Sunday, January 16, 2022

IKAKASAL NA KO PERO MAY NANGYARI SA'MIN NG EX KO

Hello, hoping na ma-post to since hindi ako pinapatulog ng konsensiya ko.

Good day everyone, I'm getting married this year, we're almost 3 years na ng partner ko pero LDR kami, kaya madalang lang kami magkita. Planado na rin lahat, ready na both parents namin, kami na lang talaga inaantay, gusto na nilang magpakasal kami.
Nakaka-pressure yung tipong parang ang atat ng magulang mo na magpakasal ka na at bigyan sila ng apo.
Everything was fine naman, mahal ko naman ang partner ko kahit LDR until the day na nag-work ako sa BGC na andun din ang ex ko pero may karelasyon na rin siya. Wala naman akong balak makipaglandian or what so ever, trabaho lang talaga pandagdag sana ipon sa pangpakasal namin.
Last December 23, Christmas party namin, edi walwal, medyo tipsy na rin ako then pumasok ako sa room without knowing na andun pala ung EX ko nagpapahinga dahil lasing na rin. Nagyosi muna ko sa bintana, di ko ine-expect na lalapit siya, hinawakan niya yung mukha ko then hinalik@n. Hindi ako nakapalag or should I say di ako talaga pumalag kase ginusto ko rin at nangyare nga yung hindi inaasahan...
Kinabukasan, ramdam na ramdam ko pa yung ginawa namin as in. Kung ano man yun gusto ko siyang tanungin about sa nangyare kagabe pero wala akong lakas ng loob. Bawat araw na nagdaan di mawala sa isip ko yung nangyare pero di ko naman na mahal yung ex ko.
Nakokonsensya ako kasi yung partner ko binigay tiwala sakin na mag-work ulit with my ex tapos ganun mangyayare. Natatakot ako na baka sabihin ng ex ko sa present partner ko yung nangyare samin.
Dapat ba kong umamin sa partner ko o hindi na? Ayaw ko rin siyang mawala, ayaw kong masayang lahat ng plano namin. Any advice po?
M
2001
CEU

IS IT WORTH IT?

Hi. This is my first time confessing here.

You can call me MM. I have a son na and di kami kasal ng tatay ng anak ko. So here goes my major issue.
He's a walking red flag. I've been experiencing so much pain in our relationship ever since. Walang buwan na hindi kami nag aaway. Maliliit na bagay lang naman, pero pagdating sa kanya, ginagawa niyang big deal. Napaka-immature niya. Ang topakin. Mas matanda siya sa akin ng apat na taon kaya iniisip ko na dapat siya yung mas nakakaintindi, but I guess ang maturity ay wala sa edad. Nasa utak. Nagseselos kahit hindi naman dapat. At inaakusahan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa.
Year 2020 noong nalaman kong nabuntis niya ako. I was so disappointed in him and in myself. I didn't know na mangyayari yon kahit pinangakuan niya akong hindi muna mag aanak kasi marami pa akong plano sa buhay. But then, it happened. My family got disappointed in me especially my parents. I promised na ipagpapagawa ko pa sila ng bahay at iaahon sa kahirapan but then I failed. I freaking failed. Napaka-selfish ko. At hindi siya nakatulong sa pagbubuntis ko in emotional aspect. He kept on hurting my feelings, accusing me na nanlalaki at may ka-chat na iba everytime na hindi ako maka-reply agad sa chat niya. Hindi ako nakapagtrabaho dahil nag-pandemic at dahil doon siya ang umako lahat ng gastos dahil naubos ang ipon ko mula sa pinagtrabahuhan ko.
He's questioning me saan napupunta ang pera na pinapadala niya. At nagagalit siya pag nagagastos ko accidentally yung pera na ibinibili ko naman ng sa tingin ko ay kailangan ko. Wala siya noong panahong nalaman kong buntis ako (LDR po kami), wala rin siya noong mga panahong naglilihi ako, noong panahong naiiyak ako kasi pabigat ako sa bahay at wala akong maitulong, wala siyang alam sa nararamdaman ko noon, pero tiniis ko lahat para sa anak ko. Kumapit pa rin ako sa pag asang baka magbago siya pag nasilayan niya anak niya. But the worst thing is, wala rin siya noong nanganak ako.
It would've been better siguro kung nakita niya akong nahihirapan so that he could see kung gaano kahirap maging nanay. He thanked me. For bringing his child into this world. Thankful ako sa lahat ng tulong niya, pero walang nagbago sa kanya. He became insensitive. Wala siyang pakialam kung makasakit siya sa choice of words niya basta galit siya. To think na I just gave birth, pero grabe na agad yung mga naging away naming walang katuturan.
Umabot ng hanggang nag isang taon ang anak namin pero mas lumala lamang yung di namin pagkakaintindihan. Sarado ang isip niya sa mga paliwanag ko. Gusto niya lang ma-validate ay yung feelings niya. It hurts so bad that I resort to blocking him in social media. Na hindi ko rin natiis dahil may anak kami. So I settled with him na anak nalang namin ang i-priority niya. I keep breaking up with him pero lagi niyang sinasabi na,
"Gusto mo ba ng broken family?"
Nalulungkot ako kasi I'm torn between sa peace of mind ko at sa buong pamilya na sinasabi niya. How can I do that huh? I've been hurt umpisa pa lang ng relasyon namin. Ang dami ko ng tiniis. Nagpasensya ako pero may limitasyon din ang lahat. Di ba? Napapagod na ako. Drain na drain na ako. Wala na akong energy everytime na may argument kami. Nawawalan na ako gana sa lahat. Kundi lang dahil sa anak ko, matagal ko ng pinutol connection namin. But he kept on saying about 'broken family'. Paano naman ako? I don't feel the love anymore. Napagod na talaga ako. Sobra. I wanna quit. Yung anak ko nalang ang pinagkukuhanan ko ng lakas na magpatuloy.
So tell me guys, is it really worth it? Should I shut myself up and be with him in order to have that complete family he's been telling? Will I be happy? Will my son be happy pag lumaki siya na ganito ang kahihinatnan niya? Please enlighten me po. 😭 All I want is the best for my son and nothing more.
I will be glad kung may mababasa akong advice at babasahin ko talaga. 🤍 Thank you na po agad.
MM
2017
Bachelor of Elementary Education
CDSGA