Hi there Love! I am so happy that throughout our entire 4 years relationship, you never cheated on me. You are always there whenever I need you, you always make me happy in every way, you always put efforts for me, and you never throw hurtful words to me.
Wednesday, February 10, 2021
TO THE PERSON WHO NEVER CHEATED ON ME
Pero nagising ako isang araw, narealized ko wala sa kahit na isa dyan yung ginagawa mo sakin. I always talk to my friends about how caring, loving you are but that’s the total opposite of you. Wala ka sa mga panahong kailangan kita (my grandfather died, my family became broken, I lost my scholarships, I lost almost all of my friends, I became depressed and suicidal). Yes, you make me happy and put efforts for me when it’s convenient for you. And you always hurt me by your words, you never hurt me physically but you destroy my mental health but ang tanga ko, cause I keep on staying and keep on coming back to you kasi Mahal kita.
This whole quarantine made me realized that I should stop this nonsense. I deserve better. I always envy other relationships kasi they look so happy and strong. Naiintindihan kita, sobrang naiintindihan kita sa kahit na anong aspeto. Sa tuwing naglalaro ka kahit kasama mo ako at hindi mo ako kasama, wala naman akong say don; hindi naman ako nagrereklamo. Sa tuwing nagaaway tayo, I always say sorry first kasi ayoko nang lumala pa yung away natin. Sa tuwing nagkakaproblema tayo, palagi mo akong tinutulugan kaya nasanay na lang ako na pasayahin yung sarili ko by watching videos. You are always accusing me of cheating, hinahayaan ko lang kapag sinasabihan mo akong malandi at pokpok. Remember yung time na nagaway tayo, you left me at the middle of the night without an umbrella kasi oo nga pala paying mo yun. Pag-uwi ko, ako pa nagsorry sayo kasi nabasa ka, I even checked if okay ka lang ba or may sakit ka but that time, ako talaga yung masama pakiramdam. I never told you what I feel kasi ayaw mo namang nakikinig even rants ko sa life, you never cared about that sabi mo pa nagpapabebe lang ako.
Sa 4 years na relationship natin, I learned many things. I learned to get up on my own, to find ways for myself, to fight for myself, to become strong for myself but I don’t learn how to love myself because I kept on coming back to you kasi ang tanga ko, na sobrang mahal kita kesa sa sarili ko. Pinanghahawakan ko pa din yung mga sinabi mo sakin pero ngayon ready na akong bitawan lahat ng yun kasi yung kinatatakutan ko nangyari na. YOU CHEATED ON ME.
That’s the cue to end all of this. Masaya pa din ako kasi I saw you grew into a better man kahit hindi na ako ang mahal mo (I think 2 years ago you fell out of love, ako lang yung gustong magstay kasi nga mahal kita) but inner self told me that I should stop. From this day on, I am not your girl anymore.
Wishing you all the best in life. Sana after ilang years, magkita pa ulit tayo and we can talk about those days without regrets into our life. I still love you but I should love myself more.
Chimchim
2019
Alumni
RTU
BASURA
Mahaba man, pero worth it to.
Ito yung istorya sa likod nating dalawa na kailanman hindi nalalaman ng iba.
Pinaglaban kita mahal higit sa pamilya ko at sa kahit na sinong tao. Marami mang pumipigil satin pero pinili kong sumama sayo. Tauhan kita, dyan tayo nagsimula. May pinag aralan ako, ikaw wala pero pinaglaban ko yun sa mga magulang ko dahil mahal na mahal kita at hindi yun ang sukatan ng pagmamahal ko sayo.
Sa unang mga buwan na nagkasama tayo, masaya naman kahit nalulungkot akong wala na akong pamilyang mababalikan. Pero nagbago yun. Naalala mo ba nung araw na una mo kong pinagbuhatan ng kamay? Nasa kalsada tayo nun mahal, pero pinatawad pa din kita. Sa sobrang seloso mo, nasasaktan mo ako kahit hindi totoo pero lahat yun pinalampas ko dahil gusto kong patunayan na tamang ikaw ang pinili ko. Pati facebook ko, pinabura mo lahat ng guy friends ko at pinagawa mo ako nang bago na 20 friends na lang yung meron ngayon pero inintindi ko yun. Nung nagresign ako sa trabaho ko noon sa sobrang kahihiyan dahil binugbog mo ako tapos nakita nilang yung mga pasa ko sa mukha na pilit kong tinabunan ng make up kasi sabi nila ipapakulong ka nila, pinili pa rin kita dahil nabubulag ako sa pag ibig ko sayo.
