Wednesday, June 2, 2021

FLAGS REVIEWER

This is the first time na mags-share ako ng story so advance sorry po sa mga errors ko.

Last year pareho kami ng crush kong sumali sa program sa school. Siya yung representative namin sa Guessing The Flag, basta about sa flags and ako sa quiz bee. Yung program is ginaganap friday ng hapon.
Itong crush ko napaka-torpe as in sobrang torpe yung tipong papalapit pa lang ako umiiwas na siya. Lahat kami sa room ako lang yung hindi niya pinapansin palibhasa alam niyang crush ko siya. Halos lahat naman sa room may alam na crush ko siya, vocal ako eh.
Never niya akong pinapansin pag magkasalubong kami. Tumititig lang siya sa akin. Pero ayos lang gusto ko parin siya.
Not until the program begin. Sabay-sabay kami ng mga kaklase kong bumaba patungong gym, nasa 3rd floor kasi kami. Hindi sya sumabay sa amin bumaba kasi nauna siya pero nabigla ako ng may tumabi sa akin sa paglalakad. Tiningnan ko yung left side ko and I was shock kasi siya pala yun. Akala ko nauna na siya mukang hinihintay ata niya ako kasi nagtago sya sa corridor ng comfort room.
"Representative ka ng section natin for quiz bee diba?"
"Y-yes bakit?" ayy marsss? nautal ako marss, powttekk!
"Good luck."
After niyang sinabi yun tumakbo na siya pababa ako naman shockness parin mars.
After ng quiz bee and sa flag na part bumalik na kami sa room, hindi kami nanalo kaya sa room nalang kami tumambay lahat.
Lumabas ako sa room kasi mainit pero na-schock na naman ako ng makita ko si Ken sa hagdan kumakain so ako naman si walang hiya tinitigan ko siya habang kumakain. Nahahalata kong naco-conscious siya sa titig ko kaya huminto na siya sa pagkain at binalik niya sa bag yung lunch box niya.
Aalis na sana siya nang kinuha ko sa bag niya yung flags reviewer niya na nilagay niya sa may tubigan na bulsa ng bag. Parang wala naman sa kanya na kinuha ko yun kasi umalis siya sa tapat ko at bumalik sa loob ng room.
So yung flags reviewer niya is tinignan ko pero dahil wala akong interest tinutupi-tupi ko nalang para gawing eroplano.
Pinalipad-lipad ko yung papel sakto namang lumabas siya at kinuha niya yung flags reviewer niya na ginawa ko kong eroplano. Lumapit ako sa kanya para agawin yung papel pero tinataas niya. Sinusubakan ko namang abutin pero matangkad siya kaya d ko maabot.
Nang inilagay niya sa likod ang dalawang kamay niya para itago yung papel hindi naman sadya napayakap ako sa kanya mars, as in nayakap ko siya for the first time!
Natulala siya, hindi siya nakagalaw kaya nakuha ko yung eroplano ko i mean reviewer niya at itinakbo ko. In the end naghabulan kami sa buong floor.
By the way Ken,
Hindi mo naman sinabi na malambot pala bewang mo, hinahanap-hanap ko tuloy. Thanks sa reviewer mo nayakap kita. Doon pa lang parang panalo na ako.
Zariyah
2019
Unknown

KASAL

Hello everyone! May gusto lang ako i-share sa inyo. Isa sa nakakahiyang pangyayari sa buhay ko.

