Thursday, December 3, 2020

TULOG NA KASI TAYO BHIE

It's already 3 am and I decided to wrote this letter since I cannot sleep "as always". It started when pandemic happens, my sleep goes terribly unhealthy. It is almost 8 or 9 months but still I am badly looking for a way just to fix my body clock. I dunno why I am writing this one, maybe there's also someone like me na hirap na hirap din makatulog like you will sleep 6 am and wake up at 3 pm grabe nakakaiyak. Before kasi enjoy ko pa eh ang saya, pero palala na nang palala kasi dati tutulog ako 2 am then kaya ko pa gumising nang maaga but now, laging umaga na tulog ko, ni hindi ko na nasasabayan family ko sa pagkain.

Alam mo yon, patulog ka pa lang, sila may another blessing na dahil they woke up for another day. So I lose weight, eyebags is there, I lose my appetite. So here, I tried to research about it, the so called "Insomnia" that I am experiencing right now. It is a sleep disorder wherein you had trouble on falling asleep, and acute yung akin because I am experiencing this more than three months and it is toxic. Dahil long term na yung puyat ko, nababahala ako sa magiging effect neto sakin. So there are two types, mine is primary which means that my sleep problem is not linked to any other health condition or problem and the secondary, it has the connection between your health problems like asthma, depression, and everything. So me wala, hindi lang talaga ako makatulog and nasanay yung katawan ko sa ganitong sistema. Many times, I felt almost crying kasi pinipilit ko yung tulog ko. I am not stress, I dont have any problem about my relationship with others like fam, friends, bf (coz I dont have kasi wala na sya haha oops di ako sadgirl ha).
I can laugh, I am happy, Im good but the problem is later at night, I dont feel tiredness. I tried to stop drinking coffee, even use earphone and listen to music but ends up singing the song and rocking thou the song is calm, also kept away the phone to me, tried to install wattpad again because reading makes me fall asleep but then felt excited with the next chapter same thing with watching kdrama, I dunno what to do anymore, I even set an alarm but still I can't hear it or I just pretended not to hear dahil ang sarap ng pahinga ko. Hindi ko alam kung ako lang ba yung ganito, masaya ka naman sa buhay mo pero ayaw kang tamaan ng antok kapag gusto mo nang makaramdam ng pagod, ayun dun ka naman inaatake ng kahyperan. I told myself many times, also today that I will sleep early, not drink coffee and leave my phone away but here I am, done sipping my drink, using my phone and my problem is myself. I don't have enough discipline. Pero bebe, kung ikaw din nakakaramdam ng ganito? Gusto ko lang sabihin sayo na di ka nag iisa, at di rin ako nag iisa dahil andyan ka pero sana makatulog na tayo. I always pray to myself "Lord sana makatulog ako, pero yung magigising pa po ha?" I really said that always kasi I badly need rest but rest doesn't want me. Pray lang tayo, start our day with disipline kahit wala ako nun.
Someone always told me, mag pray ka, lights off and bitawan mo phone mo 2hrs before u sleep, same kami before but now, he's okay. Sana tayo rin guys. Darating din yung time na hindi na natin kailangang magpilit matulog na halos maiiyak kana, dahil mismong antok at pagod na yung dadalaw satin. Kung depression at stress man pinanggagalingan ng insomnia mo, I'll pray for u, na sana starting tonight makatulog ka na nang mahimbing hindi dahil sa kakaiyak at sakit ng mata kakaisip sa problemang nararanasan mo ngayon. Let's start taking care of ourselves, we can do it mahal tayo ng Diyos at kung ano mang pinag dadaanan mo, it will heal soon.
Madalas kasi ngayon na inaatake ng insomnia e yung mga taong may problemang mabibigat o karanasan, some problems on their work, modules and study probs, panliliit sa sarili, inatake ng insecurities, been bullied, or worst unappreciative sa sarili nya dahil feeling nya wala siyang purpose in life. Kung isa ka man dito bebe, I hope it will leave you soon, everything that bothers you will be fine, sana mapalitan na ng maayos at mahimbing na pahinga kasama ng tunay na kasiyahan ang nararamdaman mo. No more sleepless and painful nights.
Maswerte ako, dahil wala akong problemang iniisip kundi yung tulog ko lang at kung meron man, hindi naman ganito kabigat para damdamin. Rest is important pero wag yung RIP kaya magmula ngayon wag na natin pabayaan sarili natin.
For now, pikit mo mata mo and pray okay? Love yourself and be happy. At dahil pinapikit ko mata mo, pikit ko na din syempre haha ano kayo lang? Yun lang,bye for now, I need to sleep, sana kayo rin sleep tight 😘
Jmcute
BSBA
2019-2020
SJDEFI

WAITING

Hi, please hide my identity because I'm using my main account. Tulad ng mga nababasa ko rito, gusto ko lang rin mag-open dahil wala akong mapagsabihan. Hihingi na rin po sana ako ng advices from you guys but sasabihin ko na na medyo mahaba ito so bare with me.