Sa mga nagdaang buwan at taon, nasanay akong kasama ka. Ikaw pa din ang pinipili kong makatabi sa pagtulog at unang makita sa paggising dahil ikaw lang ang meron ako. Nagkaron tayo ng problema kaya napilitan tayong bumalik sa pamilya ko ngunit hindi nagtagal, panibagong pagsubok ulit na kinailangan kong piliin kang muli higit sa kanila dahil hindi kita matiis! Nung panahong parehas tayong nawalan ng trabaho at wala kang matuluyan dahil sa nangyari satin ng fam ko, pinilit kong bumangon hanggang sa isang araw kinuha kitang muli dahil ayaw kitang makitang nahihirapan.
Nangako tayo na babaguhin na natin lahat pero anong nangyari. Bigla ka namang natutong mamarkada. Pinipili mo na sila higit sa akin kahit anong pagalit ko sayo dahil ayaw kitang mapasama sa mga taong puro bisyo lang ang alam, pinapatawad kita pa rin kita, isang yakap mo lang. Sa tuwing sinasaktan mo ako dahil gusto mo silang samahan, pinapatawad kita sa isang sorry mo lang pag natapos ka na sa lahat ng gusto mo. Hindi ko alam kung anong meron ka pero pinipili kita. Kahit na wala kang trabaho, kahit na ako yung kumakayod para satin mabuhay lang tayo at kahit na ginagago mo ko. Dahil gusto kong patunayan na tamang minahal kita at deserve mo pa ring mahalin kahit ganyan ka, dahil naaawa ako sayo at hindi ko alam kung paano ka na pag wala ako.
Pero parang nakakamanhid na. Lalo na nitong dalawang huling pag aaway natin. Nagttrabaho ako ng matino para sa atin pero dahil lang sa chat na sinend ng katrabaho ko sa customer namin sa cc, nagawa mo akong siraan sa lahat sa pamamagitan ng account mo. Nagawa mong ipamukha sa kanila na niloko kita kahit hindi ko magagawa yun sayo. Pero anong magagawa ko? Hindi ko na pinagtanggol ang sarili ko dahil walang patutunguhan at hindi ko responsibilidad na magpaliwanag sa kanila. May pinag aralan ako at hindi ko ugaliing pumatol sa mga ganyang bagay kaya nanahimik ako para sayo at para sakin. Alam ko ang totoo. Pero bat ganon? Nakakadepress sa tuwing naiisip ko na pinag iisipan nila ako ng masama, na masamang babae ako at hindi mo na yun kayang mabawi sa kanila kahit nag kaayos na tayo. Hindi mo ako kayang ipagtanggol at hindi mo na kayang itama ang naiisip nila dahil nasabi mo na. Kaya iniisip nila ngayon, mag isa ka. Sa lahat ng ginagawa mo, mag isa ka kahit na ang totoo, nasa harap mo lang ako sa tuwing kumukuha ka ng litrato. At ang masakit? Yung ako pa rin yung pinapakinabangan mo lalo na sa tuwing may gusto at kailangan ka kahit na paulit ulit mo nang sinabing di mo ko kelangan. Nag away na naman tayo kanina, off ko sana gusto kitang makasama pero pinili mo pang umalis at makisaya kasama ang iba. Eto ako, tanga pa rin. Yung tanong ko sayo, ilang ulit pa ba bago ako matauhan? Siguro konti na lang. Sana bigyan ang ng Diyos nang lakas ng loob na iwan ka at piliin ang sarili ko. Oo mag isa ako pero gusto kong kayanin para sa sarili ko.
Tama bang ikaw ang pinili ko? O dapat ba sana nagmahal ako ng tulad ko?
Tanginang buhay to. Isa lang naman ang gusto ko, ang mahalin ako ng taong pinaglaban ko ng tapat at totoo.
PS. Nagpapasalamat ako na naging ako ito dahil kahit kailan, hindi ko to kinuwento sa iba. Ayokong sirain ka sa imaheng meron ka dahil gusto ko magkaron ka pa din ng maayos na buhay kahit wala na ako.
Andy
2015
PUP
Others
AYOKO NA
Ayoko na magjowa.
Ayoko na mag asawa.
Ayoko na kung ang standards ng mga lalaki eh masyadong mataas. Ayoko ipagpilitan ang standards ko sa kanila para lang may magkagusto sa akin. Di ako maganda , kung sa skills naman eh wala ako din ako nun. Sinasabi lagi sa akin na dapat ipakita ko sa kanila na available ako ligawan para may magkagusto sa akin like ibahin pananamit, magmake up etc. pero di ako mahilig sa pagaayos and stuff at di ako comfortable dun.