So nag-abay ako sa kasal. Maayos naman yung kasal nabusog naman ako sa reception. Gusto ko na umuwi non kase sobrang init talaga plus naka long dress pa kami. Busy sila sa program hanggang sa dun na sa part na sasaluhin na ng mga single na babae yung bulaklak ng bride.
Ang mga abay tinawag na. Dahil 18 na ako wala na akong kawala. Nakapwesto na kami sa gitna. Sinigawan pa nga ako ng ninang ko na huwag ko raw sasaluhin. Eh wala naman talaga ako balak saluhin, ayoko nga sumali eh.
Nung pinasalo na nakatayo lang ako sa likod. Nagtaka ako kase yung nakasalo pinaupo na. Nagtaka ako kase karaniwan kung sino una makasalo siya na makakakuha ng bulaklak.
Pero ang game pala sino ang huling babae na di makakasalo sa kanya yung bulaklak at susuotan ng garter.
Nakiagaw na talaga ako noong nalaman ko yung mechanics ng larong yun kase ayoko masuotan ng garter sa legs. Kaso hindi ako makaagaw. Tinutulak ako or tumatalon sila.
Hanggang sa dalawa nalang kaming natitira. Kabado ako sobra tapos nung hinagis na sabay pa namin nasalo akala ko ligtas na ako. Edi inulit ang paghagis.
Feeling ko dinaya talaga ako nung photographer eh. Nakita ko talaga na binulungan yung bride na sa malayo ihagis para masalo nung kasama ko na natitira.
Edi ang ending ako yung nanalo kuno at binigyan nung bulaklak ng bride. Takte panalo ba yun? Pakiramdam ko natalo ako.
Kabado talaga ako that time. Lalo na nung pinapipili na ng lalaki na magsusuot ng garter. Huhuhu. At yung nanalong lalaki ay kapatid nung groom. Hiyawan ng tao ang basehan, syempre kapatid yun eh, kaya mas marami nakisigaw sa kanya.
Ang dami pang pasakalye bago isuot yung garter. Hiyang hiya na talaga ako. Ang dami pa naman teachers kase mga kumadre nung mama nung groom puro mga guro.
Ang dami taong nanunuod. Naiiyak na ako. Pinasayaw muna sa harapan ko. Jusko ang tagal talaga hindi ko alam saan ako titingin makaiwas lang ng tingin sa nagsasayaw sa harap ko. Jusko ilang na ilang talaga ako. Hanggang sa pinasuot na sa akin yung garter buti nalang talaga at hanggang tuhod lang. Pero ang awkward pa rin.
Akala ko tapos na at makakaalis na ako. Hindi pa pala, pinatayo kami nung photographer tapos pinagtalikod kami nung bride. Sinasabotahe talaga ako ng mga yun eh.
Kaharap ng bride yung groom at kaharap ko naman yung nagsuot sa akin ng garter tapos magkahawak kamay silang dalawa nung groom. Bale kulong kami sa loob nila. Sabi ba naman nung photographer sa amin. Kung ano gagawin nung groom sa bride nya ganon din ang gagawin sa akin.
Kabado talaga ako. Hindi talaga ako mapakali kase ang daming tao nakakahiya.
Akala ko simple lang ang gagawin. Magtititigan ganon or magsusubuan ng cake ganon. Pero OMG hinalikan nung groom yung bride sa noo!
Naghihiyawan na sila. Kaya hinalikan din ako nung lalaki sa noo. Tapos sunod hinalikan ng groom sa pisngi yung bride. Edi matik, wala akong kawala, nahalikan din pisngi ko.
Akala ko hanggang doon lang kase mas kinabahan ako kase may naririnig ako na sa lips daw halikan nung groom.
Itong groom naman loko loko at hinalikan nga!
GRABE ANG ILING NA GINAWA KO. AYOKO TALAGA. NAKA-RESERVE NA TO SA MAGIGING JOWA KO EH.
Siguro mukha na akong mature para sa kanila dahil isa ako sa mga abay pero feeling ko ang bata ko pa para sa ganun.
BUTI NALANG NAGSABI RIN YUNG LALAKI NA HUWAG SA LIPS.
Pero hindi sila paawat. Ang ginawa nung groom sa leeg hinalikan. Buti nalang noong ginaya nung lalaki na i-kiss sa leeg hindi nakadampi sa leeg ko dahil sa buhok ko.
Kabado pa rin ako nun kase lagot ako sa nanay at tatay ko kapag nalaman na may nakahalik sa akin. Hindi ko alam pano sasabihin. Eh baka lalo naman magagalit kapag sa iba pa nalaman. Kaya nag-iisip na ako nun paano sabihin.
Feeling ko pagod na pagod ako after nun. Isama mo pa yung mga audience na irit ng irit at mga kilig na kilig. Mga traydor!
Pag-uwi ko sa bahay agad kong nakwento sa mama at papa ko. Naluluha luha pa ako pero tinawanan lang nila ako. Akala ko naman magagalit, pero parang aware yata sila na ganun talaga ang mga ganap sa reception.
Pero ang mas nakakagulat sa lahat dahil kinagabihan nag-friend request yung lalaking naka-tatlong halik sa akin. Like what ???
Inday
2021
Unknown

KASAL (PART 2)

Hello ulit! Ang daming gusto ng kasunod edi sige ichi-chika ko na.

