Thursday, April 22, 2021

JAYJAY (SPG)

Hi! Im Andrea ( hindi ko totoong pangalan). I want to share my story way back 2018.

Isa akong seasonal demo sa SM noon. Pabalik na kami noon galing canteen, habang naglalakad nakatingin ako sa katabi ko nagchichismisan kasi kami, pagharap ko nakita ko yung lalaki nakatitig sakin so nakipagtitigan ako.
Nawala na lang yung tingin namin nung magpapa-frisking na ako.
Tuwing break time palagi ko na siyang nakikita at nahuhuling nakatingin sakin. Nagtataka ako kung bakit nya ako tinitignan pero di pumasok sa isip ko na baka type niya ako, kasi sino ba naman ako para magustuhan niya? Ang gwapo kaya nya matangkad, matangos ilong, may mahahabang pilik mata, maputi, singkit at may mapulang labi. Samantalang mukha akong monggoloid na tomboy dahil nagpa-boy cut ako kahit di bagay kasi broken hearted ako tapos siga pa maglakad.
Isang beses nag-coffee break kami, habang naglalaro ako ng ml napatingin ako sa harap ko at nakita ko na naman siya na nakatingin sakin pero umiwas siya sabay inom ng kape na nakangiti, di ko alam pero parang kinilig siya.
Napangiti din ako at unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya sino bang di magkakagusto sakanya? Jusme! Mala-Kim soo hyun! Ang hot!
Sinabi ko sa mga kaibigan ko na may crush na ako at tinuro ko yun sa kanila
"yieee babae kana HAHAHAHHA" sabi nila.
"Mga baliw HAHA" sabi ko.
Hindi nagtagal nagtataka na mga kaibigan ko bakit daw parati na namin siya nakikita at nahuhuling nakatingin sakin. Sagot naman ng isa kung kaibigan na inaabangan daw talaga ako magbreak. Kinilig naman sila kasi baka daw gusto din ako nung guy.
Kaya nung nag lunch break, habang busy ako kaka-ml kinalabit ako ng kaibigan ko na tinitignan daw ako nung guy. Pagtingin ko nakatingin siya sakin at umiwas siya ng tingin sabay napangiti siya. Syempre di ako nagpahalatang kinikilig ako. Hanggang sa di nakatiis yung kaibigan ko.
"Kuya ! Anong name mo ? Crush ka nito HAHAHAHA" Sabay turo sakin.
"Jayjay po." sagot niya.
"Jayjay daw yieee kilig yarn? HAHAHAHA" asaran ng mga kaibigan ko.
Di ko sila pinansin. Nakakahiya. Alam ko sa sarili ko na namumula na ako nun dahil mainit yung mga pisnge ko kaya hinarang ko na lang cp ko sa mukha ko.
Tumayo na kami pra mag-ayos dahil malapit na time namin.
"Nasan na si baks?" Sabi ko.
"Nandun sa crush mo hinihingi number niya HAHAHHAHA"
"Hala ka dyan nakakahiya potëk dapat di ko na lang sinabi sainyo eh mga hindot! ” sagot ko.
"Ok lang yan para maka move on kana sa ex mo whahahahha" pang-aasar pa nila.
Dumating na si baks pero di binigay ni jayjay yung number niya hiningi lang yung facebook name ko para e-add na lang daw niya ako kaya binigay naman ni baks.
Nagtaka ako at napaisip na baka may girlfriend na si jayjay at baka gumawa ng dummy account para dun ako kausapin. Kasi kung wala edi sana binigay niya number niya.
Kinagabihan pag-uwi ko may message request akong natanggap. Si jayjay nag-chat tama nga ako gumawa siya ng dummy account para dun ako kausapin. Sabi niya saka na lang daw niya ako icha-chat sa main account niya kapag magkakilala na kami ng lubos pumayag naman ako.
Bago pumasok, lunch break, coffee break at bago matulog. Nagkakausap kami ni jayjay halos nasakin lahat ng oras niya kaya di ko na inisip na baka may girlfriend na siya.
