Thursday, August 6, 2015

Apology

I caught my girlfriend cheating on me with her blockmate. On that day I contact my Frat brothers to do the vengeance with me. The vengeance that the mutherfvcking guy deserves to receive! Inabangan namin yung lalake. Binugbog. Nilumpo. Don't worry, I am not that brutal, I did not kill him. We just set him free naked in a highway with an advice and that is to better shut his fvcking mouth or else. You might say I am an asshole, anak ng demonyo but the hell I care? Can you blame me? I'm hurt. My dignity and my ego was suddenly shattered because of that moth*rfucker a motherfvcking b*tch!

My girlfriend was begging for me to forgive and not to leave her. My mind was all set na hiwalayan na siya but I tried to give her the one and only chance and that is to face the consequences of what she did to me. I made a deal, she agreed, simple as that. She said, she can do anything, alrighty then.

The day after, pinapasok ko siya ng maaga. Tinalian ko ang leeg niya, inutusan ko siyang gumapang paakyat mula 1st flr hanggang 7flr ng Educ. Bldg. at hihilain ko yung tali sa leeg niya. Umoo naman siya. When we were on the 5th flr. I saw her tears falling from her eyes and her knees was starting to bleed, tumutumba tumba narin siya non but still, she was trying her best to pull herself up to continue walking. She did not make any noise. Pinupunasan niya lang yung luha niya at tuloy sa pag gapang. It hurts seeing her crying and in pain but she have to do that. Physical pain can has a cure but what she did to me, destroying my trust, my ego and my dignity? There is no chance to be healed again.

We are still together but I don't have the trust anymore resulted from what she did, few years ago.

......
200*
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

Had a one night stand with a celebrity

I was in Timog with my teammates as a celebration of our championship. I was so drunk and I can't even remember everything, except the one night stand between me and a celebrity and a bit of details on how we met. She was drunk that night, me as well. We flirted with each other, she gave me the sign so I took her out. Morning, I woke up with finally, clear-headed. I saw her sleeping and I secretly took a picture of her and still have it on my phone. I left ample amount of money on the table as the payment for the hotel room then I left.

Now, whenever I see her on TV, I automatically say, "Oh, I just had a one night stand with you!" Lol.

She is from ABS, her age is ranging from 19 to 25, I guess and she is indeed g*ddamn hot.

Stev
2011
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

A warning for everyone

I will never ever forget this day where I almost died from the hands of an assh*le taxi driver.

A normal and tiring day from school. I usually ride taxi tuwing pang gabi ang uwi ko. From FEU to Sta. Mesa sa condo na inuupahan ko. 9pm kasi ang dismissal ng class namin noon every Mondays and Thursdays. Wala namang traffic na kasi gabi na. Malapit lang din naman and it will only cost maximum na yung 170 pesos hanggang sta mesa. Mahirap nadin kasing maghanap ng FX na usually sinasakyan ko pauwi. Ayaw ko namang sumakay sa jeep though that is supposedly the best choice para makauwi agad. Pero mas pinili kong mag taxi palagi tuwing gabi kesa mag jeep natatakot kasi ako. Alam ko kasing ganung oras usually nambibiktima ang masasamang loob. Gate 2 tapat ng Sogo hotel sa recto ako nag hintay ng taxi. Wala pang 3 mins. naka para agad ako.

Habang nasa taxi ako nag e-fb fb pa ako with matching sounds so naka earphones ako. Dahil sa kaka fb ko, I am not aware kung san banda naba ako. Napansin ko nalang kasi parang ang tagal ng byahe. Pag tingin ko sa bintana parang ang layo layo ko na. Then tinanong ko yung driver kung nasan na kami ang sabi niya idinaan niya daw sa shortcut. Umangal na ako, "anong shortcut eh mas matagal pa tong byahe sa shortcut na sinasabi mo kesa sa normal na daan?" Then he answered me, "relax ka lang!"