Tawagin na lang natin sa pangalang JL yung lalaking nagsuot ng garter sa akin. Ang hirap naman kase kung ang itatawag ko ay "yung lalaking nag suot ng garter saken" ang hassle.
Ayun nga nag-friend request siya kinagabihan. Ako naman curious kung anong sasabihin, edi in-accept ko. Si kuya niyo agad agad nag-chat
"Thank you!!!" Hindi ko alam kung anong trip niya.
"Lol." yan lang sinagot ko. Alangan sabihin ko 'you’re welcome' baka sabihin pa niya nagustuhan ko yung tatlong halik niya.
Nag-thank you at nag-sorry siya ulit siya sa nangyari. Medyo nabawasan badtrip ko kase nag-sorry na siya. Sabi ko naman nangyare na eh, wala na akong maggawa. Hahayaan na lang.
Maya maya sabi ba naman,
"Bakit mo naman kase pinanalo ang pagkuha ng bulaklak?"
Aba! Pagkatapos niya mag-sorry nanisi pa kung bakit ko pinanalo. Parang kasalanan ko pa ah?
Halatang nang-aasar lang siya kaya ayokong patulan. Hindi ko na siya pinansin pero nag-thank you na naman siya ulit.
LIKE PARA SAAN BA YANG THANK YOU MO?!?!?!
Sagot ba naman sa akin dahil raw sa happiness na pinaramdam ko.
Eh?
Nag-init talaga ulo ko sa mga pinagcha-chat niya.
Maya maya nagtanong na naman, apakakulit.
"18 years old ka na ba?"
“Hindi. 35 years old na ako." Pabalang na sagot ko.
"Paano ba maglambing? Di ako maalam sorry talaga."
HUH?!?! PARA SAAN ANG LAMBING.
Lalo ako nainis kase bakit ganon yun. Parang akala niya naman papatol ako sa paganong keme niya.
Tapos sabi ko nga para saan yun. Hindi ko naman sinabi na maglambing siya. Tsaka aanhin ko ba lambing niya.
Tapos sabi niya na naman.
"Waitttt lang, ang sungit mo kase ito na magsosorry na wag na magalit. Sorry baby ha? "
MAPAPAMURA NALANG TALAGA AKO SA ISIP KO. HINDI AKO KINIKILIG SA PINAGGAGAWA NYA. NAIINIS AKO KASE HINDI NAMAN KASE AKO MADADALA SA GANYAN. FEELING KO TULOY AKALA NIYA EASY LANG AKO PORKET NAKAHALIK NA SIYA SA AKIN NG TATLONG BESES.
So ayun hindi na ako nag-reply. Badtrip na badtrip nako e.
Kinabukasan, Sunday noon edi nagsimba ako.
Kasama ko mga kaibigan ko. Palabas na kami ng church. Kinulbit ako ng kaibigan ko. Nakita yung si JL dumaan naka-motor.
Tapos ito namang lalaki na'to habol pa ang tingin sa amin. Inirapan ko lang. Balakajan.
Tapos pag-uwi ko nagbukas ako ng phone at yun may chat na naman siya. Nakita niya na naman daw ako keme keme nya. Seen ko lang siya noon.
Tapos nung gabi. Pinabibili ako ng asin ni mama. Ayoko talaga lumabas kase baka andun yun sa labas. Kase kapag pupunta ka sa kanto galing sa amin. Madadaanan mo yung bahay nila. Eh ayoko siya makita. Tapos yung lagi ko pa naman binibilhan na tindahan kapitbahay lang nila.
Lumabas na ako kase pagagalitan lang ako kapag di ako sumunod. Malayo palang tanaw ko na may naka-headband na itim na nakaupo dun sa hagdanan ng tindahan. Dumiretso nalang ako sa kanto at naghanap ng ibang tindahan na bukas para bumili ng asin.
Pag-uwi ko may chat na naman. Nakita nya na naman daw ako. Napakalinaw talaga ng mata! Sabi pa niya hindi ko raw siya pinansin porke may motor daw ako. Eh bakit ko naman siya papansinin. Anong gagawin ko, titigil at mag-hi sa kanya?
Maya maya nagtanong na siya about sa religion ko. Sinasagot ko lang tanong niya. Pero di ako nagtatanong sa kanya. Ang daldal niya, dami pang chat. Ako naman 'tong naiirita na, kaya binabara ko na lang siya.
Tas mamaya-maya nagdrama na siya.
"Sorry kung pampam ako masyado. Pero mabait ako to be honest di ako nakikipagsiksikan sa taong ayaw saken sorry sa abala pasensiya na kung napipikon ka saken , di na ako magchachat kahit kailan salamat ulet sa time mo po."
"Sadboi ka?" reply ko.
"Hindiiiii ang unfair talaga ng mundo. Unfair din ng mata ng tao kung ano lang yung nakikita at naririnig yon yung paniniwalaan umay amp."
Walanghiya!
Edi na guilty naman ako. Kase hindi ko naman alam ano story niya at andami niyang hugot. Hindi ko naman siya kilala.
Napaisip ako kaya sinasagot ko na ng maayos mga tanong nya. Tapos nagsorry siya ulit sa chat niya raw nung una yung may baby.
Hanggang sa yung topic namin umabot na sa usapang lovelife.
Nagkwento siya sa ex-girlfriend niya na 2 years daw sila. Tapos tinanong niya ako kung may ex daw ako sabi ko meron isa lang 2 years din. Nag-send pa nga ng picture nila ng ex niya. Ganda nung ex.
Naging matino na ang usapan namin pansamantala.
Tapos tinanong niya ako ano daw course ko sa college. Grade 12 palang kase ako ngayon. Dami dami niya suggestions mag-teacher daw ako, mag HRM daw basta dami niyang sinabi. Ako naman tamang basa lang since alam ko naman na mas marami siyang alam dahil 24 na siya at nakapagtapos na.
Hanggang sa nagtanong siya bigla kung may nanliligaw na raw ba sa akin.
Eh? Bakit tayo napunta bigla doon sir?
Inday
2021
Unknown