Masaya ako kay jayjay kahit na sa messenger lang kami nagkakausap unti unti na akong nakakamove on sa ex ko na siyang dahilan ng pagpapaboy cut ko.
Hanggang sa sinabi ng kaibigan kong lalaki na may anak na daw si jayjay.
"Paano mo naman nasabi na may anak na" tanong ko.
"Nakita ko siyang may ka vc tapos kausap niya bata tinatawag niyang anak"
"Huh? Sure ka? Eh mga ilang taon na nakikita mong kausap niya?"
"Oo sure ako, 1-2 yrs old, pero baka di niya anak yun kasi mukhang bata pa si jayjay pero papa kasi tawag sakanya di ko alam"
" Or Baka hiwalay na sila, kasi bago pumasok, lunch break, cb, at bago matulog kausap ko siya” depensa ko.
Nanghina ako sa nalaman ko kaya napaisip ako na pa aminin si jayjay na may anak na siya at umamin naman siya.
Sabi niya, "bat ka ba nagmamadaling malaman? Sasabihin ko naman sayo lahat pero di pa ngayon"
"Dapat sinabi mo na may anak ka na tatanggapin ko naman e" diretsong sabi ko.
"Natatakot kasi ako na baka di mo na ako kausapin sorry."
At dahil nasakin ang buong oras niya akala ko wala na sila ng asawa niya.
Hanggang sa nalaman ko na di pala sila hiwalay kundi nagkakalabuan lang pala. Nasa probinsya yung asawa at anak niya. Madalas daw silang mag-away mag-asawa kaya nagkakalabaun na daw sila.
Ang sakit kasi niloko niya ako, hindi pala totoo lahat ng pinaramdam niya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil mahal ko na si jayjay, tinanong ko siya kung mukha ba akong uto-uto at tanga para gawin niya sakin yun, sabi niya na di nya sinasadya na magkagusto siya sakin at ito daw ang unang beses na niloko niya ang asawa niya. Humingi siya ng sorry at hindi daw niya pinagsisihan ang ginawa niya dahil mahal daw niya ako.
At dahil hindi ko pa kayang bitawan si jayjay hindi ko siya muna binitawan, hindi ko gustong agawin siya sa asawa niya kaya kapag okay na sila ng asawa niya ako na mismos ang lalayo.
Alam kong masasaktan ako ng sobra sa huli pero gusto ko pang sumaya kasama siya.
Last day ko na sa sm nagyayang maginom mga kaibigan ko. Sabi ko "isama natin si jayjay pagbigyan nyo na ako last day ko naman na" pero di sila pumayag kasi panilyadong tao na at tigilan ko na daw si jayjay.
Habang nag-iinom nagkikipag-chat ako kay jayjay ng hindi nila alam nag-decide kami na magkita pagtapos ko uminom.
Nagsi-uwian na kami kasabay ko umuwi ang kaibigan ko at ang asawa niya na kaibigan ko din dahil parehas lang kami ng dadaanan. Pagbaba namin ng jeep bigla akong kinalabit ni jayjay na siyang ikinagulat ko, gusto sana siyang kausapin ng kaibigan kung lalaki kaso tinulak ko at pinaalis nalang ang kaibigan ko baka magka-initan pa dahil naka-inom na.
Naupo muna kami ni jayjay at inantay umalis yung jeep na sinasakyan ng mag-asawa hanggang aa nakaalis na nga ang jeep at niyaya ako ni jayjay na umuwi na sabi ko na maglakad lakad muna kami kasi ito ang una naming paguusap ng kami lang dalawa.
Habang naglalakad sabi niya na masyado ng gabi at baka ano pang mangyari samin sa kalsada.
Kaya nag-decide kami na mag-mötel.
Nung nakakita kami ng sögö nag-check-in na kami. First time ko lang makapasok sa mötel. Nakahiga kami at nag-uusap lang, hanggang sa iantok na ako at nag-goodnight kiss ako sakanya sa labi sabay tulukbong ng kumot. Tumawa siya na siyang dahilan kaya tinanggal ko yung kumot.
"Bat ka tumatawa dyan?" tanong ko habang nakangiti
"Bat ka nagtalukbong?" sabi niya habang natatawa.
"Eh bakit masama ba?” nahihiyang tugon ko.
Lumapit siya sakin at dun na nagsimulang maging malikot ang kamay niya. Pero dahil takot ako sa pwede niyang gawin pinigilan ko siya. Walang nangyari samin dahil virgîn pa’ko at takot din ako mabuntis.
Pinipilit niya ako kasi masakit daw sa puson pero hindi talaga ako pumayag kaya nagsuot na kami ng damit. Nakaupo na lang kami at nakayakap siya sa likod ko habang nagkwekwentuhan kami.
Di lang isang beses na pumasok kami ng mötel, pero walang nangyari. Kaya iniisip ko na baka totoo yung nararamdaman ni jayjay sakin dahil ok lang sakanya na walang nangyayare samin.
Lumipas ang mga araw paunti-unti na nagbabago si jayjay ang dating madalas na pag-uusap nagiging madalang na lang dahil siguro nagkakaayos na sila mag-asawa.
Sobra na akong nasasaktan kaya pinutol ko na yung namamagitan samin ni jayjay. Pero nagtataka ako bakit bukas pa din yung dummy account niya baka hindi lang ako yung babae niya kundi meron pang iba. Gusto ko man siyang kausapin pero mas pinili ko na lang na wag na.
Ilang buwan ng hindi ko nakikitang active yung dummy account niya marahil okay na sila mag-asawa. Hanggang isang araw may nagtext sakin unknown number at kinakamusta ako lakas ng kutob kung si jayjay yun or ang asawa niya kaya nag-reply ako na sino to?
"Si jayjay to kamusta kana pwede ba kitang tawagan ?'
Nag alinlangan ako dahil kung si jayjay yun icha-chat niya ako. Kaya di ko na pinansin at pinabayaan ko lang.
That day nag-chat sakin si jayjay sabi niya na asawa niya ang nagte-text sakin at wag ko na lang daw pansin kaya ganun ang ginawa ko.
Lumipas ang isang araw may nag-text na naman saking unknown number ulit at tinanong ko siya kung saan niya nakuha number ko sabi niya hinulaan lang daw niya malakas ang kutob kung asawa ni jayjay yun pero kinausap ko pa rin.
May binigay siyang name sa facebook at e-add ko raw siya dahil malakas ang kutob ko na asawa niya yun ginamit ko ang isa kung account na iba ang pangalan at chinat ko yun kung paano niya nakuha number ko.
Pero nagkamali ako dahil hindi ko nilinis yung account ko may mga post dun na naka-tag yung main account ko at dun niya na ako nakilala at kinausap.
Gusto niya akong makita sa personal para malaman kung ano daw nagustuhan sakin ng asawa niya pero nagulat ako nung sinabi nyang buntis siya bago pa daw siya bumalik ng province. T@ngin! Laking tängä ko bakit ako naniwala kay jayjay !! Niloko niya ako. Nagpaloko naman ako.
Natatakot ako baka kung mapano siya dahil cesarean siya sa una nilang anak at nalaman ko din na nung mga panahon na di na ako madalas kausapin ni jayjay ay may iba na pala siyang hinaharot na dun din nagwo-work sa sm bilang isang consignor.
Nalaman ko din na sinugod ng asawa ni jayjay yung babae sa mall kaya tinanggal na yung babae sa sm hindi ko sure kung nilipat sa ibang mall si jayjay or tinanggal din.
Sabi pa ng asawa niya na mali siya ng sinugod at hindi dapat daw yun kundi ako raw dapat kasi ako daw ang nauna. Sinabi ko naman na walang nangyari samin ni jayjay at sana maging okay pa sila.
Hindi ko alam kong ano ng nangyari sa kanila pero naging aral sakin ang pangyayaring to. May mga lalaki pala talagang akala mo mabait at loyal pero yun pala may tinatagong kadëmunyohan.
Ps. Dati hindi ako pangit at hindi rin maganda. Sakto lang. Hindi kasi ako marunong mag-ayos pero maganda ako lalo na ngayon na marunong ako mag-ayos.
Makulitz
2015
ANHS
Unknown

NA-CARBONARA (SPG)

Hi. I want to share my experience 3 months ago. I thought sa movies lang mangyayari yun like maiinlove yung amo sa yaya. Pero hindi pala, sakin mismo nangyari. Ang masakit pa dun hindi ako yung na-inlove kundi yung ex ko na sobrang kapal ng mukha na akala mo may malaking alaga.

May yaya kami, matanda lang siguro siya ng dalawang taon sakin. Working student sya. Sabihin na natin na hindi siya mukang inday na inday tulad ng mga nakikita natin sa palabas. Naging close kami at malapit na ata maging bestfriend dahil nagkakasundo kami sa mga bagay bagay.
May boyfriend din ako. 1 year na kami. Almost perfect boyfriend na siguro, gwapo, mayaman, at magaling sa mga linyahan. Yung tipong kikiligin ka talaga pag bumanat sabay may pakindat pa. Tawagin nalang natin siyang si J.
Pumunta si J sa bahay namin, kaming tatlo lang nasa bahay dahil nasa bakasyon yung parents ko. Habang nasa sala kami ni J saktong dumaan si yaya.
"Ate mo? Ang ganda." komento ni J na akala mo amaze na amaze talaga.
"What? Yaya namin yan!" I don't want to sound mayabang, pero medyo na-offend ako sa paraan ng pagkasabi at pagtitig niya.
"Ah di kasi halata... " nakangiting sabi ni J habang nakatingin parin kay yaya. Ang insensitive talaga.
Napansin kong napapadalas na yung punta sa bahay ni J. Syempre tuwang tuwa naman ako kase nagka bebe-time kami. Si yaya naman napapadalas din ang pagngiti niya dun sa ka-text niya. Kaya kampante ako na hindi siya nabo-bore habang nandito jowa ko kase may kalandian din siya.
Until one day. Maaga pumunta si J sa bahay dahil ipagluluto nya raw ako. Nasa kitchen sya nagluluto ng Carbonara. Ako naman nasa sala lang ko, habang excited na inaantay ang luto niya.
Nakatodo yung sounds ng TV kaya kinuha ko yung remote at hininaan. Pero may narinig akong kakaibang ingay sa kusina kaya pinuntahan ko yung boyfriend ko na nagluluto ng Carbonara.
Bago ko pa lang buksan yung pinto, mas lalo kong narinig yung ingay na galing sa kusina. Malapit na tumulo yung luha ko sa mga ideyang pumasok sa utak habang papalapit sa pintuan.
Pagkabukas ko ng pinto. Dun na talaga tumulo luha ko. Nagl-love, no scratch that, nag ya-yak making yung boyfriend ko at si yaya. Mga walanghiya. Sa mismong pamamahay ko pa talaga. Sa sobrang galit ko pinalayas ko sila kaagad sa bahay.
To my ex:
Akala ko ba ipagluluto mo'ko ng carbonara bakit si yaya tïnira mo? Kasama ba 'yan sa recipe ha? Yabang mong magya-yak making sa kusina, eh 3-inch lang naman yan.
To my yaya:
Pakasaya ka! Hindi ka man lang nahiya sa nagpasahod sayo. Tinuring pa kitang bestfriend. Hindi kita masisisi, kase alam kong may kasalanan din ex-boyfriend ko. Magsama kayo. At parang awa niyo na, huwag niyo ng ipakita pagmumukha niyo.
Celeste
201*
Tourism
Unknown

EX-FIANCÈE

To the guy she loves, can you please do me a favor?