Kinakabahan na ko. Hinahanap ko yung plate number sa gilid ng bintana pero burado at napaka labo. Hinahanap ko yung ID ng driver sa harapan pero walang naka lagay. Nung itetext ko na yung mama ko kasi talagang masama na kutob ko. Sobrang unfamiliar na nung place. Habang tumatagal kumokonti yung mga nakakasabay na kotse.Tangina naiiyak na ko nung point na yun. Sumisigaw na ko. IBABA MO NAKO MANONG PARANG AWA MO NA!! Pero yung driver tinitignan lang ako sa front mirror at di umiimik. Paulit ulit akong nag mamakaawa sa driver na pababain na ko. Tinry kong buksan yung pinto pero puta naka lock sa loob. Ayaw bumukas. Sobrang nag papanic na ko sa loob ng taxi kinakalampag ko na yung bintana para makakuha ng atensyon sa ibang mga sasakyan pero wala.

Naisip kong humingi na ng tulong. At nung itetext ko na yung mama ko bigla nalang may sumakay na dalawang lalake sa tabi ko. Parehong nasa edad 26-30. Pinagitnaan nila ako. Sinuntok ako nung isang lalake sa kanan ko ng tatlong beses sa mukha. Namanhid na yung pakiramdam ko sa unang dalawang suntok palang at nanlabo na ung paningin ko. At yung lalake sa kaliwa ko kinakalkal yung bag ko. Sinubukan kong pang manlaban pero sinuntok niya ulit ako sa mukha ng pang apat na beses at dun ako nawalan ng malay. Hindi ko na alam ang nangyare matapos nun. Nagising nalang ako na naka tigil na ang sasakyan. Wala na yung dalawang lalake pati gamit ko, cellphone at bag at ang tanging naaaninag ko ay yung driver na tinatanggal ang suot ko pang ibaba.
Nakahiga nalang ako noon. Wala na akong magawa. Para na akong lantang gulay. Nawawalan na ako ng pag asa na makakaalis pa ako sa sitwasyon ko. Sinubukan kong magdasal sa isip ko at humingi ako ng tulong sa Diyos dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nanghihina narin ako at hindi maigalaw ang katawan ko. Sabi ko "Lord, tulungan nyo po ako."

Hanggang sa bigla nalang akong nagkaroon ng lakas. Naidilat ko ang mga mata ko. Nakakita ako ng tyempo na manlaban ulit. Sinipa ko sa mukha yung driver at napa sandal siya sa pinto. Sinipa ko siya ng sinipa sa ulo at buti na lang naka sapatos pa ako habang binubuksan ko yung pinto gamit ang dalawang kamay ko. Sa puntong to, nabuksan ang pinto.

Gumapang ako palabas at kumaripas ng takbo. Tumakbo lang ako ng tumakbo nun kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na ang salawal ko pero nandoon parin ang palda ko na hinihila niya noon pero hindi niya matanggal. Iyak ako ng iyak! Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong dahil wala na akong makita ni isang tao sa lugar na yun dahil gabi na. Hanggang sa nakakita ako ng brgy hall. Tinatanong ako ng mga tanod kung anong nangyare sakin pero hindi ako makapag salita dahil sa takot. Gusto kong ikwento lahat pero walang lumalabas ni tunog sa bibig ko. Binigyan nila ako ng tubig at ng mahimasmasan ako saka ko lang nasabi ang lahat.

Binalikan namin ang pinangyarihan pero wala na doon ang taxi. Ni hindi ko nakuha ang plate number at pangalan ng driver. Wala ni isang paraan kung pano siya mahuhuli. Hiningan nalang ako ng mga pulis ng sketch ng itsura ng tatlong lalaki at hinatid nalang ako ng mga pulis pauwi sa bahay namin sa Cavite. At nasa Antipolo na pala ako noon.

Ilang linggo narin ang lumipas pero hanggang ngayon wala paring nahuhuli ni isa. Wala paring hustisya sa nangyari sakin. Hanggang ngayon binabangungot parin ako ng mga pangyayari. Araw araw dinadalaw parin ako ng mga multo nila sa isip ko. Pinatigil muna ako sa pag aaral dahil hindi ko pa kayang maging normal ulit. Nandoon parin yung trauma at yung takot sa dibdib ko kaya sumasailalim ako ngayon sa isang Psychological therapy. Despite ng nangyaring trahedya sa akin, nagpapasalamat parin ako sa Dyos dahil alam kong nung oras na tinawag ko ang pangalan niya, alam kong siya ang gumawa ng paraan para mailigtas ako. God is good, really good.

