Tuesday, November 3, 2020

BINENTA KO ANG SARILI KO PARA SA PAMILYA KO

  Itago nyo nalang sa pangalang karen 18 years old At may isang anak na lalaki 2years old. Isa akong Single mom. Panganay sa magkakapatid.. Maagang nagkaanak  kaya natigil sa pag aaral. Broken family kami. May iba ng pamilya mama ko.. At may girlfriend nman ang papa ko. Okay naman lahat nung una.. Kasi nasa ibang bansa yung papa ko. Sinusuportahan nya naman kami ng maayos.

Hanggang sa dumating yung araw na.. Nagsawa na syang magpadala saamin. Alam nyo nman diba? Pandemic. Kaya walang hanap buhay. August 29 chinat kami ni papa na hindi na sya magbibigay saamin ng sustento. At tumayo na raw kami sa mga sarili naming mga paa... At that time di ko alam kung saan ako kkuha ng pera para sa anak ko. At para na din kela mama.. Hirap akong humanap ng trabaho kasi walang magbabantay at magaalaga sa anak ko.. Sunod sunod problema ko. Nagkasakit ako.. Nagkasakit anak ko. At nagkasakit mama ko. Sobrang problemado ako. At pinagdarasal ko lang lagi na sana maging maayos din lahat. Okay pa nman.. Binibigyan pa kmi ng mga tita ko ng pagkain.. Kada tanghali at gabi. Hanggang sa dumating sa puntong walang wala na kami. At baon na baon sa utang.. Wala ng makain.. Ng pambili ng gatas at pampers ng anak ko. Nagbibigay naman ng tulong yung ama ng anak ko.. Pero sobrang dalang lang...

 At isang kaibigan ang nag offer saakin ng tulong. Ang ibenta ang sarili ko. Sa ibat ibang lalaki sa halagang 2500. Sept 8 ng hapon. Sumama ako sa kaibigan ko. Sa dasma. Dun ako nagsimula. 2500.. Iniwan ko yung anak ko sa kapatid ko. Sobrang natakot ako.. Kasi di ko nman gawain yung ganun. At di ko alam kung anong gagawin ko. Pero nakisabay lang ako sa kanila. Naibbili ko na yung pangangailangan ng anak ko. Nakakain na kami ng tatlong beses sa isang araw. At nakakapagbayad na ako ng paunti unti sa mga utang namin. Hanggang sa inulit ulit ko na. Nasanay na din ako. Syempre. May proteksyon parin yun.

 Marami na ding kamag anak ko ang nakakaalam sa kung ano ang ginagawa ko. Pero di ko nalang pinapansin. Ang mahalaga di kami nagugutom.

 Dun sa papa ko. Pa.  Oo nasa tamang idad na kami para maghanap ng trabaho.. Pero pandemic ngayon pa. Mahirap humanap ng matinong trabaho. Di ako galit. Pa. Di ko lang matanggap na parang wala lang kami sayo... 

1f62d.png

 Sobrang hirap ng pinagdaanan ko pa.. Sobra. Di ko alam kung pano mo kami nagawang baliwalain ng ganun ganun nalang.

 Nangako ka pa e.  Na hanggat kaya mong tumulong tutulong ka.. Pero bat di mo kami tinulungan? Bakit mo kami pinabayaan.?



 AteMongP

1f494.png

 2019

 Grade12 Stem student/ehs


AKO MUNA

          Hi admin, itago niyo nalang ako sa pangalang Chin. Gusto ko lang i-share yung kwento ko para maging aral na din sa iba at makahingi na din ng advice. Hindi ako magaling magkwento pero sana ma-post po. So ayun mayroon akong ex at classmates kami dati. Siya yung tipo ng lalaki noon na tahimik, walang kibo kung hindi mo kakausapin, hindi makabasag pinggan kumbaga. As in di talaga kami close noon kasi kabaliktaran ako ng ugali niya kung anong ikinatahimik niya yun namang kinaingay ko HAHA. One time nagkasabay kami sa bus stop nung pareho kaming pauwi na tapos dun ko nalaman na iisa lang pala kami ng lugar na inuuwian. Kaya yung isang beses na magkasabay na yun ay nasundan pa ng ilang ulit. Hanggang sa siya yung nauna na pansinin ako. Sa isip-isip ko nga nun "marunong pala to magsalita" Nakakatawa nga. Kasi hanggang ngayon naalala kopa. Naging close kami, sa kaniya ko na nailalabas mga sama ng loob ko, So parang siya yung naging crying shoulder ko.

