So hi guys, I'm Nica not my real name. May gusto lang ako ishare sa inyo tungkol sa crush ko.
Wednesday, January 20, 2021
CRUSH
December 03 2020 birthday ng kapitbahay namin nun (kuya ng friend ko) may inuman syempre so ayun na nga, inaya ako ng friend ko na pumunta sa kanila. Then uminom kami konti lang naman yun. Pagkatapos namin uminom nagkaayaan na pumasok sa loob ng bahay nila, so andun kami sa sala nakikinig lang ng music.
Kumakanta kami kasi maganda yung song pero may naglipat lipat ng kanta. Parang nire-remix ganun. Then yung nagre-remix ng kanta yung bisita ng kuya nya. Pogi siya, maputi tsaka mataba. Napagkamalan ko pa ngang tomboy yun eh. Pero nung nakita ko siya parang naiba ikot ng mundo ko.
Tapos madalas na kaming nagkakatinginan non.
Natapos sila uminom bandang 2am then nagkaron ng biruan na ihahatid nya pa ko pauwi HAHAHA. Syempre lasing na sila non kaya inintindi ko na lang. Pero pag-uwi ko inistalk ko siya agad tapos in-add ko. December 04 2020 in-accept nya ko tapos nalaman nya na crush ko siya syempre kinilig ako kasi inaapproach nya ko.
Hanggang sa nagpustahan kami ng kaibigan ko na ili-libre ko siya kapag chinat ako ng crush ko. Palareact na siya sa post ko that time. And guess what? December 05 2020 nag chat siya sakin tapos sabi nya "goodmorning baby" Tas kinilig ako HAHAHA.
Akala ko nga magiging bebe ko yun eh. Pero isang araw di na ko nireplyan.
So noong hindi ako nireplyan, nagtaka ko kasi nasaktan talaga ko, alam ko naman hindi ako dapat masaktan kasi hindi naman naging kami and also three days lang naman kami nakapagusap non. So nagstart ako maging sad girl non, iyak ako sa kaibigan ko nun kasi sobrang gustong gusto ko talaga kasi siya non.
Tapos one day, yung kaibigan ko nakipag pustahan sakin. Sabi nya kapag chinat ako ulit ililibre ko daw siya syempre ako G kasi hindi naman ako icha-chat non. So nakatulog ako habang kachat ko yung kaibigan ko. Then paggising ko nagulat ako may chat sakin yung crush ko tapos nabigla talaga ko.
Nagduda ko nun kasi 2 weeks na kami hindi naguusap so tinanong ko yung kaibigan ko tapos inamin nya sakin na nagkausap sila ng crush ko. And fvck andaming sinabi dzai. Pagkatapos nun nagkausap ulit kami pero hindi ko na tinuloy kasi parang hindi naman ako gustong replyan. So ang ginawa ko na lang binlocked ko tapos iunfriend ko sa facebook.
Sakit sa puso inabot ko dun, kasi nagbigay siya ng motibo nun sakin tapos hindi pala ko gusto. Nafall ako tapos sabi nya mabait lang siya. Di naman masakit guys, sobrang sakit lang. Pighati talaga naramdaman ko nun. Naka wallpaper yun tiniktok ko pa yung picture nya dzai. Kinuwento ko pa sa mga kaibigan ko. Umay.
Kung nababasa mo man to, thank you sa pagpapakilig kahit di tayo umabot ng pasko. Magiingat ka palagi, crush pa din kita kahit hindi ako na crushback. Layo mo kasi eh see you soon, lalab.
Nica
2020
Unknown
OLFU
BRA NA PAULIT ULIT
So ganito yun. Dahil quarantine naghanap ako ng ka kafling on dating site. Dahil nga dating site naman, andun na tayo sa fact na hindi seryosohan. Call me ogags or what pero ganito nangyari. May nauto ang lolo nyo. Hahaha! May naka chat akong girl from Antipolo, 22 years old. Isang taon agwat ko sa kanya. To make the story short, naging chat mate kami.