Today, I feel it na ayaw na ako kausapin nung mga kaibigan ko dahil na rin sa nangyari. Ang nangyari kasi nun nag-confess ako sa kanila na may nagugustuhan akong babae and seryoso ako sa mga sinasabi ko, but 'yung pag-amin kong iyon, they made fun of me. Kilala kasi nila ako na palabiro, akala siguro nila nagbibiro lang rin ako that time. Hindi ko rin masasabi na mukha akong bi talaga na mahahalata mo agad na nagkakagusto ako sa babae dahil maayos ako, I mean maayos ako manamit, parang normal na babae lang rin pero I do like girls and boys. Ang nangyari, napuno ako dahil sa mga nangyari. Hindi lang naman siguro iyon ang naging dahilan bakit ako napuno, andami ko na rin kasing iniisip at dinadala and nangyari pa 'yun, nagkataon lang na hindi ko na nakayanan kaya nailabas ko ng wala sa oras 'yung hinanakit ko sa kanila. Hindi sila sanay na nagagalit ako, hanggat kaya ko kasing pigilan ang galit, pinipigilan ko. Hanggat kaya kong hindi magkagulo, hindi ko hahayaang magkagulo. And 'yun, dahil sa pag-confess ko naramdaman ko sa kanila na hindi nila ako tanggap sa pagiging ganito ko kaya nawalan rin ako ng hope na matatanggap ako ng parents and fam ko sa pagiging bi ko.
Pero bago ako magkagusto sa babaeng natitipuhan ko, there's a man that I really like the most. Marami kaming memories together, marami na kaming napag-usapan about sa life experiences namin. I really like this man too dahil sa intelligence and kabaitan n'ya. Alam n'yo 'yung pakiramdam na may mga natitipuhan ka ngang iba pero may isa talagang mas nangingibabaw? Ayun 'yung nararamdaman ko. He already knew na may gusto ako sa kan'ya hindi dahil sa umamin ako (yes, umamin ako) kundi dahil sa napaka-observant n'ya. Hindi s'ya 'yung tulad ng ibang lalaki na sabay sa uso, no, he's not like that. Artistic rin s'ya and matalino na may pagka-weirdo that I really love about him. Before, nararamdaman ko na nagbibigay s'ya ng motives, but hindi lang siguro s'ya nagco-confess (ayan ang naiisip ko, ayoko rin kasi mag-assume). Dumaan ang isang taon na nagustuhan ko s'ya, dumaan na rin ang 18th birthday ko. Hindi n'ya pa nabibigay 'yung gift n'ya sa'kin yet natanggap ko this day (his birthday) and it was priceless. May kasama 'yong letter and may nakasulat ro'n na he fell in love with me but he stopped, dahil na rin sa focus s'ya sa studies and future n'ya but ang isa pa sa dahilan n'ya is may hinihintay s'ya.
I'm already expecting that from him but nasaktan pa rin ako na nalungkot. At nanghinayang sa love na pinigilan n'ya for her (sa hinihintay n'ya). Now, I do not know kung magpapatuloy pa ba ako sa kan'ya dahil gusto ko talaga s'ya, naiisip ko 'yung babaeng nagugustuhan ko pero mas nangingibabaw talaga 'yung nararamdaman ko para sa kan'ya. Naisip ko rin na itigil na muna 'yung kung ano man ang nararamdaman ko sa babaeng nagugustuhan ko at tumigil na munang gumusto ng iba. Nakakapagod.
Iniisip ko kung magpapatuloy pa rin ba ako na gustuhin ang lalaking minsan nang nanakit sa'kin na isa rin sa dahilan kung bakit ako sumasaya, iniisip ko na baka naghihintay s'ya for her dahil na rin sa thought na nanghihinayang s'ya sa pinagsamahan at pagmamahalan nilang natapos na at s'ya nalang ang lumalaban. At nararamdaman ko na he's letting me go, he's like "Go, find the right one that will love you to the fullest. Will you hate me because of this? It's okay, I understand. I hope you don't forget me. And I wish for what makes you happy."
Sa'yo ako masaya, at masasabi ko na we're both waiting. The only difference is you're waiting for her while I'm here waiting for you.
Unknown
2019-2020
HUMSS
Others