Ayoko na gawin yun para lang magkagusto sila sa akin. Like iniisip ko, "T*ng*n* bat ko kailangan gawin yun? edi pinatunayan lang nila na ang mga lalaki natingin lang sa physical appearance?"
Tapos may sinabi pa na "Mataba ka kasi kung di ka mataba may magkakagusto sayo kasi maganda ka naman." So ibig sabihin need ko pumayat para maging maganda? At para may magkagusto sakin? No. I would never do that. Magpapayat ako dahil gusto ko. Magpapayat ako para sa health at hindi para may magkagusto sa akin.
Tas eto pa pinaka nabubwisit ako sa lahat, pag tinatanong ang mga lalaki kung ano gusto nila sa babae sasabihin,
"Gusto namin yung simple lang"
tas ang sasabihin na example ...
"Simple tulad nila Julia Barretto, Megan Young saka ni Catriona Gray".
Hibang na ba kayo? Pag ganyan wag niyo na isugar coat just say it right away, na ang gusto niyong babae eh maganda at sexy. Kasi kung simple ang gusto niyo edi sana yung mga maraming simpleng babae sa buong mundo eh marami nagkakagusto sa kanila or may jowa. Tas eto pa ayoko na rin magkajowa kasi ayoko nung pre marital sex. Nung sinabi ko ito sa ibang mga lalaki sabi nila "Naku di yan tatalab impossible yang ganyan masyado kang makaluma." So ano yun ako magaadjust? Eh ayoko nga pinapahalagahan ko ang virginity ko.
Dati I always have hope na, "Ah hindi may lalaki siguro na ganun. Yung magkakagusto sa hindi maganda tapos mataba" pero base sa mga nakikita ko sa mga confession, ig, fb and twitter, laging magaganda tas payat hanap. Kaya napaisip ako na "Baka ganito na talaga ang mundo ngayon nagbabase na talaga sa physical appearance".
Kaya ayoko na kung ganito ang standards at kung ganito ang nangyayari sa mundo natin. Sasabihan niyo siguro ako na maarte or what pero ayoko na rin talaga. Pero I am always open naman dun sa possibility na baka may lalaking makakapagpabago ng isip ko. Well napaka impossible pero why not?
Potato Girl
2018
BSBA
Unknown
FLASHLIGHT
(Warning : SPG. Please read at your own risk.)
Hi, simulan ko na agad, kasi di ko alam gagawin ko.
May manliligaw po ako, mag wa-one year na and we're like couple na kahit di pa naman kami official. Last night po, may nangyari samin. Yes, we had $**. He run some errands kaya dinaanan nya lang ako saglit until we found ourselves doing that. And I don't know why the hell we did that, nasa katinuan ako, alam kong hindi dapat but napilit nya ko. We did that in the middle of the night in a kubo-like sa may labasan from home. And the moment he'll wear my shorts sakin, a flashlight hit us, about 7 meters away. And then we stopped, I turned back and wear my shorts myself, until i recognized who they are. Kapatid kong babae at pinsan kong babae ang may hawak ng flashlight.
Ang bilis ng pangyayari, naglakad nadin sila paalis, siguro nung makilala ako, after mga 10 seconds. Hindi ko alam kung may nakita ba sila or what, di namin alam gagawin, hinatid nya ko and sa likod kami dumaan, i'm so scared, di ko alam gagawin at iisipin, ayokong umuwi muna but he insisted. Iniisip ko kasi pag uwi ko nakaabang na sakin sina mama at papa, and sad to say, they are strict. Sobra silang strict to the point na I'm 18 years old and never pa ko nakasama sa mga swimming, outings ng mga kaklase ko. School bahay lang ako before pandemic, kasi they will shut me out if sumuway ako sa kanila, actually yung manliligaw kong 'to hagya nang mapayagan.
Iniisip ko pano kung may nakita sila, or pano kung magsumbong sila? hindi ko maimagine ang buhay ko mag isa kasi i know for sure they will shut me out of the house. When I entered our house, sumalubong sakin kapatid ko, kaya pala sila lumabas at hinahanap ako kase magpapa-BP si lola ko. I asked her if she saw something, and she said "wala ate". Di ko natanong yung pinsan kong babae kasi katabi na sya ni lola.
Tinanong ko ulit kapatid ko, "Si ate? anong sabi?" (hindi ko tinanong if may nakita ba si ate kasi ayokong makahalata) then she answered me with "Sabi lang ni ate bakit daw magkaaway kayo tapos sabi nya kay lola natae kalang daw sa CR"
Di ko alam kung anong magiging reaction ko ngayon ilang days na yung nakakalipas. And walang nagbago, normal yung pakikipagusap ko sa kapatid ko and sa pinsan ko na parang wala silang nakita last night.