One time, gawa nga ng bogli eh inaya ko sya mag send n*des ganun. G naman si ate mo girl. Puro ganun lang kami. Send n*des and we also do it on video call din minsan. So ito na nga, one time ka video call ko sya, sa umpisa matino naman usapan. Hanggang sa again ko syang you know, I want to see her boobies that time. Agaran naman nyang ginagawa. Almost 4 months kaming ganun. Kaya may isa akong napansin. Everytime na hinuhubad nya t-shirt nya infront of me, halos pare-parehas yung bra nya. HAHAHAHA Alam mo yun? Paulit-ulit. Halos nasaulo ko na. Minsan napapatanong na lang ako sa kanya kung "naligo ka na ba?" Or "Bakit yan ulit bra mo?" HAHAHAHA jusko! Girls, ilang beses ba inuulit ang bra? Required ba talaga na paulit-ulit?"
Marc
2020
IT
Others
KUYA MONG MARUPOK
Share ko lang po yung feelings ko para sa isang ARTIST. She's an artist and the cutest art I saw.
Same school and course kami. 2nd yr sya at 5th yr naman ako. Since parehas kami ng major at senior nya ako, tuwing magkikita kami ay ngumingiti sya at ganon din naman ako.
Nung time na yon, dahil freshmen sila, nagchachat sakin yung kaibigan nya pag may tanong about sa program, etc. (Org Officer po kasi ako). Hanggang sa medyo humaba yung usapan. Dun ko na nasabi na ang ganda nung lagi nyang kasama (yung ARTIST). Dahil dito, madami na syang magagandang bagay na nakwento about sa ARTIST. Sinabi pa nya na parehas daw kami ng way ng pagchachat. At hindi pa daw yon nag kakajowa (sarap sa ears). Ichat ko na daw, sabi nya. Lumakas loob ko dahil sa kaibigan nya.
Nung una nahihiya ako, pero di rin naglaon ay chinat ko na din. Di naman ako nabigo dahil nagrereply naman sya. Agad agad ay nalaman nya na gusto ko sya. Di naman sya nagalit or umiwas agad kaya masaya ako, at aaminin ko na umasa ako. Marupok e. Masaya syang kausap, may sense ika nga. Tapos bago matulog may goodnight pa, dahilan para kiligin ako. Hahaha. May times na nagsesend sya sakin ng drawings nya na napakagaganda (sing ganda nya). At dahil malakas ang tama ko drinawing ko sya, kahit hindi kamukha pinakita ko pa din. No comment ang bata hahahahaha. Di nya lang siguro sinabi pero nagagalit dahil sa ginawa ko sa mukha nya hahaha. Sorry.
Dumating yung araw na may program sa school (Engineering Night). Nauna ako sa school dahil ako magaasikaso ng attendance. Excited na akong makita sya, alam ko kasing mas maganda sya sa gabing yon. Halos buong gabi ay nakatingin ako sa kanya. Palipat lipat sya ng upuan kaya nahirapan ako para makita sya. Maya maya kasi ay magpapapicture pa ako sa kanya hahaha, di naman ako nabigo dito. Birthday nya din kasi, minyday ko na agad hahaha kahit diko jowa. Yieehh. Masaya ako nung gabing yon. Sobrang saya.
Lumipas ang mga araw, habang magkachat kami, naulit ko na gusto ko sya. Pero sabi nya na ingat daw ang puso, baka daw kasi asa lang ako ng asa e wala naman palang aasahan.
Shakiiit. Umaasa lang pala ako sa wala.
Sabay pa sa undas.
Mula non minsan na lang sya nagchachat. Pero nagkekwento pa din sya. Pag inis na inis na sya sa iba nyang kaklase hahaha. Etc.