KASAL (Part 3)

Tinanong na nga niya ako kung may nanliligaw na raw ba sa akin. Binabara ko lang siya pero umamin din naman ako na walang nanliligaw sa akin.

"Salamat naman kung ganun."
"Huh? Bakit ka naman nagpapasalamat?"
Medyo pabebe ako. Feeling ko kase ang bata ko pa eh. Kahit may idea na ako sa mga sinasabi niya pero ayoko lang mag-assume.
Hindi niya sinagot ang tanong ko kung bakit siya nagpapasalamat bagkus sabi niya,
"Mahilig ka ba sa chocolates?"
"Depende, kung may almond or peanut."
Tapos sabi nya," ah, send ko sayo wait lang."
Tapos inabot ako ng kagagahan dahil sa mga nababasa kong confession ng online seller. Sabi ko,
"Nagbebenta ka? Wala ako pera eh."
HAHAHAHAHA ANG HIRAP MAGPIGIL NG TAWA LALO NA KUNG HATING GABI NA.
Ang babaw ng kaligayahan ko. Hindi ko napansin na ang nakaraang inis ko sa kanya, nahahaluan na ng saya.
Tapos sabi niya hindi niya raw binebenta. Bawal daw kase sa kanya yung matatamis kaya bigay nya nalang daw sa akin. Tapos pinakita yung chocolates.
Ang sasarap kahit nasa picture palang iba't ibang klase ng chocolate mga seven siguro yun tapos may malalaki pa na bar. Galing daw sa kuya nya na seaman.
Kahit nakakarupok at gusto ko ng hingin pero sabi ko ayoko tapos sabi ko sa mama niya nalang ipakain, sa papa niya or dun sa bagong kasal. Haha! Sayang!
Habang ka-chat ko siya kausap ko rin si JJ, yung kapitbahay nga nila na kaibigan ko rin. Kinukwento sa akin na pinapalandakan daw sa facebook niyang si JL na cute siya at pogi. Masyado raw siyang confident sa looks niya.
Tapos pagtingin ko nga hahaha yung real name nya may cute na nakalagay sa huli. Hindi naman halatang nagmamayabang siya, pero in fairness may maipagmamayabang naman talaga. Singkit, maputi tapos malinis sa katawan. Laging may headband na black.
Hindi mahahalata na teacher siya. Anyway, dakilang guro pala ang kuya niyo JL.
Fast forward. Consistent ang pagparamdam niya, hanggang sa sinabi niya kung pwede siyang manligaw. Sasabihin daw niya sa mama niya na manliligaw siya. Realquick! Baka makasuhan tayo niyan? Nakakatakot magjowa ng teacher dahil studyante pa lang ako.
Pero sabi ko, "Ayoko magpaligaw."
"Pero gusto kita ligawan ..." Dami pa niyang sinabi.
Sinabi ko rin sa kaibigan ko ang mga pinagsasabi niya sa akin kaya tinuruan nila ako sa isasagot.
"Ayoko sa cute." Iyan ang ni-reply ko sa kanya. Dahil daw masyado siyang mayabang sa looks niya.
"Ay di naman ako cute, sino nagsabi na cute ako. Wala ako nun." Aba! Nawala bigla cuteness na pinagmamalaki niya sa social media.
"Cute ka kaya. Pero ayoko kase talaga sa cute eh."
"Hindi nga sabi ako cute."
Ang childish masyado ng usapan naming dalawa. Pero ayoko talaga magpaligaw eh. Nakaka-trauma na kase magjowa.
Kinabukasan nag-chat na naman si JL. Manliligaw na raw siya. Nagsabi na raw siya sa mama nya. Nagulat ako nun kase ayoko talaga tapos natakot ako baka magpunta siya dito sa amin. Kaya ginawa ko, nilagay ko siya sa ignored messages tapos unfriend. Hindi ko na siya pinansin.
Andami niyang chat na nasa ignored message at andami niya ring share sa facebook tungkol sa pag-unfriend na nababasa rin ng mga kaibigan ko at kapitbahay ko.
May alam na rin yata yung mga magulang ko tungkol sa amin.
Lagi nalang ako binibiro ng nanay at tatay ko. Na kahit kumanta lang ako sasabihin gumanda daw boses ko simula nung kasalan. Iba daw kapag nahalikan.
Kapag bagong ligo ako sasabihin parang ngayon lang daw ako naligo simula nung nag-abay ako. Or ang sipag ko raw ngayon. Iba raw talaga kapag nahalikan ng tatlong beses.
Minsan ilalagay nalang basta ni papa yung kamay nya sa noo ko sa pisnge at leeg ko tapos tatawa na siya.
Pwede ba makipag palit ng nanay at tatay? Joke! Ewan ko ba supportive rin sila sa lovelife ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko kay JL. Hanggang sa kailangan ko pumunta sa bahay nila. Isasauli ko kase ang long dress na ginamit ko sa kasal ng kapatid niya.
Inday
2021
Unknown

