Thursday, December 3, 2020

ALMOST

2010 when we had our first encounter as classmates. Btw his name is Niel.

Grade 4 tayo transferee ako sa school nyo. Shempre bata pa maraming crush and isa ka sa mga naging crush ko non. Natatandaan ko pa valentines day 2013 sikreto mo pang nilagyan ng yellow card yong bag ko kaso tinapon ko hahahahah ang arte ng ate mo dzai. Naalala ko din nung tinahian mo ng initials ng name ko yong pin cushion bag ko sa EPP time natin. After graduation same school tayo ng pinasukan ng high school pero never tayo naging mag ka section kase lagi akong sa star section ehe hahahahaa. That time crush pa din kita todo papansin pa ko non sayo gumagala kami ng nakabike papunta senyo makita ka lang haha kase nga bata bata pa tayo non. Sa 5 yrs na crush kita (2010-2015) hindi mo man lang ako napansin and masakit niligawan mo pa yong bestfriend ko.
Noong Feb 2015, naging kayo pa so olats na ko sayo. Dec 2015, christmas party nagkaron ng chance na makasama kita kase lahat ng section nagsama sama sa iisang bahay para mag party shempre. Inuman , kainan , videoke. Nakasama kitang uminom inalagaan mo pa ko kasi sobrang laseng ko tapos nag duet pa tayo sa videoke. tumakas pa tayo ng inuman kase gumala tayong dalawa para mahismasan ako. The next day nagtanong ka saken kung pwede ka manligaw but i rejected u kase kakabreak lang namin ng boyfriend ko.
Shs same school pa din pero bihira na kita mapansin tho maliit lang school natin kaya lang hindi na din naman tayo close haha so I don't see any point para mag usap.
Oct 2019, college na tayo umuwi ako sa province kase sembreak. Fiesta nakasama ulit kita sa inuman sabi mo pa non sa barkada ko na inihatid mo dun sa venue nahihiya ka saken haha. so inuman tagay don tagay dito. E maharot ng taon si ate mo so naharot kita like ang clingy ko sayo non e nong time na yon lang naman ulit tayo nagkita at nagkasama shet haha. Late na tayo nakauwi non dahil saken wala pa tayong masakyan kase gabi na pero sinamahan mo pa den ako hanggang sa makauwi ako. But the best thing is nirespeto mo ko hindi mo tinake advantage na laseng ako bihira sa lalake yon ops. In-expect ko na hanggang don na lang yon kasi sakin wala lang yon kaso nabigla ako kase minemessage mo na ko araw araw inaaya gumala update keme pa. So I had to stop you kasi wrong timing ka na naman mahal ko pa yong ex girlfriend ko aw.
Nakita ko yong sakit na naramdaman mo nung binusted kita shet naalala ko pa kung pano ka umiyak non nung pinipigilan kitang wag umalis kase may ganap tayo non. Hindi ka pa din naman tumigil pag memessage sakin kahit pinatigil na kita pero di na lang ako nagreply para walang false hopes. So yon dalawang beses na kitang binusted. Nov 201, nasa manila na ulit tayo pareho. Nagreply ka non sa story ko kaya nagtuloy tuloy ulit usap natin. Dec 2019, I was willing to give you a chance na kase kita ko naman kung gano ka consistent at ka seryoso saken kaso u failed me. You lied. May chinachat ka pa palang iba bukod sakin. Sobrang hirap ako magtiwala sa lalake pero sayo ko sa una ibibigay yon kaso natakot ako dahil sa ginawa mo. Hindi sya ganon kalaking issue pero sa isang babae na puro trust issues big deal yon. Pinigilan mo ko non hinabol kaso umayaw na talaga ako.
Feb 2020 nag usap ulit tayo. Nawawala, bumabalik, nawawala, bumabalik ganyan lagi tayo. Nasanay din ako sa ganyang set up natin. Nagkasama pa tayo sa Padi's Point gumala kumain uminom as usual taga alaga kita.
