Wednesday, January 20, 2021

MAHAL KITA, PERO SANA HINDI NA LANG

Grade 12 ako this year, nagka baby ako at the very young age of 16. I‘m 20 yrs old now. Way back 2016, nakilala ko yung live-in partner ko and I thought sya na yung "forever" ko and gave my self to him. Nung unang mga taon na nagsasama kami at nagbuntis ako, okay naman happy and healthy relationship kami. Sana ganun nalang lagi. Nung nasa 2 years na kami lahat nagbago. Yung dating masaya naging malungkot at masakit.

Nakilala sya noon bilang "mahilig sa babae" and tahimik. Oo mahilig kasi sya that time sa iba't ibang babae and tropa lang kami nun until we become a couple. I thought mapapatino ko sya sa pagiging mahilig sa babae nya, and nagawa ko naman until now.
So ayun, 2 yrs kami ng mag-umpisang magbago ang lahat. Naka panganak nako. Nandun yung mga time na umuuwi sya ng madaling araw na lasing na lasing at dun na nag-umpisa yung pananakit nya sakin and lagi nyang pagsama sa mga barkada nya. Hinayaan ko nalang kasi mahal ko e at may anak kami, ayokong masira yung pamilyang binuo namin.
Hanggang sa hindi na sya nagtrabaho until now almost 5 years na kami, wala asa lang sa magulang ko yung para sa anak namin. Ganun padin mas lumala yung pananakit nya and mas naging toxic yung relationship namin. Ayoko padin mag give up kasi para nga sa anak namin.
Nandun yung time na mag papasko nakipag-inuman sya sa mga barkada nya and it was 12 am na di padin sya umuuwi, and iyak ng iyak yung anak namin dahil hinahanap sya. Pinuntahan ko sya para umuwi sumama naman sya pero paguwi namin dun nyako pinagmumura at pinagbuhatan ng kamay. Sinuntok nyako sa muka at dumugo yung kanang mata ko.
Nung time nayon gustong gusto ko na makipaghiwalay, pero pag nakikita ko yung anak ko naiisip ko na ayoko kasi ayokong mawalan ng ama yung anak ko. Grade 11 ako nun and di ko alam anong gagawin ko pag pumasok ako sa school and anong palusot gagawin ko sa mga magulang ko. Kasi from the very start ang alam nila tahimik, mabait at responsable ang asawa ko dahil yun ang lagi kong sinasabi sa kanila.
At ngayong grade 12 nako, mas naging toxic na lalo. Lahat ng pananakit na pwedeng gawin ng isang lalaki nagawa na nya sakin. Nagagawa pa nya g ipagyabang yun and sabihan ako ng "nakakaawa ka, lagi ka nalang bugbog sakin diba kawawa ka naman, wala kang magawa no?" nasasaktan nyako lasing man sya o hindi.
Ang dami kong planong magaganda para sa pamilya namin pero ngayon, gusto ko nalang sya para sa anak ko pero hindi na dahil sa mahal ko sya.
Gusto ko ng kumawala, ano bang dapat kong unahin sarili ko o ikabubuti ng anak ko? 🙁 Give me advice readers. Thank you.
Mikaela
2020
ABM
SHA

TITI-K (PART 2)

Simula nung mangyari about sa assignment, madalang na ako magmeryenda sa bahay nina Lisa. Minsan nagdadahilan na lang ako ng kung anu ano para lang di kami magkita ni pogi dahil nahihiya pa din ako. But, after a month, nakamove-on na din ako, sa wakas.

Tapos na klase namin ni Lisa at pababa na ako sa may hagdan para umuwi na pero sa kalagitnaan kinulang ako ng steps kaya dumiretso ako agad sa baba, akala ko may sasalo wala pala buti na lang at mababa lang ang hagdanan. Pero bago ako makatayo may kamay na naglahad para tulungan ako, si pogi my crush. Lalo tuloy akong nahiya sa kanya kaka-move on ko lang sa assignment, eto na naman. Yumuko na lang ako nung sinabi niyang careless daw ako.
It was september noong nag fb request siya sakin, at dahil crush ko, agad agad ang confirmation. Minsan lang ito, grab the opprtunity. Since then madalas na kami magchat as a part of getting to know each other. At kapag schedule ko kay Lisa, laging may pabaon na chocolates though di ko hilig ang sweets, tinatanggap ko dahil galing sa kanya, iniipon ko ito. Sa isip ko baka simula na ito ng magandang buhay ☺️
Last month, that was November 09, schedule ko ulit kay Lisa. After ng klase, si Aunty Mel (mama ni pogi) ang nag-asikaso para sa snacks. Nalungkot ako kasi wala siya. Di man lang niya ako ininform eh kachat ko siya halos buong magdamag. Tatayo na sana ako para magpaalam ng biglang nagbrown-out. Natakot ako dahil wala si aunty at aka may something na lumabas out of nowhere. At di nga ako nagkamali dahil sa may pinto biglang may lumabas na parang mummy, sa takot ko sinipa ko. Umaray siya, nagulat ako. Nilapitan ko siya at tinanggal ko ang takip sa mukha, sumigaw ako at sumigaw din siya. Si pogi crush pala. Prank gone wrong. Imbes na takutin ako eh nasaktan tuloy siya. Tawanan na kami. Magpapaalam na sana ulit ako para umuwi na pero...
Biglang nagsalita si pogi..
"Teacher, you are so careless. Careless in writing assignments. Sa dinami dami ng makakalimutan mong letter, "K" pa talaga. Pero don't worry, favorite letter ko yun, kasi K-aw lang. Careless in your steps, sa hagdan pa talaga eh kung nabagok ka, paano na ako? At paano kita sasaluhin kung di ka naman nagpasalo? Inunahan mo ako. And careless in noticing me. Please notice me naman kahit sa pamamagitan ng chocolates lang. Pero kahit careless ka, I'm here to take care of your carelessness. Can I be your caring boyfriend?" Ayan yung exact na sinabi niya.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, speechless ulit ako. Kung alam niya lang na crush na crush ko siya and this is my "dream come true". Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Alam na this! He hugged me and I hugged him back. At ang saya saya ko 😍
Anyway, electrical engineer siya kaya huwag kayong ano. Kuryentehin niya daw kayo, charot 🤣
(hi T ❤️). He is reading this.
Sa ngayon, we're doing great. Mababait din mga magulang niya at mga kapatid niya. Nasa kanila ako last Christmas and this New Year eh baka sa kanila ulit ako dahil di naman ako nakauwi sa amin.
Thank you & till next time. Madami pa ako ishe-share about sa aking pagtuturo 😊
PS. Pogi din yung isang brother niya, just in case may naghahanap diyan, he is a nurse. 😊
Eros
CSU
2011
Unknown

