Thursday, May 13, 2021

MCDO SERYE (Part 3)

Hi ulit. Eto na naman ang tropa niyong si Mark na kaibigan ni John na nagkagusto rin kay Angel.

Dahil nga doon sa mga banat ko kay Angel, palagi na kaming inaasar ng mga kasama namin at mga managers namin.
Kahit 'yung restaurant manager namin nakikisali na rin. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko napapansin na unti-onti na pala akong nawawalan ng kaibigan.
Nung nakaraan nangyari rin sakin ang nangyayari kay John. Maraming costumers at hindi kami makapag-break para kumain. Sakto rin na hindi ako masyadong nakakain bago pumasok dahil maraming ginawa sa school.
Kaya ako naman ang gumawa ng kalokohan.
"Erp! Kuha lang akong frozen fries!" sigaw ko kay John habang papunta akong freezer.
Dahil nga si John yun, at kilalang kilala na namin ang isa't isa alam niyang may tinatago ako sa bulsa.
May bitbit akong isang box ng chicken nuggets. Anim laman nun. Kaya excited na kong pumuntang freezer.
Sa gutom ko dali-dali kong kinain ang anim na pirasong chicken nuggets. Baleee konting nguya tapos lunok agad, pantawid gutom lang.
Wala akong kaalam alam na nilaglag na pala ako ni John kay maam. Habang sumasandal ako doon sa pintuan ng freezer biglang pumasok si Ma'am!
"Mark, anong nangyari jan? Hanap mo raw ako sabi ni John."
Walanghiya! Gumanti pa yata si tängä. Eh kaso sa pagkakataong to, maswerte ako. Dahil isang chicken nuggets nalang ang nasa bibig ko. Nakain ko na ang lima at saktong lulunukin ko na lang isa.
Mark
2021
Unknown
Unknown

MCDO SERYE (Part 2)

Syempre, hindi naman to maging serye kung walang Part 2. Ako to ulit, si Mark na kaibigan ni John.

Partner talaga kami ni John sa kalokohan. Pero wag ka, patay ang nightshift kapag wala kaming dalawa. So eto na nga ang kwento. Napakadaldal ko talaga.
Dahil nga binata na kami ni John, syempre nagkaka-crush na rin kami. Ang nakakapagtaka lang dahil sa dinami-dami ng babae sa store namin sa isang babae pa kami nagkagusto. Tawagin nalang natin siya sa pangalang Angel.
Naalala niyo ba nung pinapunta ko si John sa crew room at pinapainom ng tubig? Yun yung araw na napaso siya ng chicken nuggets. Tambak na ang orders pero si tängä hindi pa rin nakakabalik.
Inaantay ko pa saglit baka sakaling sobrang napaso talaga ang lalamunan niya. Pero nung lumipas ang sampung minuto na hindi pa rin siya nakabalik, aba sinundo ko na.
At ayun si John, nagpa-alaga kay Angel. Dumidiskarte pa si tängä. Palibhasa new hire pa lang si Angel kaya ayun nauutusan niya. Pinakuha lang naman niya ng tubig sa may counter, at malala pa naabutan ko nagpa-check pa ng lalamunan baka raw kase namaga.
Eto namang si Angel sumunod rin. Aba! Iba ka talaga John!
Sa asar ko dahil crush ko nga rin Angel, ayun sinumbong ko siya kay ma'am na pumetiks lang. Syempre 'di ko sinabi na napaso dahil kumain ng chicken nuggets. Walang laglagan kase mas malala pa naman ako gumawa ng kalokohan.
Bumalik rin naman siya kaagad kase sinita na ni ma'am.
Pagkabalik niya, ako naman ang dumiskarte kay Angel. Hahaha! Hindi kami tirador ng new hire ha. Nagkataon lang talaga na parehas kaming nagagandahan kay Angel.
Dahil nga baguhan pa lang si Angel, napakabait pa niya sa mga costumers.
May isang costumer na nagpapalit ng part ng chicken. Leg part kase nabigay sa kanya, at sakto namang kay Angel siya lumapit.
"Kuya, pa-thigh part daw po" mahinhing sigaw ni Angel. Boses pa lang alam kong si Angel na.
Dahil ako taga-assemble ng chicken orders, ako ang nag-assist kay Angel.
Nung inabot niya na yung order na may leg part, pasimple kong nahawakan kamay niya !!!
"Ay sorry!" diretsong sabi ko. Mukhang hindi sadya pero sadya ko talaga yun. Medyo malambot kamay niyaa, chzzzz.
Tapos pagtingin ko dun sa lagayan namin, wala palang thigh part. Hindi ko pala na-check bago ko kinuha yung order kay Angel bago palitan. Nawala kase ako sa sarili nung si Angel na nagpapalit.
Dahil wala naman akong choice, tinawag ko si Angel ulit at inabot pabalik yung order.
"Kuya, bat leg part pa ein po? Papalit daw po ng thigh part."
"Wala ng thigh part eh, gusto mo THIGH-yo nalang?"
May spark mga Erp !!! Namula agad ang cute na pisngi ni Angel. Plus point sa kakornihan ni Mark hahahaha.
Maraming nakarinig ng banat ko kaya nagsimula na silang mang-asar. Samantalang paglingon ko halos patayin na ko sa titig ni John. At alam kong hindi siya magpapatalo pagdating kay Angel.
Mark
2021
Unknown
Unknown