April 2020, umuwi ulit tayo ng province kasi hindi safe sa manila due to covid. April 29 to be exact nung chinat mo ko nangamusta ganyan so single naman ako edi g lang. Nagtuloy tuloy ulit ang pag-uusap natin hanggang sa magpaalam kang manligaw nung June and first time pumayag na ako. aminado ako na hindi pa ganon kabuo yong nararamdaman ko sayo pero I have faith na mangyayare yon. masaya ako sayo. Nilegal mo pa ko sa family mo w/c I never experienced sa 2 exes ko. Sobrang marespeto mo. Sweet ka in your own way. okay naman na lahat e, Ithought.
July 4 , 2020 I fucked up. I cheated on you. Hindi kita inisip. I was under the influence of alak kaya nagawa ko yon. Three days akong di nagparamdam sayo hindi ko nirereplyan lahat ng messages mo, lahat ng tawag mo di ko sinasagot. Pero minessage kita na sabi kong wag kang mag alala pagod lang ako. until the next day pinatigil kita panliligaw natakot akong umamin sayo. Natakot ako sa lahat. Ang selfish ng mga sinabi kong reasons sayo. Hindi na tayo nag usap right after that. Dahil sa kagagahan ko nag entertain ako ng iba. Sumobra yong kalayaan ko sa pagiging single. Kung pwede ko lang itapon ang July gagawin ko sobrang tanga ko ng month na yan.
August 2020 nag usap tayo sa personal sinabi mo lahat ng hinanakit mo saken lahat ng sakit na nabigay ko. I was filled with guilt kasi alam ko kung san ka nanggagaling. Sobra mo kong minahal e hindi kita pwedeng sisihin. sinubukan kong ayusin. hinabol kita. Ginawa ko din lahat lahat para bumalik ka kaso pagod ka na.
I lost the man na mahal na mahal ako. Nasa huli talaga yong pagsisisi. Sabi mo pa nung naghahabol ako meron ka ng iba at ayaw mo ng pakawalan yon kase kaya kang pahalagahan non. Sobrang sakit ang dami kong sinayang sayo. Buong Oct 2020 hindi ko tinigil ang mundo. I had to be strong kasi kelangan ko. Nag iba yong focus ko. Acads and barkada. Hindi na din kita kinulit kasi alam ko na masaya ka na sa kanya. Kahit ramdam kong may space pa rin ako sa puso mo hindi ko na nilaban kasi alam kong ayaw mo ng masaktan ulit at ayoko ding gawin sayo yon. Tinuloy ko sistema ko and I survived. Single na masaya ko.
Nov 2020, nabigla ako kasi nag aya ka ng inom. Goods naman tayo pero 2 months na din kitang hindi nakasama sa nomo last time pa pinaiyak mo pa ko haha. Okay naman na ako sayo kaya sige pumayag ako. Awkward pa kasi magmamano na naman sa nanay mo e nahihiya ako kasi legal tayo tas ganon nangyare huhu. Okay naman tayo casual ang usapan haha. Noong umalis ka saglit I talked to our common friend na kasama natin I asked him kung tingin nya mahal mo pa ako and he said yes sinabi mo daw e. Tbh nabigla ako. Hanggang sa matatapos na ang inuman na open up yong atin. Hindi ko tanda yong naging sagutan natin. Paggising ko nag message ka nung nakauwi na ako. Nakalagay don na mahal mo pa ko kaso kelangan nating maghintay. Ang saya kasi ang tagal kong gustong marinig sayo yan. Kasi walang nagbago hindi nawala yong nararamdaman ko sayo and everyday hinihiling ko na bumalik ka. Marami kang takot kasi ayaw mong maulit yong nangyare. Naiintindihan ko lahat. Naiintindihan kita hindi madaling buoin yong tiwala lalo na kung paulit ulit ko ng nasira.
To end this gusto ko lang malaman mo na maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang maging buo yang tiwala mo. Gusto kong alisin yong takot mo. Hihintayin kita hanggang sa maging handa ka. ikaw lang ang palagi kong hihilingin. Araw - araw kitang pipiliin. MAHAL NA MAHAL KITA 🥺❤️
- CAMIL
2020
CAL
PUP