Nagawa kong ibahagi ang kwento ko kahit mahirap para sakin alalahanin ulit. Umiiyak ako habang tinatype ko ito. Gusto kong magsilbing gabay ang karanasan ko sa mga kapwa ko estudyante na mag ingat sa araw araw. Wala ng safe na lugar, safe na araw at safe na tao sa panahon ngayon kaya hawak mo ang sariling kaligtasan mo. Mag iingat kayo palagi.

Former blockmates, wag niyo na sana akong i-tag dito. Salamat.

Sha
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

Law

Verbatim

Girl: Sh*t! Umasa pa naman ako na perfect yung exam ko.

Guy: Umasa din naman ako ah.

Girl: Umasa san? Eh perfect ka na nga!

Guy: Umasa ako na magugustuhan mo 'ko.

Girl: Pag nataasan mo grade ko sa bar exam sasagutin kita. Sa ngayon, maging magkakumpitensya muna tayo!

Guy: Okay, Deal!

Last bar exam, nabalitaan kong pareho silang pumasa pero hindi nataasan ni guy si girl at akala ni guy wala na siyang pag asa. Sobrang lungkot niya ng makita ang results.

Pero nilapitan siya ni girl at sinabing Mahal kita! Congrats satin! And yes, sinagot parin siya nung girl. Sobrang saya ni guy that day at halos mamatay na siya sa kakaiyak. Tears of joy dahil hindi lang siya licensed lawyer kundi nakuha niya rin yung babaeng pinakamamahal niya. Balita ko they are planning na for their wedding next year. Ang sweet! Best wishes sa kanila. Hehehe
heart emoticon

PS: Ako si guy at si girlfriend si girl.
😁

Inlove Lawyers
201*
Institute of Law (IL)
FEU Manila

Ma' miss na miss na kita!

July 20 last year. Umaga nun. Ginising ako ni mama.

Siya: Nak alis na ko.
Ako: Ano ba yan! Sige!!!

Tapos natulog ako ulit.

Ni hindi ko man lang siya natignan.

Ilang oras ang nakalipas ginigising ako ng ate ko. Umiiyak siya.

Hindi na daw magising si mama.

Agad akong pumunta sa kwarto ni mama at nakita ko siyang naka higa, wala ng buhay. Iniwan na kami ni mama.

Kahit lalake ako buong araw akong umiyak ng umiyak sa harapan ng mga tao. Hindi ko matanggap. Tangina! Mawala na lahat wag lang mama ko.
😭
Mahal ko yun eh!
😭
Sana ako na nga lang yung kinuha. Puta! Ang sakit sakit parin!
😭
Namimiss ko yung mga araw na tinatawag niya ako para kumain. Namimiss ko yung mga luto niya. Yung mga araw na baby boy parin ang tawag niya sakin tapos ikikiss niya ko sa pisngi pero umaayaw ako.
😭
Namimiss ko yung mga araw na susunduin nya pa ko sa court. Nagagalit pa ko kay mama kapag ganun kasi inaasar ako ng mga tropa ko na mama's boy. Tangina kung pwede lang sana ibalik lahat.

Kung alam ko lang na mawawala yung babaeng pinakamamahal ko edi sana yung mga araw na inuutusan niya ko, sumusunod nalang ako. Mga araw na pinapagalitan niya ko edi sana di ko siya sinasagot. Akala ko kasi permanente ang mga bagay. Permanente ang mga taong nandyan lang sa tabi mo.
😭
Hindi ko inisip na mawawala siya. Mahal na mahal kita mama.
😭
Sana nasabi ko man lang sayo to bago ka nawala. Tang ina. Sorry ma kung nagkaroon ka ng gago at suwail na anak. Alam kong nung nabubuhay kapa puro pagpapaiyak nalang ang nagawa ko sayo. Puro pagpapasama ng loob mo at sakit sa ulo.
😭
Mama patawarin mo ko. Mahal na mahal kita mama at kahit ano at kahit sino kaya kong ipag palit para lang sayo.
😭

Miss na miss na kita ma.

Alam ko kung gaano mo ako ka mahal dahil nakapag paalam ka pa sakin bago ka kunin. Gago lang ako at kahit lingunin ka, hindi ko nagawa.

Sorry mama! I love you!
💔
😭

Baby boy mo.
2011
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila