Wednesday, January 20, 2021

MAY MGA BABAE PA DING NAKAKA-APPRECIATE NG SMALL EFFORTS

A while ago, I had a hard time dealing with my pre-menstrual syndrome or PMS. Sobrang bilis ng transition ng mood ko. In a minute okay ako, then here comes another minute na wala ako sa mood, then another transition of mood na naman which is maiiyak nalang ako bigla out of no reason. Aside sa food cravings, sa mood ko ako nahihirapang mag handle. But inspite of it, I am still lucky and blessed to have my man beside me. He knew exactly na wala ako sa mood at wala akong gana though hindi ko inaaway yung boyfriend ko pag meron ako or dinadamay sya pag wala ako sa mood. But ayun nga, while my boyfriend was having fun with his barkada kasi nag jam din sila a while ago, sobrang na appreciate ko yung ginawa niya para sakin. At first tinanong nya ako kung malungkot raw ba ako, kung nag woworry raw ba ako and if gusto ko ba raw na puntahan nya ako dito sa bahay. I said no. Kasi di naman ako malungkot, di rin ako nag woworry and isa pa, patulog na din yung mom ko kaya nag no nalang ako when he asked me that question.

Second, since alam niyang wala talaga akong gana, biglang nag send nalang siya ng selfie nya which is nasa bahay sya ng barkada nila. Yung first selfie was a photo of him smiling. Tapos nag send sya ulit ng another selfie and this time, wacky picture na nya. Ewan pero the moment he sent me that pic, matic napatawa na niya ako at napangiti na nya ako in an instant. Kasi hindi sya mahilig mag wacky at madalang lang syang mag selfie. But those things that he did for me even if it‘s just a small thing means a lot to me already. Like ang sarap sa pakiramdam na kahit wala kang dini-demand from your man e kusa nya nalang ginagawa o binibigay. Sa ganung paraan palang, talagang masasabi ko na ang swerte ko sakanya. Though swerte din sya sakin. Parehas kaming swerte sa isa‘t-isa.
So ayun lang, gusto ko lang i-share to sainyo para somehow, ma realize niyo na meron pa ding mga babae na kayang mag appreciate ng mga bagay kahit maliit pa yan. Especially sa mga lalake dyan na nag-iisip na wala ng babaeng ganyan, meron pa din mga dude. You‘ll just to have wait for the right woman for you. At sa mga babae naman dyan na nag-iisip na wala ng lalakeng mag e-effort sainyo, meron pa din. Trust me, pag dumating na yan sainyo, it will be worth it.
Pray lang kayo at wag mawalan ng hope. 😊
C
2020
BSBA
Unknown

POLO

December 18, 2020. Another normal day for the both of us. As usual friday, our favorite day kase kinabukasan day off natin parehas, rest day as well as babe time. Pero this week medyo iba kase you requested for a leave last wednesday kaya medyo nakapagpahinga ka.

We are both working in Metro Manila but your apartment is somewhere in Cavite. Kaya every friday i always go home in Cavite instead in Paranaque where i lived. As i said this day is another normal day but it is quite different. You're like not interested to see me than the usual friday night na sinusundo moko para sabay tayo umuwi or tinawagan moko kung san na ko. You just texted me "ingat ka papunta" as a reply sa sinabi kong "medyo late ako , OT one hour" .
I thought it was just my mood swings or you know, hormones kaya nag iinarte ako ng ganun. May nararamdaman akong kakaiba but i managed to discard my negative thoughts. Things went well and i reach your apartment around 8pm. Nakakagulat lang kase hindi moko sinalubong ng yakap tulad ng parati mong ginagawa pagkapasok ko sa apartment mo.
Hindi ko nalang pinansin, kase nakikita ko namang busy ka sa pagluluto ng dinner natin. Nginitian mo naman ako as a sign na napansin mo presence ko.
Tulad ng nakagawian , inayos ko mga gamit mo bago ako magpahinga. Napansin kong medyo makalat ang apartment. Pati yung polo mo na ginamit mo nung wednesday nung sinabi mong nakipagkita ka sa kaibigan mo, nakakalat pa sa higaan. Stress ka yata sobra sa trabaho.
Pagkatapos kong maglinis, umupo na ko sa kama. Nag sscroll sa social media habang iniintay na matapos kang magluto. Habang nanunuod ako ng videos sa tiktok biglang tumunog yung phone mo, and out of curiosity binuksan ko messenger mo para sana tignan kung sinong nag message dun. ( normal sating magbukas ng phone ng isa't isa , we even have passwords sa mga social media accounts natin, sadyang hindi lang natin binubuksan kase may tiwala tayo sa isa't isa -- it is just for emergency purposes).
But that night made me questioned myself , tama ba na pinagkatiwalaan kita? The moment i saw your ex message you saying " thanks for the time last wednesday, nag enjoy ako sobra" with stolen pic of yours , nanghina ako. Kusang bumuo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin. I open the picture and i observe how genuine your smile while you are eating, wearing your favorite polo na niregalo ko sayo. You even sent me a selfie last wednesday saying "ang ganda talaga ng polo na binigay mo sakin babe , nakakadagdag pogi points". Natuwa pa ako kase realtalk, bagay sayo pero hindi pala para sakin ang pag aayos mo.
Wala sa isip nareplyan ko yung message ng "hahaha". Ewan ko kung san ako natatawa, sa message mo o sa sarili ko kase i never expect this to happen. Alam mong selosa ako , kaya pinapakita mo sakin na wala akong dapat ikakaselos. Lalong lalo na sa ex. Binlock mo pa nga sya sa facebook para hindi na makapagmessage sayo.
Nagtyping na ex mo, pero bago pa sya magreply nilagay ko sya sa ignored message. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, basta ang nasa isip ko ayoko munang malaman mo ngayon na nag message sya. Ayoko ring idelete kase nasa usapan din natin yun na pwedeng magbasa ng messages sa isa't isa pero hindi pwedeng mangealam/magdedelete.
Naluha ako. Pero ayokong masira tayo dahil lang sa pangyayaring yun. Mag te-three year anniversarry na tayo sa pasko, sa susunod na lingo na yun tapos mag aaway pa tayo? Kahit naiiyak ako, nilakasan ko loob ko. Lumapit ako sayo at niyakap ka ng nakatalikod. Ayokong humarap sayo kase alam kong mapapansin mong namumula mata ko. Niyakap kita at hindi nga ako nagkamali, napansin mong may kakaiba sakin.
You asked me "what's wrong?".
"Can i go home today, parang gusto ko munang mapag isa" mahinang sagot ko.
Halatang gulat ka kaya nilingon moko agad at hinawakan mukha ko sabay tanong "Why? Okay ka lang ba? Anyari, tell me. I am willing to listen, nasigawan ka na naman ba ng boss mo? "
Tumulo luha ko. Tumalikod ako sabay sabing " Please just for today gusto ko munang mapag isa, babalik ako bukas ng gabi"
KC
2015
Psychology
FEU

THREESÖME

Disclaimer: Hindi ho ito SPG hahahaha.
Anyway, this story was 2 years ago. And nagagag*han ako sa sarili ko tuwing maaalala ko to haha. Ito na, I'm using a dating app kasi and to be exact, it is 'planetromeo' (sa mga hindi nakakaalam, it is a gay dating app, and yes, gay ho ako).
May mga nakachat ako doon, siguro mga nasa tatlo, mga bisexuals. And one day, nag-aya ako ng meet up since bored ako. And hindi lang isa ang inaya ko sa meet up, dalawa sila. Chinat ko yung isa na alas sais ng gabi ko siya ime-meet sa particular place sa intra, and alas syete naman yung sinabi kong oras sa isa.
Dumating ako ng alas sais eksakto, chinat ko yung sinabihan ko ng alas sais at pumunta naman siya. And guess what? Kasama niya yung isa. Tänginä hahahahahahahahahaha. Magbestfriend pala sila hayöp. Syempre hiyang hiya ako.
Anyway, nag-usap pa rin kami ng nga kung ano-ano and pinagtawanan namin yung kagagühan ko. Nagkwentuhan kung paano nangyari yon, kumakain daw sila ng sabay sa isang restaurant and nasabi raw nung alas-sais na may imemeet siya sa Intra. E may ime-meet rin si alas-syete, kaya ayon nagka-alaman hahahahahaha. After nun, kanya-kanyang uwi. Blinock nila ako parehas hahahahahaha. Kasalanan ko naman, tanggap ko. Ayon, kinarma na ata ako, wala pa rin jowa hanggang ngayon wahahahaha.
K
2020
BSBA
PLM

PIGILAN

Hi. Itago nyo na lang ako sa pangalang Nes. Nais ko ibahagi sa inyo ang aking kwento. Year 2018 noong unang naranasan ko ang mag mahal. Lahat binigay ko at wala ng tinira sa sarili ko. Dahil sa sobrang pagmamahal ko, naging selosa ako at hindi ko alam na nasasakal ko na pala yung taong minahal ko kaya humantong sa hiniwalayan nya ako. Gumawa ako ng paraan para mag ayos kami, nagpatulong na ako sa mga kaibigan nya para magkabalikan lang kami pero no effect pa din. Ayaw na talaga nya. First month of 2020 natapos ang relasyon namin. Dahil dun na-depressed ako to the point na binalak ko nalang patayin sarili ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nakalimutan ko ang sarili ko.

Months passed at may nakilala akong lalake at pumayag naman akong magpaligaw. Itago nalang natin sya sa pangalang Jerome. Mabait naman sya at sweet pero kahit ganun ay di parin nya makuha ang loob ko dahil iniisip ko na sa umpisa lang naman ganito ang mga lalake kaya hangga't ma-aari, pinipigilan kong ma-inlove sa kanya dahil alam kong ako ang talo. Ilang months ang dumaan ganun pa din ginagawa ko, pinipigilan kong mahulog sa kanya pero di nag taggal ay sinubukan ko syang mahalin pero di katulad ng pagmamahal ko sa ex ko.
Natuto akong magtira ng pagmamahal sa sarili ko. Ilang months din ang tumagal na ganun pa din sya, sweet at malambing, pero yung feelings ko sa kanya is hindi na nadagdagan dahil sa takot ko nga na baka makalimot na naman ako sa sarili ko. Wala akong paki-alam kung sino ka-chat nyang babae, kung sino ang kausap nyang babae kahit maski ex nya pa dahil di naman ako nakakaramdam ng selos. Until dumating na yung time na kinatatakutan ko at yun yung nakakaramdam na ako ng selos.
Hangga't ma-aari ay ayaw kong makaramdam ng selos dahil everytime na mag seselos ako, umiiyak ako.
Kaya ang ginawa ko ay pilit ko nalang nilalayo ang sarili ko sa kanya, lagi na kong nagagalit sa kanya at nagiging cold dahil ayon lang ang naisip kong paraan para hindi na lumala ang pagmamahal ko sa kanya dahil ayaw ko ng maulit ang nakaraan ko.
Tama po kaya ang ginawa ko? Any advice naman po.
Salamat 😔
Nes
2017
BTTC
Unknown

FORGIVE AND FORGET

Hi, I just wanted to share my story here. Matagal na kasi din akong nagbabasa ng mga story dito pero ngayon lang ako naglakas ng loob para ishare toh. Nobody knows this hidden story of mine except from my friends nung Grade 11 ako.

Nangyari ito nung pauwi kami ng mga kamag-anak ko galing sa kasal ng pinsan ko. Sa ibang lugar kasi ginanap yung kasal kaya halos 12 hrs kaming na loob ng sasakyan. Bale taltong layer kasi ng upuan yung sasakyan at naka-upo ako nun sa pinakalikuran ng sasakyan sa may tabi ng bintana. Bale apat kaming nakaupo sa likuran at katabi ko yung pinsan kong lalaki.
Natutulog ako nun mga bandang hapon ng bigla akong magising dahil nauuntog ako sa bintana dahil nga dumaan kami sa malubak na daan pero di ko pa rin binubuksan yung mata ko kasi sobra ako nagulat at natakot kasi nakakaramdam ako na may nakahawak sa hita ko at dibdib ko.
Nakakatrauma kasi naalala ko yung time na nahipuan din ako sa tricycle, gusto kong umiiyak at sumigaw that time pero hindi ko magawa. Di ko alam kung ilang minuto din akong di makagalaw, pero di ko alam kung saan ako humugot ng lakas para imulat yung mata ko at igalaw yung katawan ko. After that tinignan ko yung pinsan kong lalaki, nakita ko sya na nagtutulugtulugan like there's nothing happened without any regrets.
Pinaglagpas ko yun kasi he was younger than me, 13 yrs old pa lang sya nun and I was 16 that time pero mas matangkad sya saken. Pinalagpas ko yun pero di ako natulog and night came but we are still in the car. And he keep asking and checking me kung tulog na ko, kaya sabi ko nun, di ako matutulog pero dinaya yata ako ng katawan ko kasi nakatulog ulit, dala na rin siguro ng pagod. Naulit ulit yun, di ko na din alam kung paano nawala yung kamay nya nakapatong sa dibdib ko at sa hita ko. Sobra ako natakot na halos laman ng utak ko nung mga oras na yun, pano nya nagawa sakin yun, ate nya ko, leader nya ko sa church. Hindi ba ko desenteng tignan,hindi ba ko karesperespeto? maayos naman yung damit ko di naman nakakabastos, di naman kalakihan yung dibdib ko, pero bakit? Bakit nya nagawa yun? And I was also asking kung ilang oras nya kong ginaganun at kung wala bang nakapansin nun?
Fears and regret was eating me, regret kasi dapat di na lang ako sumama, regret kasi di ko man lang sya nasaway sa takot na baka mawala sya sa church, sa takot na kapag gumawa ako ng eksena sa loob ng sasakyan walang maniwala saken. And sa sobrang trauma ko, galit, regret naging cause yun para maglie-low ako sa church. Nagkaroon din ako ng trust issue sa mga lalaki, halos lahat ng kachat kong lalaki at kakilala ko di ko na kinakausap at lumalayo ako sa kanila. At mabilis din akong magalit kapag may nakikita o naririnig ako na sinisi nila yung pananamit ng babae kaya sila nababastos, umiikot talagah yung mata ko ng 360°. Tapos bigla pang nagquarantine, mas lalo nakakadepress kasi halos gabi-gabi akong umiiyak pati sa panaginip ko andun yun. Nakakasuffocate kasi wala akong mapagsabihan that time.
Ps. I am okay now, I am okay but it doesn't mean na I am completely heal from the wound it cause me. Because deep wounds will never heal that fast, it will take time to heal in God's perfect time and it is never been easy to build your ownself again but for now, I am in the process of learning how to forgive and forget, forget na hindi literal na makakalimutan mo talaga yung nangyari but the pain itself. And forgive without waiting for him to ask for forgiveness.
Arc
2020
12-HUMSS
Unknown