       Hanggang sa mahulog kami pareho sa isa't-isa. Nagkaaminan. Sa unang mga buwan naging maayos naman ang relasyon namin. Madaming nagalit nung una pero nalagpasan naman namin pareho. Unang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan, Isang taon. Hanggang sa umabot na nga kami ng taon. Naalala ko pa nga noon kapag nagaaway kami magugulat nalang ako kasi nasa labas na siya ng pinto para lang iabot yung foods sabay hihingi ng sorry. Namimiss ko na yung ganun HAHAHAHA

       Fast forward. Sabay kami naka-graduate, Pero magkaibang school  kami ng papasukan sa college dahil hindi namin afford ng pamilya ko yung tuition sa school na papasukan niya kaya magkahiwalay kami ng school. Unang semester?sa college maayos pa rin kami. Pero habang tumatagal nagbabago na siya. Puro nalang hinala, selos tapos lagi ng mainit ang ulo pagdating sakin. Nanibago ako kasi hindi ganun ang pagkakakilala ko sakaniya. Hinayaan ko lang baka dala lang ng pagod at stress sa school. Inintindi ko nalang tutal pareho kaming nagaaral. Pero ang hindi ko alam may iba ng ginagawa kaya nagbago na din pakikitungo sakin. Naalalala ko noon yung mga araw na hindi ako mapakali sa kakaisip kung nasaan naba siya? Kung ano na nangyari sa kaniya?tapos malalaman ko nasa kung saang inuman lang pala sila kasama mga kaibigan niya HAHA nakakatawa. Ilang beses na din niya na akong ginawan ng masama, Ilang beses na din siyang nangako na magbabago na siya At Ilang beses na din akong umasa at paulit-ulit siyang pinapatawad kasi umaasa ako na magbabago pa siya. Na baka pag na realize niyang hindi ko siya iniwan magbabago isip niya at babalik ulit kami sa panahon na masaya pa. Pero wala!

          Hanggang ngayon na umabot na kami ng ilang taon hindi ko pa rin nakikita yung pagbabago na pinangako niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong choice kundi sumuko nalang sumuko sa laban na alam ko naman na hindi na ako mananalo. Nagpaparamdam na naman pala siya, pero pinipigilan ko sarili ko na wag siya kausapin kasi alam ko na pag kinausap ko siya babalik nanaman ako sa umpisa. Babalik nanaman yung sakit. Oo mahal ko siya hindi naman agad mawawala yun diba? Pero ngayon mamahalin ko nalang siya sa paraan na pipilitin niya ayusin sarili niya. At sa paraan na magiging maayos kami pareho. Magpapahinga na muna ako. 

      Mahal, magpapahinga muna ako dahil masyado na akong ubos na ubos kasi binigay ko na lahat sayo at wala na ng itinira para sa sarili ko. Wag kang magalala. Babalik na tayo sa dati. sa dati na hindi tayo magkakilala, MAHAL KITA.

1f643.png

Chin

20**

2ndYear

Others 


CHAPEL

         Hi goiz,  just wanna share my stupidity back then when I was an Elementary pupil, hindi po ako magaling mag kuwento sorry in advance. Bale may tito ako, and he had a crush on this girl named Haya not her real name a, joke real name niya yan, para maiba naman chos. Si ate Haya matagal ko ng kilala, teacher namin siya sa chapel uwing may bible study. She's like the epitome of a dalagang pilipina, mabait, God fearing, mahinhin. Ewan ko kung dahil sa traits niya kaya lalo siyang gumanda pero she's really pretty back then tlaga. Laging white yung suot, white pants, white shoes, white bag, lahat yata! I used to call her "white lady" hahaha I perceive her as a really decent woman. And yung tito ko naman, no joke kabaliktaran niya, babaero, pasaway kila mommy at daddy (lola at lolo) sakit ng ulo sa bahay, halos per week nag iinom. But honestly though ganun siya he really isn't a spoiled brat yung pag iinom niya, babae, came from his wallet. 

      Hindi pa nag sink in sa utak ko nun na crush ng tito ko si ate Haya. Parang wala lang yung dating, noon bata pa kasi ako, tas asar na asar pa ako minu-minuto kumakanta siya ng "you look so beautiful in white" I'm not sure kung yan tlga yung title ha, basta sumisigaw ako every morning nun "papansin Jepoy!" feel na feel kasi kumanta tas ang lakas lakas pa, pag daan sa akin kukutusan ako.