MCDO SERYE (Part 1)

Hi. Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Mark. May kaibigan akong si John. Parehas kaming nagtatrabaho sa fastfood, kita naman sa title kung saan. Please admin, pakitago ng identity namin at baka mawalan pa kami ng trabaho ni John.

Alas-sais ng gabi pasok namin dalawa ni John. Parehas kaming nightshift dahil parehas kaming working student.
Kalagitnaan ng duty, biglang nagutom si John. Tatlo lang kami sa kitchen kaya hindi kami makapag-break. Sobrang dami rin ng orders kaya hindi talaga namin masingit ang pagkain.
Busy na ang lahat. Habang yung managers namin hindi na magkanda-ugaga sa dami ng costumers.
Etong si John nakaisip na naman ng kalokohan.
"Erp, pabantay si Ma'am” biglang sigaw niya.
Ako naman 'tong masunuring tropa, tumango lang. Masyado na naming kilala ang isa't isa kaya alam kong kalokohan na naman.
Nilingon ko si Ma'am andun pa kumakausap ng costumer sa drive-thru kaya hindi ko na siya tinignan at bumalik sa station ko.
Nung nilingon ko si John, nakita kong may hawak hawak ng dalawang pirasong chicken nuggets. Halatang mainit init pa dahil pinapatong niya sa apron niya.
Nang isubo na ni John sa bibig niya ang dalawang nuggets biglang nagsalita si ma'am sa likuran,
"John, ilang minutes daw sa nuggets?"
Sa loob ko mamatay matay na 'ko sa tawa dahil nakita ko si John na sabay nilunok ang dalawang pirasong nuggets hahaha!
Si tängä hindi makasagot habang namumula na at nangingilid na ang luha.
Buti nalang nakatalikod siya kaya nagkunwaring hindi niya narinig si ma'am.
Dahil naawa ako sa tropa kong maiyak-iyak na, ako na sumagot kay ma'am,
"3 minutes nalang po yan ma'am, may dagdag order pa ma'am?"
"Wala naman, nag-follow up lang" sabi ni ma'am sabay umalis.
Dun ko na nabuhos lahat ng tawa ko habang tinitignan ko si John hahaha. Halos hindi na makahinga si tängä. Kaya sabi ko pumunta munang crew room at uminom ng tubig.
Ilang araw ring hindi nakakakain ng maayos si John, dahil napaso ang lalamunan. At sinisisi pa ko dahil hindi ko raw binantayan si ma'am.
P.S. Like niyo nalang kung gusto niyo pa ng ibang kalokohan.
Mark
2021
Unknown
Unknown

Thursday, April 22, 2021

MALUWAG

Hi. I'm Snow.