A LETTER TO A SOON TO BE DOCTOR,

I met you in a way na hindi ko iniexpect. May 11, 2019 nagcomment ako sa isang page "Chachat ko magrereax neto promise HAHAHAHAHAHAHA" I was soooo stress that night sa research namin kasi malapit na yung deadline tapos hindi ko pa matapos,halos wala pa ko sa kalahati pero dunno why nagfb parin ako hahahaha. Tapos a couple of minutes habang nagbabasa ako sa feed nagchat pinsan ko "hoy may nagreact sa comment mo", so i check kung totoo at meron nga "bat di mo i-chat, wala ka pala eh, weak ka dang". Noong una nagdalawang isip talaga ko kung icha-chat kita or kung gagawin ko nalang research ko but in the end nag hi ako sayo, kinabahan ko kung ano ire-reply mo kasi di ko alam sasabihin ko,nag-antay ako ng ilang minuto pero di mo pa nasiseen so ayun nakatulog na ko. Tapos tomorrow afternoon may reply ka, tapos ayun nung una nahihiya talaga ko, di ko alam sasabihin ko but then nung naopen ko yung problema ko sayo about sa research. Noong una tinawanan mo ko hanggang sa nagtuloy tuloy na yon, tinulungan mo rin ako sa research ko, mga dapat kong unahin at mga moral support, naging comfortable na ko kausap ka, nagsasabi at nagkkwentuhan lang tayo about sa mga gusto nating maabot sa buhay. Isa rin siguro sa reason bakit comfy ako sayo kasi parehas nating gusto sa field ng medicine, may promise pa nga tayo diba? Na after 5 years halos sabay lang tayong ggraduate non, ako bilang nurse tapos ikaw bilang Doctor. Sabe mo after ko grumaduate intern ka na tapos magtatrabaho tayo ng sabay sa hospital tapos assistant mo ko. Bihira ka lang mag-online kasi busy ka sa school pero lagi akong nagiiwan ng messages sayo, sinasabe ko lahat ng mga ganap sa buhay ko, pag nalulungkot ako, pag nagpupuyat ako, pag nagkakasakit ako, pag may bago akong hairstyle at pagnamimiss ko mga kwento mo. Naalala mo yung nag countdown tayo nung birthday mo? Tumawag ako non tapos nasa comshop ka. Okay lang na hindi mo ko nabati nung birthday ko kasi alam kong busy ka naman tapos di mo alam birthday ko.

Natutuwa talaga ko pag nakikita kong online ka tapos may mga reply na yung mga message ko. Dati sinasabi mo sakin na try ko magconfess din sa page pero sabi ko ayoko pero ngayon eto na ginagawa ko na pero hindi ko inaasahan na ganto yung sasabihin ko. Hindi na tayo okay. Lahat ng mga messages ko di ka na nagrereply, online ka at nasiseen mo lahat pero kahit isang reply wala, ang sakit lang, kasi di ko alam yung dahilan mo. Tinatanong kita kung may problema pero wala ka namang sinasabe. Sabi mo sasarilinin mo muna. Sabi mo magtiwala nalang ako sayo. Sabi mo basta merong isang naniniwala sayo ayos lang. Sabi mo pa forever tayong magkaibigan pero di mo masabi yung problema mo. Namiss ko yung dati na lagi nating pinagkkwentuhan mga ganap sa buhay natin, heartbreaks pati mga crush. Ikaw yung totoong kaibigang hindi ko inasahang makikilala ko, pag kausap kita pakiramdam ko okay ako, na lahat yan part ng buhay.
I did this confession kasi gusto kong malaman mo na sobra kitang tinitreasure, sobrang thankful ko na nakilala kita, marami akong natutunan sayo about life. Pero kung talagang ayaw mo na kong maging kaibigan ayos lang, titigil na ko magmessage sayo kasi masakit din na yung taong pinapahalagan mo wala ng pakialam pero it doesn't mean na kakalimutan na kita. Andito parin ako, lagi parin kitang isasama sa prayers ko, basta mag-iingat ka lagi, wag mo pabayaan sarili mo, tutuparin ko parin yung mga pangarap ko.
Birthdate mo pala ngayon oh 29 happy birthday, Doc Ayban.
-yesa
2018-2019
Gen.Acad
Others

DOC, NASAAN ANG BABY?

Actually hindi na ako student. Gusto ko lang i-free up ang thoughts ko ngayon. Nagsimula kami ng BF ko no'n as friends bago pa kami nag-college. He's sweet kaya nagkapalagayan kami ng loob. Accountancy student siya at Pharmaceutical Sciences naman ang field ko. All I know...isa siyang mabuting lalaki kasi pareho kaming Top Student at writer sa Magazine ng school. I'm so inlove with him (back then). I'm so lost, so lost na kahit ang dignidad ko ay ibinigay ko na. We have each other on bed. We had SvX. Halos araw-araw pa nga. Paulit-ulit. Pvtvk sa labas... but one day nagpositive ang pregnancy test.