        Then one time while nag sasagot ako ng parang mini Bible siya then may mga questions na sasagutan, kuwento ni Haring Solomon, detailed talaga favorite ko kasi na kuwento yun. Tinanong ako ni ate Haya, habang ako nakadumog sa Bible "Ley, may nobyo na ba ang tito mo?" ang soft tlga ng boses niya, "Ewan ko ate kung sino-sino po." Nagkikita lang kasi sila tuwing ihahatid ako ni tito sa Chapel. Like freak whenever na-aalala ko yung scenario na yun na aasar ako sa sarili ko. Bakit ko ba kasi sinabi yun, haha. Tas dati, yung Chapel nirenovate, kaya ang ending sila Pastor nag ba-bahay na o di kaya sa bahay nila Pastora. Tas dumating na yung araw sa bahay naman na namin sila, pumasok na sila Pastor, sister Thea ate Haya, brother Luis at iba pa, at bOom nagulat tlga ako, si tito nag bless!? As in nagulat tlga ako sa isip ko "Si tito Jef nagmano? We?" Hindi siya sumasama sa chapel kahit anong pilit ko abala sa car shows. Tas ayun, umupo na kami at nagsimula na mag preach si Pastor, katabi ko si ate Haya nun, tas sa kaliwa si Tito, tuwing mag pi-pray naka pikit siya at naka dumog, naninibago pa rin tlga ako nun. Pakitang tao e. Tas dahil singkit ako di halata kung sisilip ako habang nagdadasal sila, nasa gilid ko lang kaya malinaw tlga, si tito nakatingin kay ate Haya, tas ako naman tinignan ko siya nang masama, ayun nahuli biglang pikit ulit. Pero di ko pa talaga naisip na crush niya nun si ate Haya. Sa loob ng ilang buwan ganon yung routine (medyo may kalakihan kasi yung chapel, tas ilang beses pa napurnada yung pag start kasi namatay nun yung architect) 3 times a month siguro sa bahay yung simba dati tas lagi lang nasa gilid ko yung dalawang yun, tas kahit kailan di naman sila nag uusap.

       Pero one time kakagising ko lang nun, siyempre ano pa nga ba, alarm clock ko yung ngala-ngala ni tito, tas naka amoy ako ng pabango sinundan ko yung amoy kasi ambango talaga hanggang napadpad ako sa sa kwarto. Andon pla si tito nagsusuklay with matching kanta sa harap ng salamin. "Anong ganap tito?" Tanong ko sa kanya "Simba ngayon BRUHA" sagot nya. Papansin talaga kakagising ko lang nun eh. Tas ayun na nag lunch na kami at inantay mag ala una. Una kong nakita si Pastor tsaka si sister Perlie tas dumating na rin yung iba tas si tito Jef pa tingin-tingin inaantay si ate Haya, pero wala e hindi siya dumating. Inutusan pa ako ni titong papansin na tanungin kung bakit wala siya, ako nman na musmos pa lamang nagtanong na-ospital daw pala yung kapatid ni ate Haya, si Bambi, childhood friend ko dati. Si titong atat hindi pa nakuntento, pinatanong sa akin saang Ospital, tas yun humarurot na si tito. Sabi ko pa noon sama ako eh.

      Kaso ang bilis nya. Ambilis talaga. Ambilis. Ambilis ng panahon, 16th Death year anniversary niya ngayon, nung araw na umalis siyang nagmamadali naaksidente siya. 

      To tito Jef, papansin ka talaga! 21 ka palang noon kaasar ka talaga ang daya mo! Miiss na kita. Miss na miss. Yung beautiful in white mo? As in. Ang sakit. Sinisisi ko pa rin sarili ko, bakit ba hindi ko sinabi, na bago magsimba sa chapel noong hinahatid mo ako, lagi kang hinahantay ni ate Haya. 



SageM.

2004

UNKNOWN

UNKNOWN

KUNG MINAMALAS KA NGA NAMAN

 Have you ever been in failed relationship tapos after mo magheal gin*go ka ulit?