WHEN LOVE RUNS OUT, WILL YOU STILL CHOOSE TO STAY?

Normally, I don't do usually share stuff like this but I hope my story will help others.

I was a damaged man before everything started. Nagsuffer ako from depression when I was a kid, lost many loved ones and natrauma. To others, they see me as the "perfect man" or what pero hindi ako ganoon. On the outside, I held on what others see me as but on the inside, I am shattered, broken. I hated everything in my life but not her. Itago nalang natin siya sa pangalang, "Umaru."
Nakilala ko siya unexpectedly at sa hindi inaasahang panahon but, it was the happiest part of my life. She's kind, helpful, caring and quite weird sometimes but I love her for that. I love her for everything that she is, hindi yung kung ano yung wala sa kanya. She was the best and everything you could ask for. Sobrang saya namin dalawa sa isa't isa. Despite of it, I thought I was the whole book, but in the end, I was just a chapter.
Wala akong alam sa relationships, sa panliligaw or what a man does to court someone. Nagkaroon naman ako ng ka MU before pero nagkaroon siya ng calling para magmadre. It took me years to move on, but still I learned from it.
Moving on, naging kami ni Umaru after months. She was my first girlfriend. I never considered her as just my first but as my last too. She is everything to me, the first woman I kissed, dated, held hands and decided to love. Of all the things that's wrong in my life, It was never a mistake choosing to love her. Yes, I also had a bad past but she accepted me for who I am at wala na akong hihilingin pa, naandoon na siya.
Days, weeks, months had passed everything was happy noong naging kami until I made a mistake which shattered both of us. Dahil doon sa nangyare pinaghiwalay kami ng parents niya dahil kailangan at naiintindihan ko namn ang reason, kasalan ko. Walang third party na naganap, sadyang pinagkaitan lang ng tadhana. Kailangan kong lumayo sa kanya and that's it. And plano namin sa isat -isa't ay kahit magkahiwalay na kami, I will wait for her no matter how long it takes. Ganon namn talaga eh, when you truly love someone, you just don't give up.
For me, love is never just a state of feeling but a decision you make. Iba ang nahulog lang sa pagmamahal sa piniling mahalin ka. It is not about the one who will never leave you but the one who chooses to stay no matter how hard it would be. To make it short, pinili kong mahalin siya.
Honestly, I didn't handled the break-up well. Naging toxic ako at nasakal siya sakin. I guess sa constant na pangungulit ko for a second chance, dahil narin sa sakit ko nung time nayun nawala na yung pagmamahal niya. I said and done things that I regret and most of the time, it hurts. Sabi nila, "Time heals all wounds." But to me, time mearly eases the pain.
"I don't love you anymore," she said. I guess knowing her at sa mga words na sinabi niya sa akin noong kami pa hindi ko inexpect ito. Hindi ko nalaman na ganon lang pala ako kadaling sukuan. But I can never blame her for it, naging kasalanan ko rin namn kaya siya bumitaw ng tuluyan.
Ako yung lalake na hindi naniniwala sa second chances. But if I can risk everything I have just to have her again, for that chance, gagawin ko. I am not that smart in handling relationships but I know what love is. Marunong akong maghintay but I was too late, may iba na siya.
It's already been months since she left me and yes, I still love her, palagi namn. Ngayon, nakikita ko nalang siya sa isang program sa former school ko dahil isa siya sa host doon na weekly nagpopost. Wala na akong contact sa kanya. She's still the same person I loved and I'm glad that she is happy, kahit hindi na ako ang reason ng mga ngiti niya.
I am leaving soon. Kada aalis ako palagi niya akong hinahatid noon pero this time, I guess I am leaving alone. Kahit saan namn ako mapadpad alam niyang sa kanya lang ako babalik, kahit late dumarating. Pero okay lang na wala nang hahatid ngayon, pero sana may susundo p.
My heart is a liar, it remains quiet even if it is hurting. I know that my love for her will always be the same. I know I can't love someone else other than her. Honestly, you can't really unlove someone, you'll just met someone you'll love more. I am still learning but I want to fix myself para kung may darating man, she'll choose to stay too.
I found the right person at the wrong time but I won't hide it that she is the love of my life. For all the men and women out there, when you met the right person, I hope you meet them at the right time. Don't fall in love but rather choose to love. More importantly, it is never about the time, money or gifts, it is always about the person.
To my Umaru, I am happy that you are doing fine and I miss you so much. Kahit isang beses ko nalang na sabihin ito, I still want you to know, " I love you, always."
Sa bago niya, please take care of her for me and love her more than I did.
Patatas
2020
BSU