Pwede ba? Lagi mo siyang sabayan matulog kahit na sa phone lang kayo nag-uusap. I-hele mo rin siya dahil yun ang pampatulog niya.
Pwede rin bang maging joker ka kahit na seryosong tao ka para lang mapatawa siya kapag nahihirapan siya dahil sa sakit ng puson niya at kapag nalulungkot siya. Pwede bang suportahan mo siya sa pagiging die hard fan nya sa mga K-pop idols.
Pwede bang palagi mo siyang i-mention every time na may nakikita kang hello kitty sa facebook, paborito niya kasi yun.
Pwede bang kapag nasayo na sya i-respeto mo sya. Please wag mo sya kunin sakin dahil lang sa gusto mo ng pag papalipasan ng oras. Wag mo siya kunin sakin dahil sa gusto mo lang maka-home base sa kanya. Pwede ba i-respeto mo siya sa physical man or sa emotional.
But wait, let me tell you something about her. She wants to be happy, but she’s thinking of the things that makes her sad. Sometimes she don’t like herself, but she also love the person she is. She says I don’t care, but in reality she really do. She’s difficult to be with. She’s loud, especially when you fight over things that isn’t worth arguing for. She’ll get mad if you will chase her, but if you will not going to do that, believe me, she won’t talk to you for an hour. She’s clingy, she’ll spam your inbox with ‘where are you’ and ‘i miss you’. She’s moody like she won’t talk to you or sometimes she’s really mad at you for no apparent reason just to apologize two seconds later... It's a girl thing.
There are days when she’ll complain about everything like the people around her, the food that she ordered, even to small little things or even you and you’ll just have to deal with it. Never take her for granted, because when shes gone, shes gone.
Love her with honesty. Give her enough time and attention kase yun ang gusto niya. When she’s crying, don’t say anything, just hug her. She’s really fragile and i don’t want to see her breaking. I loved her i still love her but she really likes you. It breaks my heart whenever her eyes shine when she talks about you. Ikaw ang may oras para yakapin siya sa panahong kelangan niya ng kasama. Ikaw ang nandiyan sa mga panahong nasa dagat ako nagtatrabaho. Ikaw na ang kailangan niya at hindi na ako.
She’s too much to handle but she's one of a kind.
To my fiancèe who's far from me:
Babe alam ko naman na alam mong mahal kita diba. And I'm so lucky and thankful dahil naging part ka ng buhay ko. I love you. Pero ayokong nakikita kang nagsisinungaling dahil sa kanya. Ayokong dumating sa point na maging cheater ka. Mahal mo na siya. Alam kong nanghihinayang ka nalang sa tagal ng relasyon nating dalawa at nahihiya ka kase engage na tayong dalawa. Babe, kahit masakit naiintindihan ko. Nabasa ko ang convo niyo. Hindi ako galit sayo. Ipapaubaya kita sa kanya at maghihiwalay tayo sa maayos na paraan. No cheating issue. Just a mutual decision from me and you. Pinapalaya na kita. Wag kang mag-alala sa pamilya nating dalawa, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila.
John
2k14
BS in Marine Engineering
Unknown

IN REPLY TO: "KAY TAGAL KITANG HININTAY BY SPONGECOLA"

(PART 2)