Hi! This is Tim, 19 years old na and taking up Culture and Arts Education also, I'm working. I experienced a lot of heartbreaks, pero eto? Hindi ko kinaya. Last January, my Boyfriend broke up with me. Sabi niya, "I'm out of love na Tim sorry. This is not your fault, pero stop na tayo" Ako naman yung tanga, naghabol habol. Nagalit ako duon sa Ex-Boyfriend ko. Kase kung tutuusin, siya mismo nagpromise saakin na hindi niya ako iiwan kase ayaw niya daw mafeel ko yung nafeel niya ng naiwan at pinagsawaan, pero look at him now, iniwan ako sa ere. 


After 8 months I think? Sabi ko sa sarili ko, I'm good na. Happy na ako and wala na akong galit sa Ex ko. Nkapagmove on na ako, and pansin din yun ng mga kaibigan ko. Alam ko sa sarili ko na I'm ready to enter in a Relationship. 


I had a crush with one of my workmates. After ilang araw naguusap usap hanggang sa magka MU na kami. Alam niya kung gaano ako nasaktan and naloko sa past relationship ko, kase gusto niya magkwento ako. Hanggang sa lumalim na pagsasama namin, we care to each other. Hinahatid hatid niya ako ng motor pauwi. Tapos nagkikiss na kami, until one day. Nalaman ko na may partner din pala siya! I thought he is true to me. Naloko nanaman ako. Galit na galit ako sa sarili ko nun kase di ko man lang inalam lahat about sakaniya.


I let him explain "sabi ko bakit mo nagawa yun saakin? Alam mo naman kung gaano ako nasaktan sa past relationship ko diba?" Pero wala siyang sinabi kundi "Sorry Tim, di mo kasalanan to. Kasalanan ko to." Yun lang and hindi na siya nagpaparamdam. Pero nagkikita parin kami sa workplace namin. Awkward nga lang. 


Nagpapacute parin siya saakin, nageeffort and nagpapansin. Hindi ko na alam gagawin ko knowing na may partner siya and di na siya happy duon.

Been in a failed relationship, naloko, magpapaloko pa ba ulit? Help!



Tim

2020

Education


THE GREAT ADVICE

       May pinsan akong nagkaroon ng kalive in. Yung ka live in nya may 3 years old son na. Nakatira sila doon sa apartment na pinapaupahan ng tita namin. Actually kaming magkakamag anak nakatira sa iisang compound. Kaya malapit lang ang bawat isa. Pamana kasi ng Lolo at lola ko sa 4 na magkakapatid yung lupa. So back to the story, yung pinsan ko maiinit dugo lagi dun sa anak ni Ate Ara, yung kinakasama nya. Paano ko nasabi yun? Palagi nya pinapagalitan, pinapalo, pinipingot, at kinukurot. Kaya minsan ilap yung bata sa kanya. Close naman nung bata yung mga kapwa nya bata dito sa amin. Most of them mga pinsan at pamangkin ko. Palagi ko din nililibre yung bata since naaawa nga ko pag pinapalo o sinisigawan sya ni kuya John. 

        One time nun nag-away si Ate Ara at Kuya John. Sigawan sila sa apartment nila. Tapos maririnig namin nun yung mga tumutunog na kaldero, kaserola, isama mo pa yung tunog ng iyak ng anak ni Ate Ara. Ako, ayaw kong makarinig ng batang umiiyak lalo na sa ganun age. Yung iyak ng bata that time halos di na makahinga sa kaiiyak tapos may kasamang ubo ubo. Nag ce-cellphobe ako nun sa terrace namin kaya narinig ko. Noong una, hindi ako nakikialam pero deep inside nun iniisip ko na yung bata. Kinakabahan na ako na hindi mapakakali. Paano ba naman pinag aagawan na yung bata. Rinig ko na yung sobrang iyak nung bata plus sigawan nilang dalawa. Kinausap ko yung isang pinsan ko pa nun na magsumbong sa mga Tito at tita namin para awatin na. Tapos kunin ko yung bata. Nagkakagulo na kami sa labas nun kasi yung bata nga. (Grabe! Till now habang tinatype ko to nanginginig ako na naiiyak)

      Wala si tita nun, mama ni kuya John. May pinuntahan. Si Tito naman ofw sa Saudi. Good thing that time, umuwi yung isang Tito namin na seaman. Sya ang umawat. Kinalapag nya ng kinalampag yung pinto ng apartment para bumukas. Kaso ayaw. Si Tito nun nakikisigaw na like "Kapag hindi mo binuksan to lagot ka sa akin. Yang anak mo umiiyak na." 