HINDI AKO SAPAT

We met through online back then at 2018 when i was Grade 12. It was my 17th birthday. Kakauwi lang namin from Tagaytay Trip. Since naligo sa ulan, hinintay ko pa matuyo ang buhok ko bago matulog. We got connected. Wala talaga akong balak seryosohin, kasi nga nagpapaantok lang naman ako. We stayed hanggang madaling araw. Sabi ko ikaw na mag end so natulog na ako. Kinabukasan, still connected. Ayun, tuloy tuloy na. We exchange numbers, ikaw nagloload sakin everyweek. Yung pera na ginagamit mo, mga pusta na napapanalo mo sa basketball. Wala e, malakas kang player sabi mo.

After 3 months, nag reveal na tayo. We celebrated 2019 together, yet thru online. January, we started talking in our real accounts. Days, months passed. Oo, nahulog ako kahit di pa tayo nagkikita ng personal. I like the way how you make me smile. At sabi mo ikaw din. Lagi nating pinaplano magkita but never natutuloy. We always planned where and how will our date be. You promised na bibigyan mo ako ng isang jersey mo, white sand from the beach and many more. Basta lahat ng mga plano natin gustong gusto ko na matupad. I was so excited! And because of that, my love for you went deeper and deeper.
September 22, 2019, we planned to finally see each other. Sobrang excited ako. Umaga pa lang, nakaready na ang damit at gamit ko. Chinat kita noon but hindi ka online. I assumed baka tulog ka pa. Tanghali na. Hindi ka pa rin nag-oonline. May iba na akong kutob yet naghanda pa rin ako para umalis. Hapon na, still di ka pa rin nag-oonline. Nasa bayan na rin ako incase na kung magchat siya, ready na ako. He's from Manila and i'm from Laguna. Oo excited ako. Hinintay ko siya. Hanggang hapon. Naniniwala akong baka natraffic lang siya. I waited more. Naghintay ako hanggang gabi. Kasama ko na rin ang kaibigan ko. Sinamahan niya ako. 8 pm. Umuwi na ako. Hindi siya nagpakita sa akin. Hindi ako umiyak sa harap ng kaibigan ko. Pagkauwi ko nagpahinga na ako agad. And my tears stared pouring down. Humingi ka ng sorry, at tinanggap ko yon. Kinalimutan ko na lang ang nangyari.
December 13, 2019, I caught you cheating with other girls when i opened your second account. I knew that month after my 18th, nagloloko ka na pala. 2 months mo na pala akong niloloko. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Masakit sa pakiramdam. Sobra. Hindi ko naisip na magagawa mo sa'kin 'yon. I broke up with you that time. After 5 days ng panunuyo mo sa'kin, tsaka lang kita kinausap ulit. Marupok ako. I still chose to forgave you. So tuloy ang buhay, videocall, phonecall and chats. Oh, we were in a secret relationship by the way. Only my friends knew.
Tuloy ang buhay. Bihira tayo magtalo. Naging masaya ulit tayo. But still, yung tiwala ko, medyo may lamat na. We were once happy and sweet. Sana all nga mga friends ko eh. Walang videocall at phonecall na hindi ako iiyak. I badly wanna hug you tight. I planned na kung hindi ka makakapunta, ako ang pupunta sa'yo. But as we stayed for more time, i felt something strange. As the time goes by, we're not used to be happy and sweet anymore. Problems encountered. Ako man, may kasalanan din. I admit. Parehas tayong nagkakamali. Lagi na tayong nagkakaaway. You always say 'babawi ako'. I waited but it never happened. There are times, i went to sleep with a heavy and sad heart. Ikaw, hindi ko alam kung inuna mo ang laro or talagang iniiwasan mo ako. But still, hindi ako sumuko. I endured everything. Because i love you.
Since this online class starts, everything messed up. You reminded me 3 days before online class starts. You said ayaw mo magpaistorbo. I agreed. Since i'm also in modular learning. I told him to atleast just update me. But, he refused. He strongly refused. I wonder. Kahit update bawal? Bawal kumustahin? I was hurt. I saw him sharing non-stop on facebook. I opened his account and saw multiple exchange chats from other people. Hello? I'm the girlfriend. How and why come he can't talk with me? Sobra akong nasaktan. Alam kong may iba na. Alam kong nagsasawa na siya. I started to believe that i am not enough. Hindi ako sapat. I endured everything. Napapagod na rin ako kakaintindi. Pagod na pagod na. Although i knew he did his part on our relationship. After 2 weeks ng pag-iisip, i decided to break up with him. He refused, pero di niya ako sinuyo hahahaha.
After 2 weeks, I opened his account again, and there I saw. Nakahanap ka na agad ng pamalit sa'kin. Ganun na pala ako kabilis palitan. I always crying at night. Hirap na hirap ako. Gusto kong sumabog na lang dahil sobrang sakit ng nararamadaman ko. Walang gabi na hindi ako iiyak. But i guess, ito talaga ang tadhana para ating dalawa.
Hey if you're reading this. Maraming salamat sayo. Sa lahat lahat ng ginawa mo para sa akin. Sa bawat panalangin ko, kasama ka pati ang pamilya mo. Walang gabi na hindi ka kasama sa panalangin ko. I still wish for your genuine happiness. It's been 3 months, and I'm moving on. You were still in my prayers. Always. I already forgave you. I always tell to God to protect you from pain and sadness. Kahit hindi na ako. Sana makapaglaro ka na sa UAAP. That's your dream, right? Sana, sana matupad mo yung pangarap mo kasama ng taong mahal mo ngayon. I loved you so much, palangga. Hanggang dito na lang. Thank you sa pagtitiis at pagmamahal mo sa akin. Salamat din, sa mga naitulong mo sa akin. Salamat sa halos dalawang taon. Ikaw, ikaw ang una kong palangga na maituturing.
Your Palangga
2nd Year
BSED
CCollegeC