Five years ago you became my dance partner, hindi dapat ako ang kapares mo dahil sobrang tamad kong mag-aral at wala akong pakialam sa grades ko. I am the kind of man that always have my friends around, drinking massive amount of alcohol, playing around teacher and student and always making my name known around the campus.
Pero ayun nga, dahil sa tamad ako at kailangang kong bumawi sa grades ko sabi ng prof namin naging its either make or break so I do not have other choice but to join the dance leaders. I really do not like the idea of me dancing and teaching the steps around my buddies because for me it is was shameful act and I always look cool.
Dumating na yung araw ng unang practice, mainit nakakairita yung panahon. Uminom muna ako ng 2 can ng Red Horse bago ako sumunod sa mga ka-group ko, magically I arrived on time (that is so not me). There’s this cute girl pretty silent, she caught my attention still I act cool. Any partner will do for me cuz I am not not looking forward on practicing after that day.
Yun ung time na naging ka-partner ko yung cute at tahimik na babae, sobrang mahiyain niya na para bang may kasalanan siya sakin. She was gentle, kind and sweet, yung kahit na parehas naman kaliwa ang paa ko sa pagsayaw ng Boogie wala siyang reklamo. Nagtuluy-tuloy ang pagbilang sa bawat indak ng kanta, hindi ko namalayan matatapos na pala ang araw ng aming unang pagsasama.
Dun ko lang nalaman na sa kanya ako ay nahumaling, sa makipot niyang balakang, sa maganda nuyang ngiti, sa natatamis niyang labi, sa mata niyang parang anghel kapag ngumiti. Bagay na bagay sa kanya ang berde niyang damit dahil lalong umaangat ang kutis niyang maputi. Simula noon gusto ko ng sumayaw basta makikita ko siya, kinalimutan ko ang barkada and pag-inom ng malamig na alak para lang sa kanya.Sabi ko sa sarili ko siya na, siya na ang gusto kong kasama hanggang sa pagtanda.
Simula nun lahat ginagawa ko para sa kanya, para bang wala siyang timbang kung buhatin ko siya, para bang wala akong bukas dahil hindi ako nauubusan ng lakas, sa bawat palo ng kanyang mabangong buhok sa mukha kong nakatitig lang sa kanya, nahuhumaling ako, lumalalim ang nadarama ko. Hanggang sa nagnanakaw na ako ng halik sa ulo niya, patagong inaamoy siya. Hindi binibitawan ang kamay niya kahit tapos na ang kanta, kahit na punung-puno na ang kamay ko ng pawis, bahala na.
Dahil sa kanya natuto akong magmahal ulit, kiligin at masabik na parang batang laging nag-aabang sa bagong laruan. Hindi nagtagal, nagtapat ako ng nadarama ko sayo, tandang-tanda ko pa nung magkatabi tayo sa jeep, sabi mo hindi ka pa handa, naghintay ako pinagpatuloy ko ang mga ginagawa ko para sayo.
Hanggang sa dumating yung araw na may binulong ka sa lamesa sa isang park na ating laging pinupuntahan. Lagi tayong magkausap hanggang sa isang gabi tinanong kita, tinanong ko kung ano ung binulong mo habang nakatitig ka sa aking mga mata. February 23 nun maghahating gabi na, kinukulit kitang aminin sakin kung ano yun. Mag aala-una na pero gising na gising pa rin ako sa pangugulit sayo.
Hanggang sinabi mo saking mahal din kita. Pumutok ang puso ko sa saya at para akong nanalo sa lotto sa gabing yun. Simula nun nagbago ako, inayos ko ang sarili ko, nagpakabait ako, hindi na dumadampi ang baso ng alak sa labi ko dahil sa labi mo na laging tumatama ito. Naging sobrang saya ko sa araw-araw, kahit hindi kita kaklase sa ibang subject dun ako pumapasok makita lang kita. Maihatid lang kita sa susunod na silid mo, lagi ko lang hawak ang kamay mo kahit nasaan tayo, iniiwas ka sa araw kahit na nangingitim na ako. Hindi ka iniiwan sa paglalakad para lang maitaboy ko ang mga pwedeng makabangga sayo. Feeling ko ang pogi pogi ko, dahil ikaw ang asawa ko.
Lumipas ang maramin araw, buwan at taon. Nagtapos na tayo sa kolehiyo pero hindi pa rin ako nagbabago sayo. Hatid sundo pa rin kita kahit anong oras. Piniling maglakad ng malayo maihatid ka lang sa inyo. Umulan, umaraw lagi mo akong kasama, umiiyak ka pa kapag nababasa ang iyong mga paa. Gusto ko kasi laging safe ka.