Takot na takot ako no'n kasi baka mapariwara ang buhay ko. Sobrang kaba ko no'n kasi medical student ako. Pero, may tiwala ako sa kanya. Until...
Inayawan niyang panagutan ang bata. I was a crack of doom for me. Nag-share kami ng body fluids pero sumama lang siya sa iba.
Halos na-depress ako no'n. I begged for him pero hindi niya ako pinanagutan. Kinausap ko ang family niya and they are on the take para panagutan ako pero hindi ang kanilang anak. I prayed a lot. I prayed to the deepest depth of miracle. Pero tinanggap kong siya ang naka-v!rg.n sa akin at nagdadala na ako ng tao ngayon.
But something bad happened.
It turns out na hindi pala ako nabuntis. That day, sobrang iyak ko. Lungkot na false baby pala at tears of joy na may new beginning ako. Naghihiyaw ako sa tuwa. Kasi that time pag-asa ang naramdaman ko.
I completed my Pre-med course, with flying colors. Nag-doctor ako sa isang university sa Davao, malayo sa kanila. Nagkita pa rin kami after ng lahat. Nag-break sila at single na siya ngayon. Habang ako, doktor na sa isang hospital.
Married na, at misis na ng kapatid niya.
Ka
2015
Others
Saint Luis University

BAYAD

I just want to share something that I'm holding for so long.

I was in grade 9 when this happened. Lumaki ako sa lolo't lola ko, produkto kasi ako ng broken family. Walang ina at walang ama.
Madaling araw nun ng atakihin sa puso ang lolo ko. Wala kaming matakbuhan nun ng isugod siya sa ospital mabuti na lang ay mayroon silang kaibigan na matandang lalaki na gumawa ng paraan para mabigyan ng gamot ang lolo ko. Unang nagbantay doon ang lola ko dahil siya ang kasama ni lolo ng isugod to sa ospital ngunit dahil kailangan ng pera para maibayad sa pagamutan ay ako na ang inutusan na magbantay. Sinundo ako ng matandang lalaki gamit ang motor niya at ipinilit na sa katawan niya ako yumakap kahit sanay naman akong sa likod ng motor humahawak ngunit dahil binilisan niya ay wala akong nagawa lapat na lapat ang katawan ko sa likod niya. Habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital ay inaya niya akong kumain kahit na madaling araw na nun, tumanggi ako ngunit siya ang nagpapaandar ng motor. Ilang ulit akong tumanggi hanggang sa makalayo na kami ngunit dahil tumataas na ang boses ko ay nagmaniobra siya pabalik sa daan papuntang ospital.
Nang makarating kami sa ospital ay walang pasabing bumaba ako ng motor niya at agad na tumakbo papunta sa lolo ko. Takot ako nun. Wala akong mapagsabihan. Pumasok siya at sumunod sa akin nun. Tinignan niya ang lolo ko at kinausap ang doctor habang ako nakaupo lang sa gilid.
Binigyan niya ako ng makakain at iniwan ako sa ospital. Nakahinga ako ng maluwag nun. Ngunit wala pang isang oras ng bumalik siya at dinala ako sa madilim na parte ng ospital, sinubukan niya akong halikan nun ngunit pinigilan ko siya kaya naman sa pisngi lang dumampi ang labi niya. Pagkatapos nun ay niyakap niya ako ng mahigpit. Mabuti na lang at may dumaan na doctor kaya naman binitawan niya na ako. At pagkatapos ay inabutan ako ng limang daan at umalis na.
Yung limang daan na binigay niya ay inabot ko na lang sa lola ko pangdagdag sa pambayad at yung pagkaing binigay niya ay ibinigay ko sa isang pulubi.
Totoo nga, kapag andun ka na sa sitwasyon na yun ay mawawalan ka na ng boses. Isang bangungot.
Hiningi niya ang phone number ko at ang ibinigay ko ay ang sa lola ko. Gusto ko mang hindi magbigay ng kahit anong numero ay wala akong magawa dahil sa UTANG NA LOOB. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi madudugtungan ang buhay ng lolo ko.
Simula ng araw na yun ay nawalan na ako ng pake sa mga pambabastos na nararanasan ko sa daan o kahit sa eskwelahan. Immuned na ata ako at lahat na ng kamay nila at mata ay may bakas na sa katawan ko.
Girls, kung maaari iwasan niyo yung mga taong akala niyo mapagkakatiwalaan. Piliin niyo sila o kung maaari ay wag kayong magtitiwala.
Minsan talaga kung sino pa yung marami ng sakit na pinagdaanan, siya pa yung lalo pang ilulugmok ng mga pangyayari.
ABUSED
201*
UNKNOWN
UNKNOWN