SI SIR KASI

So uhm, di ko po alam kung saan uumpisahan tong confession ko. Di po ako marunong mag kwento pero I'll try my best. I really need an advice, kasi ayoko mag open up sa iba kong kaibigan, even sa boyfriend ko. Medyo mahaba po ito. So here it goes. You can call me Aes (not my real name), kaka 20 ko lang this ***. My boyfriend na ako and we've been for 2 years na. 5 years ago, when I was in my highschool years may nakilala akong lalaki, he was my first actually. Di naging kami pero naibigay ko yung sarili ko sakanya. It's complicated kasi ganto yun. 15 years old ako and he's 23 when I met him and yes 15 years old ako nung nawala virginty ko. Nakalimutan ko tawag dun basta practice teacher sya ganun. 8 years ang age gap namin. Pinakilala sya samin ng adviser namin na he's from ****, may mga kasamahan din sya na katulad nya. Andaming nagka gusto sa kanya, sa totoo lang, andaming nag papansin. Gwapo kasi sya, maputi, yung cheeks nya parang naka blush on ang ganda kasi natural na pink, matangos yung ilong, mahaba yung pilik-mata tsaka matalino. Nung una, di naman ako nagka gusto sakanya no. Ang bata ko kako para dyan tsaka ang tanda nya. Merong time na todo titig sya sakin tapos tinutukso kami ng mga kaklase ko (I honestly don't know na bawal pala nun yung teacher-student relationship). Syempre ako todo tanggi, tsaka sya puro ngiti lang yung sukli. One time niask sya ng isa sa kaklase ko if may girlfriend na sya and he said yes, tas ayun na sad yung mga girls tas tinanong ni yna (not her real name) kung paano na daw ako, I was shocked tapos nag sorry kay sir, sinabihan din sila na tumigil na kasi di maganda.