I confessed here kasi gusto kong malaman if may nakita sila or wala base sa kwento ko, if akala ba nila nagaaway lang kami or may nakita sila. Kaso pinapangunahan ako ng takot na baka nga wala talaga at pag tinanong ko sila baka yun pa maging dahilan ng pag iisip nila ng may nangyari nga. Nagtataka kasi ako if bakit di nila ko tinanong kung anong ginagawa namin don, if bakit ganong oras nandun kami, but wala lang. Pagkabalik ko nun sa bahay, parang wala lang.
And another thing, is i'm virgin. We used condom, and I bleed. Bago matapos yung nangyari samin, tinanggal namin ang condom, and we make it without it, sandali lang. Hindi sya nilabasan, pre cum lang. I wanna know if i'm gonna be pregnant with that or not.
Sobra po akong natatakot ngayon, if may nakita sila or wala, if makakabuo ba kami or hindi. Currently, I'm not yet in my period, I should be having it na during 2nd week of this month. Sana po makapag advice kayo. I'll accept every kind of advice and criticism. Kailangan kong nang mapagsasabihan and I don't want my friends to know about this, kasi hindi nila ko kilala as ganto and I know magigitla sila and I don't wanna loose them. Sana po makapagadvice kayo mga ate at kuya. Di ko alam kung maglelead to into depression but right now I just need advice.
xeri
2018
BSMA
BSU
NAKAKAWALANG GANA NA DIN MINSAN
Hi. I just want to vent out my feelings and thoughts. So eto na nga, hindi naman sa sobrang bigat ng pakiramdam kasi maraming luha na akong nabuhos at ilang weeks din akong emotionally unstable because of the mere fact that I lost my job due to this fckng pandemic. Tapos breadwinner pa ako sa pamilya. Sobrang sakit that time that I had to endure the pain of losing a job. Kasi pano na yung needs namin? Pano na yung mga babayarin? Sobrang hirap lang talaga but then again, life must go on right?
So ayun, after weeks of crying and feeling so down, finally nakapag cope up din ako. Thank God pa din kasi may nanay ako na laging nandyan para sakin, may friends, my boyfriend and most especially si God. Edi tuloy ang laban mga bes. Apply dito, apply doon. Tawag dito for interview, tawag doon. Punta dito ng interview, punta doon. Pero alam mo yung nakaka-inis? Yung sasabihan ka ng employer na tatawagan ka nalang nila for final interview pero at the end of the day, nganga ka na pala. Yung hintay ka ng hintay tapos wala naman palang mapapala. I mean, sobrang unfair nyong mga employers noh? Okay lang naman kung di pasado yung tao pero at least man lang, ipaalam nyo. Di yung pa-aasahin nyo sa wala tapos iiwan na parang tuta. Ang suswerte nyo nga't may mga pera pa kayong ginagastos samantalang yung mga kagaya namin na pursigido mag apply at makapag trabaho, pinapaasa niyo lang. Asan na pagiging professionalism niyo? Para kayong walang konsensya e.
Minsan naiisip ko, baka hindi talaga sila tumatanggap ng mga bagong empleyado. Baka formality nalang nila yang pag hi-hiring kunware para mameet nila yung ni required sa DOLE na dapat mag hiring sila kasi madaming nawalan ng trabaho at kailangan ng trabaho. Pero hanggang dun lang yun. Kunware i-interviewhin ka pero wala talaga silang balak mag hire kasi nga baka di nila kailangan ng tao pero need nilang mag comply sa sinabi ng DOLE. Wala lang, napapa-isip lang din ako. Tapos, idagdag mo pa yung mas naka focus sila sa standards at qualifications na kailangan nila sa isang tao pero pag hindi yun nameet ng applicant, wala deadma kana. Paano naman yung mga may skills at may determinasyon na mag trabaho talaga? Yung mga taong dedicated talaga sa pag tatrabaho pero hindi nabigyan ng chance makapag trabaho kasi hindi pasok sa standards at qualifications na hinahanap nila. Pinas nga naman oh. Kaya ang daming unemployed e kasi sinasantabi yung kakayahan ng isang tao. Mabuti pa sa ibang bansa, de bale na kung anong natapos mo basta't may kakayahan ka at may dedikasyon ka sa pag tatrabaho, matic tanggap kana, may malaking sahod kapa. Sana ol diba? Wala e, only in the Philippines e. 

Pawang katotohanan lamang. Salamat sa pagbabasa.
Red
2021
Unknown
Unknown
Subscribe to:
Posts (Atom)