TITI-K

Preschool teacher ako and since pandemic, house to house ang learning system sa school namin but with the approval of IATF.

Isa si Lisa sa mga estudyante ko. May tito siyang pogi. Siyempre pa cute ako everytime schedule ko sa kanya, engineer si pogi at super bait. Minsan pinapameryenda ako after ng klase o kaya pinapabaunan ako ng fruits. Kaya crush ko talaga siya.
Since house to house ang klase, madalas ako magbigay ng assignments lalo na kapag weekends. So, there's this one time, nagbigay ako ng assignment sa filipino about writing letter Kk. Monday, schedule ko ulit kay Lisa. Kinuha ko ang assignment notebook to check kung nagawa ba. Namula ako sa aking nakita dahil may kulang na titik sa instruction na naisulat ko. "Isulat ng wasto ang malaki at maliit na titi Kk" . Kulang ng 'k' sa titik, napahiya ako saking sarili pero agad akong nabuhayan dahil naalala ko di pala si pogi ang tumutulong sa kanya sa mga assignments, yung lola niya. But then, halos himatayin ako nung sabihin ni Lisa, "Uncle pogi helped me in my assignments, did i do it right teacher?" Speechless ako.
After ng klase balak kong umalis agad dahil di ko kayang makita si pogi. Plano kong dumaan sa hagdan sa may likod para di nila ako makita, pero bago pa ako lumabas ng pinto pumasok na si pogi at ang sarap ng ngiti. Hiyang-hiya talaga ako. Halos 1 month din bago kami nag eye to eye contact. Lesson learned 😊
Sa ngayon, kami na ni pogi at madalas namin yun pagtawanan kapag naaalala namin 😂
(kuwento ko kung paano kami naging kung maipost ito😜)
Eros
2011
CSU
Cagayanvalley

ITLOG NI KUYA

Siguro naranasan na din to ng karamihan. Pero suki ako ng tindahan ng itlog sa isang palengke dito sa Novaliches. Linggo linggo bumibili ako ng isang tray ng itlog dun sa lalaking lagi kong binibilhan para ikonsumo namin. Tapos may isang beses naman na bumili ako ng isda at nadaanan ko yung tindahan ng lalaki na walang naka display na itlog kaya sabi ko baka naubusan lang sila ng stocks.

Pero nung bibili na ako ng itlog, wala parin naka display. E bibili na sana ako kaya nagtanong nalang ako sa lalaki.
“Kuya,may itlog pa?”
Pero busy sa paghuhugas ng pinggan yung lalaki kaya nilakasan ko boses ko.
“KUYA,MAY ITLOG KAYO?”. Sa lakas ng boses ko narinig ng mga dumadaan yung tanong ko pati yung katabi nilang pwesto.
Sabi pa nga ng iba, “Oy! May bibili ng itlog mo”. Yung iba naman ang sabi e,“Oy! May gustong kumain ng itlog mo”. Hayp na yan napahamak pa yung dignidad ko HAHAHA 🤣 Medyo awkward yun kasi lalaki din ako, kung pwede lang magpalamon sa lupa, nagpalamon na ako nun sa hiya 😂
SoulKing
2020
BS-Education
PCP

BOXER

It happened last 2 years ago. Di ko makalimutan katangahan ko.

2 years ago, nag wowork ako as sales lady ng mga damit pambata at meron din pang matanda. Basta halo halo. Nung kinagabihan hindi ako masyadong nakatulog kaya antok na antok ako pag punta ko sa tindahan the next day. Nung bandang hapon na at hindi ko na talaga kaya, naging lutang na ako pag kumakausap ng customer.
Nung hapon, may lalaking pumunta sa tindahan. May istura sya, pogi tas kasama nya girlfriend nya. Then tumayo ako para i-assist sila. Pikit pikit pa nga ako nun e. Tas nagtanong si kuya kung may boxer ba kami, sabi ko naman "opo meron". Tas pinakita ko yung tinda naming boxer sabay sabi nya "kasya ba ito sa akin?". As a a sales lady, I-checheck talaga kung kakasya ba sa kanila yung item. So I automatically looked at his subtitle. Tapos saka lang ako natauhan nung tumawa sya pati yung girlfriend nya.
Sabi ng girlfriend nya, "sabay tingin ah!" GG nakakahiya ampots! Parang gusto ko ng mawala HAHAHHAHAHAHAH! Di naman nagalit si girl. Nagsorry din ako at sinabi ko ding lutang lang ako HAHAHAHAHAHAH! Ending bumili parin sila ng boxer HAHAHAHAHHAHA
Kyameri
2020
Cookery Student
Unknown