Hanggang sa nagtrabaho na ako para hindi na ulit mabasa ang iyong mga paa. Sanay tayong palaging magkasama. Laging magkausap at laging nagkikita. Sobrang saya ng mga panahon na yun, sa mga simpleng bagay nagkakasundo tayo. We really are made for each other.Ilang kanta na ba ang kinanta mo para sa akin, ilang ulam na ba ang pinakain mo para sakin, kulitan, tawanan, iyakan ang sabay nating naranasan.
Hanggang sa magkaron ka na ng trabahong maganda, tumaas ang posisyon mo at ako naman nagnenegosyo, nabawasan ang oras natin sa isa’t isa sa dami ng ating ginagawa, pero pilit pa rin ako gumagawa ng oras para mahatid at sundo lang kita. Nami-miss na kita, nami-miss ko na yung dating tayo, nami-miss ko na yung lagi kong nararamdaman ang haplos mo. Nagsimula na akong maging mahina, hinanap ang mga barkada para lang mapunan ang oras na wala ka, umiinom ng patakas para lang madaling makatulog sa pangungulila.
Nagkamali ako... patawad.Wala ako sa tamang pag-iisip sa mga nagawa kong kasalanan sayo, naging selfish ako at sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko na naisip ang mararamdaman mo kapag nalaman mo ang kasalanan ko. Nabawasan na yung taong minahal mo. T@ngin@, napakat@nga ko, nagsisisi ako sa mga nagawa ko, sobrang swerte ko sayo, hindi lang ako nagsasabi pati mga taong nasa paligid ng ko. Sobrang bait mo, pero ano ang ginawa ko? Sinayang ko, napaiyak kita ng sobra-sobra. Pero sa kabila nun, pinatawad mo pa rin ako. Tinanggap mo, minahal mo ulit, pero naging mahigpit ka na ng sobra. Hindi naman kita masisisi dahil sa laki ng kasalanan ko.
Ilang buwan ang lumipas naging okay ulit tayo, bumalik tayo sa dati, naging masaya laging lumalabas kung saan-saan. Ganun ka pa rin, mahigpit sa lahat ng bagay, lahat may update, lahat may oras. Picture every 30 mins kung ano ang ginagawa ko, kinaya ko. Ginawa ko hanggang sa makakaya ko. Umasang makakabuo na tayo ng maliit nating kamukha pero wala pala, umasa lang pala. Nalungkot ako, gustung-gusto ko nang magkaanak tayo. Hindi ko sinabi sayo na sobrang lungkot ko dahil ayaw kong malungkot ka, sabi ko okay lang wag kang mag-alala. Nagsinungaling ako sa nararamdaman ko. Uminom na naman hanggang magkaron ako ulit ng malaking kasalanan.
Nag away tayo, blocked mo ako. Natakot na akong humarap sa pamilya mo at kaibigan mo, ayaw ko ng masaktan ka dahil sa akin, pinili kong umiwas kahit masakit, pinili kong umalis kahit ayaw ko. Akala ko yun ang tamang gawin. Akala ko lang pala yun. Habang tumatagal sobrang hirap, hindi kita kayang tignan, hndi ko kayang makita ang mukha mo dahil sa tuwing nakikita ko parang hinihiwa ang puso ko sa ka g@gaguhan ko.
Di makatulog, kailangan ng tulong ng alak at kaibigan, kailangan lasunin ang katawan para lang makawala sa kasalanan kong hndi ko na mababawi. Nagsisisi ako sa lahat, sa lahat ng mali, sa lahat ng hapdi, sa lahat ng sakit na nagawa ko sayo. Itatama ko na lahat ng mali, itatama ko na ang sarili ko para sayo, sana mapagbigyan mo ulit ako sa huling pagkakataon. Nagmamakaawang papasukin muli sa puso mo, alam kong malaki ung hinihingi ko pagkatapos ng nangyari. Natuto ako sa lahat ng mga gulong nangyari na ginawa ko, sa lukot ng kwento ng buhay natin dalawa. Alam kong para sayo walang laman tong mga salita ko, pero sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.
Ikukwento ko sayo ang simula hanggang huli ng buhay nating dalawa kahit ilang beses pa. Bumalik na yung lalakeng dati ay binago at pinatino mo, yung lalakeng ipaglalaban ka sa buong mundo, at ipagpapalit sa lahat ng kumakalaban dito. Ikaw lang naman talaga ang mahal ko.
We molded each other in our arms, kung ano tayo ngayon ay dahil sa pinagsamahan nating dalawa, I am what I am today because of you, because of what you teach me in life, na-achieve ko lahat ng to dahil sayo. Ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagnegosyo. Kung bakit kailangan natin umangat sa buhay, dahil ayaw ko ng maulit ung araw na wala tayong makain at ayaw ko ng maulit yung araw na nababasa ang mga paa mo kapag umuulan. Mahal na mahal na mahal kita.
Gliam
20**
Unknown

