I felt when I'm with you before. For that feeling I never thought I needed, sa libre, sa time at care. I love you. And I guess, this is all too late. Don't worry, hindi ako galit. Naiintindihan kita.
Siguro nga tama ka, wala na ngang seseryoso sa akin at papatol dahil dun.
P.S: salamat admin kung maipo-post mo ito, kung hindi, sige po okay lang
smile emoticon
God bless you all!"
VioletLavender
COLLEGE OF SCIENCE

Subscribe to:
Posts (Atom)