     Honestly, naiiyak na talaga ako nun. Naaalarma kami sa iyak nung bata at that time pati si Ate Aira umiiyak na. Hanggang sa nabuksan nga yung pinto. Tapos na sila mag away pero yung mag ina umiiyak pa din. Kinuha namin ng isa kong pinsan yung bata tapos pinainom ng tubig, pinakain, at pinatahan. 

"Ano ba pinag-awayan nyo ha? Nakakabulabog kayo. Yung bata halos mamatay na kakaiyak." Tanong ni Tito. 

      Yun pala naglalaba sa likod ng bahay si ate Ara, Inutusan nya daw si kuya John na bantayan si Dave,  yung bata. Kaso naglalaro ng mL si kuya. Edi ending nag away. Hanggang sa nakikipag sigawan pa si kuya kay Tito. Sabay sabi nun "BAKIT KO AALAGAAN YAN HINDI KO NAMAN ANAK YAN." 

Pagkarinig ko nun napaisip ako, kaya pala nya palaging pinapalo, kinukurot na kulang na lang mamatay na yung bata. KASI NGA HINDI NYA ANAK. 

    Fast forward, kinausap ng mga tita ko at tito si ate Ara habang andun kami nagbabantay sa bata. 

NV:

Tito: Iha wag kang tanga. Huwag kang martyr. Iwan mo yang pamangkin ko. Wala kang mapapala dyan. Bumalik ka na lang sa inyo. Tignan mo lumalabas na ugali nya.

Ate Ara: (umiiyak) kaya nga po. Hindi naman po sya ganyan dati. Sabi nya sakin tanggap nya anak ko. Hindi ko naman maiwan po kasi mahal ko. 

Tito: Sabi nya lang yun para makuha ka. Pero ang totoo walang pakialam sa bata yan. Ito advice ko sayo, tutal bago pa lang naman kayo bumalik ka muna sa inyo. Mag- isip ka. Isipin mo yung bata. Wag lang yung sarili mo. Wag puro puso. Lalo na may anak ka na. Nagkamali ka na noong una, wag mo na dagdagan.

     Marami pang advice si Tito nun. Like, Kapag naghanap ka ng lalaking mapapangasawa, pwede kang advance mag-isip. Hindi masamang maging advance mag isip lalo na kung para sa ikabubuti mo in the future. Hindi pagiging choosy ang tawag doon. Pagiging wais sa pagpili. Kapag pumili ka isipin mo yung kung may bisyo sya. Kung masama trato sa magulang mo, kung madamot sa pera at iba pa. 

Pwede maging advance mag-isip..

"Ay mabisyo to, sakit sa ulo lang sa akin at sa magiging anak ko."

"Ay batugan, mahihirapan lang ako." 

"Ay bastos sa magulang. Hindi tama"

     Hindi yung dahil mahal mo at mahal ka, tanggap mo na. Parang tanggap mo na, na okay lang magiging bastos sa mga magulang mo yung mapapangasawa mo. Okay lang maging batugan, mahal ka naman.

      In short, ang payo ni Tito pumili ka ng lalaki na hindi ka sasaktan. Isipin mo din pamilya mo. Masakit sa magulang na makita yung anak nilang sinasaktan ng asawa tapos wala silang magawa. Wala eh, mali yung napili ng anak nila. 

      Babae tayo, huwag lang puso mo yung isipin mo kapag nagmahal ka. Kapag hindi na tama, itigil na. 

    Ngayon, bumalik si ate Ara sa kanila. Iniwan nya si kuya John. Si kuya John naman hindi nya mapuntahan si ate Ara till now kasi malayo tapos lockdown pa.

     Last advice nun ni Tito Kay Ate Ara, "Humanap ka ng lalaki na hindi sasaktan yung anak mo. Anak mo isipin mo hindi ikaw. Hindi yung dahil mahal mo pamangkin ko, ayos lang sayo na sinasaktan yung bata kahit di naman nya anak kasi mahal ka naman.  

     Yung anak mo at sa magiging anak mo pa in the future, hindi makakapili ng tatay yan. Kaya kung yung napili mo, hindi kapili-pili, sakit sa ulo, barumbado, tamad, bastos, walang magagawa ang magiging anak mo. Kailangan tanggapin, eh sa ganun pinili ng ina eh. Ganun yung napili nyang buhay para sa mga magiging anak nya. 

     Kung gusto mo bigyan ng masayang pamilya, at matiwasay na isip yung mga anak mo, ikaw ang pumili ng matinong at responsableng ama para sa kanila. 




Carmela

2020

12-HUMSS

OTHERS