KAY TAGAL KANG HININTAY BY SPONGECOLA

Five years ago you became my dance partner in college. It was actually shouldn't be you but you were a pain in our prof's neck.

You are not a typical student. Hindi ka marunong ngumiti. You always do what you want. You went to school drunk.
You are our class's problem.
And I was just a simple student. Very predictable. And then you became my partner in dance presentation. I was actually scared, baka pag-trip-an mo lang ako or i-bully mo or baka hindi ka sumipot sa practice natin.
Pero nabago yung tingin ko nung nauna kang dumating sa meeting place natin. You were actually the most caring, gentle and sweetest person I've ever met. That time, I always look forward sa mga practices natin. You excite me. Made me feel butterflies in my stomach. You carried me whenever I feel tired. Hindi mo binibitawan yung kamay ko kahit tapos na yung part na dapat magkahawak mga kamay natin. And when you kissed my forehead nung hinatid mo ko one night, right there and then I realized that I'm in love with you.
Hindi nagtagal niligawan mo ko at sinagot kita. You promised everything to me. Nangako ka na hindi mo bibitiwan ang mga kamay ko, na hindi mo bibitawan ang pagmamahalan na to, ang pagmamahalan na nagsimula sa isang sayaw kahit pa matapos ang tugtog neto.
Sabi nila sa mga unang taon ng relationship ang pinakamasaya. Ang laki ng ipinagbago mo. Hindi ka na umiinom, nagbabarkada. You didn't cut classes. We we're inseparable. Lalo kitang minahal dahil sa pag-aalaga mo. Sabi mo nga ikaw yung lalakeng binago ko. Yung lalakeng pinatino ko. We were happy sa mga simpleng bagay. Kahit wala tayong pera dahil estudyante pa lang tayo.
Natatandaan mo ba nung nagshe-share tayo sa iisang ulam para may pang-sine tayo? Naglalakad para makatipid. Tandang-tanda ko when you said that you were the one who never walks fast just to walk with me side by side. The one who runs whenever I need you. You said you were the one who chose me over your parents. The one who really cares for me not because you need something from me. Pinahinto sa pag-inom ng alak. Natutong magsimba. Gumawa ng paraan para maipagmalaki ko. The one who stands up for me kahit nakalimutan mo ng alagaan ang sarili mo. Yung lalakeng hinarap magulang ko kahit nung una ayaw nila sayo. The one who shields sunlight wag lang ako mainitan. Hanggang sa first job ko hatid sundo mo ko, kahit maglakad ka, mainitan at maulanan just for me to be home safe. You were always there for me sa halos lahat ng milestones sa buhay ko. Ang dami nating hinarap na problema na magkasama pero na-overcome natin lahat ng yon. It was an ideal realationship and I could not ask for more.
Lumipas ang ilang araw, buwan, taon. Limang taon. Ilang kanta na ba ang sabay nating kinanta? Ilang pelikula na ang pinanood na magkasama? Ilang bote ng alak ang nainom nating dalawa? Ilang roadtrips? Ilang okasyon na ba? Ilang pasko, monthsaries, anniversaries? Ilang dagat? Ilang lugar ang pinuntahan nating dalawa? Ilang kainan? Tawanan, iyakan, kasiyahan. Ilang problema ang napagtagumpayan nating dalawa? Hindi ko na mabilang.
But even the best fall down sometimes, sabi nga sa kanta. You got your own business. I got promoted. We can go wherever we want, we can do whatever we want. And before our 5th anniversary I learned that you are cheating on me. I can't remember how painful the first time was. All I can remember was I cried until there were no more tears left in my eyes. I asked myself why? I was a living dead. Could not eat. Couldn't sleep. Ilang araw na umiiyak. Sa trabaho. Sa kama ko. Habang naliligo. You have no idea how someone will go through because of what you did.
Pero sa kabila ng ginawa mo pinatawad kita. Even if the world was against my decision. Kahit talikuran ako ng mga kaibigan ko dahil sabi ko sa kanila kilala kita at hindi ka ganong tao. Maybe you did that because I was busy at work. I have many lapses too. Pero hindi ka ganong tao.
After that same routine. Bumalik yung dati. Pero pinaghigpitan kita. Sino ba naman tao ang gusto ulit maranasan maloko? Konting away block agad sayo. Sino ba naman ang gusto laging pinagsisinungalingan mo?
Akala ko magbabago. Pero naulit yung panloloko mo. Inulit kong tanungin ang sarili ko. Bakit? Wala akong ginawang masama sayo.
Tama na. Sumabay naman ako sa tyempo pero bakit paglingap ko iba na yung kasayaw mo?
Tumigil na ang kanta.
Ang sayaw nati'y natapos na.
Ang indak natin ay may hangganan na.
Ang kwento nati'y hanggang dito na lang pala.
Para sayo,
I know everything. I know about that girl. I know na August 6 pa lang kayo na. But it's okay. I wasn't mad because you chose someone over me. I was mad because you should have told me.
I was mad because she knew about us but still pinatulan ka niya. You deserve each other. Paulit-ulit kong sinasabi sayo na kung may gusto kang iba sabihin mo agad. Hindi mo nirespeto pinagsamahan natin. I wasn't selfish. Papalayain kita sabihin mo lang. I don't know your reason. Pero pinatawad na kita. You are forgiven because that's what I need to do. That's what I need to do to move forward na walang dinadala. Always remember what I said. That you should learn to live life na walang taong nasasaktan at natatapakan. Work hard para sa anak ng bago mo. And you should not blame anyone para sa shortcomings mo. I really hope you will not regret what you did. Have a good life. Till then.
Ex Baby
201*
CEU