IN REPLY TO: KASAL (Part 4)

So ayun na nga ako na magpapatuloy ng part 4 na ito. Totoo po lahat ng nabanggit sa confession ng kasal. Opo ako po 'yung naka-partner niya sa pagsuot ng garter.

Itutuloy ko na lang sa part na nilagay niya ako sa ignored message tapos inunfriend pa ako. Grabe feeling ko sobrang sakit nung nagawa niya kasi nainis ako at first time ko talaga mam-block ng tao higit sa lahat babae pa. Oo binlock ko siya dahil in-unfriend niya ako. Ma-pride ako eh, sorry baby!
Tapos after two days in-unblock ko rin siya. Rupok diba?
Pagtingin ko sa message ko himala nag-chat siya at sinabi niyang "Hindi naman ging block" feeling ko tuloy ang sama kung tao sa part na yon haisssttt!
Well totoo naman na sabi ng karamihan sadboi daw ako. Ewan ganon talaga ako pero alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. Sa mga nagtatanong sa akin bakit ambilis? Eh walaa eh na-love at first kiss ako sa kanya.
Ngayon lagi niya ako sine-seen sa message ko sa kanya tapos lagi siyang busy.
Naiintindihan ko naman, hanggang sa naramdaman ko na lang na parang wala na akong pag-asa sa kanya. Sadboi ulit. Sinabi ko sa kanya na,
"Malaya ka ng makakadaan dito sa bahay kase di mo na ako madalas makikita."
Akala niya aalis ako but of course not. Hindi ako aalis at kung sakaling bigyan niya ako ng kahit konting chance ipaparamdam ko talagang special siyaaa sa araw araw.
Wala na kasi akong balak pakawalan siya if ever na maging kami. Pero tinatanung ko sarili ko bakit ganun siya sa akin? Naasar ba siya? Hindi ko talaga alam paano siya pakikisamahan.
Gusto ko siyaaa, super. Gusto ko siya at sorry hindi talaga ako tumitingin sa itsura at kayamanan.
Nagustuhan ko siya bilang siya pero parang wala akong pag-asa sa kanya. Everytime na dumadaan siya dito sa amin lagi ko siyang tinitingnan. Pero hindi man lang nalingon o namansin.
Two years single na ako pero ngayon lang ulit ako kinikilig sa babae at sa kanya pa yun. Sa kanya pa na ang laki ng 'trust issue'.
Hey!
Alam kong mababasa mo 'to. Ako na ang gumawa ng kadugtong para sayo. Bigyan mo naman ako ng pag-asa aba! Pangako, pagbubutihan ko. Saksi buong FEU sa pagmamahal ko sayo.
JL
2021
Unknown