Pero mula nung ECQ medyo dumalas ulit ang pagchachat namin. Masaya dahil kung pano kami dati magusap e ganon pa din ngayon. Pero masakit dahil ‘kuya’ ang tawag nya sa akin. May times na natuturuan ko sya sa ibang subjects nya. Sarap sa feeling promise. Saklap lang pag yung iba e nalimutan ko na kaya diko sya maturuan.
Dahil nga ECQ, medyo naadik ako sa ML. Mataas na kasi rank nya kaya nagpapataas din ako para makaduo sya. Saklap lang dahil mahina ang signal sa lugar nila. Medyo naiinggit sya. Minsan ML lang yung topic namin. At least kachat ko sya. Yieehh
Hanggang dito na lang po muna. Salamat sa pagbabasa ng kwento kong para sa kanya.
Follower din po sya ng page na to kaya sana mabasa nya. Hahaha.
Hoy sa tingin ko mahal ka na ng KUYA mo. Penge namang chance. Hihihi
Ps: This story was written last May 2020
PHARSA YO
2020
BSCE
Unknown
MAY NAG BAGO O MAY BAGO?
Hi. Just call me Stella not my real name gusto ko lang i share yung kwento ko.
So I have a boyfriend, working na sya samantalang ako hinihintay ko pa mga requirements ko para makapag work na din ako.
Okay naman yung relasyon na meron kami kahit na nagkakaroon kami ng problemang dalawa palagi pa din kaming masaya tipong kahit madami akong nagagawang pagkakamali at kahit galit na galit sya sakin hindi nya pa din ako natitiis at nakikipag ayos parin sya.
Hanggang sa pumasok sa eksena yung isang ka trabaho nyang nagustuhan sya. Nung una okay lang naman sakin dahil kahit nalaman ko yon wala naman nag bago. Alam kong ako parin. Kung paano nya ko itrato kung paano nya ko lambingin pag nakakagawa sya ng mali kung paano nya ko itrato parang diyamante na hindi pwedeng mabasag o magasgasan man lang .
Not until my last mistake. Hindi ko alam kung mistake ba na matatawag yun. Well uunahan ko na kayo, hindi cheating sadyang nagkamali lang talaga ako. Hindi ko nasunod yung bagay na gusto nya.
Simula non pakiramdam ko hinihintay nalang nya akong sumuko. Hinihintay nalang din nya akong mapagod dahil daw "hindi ako perfect girlfriend" kase palagi ko syang hindi nasusunod sa mga patakarang binuo nya sa isipan nya. Kapag nalabag ko, aawayin nya ko without me knowing na lumabag na pala ako sa mga gusto nya. Na ayaw nya na pala sa ginagawa ko.
And now kami pa din pero pakiramdam ko He's into that Girl na nakilala lang nya sa work nya hindi lang nya masabi saakin ng rekta pero alam ko na sya na.
For that girl, hindi ko alam kung mababasa mo to pero if ever man na maging iyo sya I hope pasayahin mo sya ng sobra Be a PERFECT GIRLFRIEND na lagi nyang dine demand sakin. Mahalin mo lang sya ng sobra. Yun lang! Godbless.
Stella
2020
IT
Others
VENT
Ang hirap samahan yung malungkot kapag malungkot ka din. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan 'tong kwento ko, saan ba? Paano?
I met this guy on a venting app, which i posted languages that i know and i can speak. But then he replied to my post and told me that he's a polish kaya he encouraged me to learn their language. Dun nagsimula lahat. While he's teaching me polish, he's venting too about life.
Nagkukwento siya na he lost his grandmother kaya he's very sad. May mga araw na mawawala siya pero babalik din, hanggang sa nasanay ako'ng ganon siya kaya hinahayaan ko lang. We deserve space in our lives too. Then one time, he told me na he want to die na--- like i can't explain how terrible the situation here cause I'm not good at it. But i stopped him sa abot ng aking makakaya by motivating him and comforting him, that time I'm going through something din pero hindi ako nag oopen up sakanya kasi ayokong makadagdag pa and sa tagal naming na uusap, hindi ako nag open sakanya.