May boyfriend ako, and hindi ko sya hinihigpitan sa lahat. If he wants this I let him. Nakilala ko sya na naninigarilyo and umiinom so okay lang saken yon.
Every time na magpapaalam sya saken na pupunta sya sa ganito sa ganyan, iinom I let him. Hinahayaan ko syang gawin whatever he wants at kung ano yung nagpapasaya sa kanya kasi magboyfriend and girlfriend palang naman kami at hindi pa kami mag asawa. So I let him enjoy his own life hanggang binata pa sya.
But then one day, he ask me if okay lang daw kung iinom sya kasi birthday ng barkada nya. Sabi ko,
"Go, It's okay hindi yun big deal"
"How many times do I need to tell you na you don't need to ask me, just inform me" then he said I love you. Tuwang tuwa pa. Syempre masaya rin ako na masaya sya.
After that nagpunta na sya sa pupuntahan nya. Hindi ko na inaalam ko sino sino kasama nya because I trust him so much. Tsaka sabi nya birthday ng barkada. And i know his friends are not my friends. Ang alam ko lang panatag ako na di nya ko pagpapalit and hindi naman sya magloloko, hindi nya rin magagawa sakin yun.
12 midnight still hindi pa rin sya nagchachat kung nakauwi na sya or what and nakaoffline sya. So I decided to chat his brother if nakauwi na sya. And his brother said na "hindi pa, baka dun na yun matulog."
After that kinabahan na ko. Kasi first time nyang hindi umuwi ng bahay na nakainom.
Madaling araw na pero di pa rin ako natutulog, hoping na magchachat sya saken.
And someone chatted me on my message request. So I check it. Nagtataka ako that time kasi di ko kilala ung babaeng nagchat saken. So I open her message. I was so shock that time and starting to cry.
She said " Hey, is this you boyfriend?" and nagsend ng picture ng boyfriend ko lying on the bed, smiling with her. I know it's my boyfriend kase nagsend sya ng picture ng suot nya bago sya pumuntang birthday kunno.
Hindi na ko nagreply sa girl kasi wala nakong lakas makipagpalitan ng salita and hindi rin worth it. Wala rin akong masabi kase sobrang pagtitiwala ang binigay ko sa kanya. Choice nya yun kung nagloko sya. Lalo na't lalaki sya at kayang kaya nyang iwasan yun kung gugustuhin nya.
So let me tell you guys, specially to those who have partners na. Hindi hadlang yung pagiging mahigpit or maluwag nyo sa partner nyo. Kasi ang totoo nasa partner nyo yan, kung magloloko sila or hindi.
Sa lahat nang may partner dyan. Appreciate your partner. Kung mahigpit sila sayo, iniingatan ka lang nila (pwera nalang sa walang sense na paghihigpit).
And kung maluwag sila sayo, (like me) hindi mo dapat abusuhin, at wag mong hayaang mawalan ng tiwala sayo yung partner mo kasi once na nawala yan, mahirap nang ibalik yan.
Snow
20**
BEED
Unknown

MANATILING BAKLA MO

Nagsimula ang lahat ng makita kitang nakangiti noong pagpasok ko sa loob ng classroom sa unang araw ng school year 2016. Agaw pansin yung ngiti mo na parang nagsasabing, kumusta ka Ginoo? Sa ngiti mong nakakaakit, una kong agad inisip na magiging magkaibigan tayo at hindi ako nagkamali, naging malapit na kaibigan kita.