Then after 3 weeks siguro yun naging close kami dahil yun sa program sa baranggay namin na inattendan namin. Sila yung nag bantay samin, kasama yung isa pang practice teacher. After that program bumalik kaming school tapos nag laro kami. Alam nyo yung laro na tinatakpan yung mata ng panyo? Tsaka killer eye? Yun yung nilaro namin, at naging close kami dahil dun, ang saya ng mga nangyari sa larong yun. Pagkatapos nun hiningi nya number ko and binigay ko naman. Naging mag text mate kami. Tinutulungan nyako sa projects and assignments ko. Sabi ko best friend na kami and he said yes naman. After ilang weeks nahulog na ako, idk sabi ko ang landi ko kasi may gf yung tao tapos ang bata ko pa para makaramdam nun. Meron araw na umaalis kaming dalawa, joy ride ganun (Sa mga oras na magkasama kami may nangyari samin). Sinabi nya sakin nun na wala na sila ng gf nya, and ako si tanga naniwala. Di nya pala ako niligawan kasi, gusto naman nya daw ako at gusto ko din sya bat ligawan pa. Di ko din alam kung kami nun, basta ang alam ko masaya ako sakanya.
Sabi ko nga di ko alam na bawal pala yung student-teacher relationship nun, sya lang nag sabi sakin. Tinago namin, pero nahalata ng mga kaklase tsaka close friend ko. Ako todo deny na walang namamagitan samin. Merong time na kung ano ano na palusot ko sa parents ko para lang makita sya at makasama (bawal pako mag bf nun syempre, bata pako eh). Pero ako maharot matigas yung ulo. Sobrang sweet nya, maalaga sya, mabait, yung ideal man talaga. Pero lahat ng saya pala na yun may kapalit. Nalaman ng isa sa mga teachers sa school na may namamagitan samin and she told me na stop ko na kasi may gf yung tao tsaka bawal yung ganong arrangement namin. Pero wala matigas ulo ko, tinuloy ko parin pero mas tinago namin. Tinanggi nya rin na sila pa ng gf nya nun. Hanggang sa nalaman ko na sila pa pala, nalaman din ng gf nya yung tungkol samin. Nag usap kami tas sinabihan ako na wag manira ng relasyon ke bata-bata ko pa malandi daw agad ako. Ilang weeks nalang din dun patapos na yung pagiging practice teacher nya. Iniwasan ko na sya, pero yung mga mata nya nangungusap. Di kasi sya maka lapit sakin kasi madaming mata na naka tingin. Final demo nya nun and ako yung na atasan para mag lead ng prayer. Na ubosan pa sya ng chalk nun tas ako yung inutusan nya, masaya ako syempre, parang kinilig ganun pero after that todo iwas nalang din ako, pero naiyak ako nun sa cr kasi masakit pala.
After ilang months siguro nalaman ko lang na naging okay na sila ng gf nya, nag graduate na sila both tsaka live in na. And as far as I know hanggang ngayon sila parin.
Hanggang sa kamakilan lang nangamusta sya sakin. Nag chat sya, di raw nya ako makalimutan. Tinignan ko wall ng gf nyang yun (friend ko kasi) tsaka ng wall nya and wala ng about sa relationship nila. Sa relationship ko naman now, mahal ko yung partner ko pero ilang ulit ko na kasi na huli na merong babae, sobrang toxic na din ng relationship namin. Puro na kami away kahit maliit na bagay lang (another story na to eh di ko na sasabihin). Oo mahal ko partner ko, pero inaamin ko nasasaktan padin ako pag naalala ko yung nangyari samin ni sir. Sa ngayon di ko alam ang gagawin ko, kung sasabihin ko ba sa partner ko o hindi, kung rereplyan ko ba si sir o hindi. Any advice po? Thank you.
Aerille
2020
BS Psychology
Others

BINALIKAN AKO PARA IWAN ULIT

Hi admin sana po mapansin niyo ako kasi nahihirapan ako, ako nalang kasi mag isa.