As time pass by, nasasanay na kami sa isa't-isa. Parating magkausap, laging nag rarant sa isa't-isa kung ano'ng nangyayari sa araw ng bawat isa. Masaya naman, masaya din ako na andyan siya. Nasasanay na ako.
Isang araw, hindi siya nagparamdam kaya inisip ko na baka may hanash siya sa buhay nya, ayoko namang pakealaman. Hinahayaan ko lang siya kung kelan niya gusto mag open. And then dumaan ang dalawa, tatlo hanggang naging isang linggo--- dalawang linggo at mahigit wala pa rin akong natanggap na messages galing sakanya. Pero i understand kasi baka may pinagdadaanan yung tao, baka ayaw lang magpa istorbo. Pero alam nya naman na pwedeng pwede niya akong takbuhan pag nasa lowest point siya ng buhay niya.
Hanggang sa biglang may nag pop up na notification ko from Instagram, and it's a message from Jakub. He sent photos of him with his meds, and then nasundan ng voice message. Ang sabi doon ng lolo nyo habang tumatawa tawa pa na "I drugged myself with trazodone with like-- 22 tabs hahahaha that's why i ended up on a hospital and here i am messed up and didn't die again" (btw trazodone is an antidepressant medicine)
Hindi ko alam pero naiyak ako non kasi wala akong nagawa para pigilan siya. May nangyayari na palang hindi maganda sakanya nung ga nakaraang araw. Di ako nagreply 'non kasi--- ewan speechless talaga ako. Nagulat nalang ako nag ring phone ko, tumatawag siya and asking for a video call.
When i picked up the call, i saw him laying on his bed and he looks tired. Nagkuwento siya na kauuwi nya lang, pagod na pagod siya kahit buong araw siyang nakahilata. Tatawa tawa pa siya non, natatawa na din ako kasi nanonose bleed na ang ate nyo kasi english diko na ma gets sinasabi minsan hahaha.
Hanggang sa humagulgol siya. Hindi ko alam pero parang kinukurot yung puso ko kasi first time sa buong buhay ko na may umiyak na lalaki sa harapan ko kahit through video call lang and hindi ko inaasahan yun. He told me na he really wanted to end his life, pagod na siyang iignore ng kuya nya, pagod na siyang marinig yung away ng mga magulang niya, pagod na siyang mag fail sa university nila, pagod na siyang maging mahina, lalong lalo na pagod na siyang hanapin yung taong wala na sa tabi nya---- and naalala ko yung lola nya na namatay.
Sa pagkakatanda ko tatlong oras kaming nag usap, nakikinig lang ako sakanya. Iiyak siya, tatawa siya tapos minsan tahimik pero lagi niyang sinasabi na i don't have to talk kasi presence ko palang okay na sakanya, lumuluwag na pakiramdam nya. After we talked, natulala nalang ako. Like 30 minutes asa sahig lang ako ng kwarto, nakatitig sa kawalan. Diko namamalayan umiiyak na pala ako, blangko pa yung isip ko nun hanggang sa unti-unting naalala ko yung mga problema ko. Tapos dun ko namalayan na I'm going to commit suicide that day, kasi hindi ko na din talaga kaya.
Namatay din recently yung taong kakampi ko sa buhay. Napakagulo din sa bahay, napaka bayolente ng tatay namin lalo na kapag mainit ang ulo. Basta, kung iisa-isahin baka abutin tayo hanggang bukas. Napaka babaw lang siguro para sa iba ang gantong problema, tulad ko at tulad ni Jakub. But we're not all the same na kayang i handle ang situation na meron kami.
Sa ngayon, hindi ko alam kung patuloy ko lang icocomfort si Jakub o I'll just leave kasi parang hindi healthy na kasanib puwersa ko yung may negative vibe din sa buhay. Nakakatawa man, pero di ko talaga alam.
LIWANAG
2020
FIN. MAN.
OTHERS
Subscribe to:
Posts (Atom)