Our friendship took months bago natin marealize na mahal na natin ang isat isa and so I asked you, kung pwede bang manligaw? and you said yes. At first, nagaalangan ako, kasi bakla ako, inisip ko na baka hindi ako matanggap ng pamilya mo, but you've helped me, pinalakas mo loob ko na kahit bakla ako, mamahalin mo ako at ng pamilya mo.
Tanda ko pa noon, noong unang punta ko sa inyo, pinakilala mo ako sa Mama mo at tinuring niya akong parang anak na lalaki niya since apat na babae kayo.
Naging malapit ako sa inyo, halos araw-araw pinipilit kong 6am pa lang dapat nakaalis na ako sa bahay namin to make sure may time ako para sa'yo bago ang rehearsal natin for Romeo and Juliet grand play.
Ang ganda mo, sobrang nabaliw ako sa'yo, lubos kitang pinagmalaki sa pamilya ko, lalo na sa Mama ko at sa Lola ko. Hindi ko agad naisabi sa mga tito ko na may nililigawan ako kasi syempre bakla ako, nahihiya pa ako.
Feb 24, 2016, araw na sinagot mo ako and girlfriend na kita officially. Walang katumbas yung saya ko noong mga panahong iyon, wala na akong inisip kundi ikaw, kasi mahal kita. Kapag kailangan ko ng model sa Beautycare, ikaw lagi ang takbuhan ko kasi gusto kong maramdaman mo na ikaw lang ang katangi-tanging babae sa buhay ko, na ikaw lang pinakamagandang babae na aayusan ko. Ginawa ko ang lahat para sa'yo. Pinangako ko pa noon sa sarili ko na iuuwi kita sa Batangas para makilala mo buong pamilya ko at para mabisita mo papa ko na doon nakalibing. Pinangako ko pang ipakilala ka kay papa sa harap ng nitso niya, kasi ganun kita kamahal. Handa akong ipagmalaki sa kahit sino noon na mahal kita.
Nagdaan ang ilang buwan at tila sa wari ko'y may mga pagbabago na, may mga oras na wala ka ng time sa akin, may mga pagkakataon na napapadalas away natin at lumala pa noong nagkalayo tayo kasi tumira ako ng 2 months sa Bulacan...
Hanggang sa nakausap ko pinsan mo, nanghina ako sa mga sinabi niya. May isang beses raw na nagpasama ka sa kaniya para makipagkita ka sa lalaki and worse is, nakita niya kayong naghahalikan sa sasakyan. Nanginginig katawan ko kasi hindi ko kinaya yung mga nalaman ko and your cousin advised me to talk with you and so I did. Nagusap tayo and you've told me na you want some time for yourself at dahil mahal kita binigay ko iyon sa'yo.
Awang-awa ako sa sarili ko noon. I felt like I've lost everything, especially yung interest ko sa pagaaral. Sobrang lungkot ko ng mga panahong iyon at tanging alak lang ang naging sandalan ko. Inisip ko na baka kinulang ako sa'yo ng oras. Maybe, napabayaan kita at some time, pero hindi eh, ang alam ko is I gave my all to you at kahit walang matira sa akin, ok lang, basta para sa'yo ilalaban ko kasi ganun kita kamahal.
Nagdaan ang ilang taon ng muling nagkausap tayo. It was last year, you've confessed na mahal mo pa rin ako, inamin mo sa akin na, oo nagkamali ka at handa kang magbago bumalik lang ako sa'yo, but I've already promised myself na kung magmamahal ako muli, sana sa tamang tao na kaya ang sinabi ko lang sa'yo noon is, hindi pa siguro ito yung panahon para muling maging tayo. Ang tanging pinangako ko lang sa'yo noon ay hintayin nating maging ok muna ang bawat isa bago bumalik sa dating tayo.
At gumuho ang lahat ng malaman kong manganganak ka na sa August this year. Natulala ako sa inuman ng batch natin na para bang ang lakas na ng amatz ko. Hindi ko magawang umiyak, hindi ko magawang magsalita... speechless... Hindi agad nag-sink in sa akin na totoong magkakapamilya ka na. Hindi ko napansin na buntis ka na pala nang minsang magkasalubong tayo sa palengke, hindi kita pinansin noon, nilampasan lang kita na para bang kung sinong estranghero. Ang narinig ko lang sayo that time, 'uyy ang taba mo'. I felt guilty kasi gusto kitang kausapin noon kaso naunahan ako ng lungkot. Sa tuwing maiisip kasi kita, makikita, makakachat, bumabalik lahat ng sakit.
Ang dami kong regrets, na sana noong gusto mo ng makipagbalikan sa akin, sana tinanggap na kita, na sana edi tayo yung bubuo ng masayang pamilya. Masaya ako sa'yo panget, although sobrang sakit. I'm in no right para magalit or what. Nanghihinayang ako sa pagkakataon na sana ay muling maging tayo. Ang dami ko pa naman sanang plano para sa ating dalawa, na kapag lisensyado na akong Inhinyero, ako ang gagawa ng bahay natin. Hindi ko na nagawang ipakilala ka kay Papa. Hindi ko na magagawang pakasalan ka sa simbahan na pinagkasalan nila Mama't Papa, kasi may asawa ka na at hindi ako iyon.
But still, kahit magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya mananatili pa rin ako para sa'yo, hindi kita pababayaan. Kapag kailangan mo ng tulong, nariyan agad ako. Mananatili ka sa aking puso, nagiwan ka ng ukit na mananatiling isang obra sa makulay na likha ng ating kwento. Sobrang mamimiss ko ang "I love you, first love ko" na parating binabanggit mo sa tuwing maguusap tayo. Sobrang mamimiss kitang kasamang maghugas ng plato. Mamimiss kitang ipitan ng buhok at make up-an. Mamimiss kitang kaasaran. Mamimiss kitang kausap sa gabi. Mamimiss kita, panget ko, ang pinakamamahal kong ex-girlfriend ko.
Lagi mong tatandaan na ako pa rin yung baklang first love mo, yung baklang minahal mo, yung baklang tinititigan mo noong ikaw ang gumanap na Juliet sa grand play ng Romeo and Juliet natin, egul si Denver na gumanap na Romeo, sa kaniya ka kasi dapat nakatingin eh. Well, boyfriend mo kasi Director eh kaya sakin ka haha. Ako pa rin yung baklang mas babae pa sa'yo. Ako pa rin ang Jr. na nakilala mo. Mananatili pa rin akong, ako.
Siguro ito na yung huling pagkakataon na sasabihin kong,
"Mahal na mahal kita panget! Ikaw at ikaw pa rin kahit hindi na ako."
Kent
2020-2021
BS in Civil Engineering
UM