Way back 2009, I was 8 nong nakita ko kung paano mag makaawa si mama kay papa na wag kaming iwan pero hindi manlang kami nilingon ni papa. Iniwan nya kami at simula noon kami nalang ni mama. 2012 nong nag hongkong si mama. Ayoko sanang umalis siya pero walang wala talaga kami and I was forced to live with my grandparents. Mahal ni lola yung paborito niyang apo but unfortunately that's not me. Galit kasi si lola kay mama kasi she got pregnant at the age of 19 kaya mainit dugo sakin ni lola. Simula nong tumira ako don laging nag paparining si lola kesyo may dumagdag pa daw na palamunin pero nagpapadala naman si mama ng allowance ko. Everytime mag papadala si mama ng mga beauty products naririnig kong sinasabi niya na ang landi ko daw at tanda ko pa non birthday ni lolo narinig kong nag uusap sila tita at lola sabi ni lola wala daw aasahan sakin at sayang yung pag alis ni mama kasi mag papabuntis din lang naman daw ako. Hindi nila alam kong gaano kalaki yung pangarap at determinasyon kong makatapos ng pag aaral para kay mama. Everytime minumura ako ni lola to the rescue agad si lolo, si lolo yung naging kakampi ko, si lolo yung naging tatay at nanay ko,at tuwing birthday ko dinadala ako ni lolo sa restaurant at oorder siya nga friedchicken at pancit. Dahil kay lolo naging masaya ako at minsan nalang ako nalulungkot pero hindi ko alam na dadating pala yung araw na ako nalang ulit mag-isa. It was 2014 when my lolo passed away,maaga akong nasaktan ng mundo.
2016 nong nag pakasal si mama sa boss nya kasi kung hindi sya papayag pauuwiin sya at sabay kaming mamamatay sa gutom. Nagkaanak sila at simula non minsan nalang tumawag si mama to the point na hindi ko na siya ma contact at sabi ng tita ko masaya na daw si mama kasama yung asawa at anak niya,mayaman daw kasi yung asawa ni mama at mukhang inabandona na niya ako. Nanliliit ako kasi wala akong kakampi, my family treated me like an outcast and I was 15 that time. Naaalala ko nagkakaron lang ako ng magandang damit kapag may bagong damit yung mga pinsan ko, kung ano yung least sakin napupunta at hindi ako nag rereklamo kasi nasanay ako na ganon. Hindi ako makapagreklamo kasi sila yung nagpapakain sakin.
2018, I was 17 nong naging working student ako at pinilit kong mag trabaho ng sabay-sabay para makaalis ako sa bahay ni lola kasi para akong hayop kung ituring nila. Nahirapan akong mamuhay mag isa pero kinaya ko. Wala na rin akong narinig kay mama at minsan nakikita ko si lola at wala siyang pinagbago, tuwing nakikita niya ako dumudura sya na parang nakakita siya ng nakakadiri at syempre masakit yun para sakin. Kaya ko at kinaya ko ng mabuhay, maayos naman ako at tahimik ang buhay ko.
Not until January 16 2020 pinuntahan ako ng pinsan ko at sinama kila lola. Ayoko ko sana kasi sabi niya kahit ngayon lang daw. Hindi pa lahat nag sink in sakin ang mga nangyayare pero pag pasok namin sa bahay ni lola nakita ko yung babaeng naging inspirasyon ko dati para makapagtapos ng pag aaral, yung nag iisang taong kakampi ko pero inabandona ako, nandito si mama. Umuwi siya dahil namatay daw yung asawa niya, kasama niya yung kapatid ko. Nag usap kami ni mama at kaya daw hindi ko na siya ma contact kasi nong nalaman ng asawa niya na may anak siya dito sa pilipinas nag higpit daw siya kay mama. Madaming pinaliwanag si mama at kahit papaano napatawad ko siya sa ginawa niya sakin. Akala ko okay na lahat kasi simula nong dumating siya doon na rin ulit ako tumira kila lola kasama si mama at kapatid ko. Nakikita ko kung paano alagaan ni mama yung kapatid ko, nakikita ko kung gaano kasaya si lola at mga tita ko don sa kapatid ko, sa loob loob ko nasasaktan ako kasi yung saya sa mga mukha nila kahit minsan hindi ako ang naging rason.
Naging maayos kami kahit nagkapandemic. Septem­ber 28 nong sabi ni mama babalik na daw siya sa hongkong okay naman sakin kasi akala ko magkasama kaming babalik sa Hongkong, akala ko kukunin na niya ako pero hindi.
November 5 2020 bumalik lahat ng sakit. Bumalik na si mama at kapatid ko sa Hongkong pero hindi ako kasama. Naiwan ulit ako mag-isa parang sinakal ako ng katotohanan. Sa mga oras na yun, akala ko babawi si mama, akala ko kasi okay na kasi naging masaya naman kami pero hindi pala. Porket masaya, magbabago na?
November 5 2020, binalikan ako para iwan ulit.
Guia
1st year
BSED
CAVITE